10
"Okay, let's continue." Bumalik si Sir Roderick na tila walang nangyari. Medyo basa ang mukha nito kaya naisip kong naghilamos ito sa loob.
"Sir, mali po ba ang ginawa ko?" tanong ko dahil sa kunot nitong noo at salubong na kilay.
"Uh... no, you... did well, actually," anitong tila nahihirapan. "Just... don't bite your lips ever again, okay? Mata lang muna, Krisel, mata lang muna." Tumango-tango ako habang nilalantakan ang sandwich na dinala ng katulong habang nasa loob ng banyo si Sir Rod. Habang nginunguya ko ang pagkain ay pansin kong panaka-naka ang pagsulyap ni Sir sa aking labi. Tapos susundan iyon ng sunod-sunod niyang pag-iling. Weird ni Sir Rod ngayong araw, pansin ko lang.
"Ready for the next lesson?"
"Ready, Sir." Tumayo na ako ng diretso, handa sa kung ano mang ipapagawa niya. Gagalingan ko na ngayon.
"The first part of the book is not only about affecting people with your gazes, it does include also how your touches lit up the fire or the desire in one's body."
"Sir, nakakaintindi po ako ng english pero 'wag niyo naman pong sagarin. Tagalog-tagalog din po minsan, Sir."
Mahinang tumawa si Sir Rod sa sinabi ko. Lumapit ito sa akin saka dinampian ng magaang haplos ang aking kamay paakyat sa aking leeg.
"S-sir..." nangangatog kong usal. Nakikiliti ako. Animo'y may bolta-boltaheng kuryenteng dumadaan sa bawat hagod ng kamay niya.
"Krisel, dapat alam mo kung saan ka lang dapat hawakan. You have the rights to your body. So, I'll ask you, is this fine?" Napapikit ako nang masuyo niyang hinaplos ang leeg ko.
"U-uh... S-sir..." nahihirapan kong daing.
"Hmm?"
"A-ayos lang po," wika ko. Itinaas niya ang kamay niya patungo sa aking mukha.
"How about this one?"
"Hmmm... O-okay lang po, S-sir." Dinig ko ang mahinang tawa niya kasabay ng pagbaba ng kamay niya sa aking leeg, papunta sa aking kamay.
"Holding hands, ayos lang?" Iminulat ko ang mga mata ko at ang nakakapasong mga titig niya kaagad ang sumalubong sa akin.
"A-ayos lang din, S-sir," walang kurap na sagot ko. Kita ko ang bahagyang pag-angat ng labi niya. Binitawan niya ang kamay ko para hapitin naman ako sa baiwang. Inilapit niya ako sa kanya kaya sobrang magkadikit na ang mga katawan namin. Napalunok ako ng mariin nang maramdaman ko na naman sa ikalawang pagkakataon ang bagay na tumutusok sa ibaba.
"Tell me if it is not fine. Ikaw lang ang nakakaalam kung hanggang saan lang dapat ang kamay ng lalaking papayagan mong magkaroon ng access sa iyong katawan."
Hindi pa rin napuputol ang titigan namin. Mabuti na lang at hawak-hawak niya ako sa baiwang dahil kung hindi ay pihadong humandusay na ako sa sahig. Sobrang nanlalambot kasi ang mga tuhod ko. Hinahabol ko na rin ang hininga ko.
"Ano, Krisel, ayos lang ba ito?" Mas lalo niyang idiniin ang mga katawan namin sa isa't isa. Napaigtad pa ako nang dahil doon. Nag-uumapaw at halo-halo na ang emosyong nararamdaman ko.
"Krisel, say it."
"S-sir... A-ayos lang po," nanghihinang wika ko. Ngumisi siya kasabay ng pagbitaw niya sa akin. Inayos niya ang medyo nagusot niyang damit.
"Now it's your turn."
"Po?"
"Painitin mo ako sa pamamagitan ng iyong haplos."
Kinalma ko ang nagwawala kong mga lamang-loob. Gagayahin ko lang naman ang ginawa niya sa akin. Madali lang ito... sana. Hinanda ko ang aking sarili. Humugot ng malalim na hininga saka hinawakan ang pisngi niya.
"S-sir, ayos lang po ito?" tanong ko sa kanya. Mukhang sa akin hindi ayos, e. Ako 'yung gumagawa pero ako pa rin 'yung naaapektuhan. Nakakakiliti naman kasi ang mga mumunting buhok sa kanyang pisngi.
"Ayos na ayos, Krisel," ani sir, nakangisi pa. Binaba ko ang kamay ko sa kanyang leeg saka marahan iyong hinaplos.
"E ito po, Sir?"
"Very fine."
Ngayon iyong kamay niya naman ang pinuntirya ko. Nilapirot ko pa iyon ng bahagya. "Sir, ito?"
"Good."
Kainis naman. Panay lang ang ngiti niya sa akin. Parang hindi man lang siya naaapektuhan.
Hmm... alam ko na! Tingnan ko lang kung hindi pa siya maapektuhan sa gagawin ko. Binitawan ko ang kamay niya saka walang pasubali kong dinakma 'yung bagay na bumubukol sa kanyang pantalon, 'yung bagay na dalawang beses na akong tinusok.
"Ito Sir, ayos lang?"
Nanigas si Sir Rod sa kanyang kinatatayuan. Nanlaki rin ang kanyang mga mata habang nakatingin sa kamay kong nakadakma sa kanyang bukol.
"Ano, Sir?" naiinip kong tanong dahil hindi na ito umimik.
"Damn it, Krisel! Why did you do that?" tila nahimasmasang untag ni Sir Rod na talagang dumistansiya sa akin. Bakas pa rin ang gulat sa kanyang mukha.
"Yung alin po, Sir?" naguguluhang tanong ko.
"Yung paghawak sa..." Inginuso niya ang bumubukol niyang harap. Napakamot naman ako ng ulo.
"E sir, sabi niyo po kasi--"
"That was not okay, Krisel. 'Wag na 'wag mo nang gagawin ulit iyon. Lalong-lalo na sa ibang lalaki, naiintindihan mo ba?"
"O-opo," kinakabahang tango ko. Parang galit kasi siya. Saka pansin ko lang mas lumaki pa 'yung bukol sa kanyang pantalon.
"Alright, that's it for today. Read in advance the second part of the book. Bukas ulit. Makakalabas ka na." Hindi niya na ako tinatapunan ng tingin. Abala siya sa pag-aayos ng mga kalat sa study table niya.
Mukhang bagsak ang performance ko ngayon. Babawi na lang ako bukas.
"By the way, Krisel..." Napahinto ako sa akmang paglabas ng kwarto. "Baka bukas ng hapon na ang next session natin. I'll be busy tomorrow morning."
"P-pero Sir--" Hindi ko na nagawang tapusin pa ang sasabihin ko dahil pumasok na naman siya ng banyo. Ano bang meron doon at pabalik-balik siya?
Pero kasi... bukas ng hapon na rin 'yung birthday party ni Felix.