Chereads / Her IGNORANCE / Chapter 3 - Chapter 3

Chapter 3 - Chapter 3

3

Halos sumakit ang ulo ko sa mga itinuro ni Sir Rod kahapon. Ang dami palang bahagi ng reproductive organs ng tao. Sukdulan pa na inisa-isa niya ang mga functions niyon. Lalo tuloy akong naloka! Vagina saka penis lang yata naaalala ko sa rami niyon, e.

Ngayong araw ay PE naman daw kami para makapagpahinga ang utak kong bugbog-sarado kahapon. Pinagdala niya ako ng damit para raw sa gagawin namin.

"Kriselda, para saan iyang mga damit na dala-dala mo?" usisa ni 'Nay Lordes habang lulan kami ng tricycle patungo sa mansiyon ng mga Tuangco.

"Tinuturuan po kasi ako ni Sir Rod ng mga subjects sa school. Tapos ngayon, mag-PE po kami. Bait niya 'nay, 'no?"

Mas lalo tuloy akong humahanga sa kanya.

"Ay talagang mababait iyang mga Tuangco na 'yan. 'Wag ka lang rurupok-rupok at padadala sa kabaitan nila, ikaw din baka masaktan ka," tila may pinanghuhugutang ika ni 'Nay Lordes.

Napaisip tuloy ako. Bakit kaya tumandang dalaga si 'Nay Lordes? Wala ba siyang naging nobyo noong kabataan niya? Tatanungin ko na sana siya ng mga bagay na iyan ang kaso ay huminto na ang tricycle sa harap ng tarangkahan ng mga Tuangco.

Mamaya ko na lang siguro itatanong.

Bilin sa akin kahapon ni Sir Rod ay dumiretso lang ako sa kanyang silid pagkarating ko ng mansiyon. Kaya naman doon kaagad ang tungo ko pagkapasok na pagkapasok ko ng bahay.

Ilang ulit akong kumatok sa kanyang pintuan ngunit walang sumasagot. Siguro ko ay tulog pa si Sir. Pinihit ko ang seradura ng pinto para makumpirma ang hinala.

"I've been waiting for you for about an hour now." Muntikan akong mapalundag sa gulat nang bumungad ang seryosong mukha ni Sir Roderick.

A-akala ko ba tulog siya?

"Ah... medyo natagalan po kasi si 'Nay Lordes sa paggising," nakayukong katwiran ko.

Hindi na siya muling kumibo pa hanggang sa pumasok siya sa banyo ng kanyang silid. Dinig ko ang pagbukas-sarado ng pintuan niyon.

Naupo ako sa paanan ng kanyang kama habang hinihintay siya. Dinama ko ang lambot niyon. Ito pa nga lang nakaupo ako sa kama niya ay para na akong sinisilaban ng apoy, paano pa kaya kapag nahiga na ako rito katabi siya?

Napangiwi ako sa naisip. 'Wag kang assumera Krisel, hindi mangyayari iyon. Tandaan mong sobrang layo ng agwat niyo sa isa't isa, hindi lang sa estado sa buhay, maging sa edad. Ang kabaitan niya ay para lamang isang kuya sa nakababatang kapatid o baka nga naaawa lang siya sa akin.

"Ready for your PE?" Napatikwas ako nang marinig ang baritonong boses ni Sir Rod sa harap ko. Sa layo ng inilipad ng utak ko ay hindi ko namalayang nakalabas na pala siya ng banyo.

"O-opo, sir." Hindi ako makatingin ng diretso sa kanya. Paano ba naman ay wala siyang suot pang-itaas. Kitang-kita tuloy ang batak niyang katawan na bumubuhay sa hindi pamilyar na pakiramdam sa loob-loob ko.

"Let's go." Napatiunod na lang ako kay Sir Rod nang lumabas ito ng kwarto, bumaba kami sa unang palapag, dumiretso sa pool area nito.

"Today, you'll have your swimming lesson," cool na aniya. Napapalingon pa sa kanya ang ilang kasambahay dahil sa katawan niyang nakabalandara.

Humugot ako ng malalim na hininga bago ko pinasadahan ng tingin ang may kalalimang swimming pool. Mukhang mas gugustuhin ko pa yatang manatili na lang sa kwarto ni Sir Rod kahit na sumakit ulit ang ulo ko.

"Come here."

Lumapit ako sa kanya habang ang kanyang mga mata ay sinusuri ako.

"Iyan na ba ang pang-swimming mo?" tukoy niya sa t-shirt at shorts na suot ko. Nahihiya akong napakamot ng batok. Ang totoo niyan ay naka-one piece naman ako. Noong sinabi niya kasi sa akin na magdala ng damit ay may hinala na akong baka mag-swimming kami.

"Anyway, let's go." Bumaba na siya sa pool at umabot hanggang sa dibdib niya ang tubig. Lalo tuloy akong napalunok. Ipagpapasa-Diyos ko na lang kung saka-sakali mang malunod ako.

"Saglit lang ho, sir." Walang ano-ano ay hinubad ko ang t-shirt at shorts na suot. Halos manlamig ako nang dumampi ang hangin sa parte ng katawan kong hindi nababalutan ng kakarampot na telang natira.

Kaagad akong lumusong sa tubig. Doon lamang sa may hagdan pumwesto dahil hindi ko abot ang pinakasahig ng pool.

Nang lingunin ko si Sir Rod ay nakatulala lang itong nakatitig sa akin. Hindi gumagalaw na nakatayo sa pinakagitna ng palanguyan.

"Sir!" tawag ko rito.

Tila nahimasmasan itong umiling-iling. Lumangoy ito palapit sa akin. Hindi ko masyado nasundan ang paglangoy niya kaya naman napatili ako nang bumungad siya sa harap ko.

"Sir!" hinampas ko siya sa dibdib dahil sa sobrang gulat. Tawa lang naman ang isinukli niya roon.

"Tara na."

"E sir hindi po ako marunong lumangoy."

"I'll guide you." Napaigtad ako nang hawakan niya ako sa baiwang. Ilang laway at tubig sa swimming pool ang nalunok ko dahil sa kamay niyang nakapirmi sa aking katawan.

Animo'y yakap-yakap niya ako kung titingnan. Sobrang lapit niya sa akin. Damang-dama ko ang katawan niya. Pinamulahan ako ng may maramdaman ako sa gawing ibaba.

"Sir..."

"Hmm?"

"Usog ka po ng kaonti. May nararamdaman po ako."

"Ha?" nangunot ang kanyang noo. Lumapit ako sa kanyang tainga saka bumulong.

"May tumutusok ho sir." Nanlaki ang mga mata niya at kaagad na dumistansiya sa akin. Sa ginawa niyang iyon ay nataranta at pumulukpulok ako sa tubig.

"S-sir... tu... tulong!" nag-aagaw buhay na paghingi ko ng saklolo.

Taragis 'yan! Ano ba kasi 'yung tumutusok na iyon?!