Chereads / Her IGNORANCE / Chapter 9 - Chapter 9

Chapter 9 - Chapter 9

9

Tahimik ako hanggang sa umalis si Trina. Kung hindi pa tumunog ang cellphone nito ay hindi pa sana ito aalis. Nawili yata kakahaplos sa braso ni Sir Rod.

"Ba't ang tahimik mo?" tanong ni Sir, hindi yata nakaya na walang kausap. Kanina kasi ay halos walang preno sila ni Trina sa pagkukwentuhan.

"Ah... wala lang po." Marahan siyang tumango habang matiim na nakatingin sa akin. Tusukin ko kaya mata nito, grabe makapanghina, e!

Dumiretso kami ni Sir Roderick sa National Bookstore pagkatapos niya akong pakatitigan. Batid ko ang mga pares ng matang napapalingon sa kanya kanina pa kahit simpleng shirt at shorts lamang ang kanyang suot. Kahit ganoon kasi ay nag-uumapaw ang kagwapuhan niya at talaga namang sumisigaw ng karangyaan ang makinis at maputi niyang kutis.

"You need to learn some stuffs, aside from what's written on educational books." May kinuha siyang libro sa istante.

"Ways To Heaven?" basa ko sa title nun. Tiningan niya ako saka nginisian. "Be prepared Krisel, we'll find our way to heaven," bulong niya bago ako iniwan doon para bayaran sa counter ang librong hawak.

Hindi ko alam kung bakit hindi ako mapakali pagkatapos naming gumawi sa NB. Parang may kakaiba kasing mangyayari.

Hapon na nang makauwi kami ng mansiyon. Nag-aya pa kasi siyang kumain kaya natagalan kami. Wala na nga ang mga kaibigan ni Ma'am Mira sa mansiyon pagkarating namin.

"Since we don't have much time today for our session, basahin mo na lang muna ang part 1 nitong libro sa bahay niyo, alright? Then tomorrow, we'll have our discussion... and demonstration as well." Panay lamang ang tango ko kay Sir Rod habang binibigay nito ang librong binili niya. Kahit na nga ba wala naman akong kaide-ideya sa laman o kung tungkol saan ang libro.

Ways To Heaven

Part 1: Into The Eyes and Touches Like Fire

Pagkauwi namin ni 'Nay Lordes sa aming mumunting bahay ay ang libro kaagad ang inatupag ko. Nanlalaki ang mga mata ko habang binabasa ang unang bahagi ng aklat. Bakit may ganito? Tinuturo ba ito sa eskwelahan?

Ang lakas ng kabog ng dibdib ko nang matapos ko ang unang parte. Kinakabahan ako para sa kinabukasan. Sinabi niya bang gagawin namin bukas ang mga nakasulat sa Part 1 ng librong ito?

Tila may nagharing nerbyos at pagkasabik sa loob-loob ko. Ngunit sa dalawa mas lamang pa rin ang kaba. Kaya kinabukasan pagsikat ng haring araw ay halos ayoko nang bumangon mula sa pagkakahiga. Kung hindi nga lang ako pinilit ni 'Nay Lordes ay hindi ako sasama rito papuntang mansiyon.

"Anong inaarte-arte mo, Kriselda? Halika na at baka mahuli tayo," anito nang huminto ako sa gitna ng paglalakad namin papasok ng tarangkahan.

"Kayo na lang ho, 'nay. Uuwi na lang ho ako."

"Naku, hindi pwedeng bata ka! Ngayon pang wala si Señora Theressa riyan, baka kung anong magawa ko kay Señor Cristobal. Halika na at walang pipigil sa akin." Napangiwi ako sa tinuran niya. Kung hindi ko lang alam na hindi ko siya tunay na ina ay sasabihin kong sa kanya ako nagmana. Pareho kaming baliw sa mga amo namin, e.

"Come in," boses ni Sir Roderick pagkatapos ng isang katok ko sa pinto ng kanyang kwarto. Humugot muna ako ng malalim na hininga bago ko pinihit ang seradura ng pinto para makapasok.

"G-good morning po, Sir," bati kong hindi makatingin sa kanya ng diretso. Paano ba naman ay wala siyang damit pang-itaas. Nag-iinit tuloy ang mukha ko.

"Have a seat. Bihis lang ako."

Mabuti naman at naisipan niya iyan. Kakadistract, e. Habang abala siya sa harap ng kanyang closet ay tahimik naman akong naupo sa silyang nasa study table niya. At habang naghihintay sa kanya na matapos ay naalala ko na naman 'yung mga nabasa ko kagabi sa librong ibinigay niya.

Susmiyo! Halos mawalan na ako ng hininga hindi pa man kami nag-uumpisa.

"Ready?" Napalunok ako nang tumabi na siya sa akin. "Binasa mo ba ang libro?" Marahan akong tumango, hindi pa rin siya tinitingnan.

"Tell me about what you've read."

"Uh... ano... k-kasi Sir..."

Tinaasan niya ako ng kilay. "Yes, Krisel? Tell me about it."

"I-isinaad po roon k-kung paano raw makakapunta sa l-langit."

Kumibot ang labi ni Sir Rod. "Then?"

"'Y-yung part 1 ho, i-itinuro kung papaano m-makakaapekto ng isang tao sa p-pamamagitan ng titig at h-haplos." Nanginginig ang labi ko, 'yung paraan kasi ng paninitig niya ay saktong-sakto sa itinuro ng aklat. Sobrang naaapektuhan ako.

"I want you to know that I'm going to teach you some things not to take advantage of your innocence." Tumango-tango ako. "This will help you in dealing with guys. Now that you are growing into a fine woman, you badly need to learn things."

Naiintindihan ko ang intensiyon niya. Kaya kahit alam kong hindi magiging madali ang session na ito at ang mga susunod na sessions, gagawin ko lahat, kung naniniwala siyang ikabubuti ko naman.

"So, shall we start?"

"S-sige ho."

Pinatayo niya ako kaharap siya. "Now, let's do the first part. Into the eyes." Tinitigan niya ako mata sa mata. "You should know how to affect someone or at least get into someone through his eyes." Lumapit siya lalo sa akin saka lalong naging mataman ang kanyang paninitig.

Naiihi ako. Ang galing niya. Para bang nabasa niya lahat ng tips na nasa libro. Apektadong-apektado ako sa titig niya.

"Look at me right into my eyes, Krisel. Come on, affect me with your gaze."

Mariin akong lumunok. Saglit kong pinakalma ang naghuhuramentado kong puso. Dahan-dahan kong inangat ang aking tingin sa kanya saka sinalubong ang kanyang mga tingin.

"Right there, Krisel," nakangiting ani Sir Rod na tila nasisiyahan sa ginagawa ko. Ginanahan ako bigla. Hindi ko alam kung bakit inilapit ko lalo ang mukha ko sa kanya. Halos hindi na rin ako pumipikit, hindi ko pinapakawalan ang mga mata niya. Wala sa sarili kong kinagat ang aking labi.

"Shit," bulong ni Sir Rod saka nagkukumahog siyang tumakbo papasok ng banyo.

Anyare dun?

"Sir!" tawag ko rito. "Sir, mali po ba ang ginawa ko?" nanlulumo kong tanong.