Chereads / Her IGNORANCE / Chapter 19 - Chapter 19

Chapter 19 - Chapter 19

19

"Pag-ibig, 'pag pumasok sa puso nino man, lahat hahamakin masunod ka lamang."

Pagkabasa ko ng linyang iyon sa binabasa kong akda ni Balagtas na Florante at Laura ay napabalikwas ako mula sa pagkakatungo ko sa lamesa. Pinakatitigan ko ang linyang iyon at ilang ulit na binasa sa aking isipan.

"...lahat hahamakin masunod ka lamang. Tama! Kung tunay na mahal ko si Sir Rod, ipaglalaban ko siya. Gagawa ako ng paraan. Walang makakapigil sa akin... kahit si Nay Lordes pa iyan."

Kaagad akong gumawi sa banyo para maligo. Pagkatapos ay mabilis akong nagbihis at nag-ayos ng sarili. Walang mangyayari kung magmumukmok ako rito sa aming mumunting bahay.

Pihadong magagalit sa akin si Nay Lordes kapag nalaman niya ang gagawin kong ito. Pero talagang hahamakin ko ang lahat masunod lamang ang pag-ibig ko kay Sir Rod. Maaaring bata pa ako para maramdaman ang ganitong klaseng pag-ibig pero alam ko sa sarili ko na totoo ito, sigurado ako sa nararamdaman ko. Dahil naniniwala akong walang pinipiling edad ang pagmamahal. Magbata, magmatanda, kapag tinamaan ka, tinamaan ka.

Ginamit ko ang iniwang pera ni Nay Lordes sa cabinet pamasahe sa tricycle na sinakyan ko. Habang lulan ng tricycle ay sinikap kong bumuo ng plano kung paano ko tatagpuin si Sir Rod nang hindi nalalaman ni Nay Lordes. Kinakabahan ako pero determinado ako sa gagawin. Ito ang unang pagkakataon na susuwayin ko ang utos ng taong kumupkop at nag-aruga sa akin simula pagkabata.

"Salamat ho manong," ani ko pagkababa ng tricycle. Malatambol pa rin ang dagundong ng dibdib ko nang nasa harap na ako ng malaking tarangkahan ng mga Tuangco. Sumilip ako sa gate. Alam kong nasa loob si Sir dahil naroon at nakaparada ang kanyang kotse.

"Krisel?" Napatigil ako sa paghinga nang may pamilyar na boses akong narinig mula sa likod ko. Hapit na hapit ko ang paghinga nang lingunin ko ito.

"What are you doing out here? Ba't di ka pumasok?"

Lumunok ako. "Ahh... M-ma'am Mira..."

"Tara na, pasok tayo!" Wala na akong nagawa nang hilahin ako nito papasok ng tarangkahan. Todo yuko ako para hindi makita ni Nay Lordes.

Nang makapasok kami ng mansiyon ay iniwan din naman na kaagad ako ni Ma'am Mira sa sala. Akala yata nito ay normal na araw iyon kung kailan pupunta ako sa silid ni Sir Rod para magpa-tutor.

Nang mapag-isa ay sinugurado kong wala si Nay Lordes bago ako nagmamadaling umakyat ng hagdan. Halos tumakbo na nga ako sa pagmamadali kaya't habol-habol ko ang aking hininga nang makarating ako sa tapat ng kwarto ni Sir Roderick.

Bumuntong hininga ako. Humugot ako ng lakas ng loob bago ko marahang pinihit ang seradura ng pinto para tuluyang makapasok. Pagkapasok ay kaagad na dumapo ang tingin ko kay Sir Rod na nangangalumbaba sa kanyang study table. Magulo ang buhok nito at mukhang kagigising lang at hindi pa nag-aayos ng sarili. Ngunit hindi iyon naging kabawasan sa kagandahang lalaki niya.

Ilang minuto rin akong nakatayo roon, hindi niya nililingon. Hindi niya yata namalayan ang pagpasok ko. Bukod kasi sa napakarahan ng bawat galaw ko na halos wala nang tunog na maririnig ay parang wala siya sa kanyang sarili. Parang malalim ang iniisip niya habang nakatingin sa kawalan. Parang ako lang kanina sa aming barong-barong.

"S-sir..." Tumikhim ako na kaagad nagpaangat ng tingin niya sa akin. Mabilis siyang tumayo at lumapit sa gawi ko nang makita ako. Ang hitsura niya ay mukhang hindi makapaniwala. Hinaplos niya ang aking pisngi at tila manghang-mangha pa rin sa nakikita niya.

"Krisel..." Walang anu-ano'y niyakap niya ako. Mahigpit ang yakap niya. Hindi ko mapigil ang ngiting gumuguhit sa aking labi. Akala ko hindi ko na siya malalapitan ng ganito kalapit. Akala ko hindi ko na ulit mararamdaman ang bagay na tumutusok sa aking tagiliran. Akala ko hindi na ulit ito mangyayari. Niyakap ko rin siya pabalik. "You're here... Damn! You're here..." paulit-ulit na bulong niya.

"Oo naman po Sir. Nandito lang po ako at di ako mawawala." Kumalas siya sa yakap at seryosong tinagpo ang aking mga tingin.

"Akala ko hindi ka na muli pupunta rito. I waited for you for hours. Ni hindi pa ako nag-aagahan at naliligo dahil naiisip kong pinagbawalan ka na ni Yaya Lordes na pumunta rito. Akala ko--"

"Akala mo lang iyon Sir... Nandito po ako." Sa wakas ay ngumiti siya. Hinaplos niyang muli ang aking pisngi. Napakasuyo niyon sa puntong naipikit ko ang aking mga mata.

"Can I kiss you?" mahinang anas niya. Ngumiti ako saka marahang tumango. Pikit lang ang mga mata ko hanggang sa maramdaman ko ang labi ni Sir sa labi ko. Ipinulupot ko ang aking mga kamay sa batok niya. Ibang-iba ang halik niya sa mga halik na itinuro niya sa akin kahapon. Puno ng intensidad pero hindi masakit sa labi. Hindi marahan pero hindi mabilis. Ang tipo ng halik na hindi ako hinahayaang kapusin ng hininga. Ang tipo ng halik na hindi nakakapagod.

"That was the fourth type Krisel," bulong ni Sir Rod nang putulin nito ang halik.

"Ano pong tawag dun?" Ngumiti siya saka kinintalan muli ako ng halik sa labi.

"That was my kiss... Roderick's kiss."