Axel Valerie De Guzman ~
Isang malakas na sampal ang ibinigay ko sa lalaking kumuha ng una kong – never to be mention! Bwisit, hindi ko naman kasi alam na ganito pala ang uri ng eskwelahan na pinaglipatan sa akin ng mga magulang ko! Dapat pala, bago ako lumipat eh, nag – background check muna ko!
Tumayo ako mula sa pagkakaupo at nagpagpag ng suot kong pants! Doon ko lang din napansing may mga tao ng nakatingin sa amin at mukhang kanina pa nagmamasid!? Shit, nakakahiya!
Tumalikod na ako at nagsimulang tumakbo pero –
" Wait! "
Mabilis akong napalingon sa gilid ko ng makita ang isang lalaking hinahabol ako, ngunit hindi sa kanya napunta ang atensyon ko kundi sa paraan ng paghabol nya sa akin, he's floating – I mean, flying! Hindi, lumulutang nga sya! What the hell!
" Ahhh, wag kang lalapit! Don't you dare!? "
Sigaw ko at tumigil sa paglalakad, nagpalinga – linga ako sa iba't – ibang direksyon upang humingi ng tulong ngunit ang tanging nandoon lamang ay ang mga taong kanina pa sa akin nakatingin.
Napaatras ako sa nilalang na ito ng makita ko ang paggalaw ng mga paa nya papunta sa direksyon ko, ngunit agad din akong napatigil sa pag – atras ng makaramdaman ako ng isang mabuhok na bagay sa likuran ko! Dahan – dahan akong napalingon dito at –
Black out.
Ana Villegas ~
Mabilis kaming napatakbo ng mga kaibigan ko ng makita naming nawalan ng malay ang lalaking hinalikan ni Ax, buti na lang at nasalo ito Ace!
" Kasalanan nyo to eh! "
Naiiritang pahayag ni Ally, may point naman kasi sya! Kung hindi sana sinundan ng dalawang ito ang lalaking – wait!
" Wait! Ax! "
Sigaw ko sa taong kanina pa nakayuko at nakaluhod sa lupa, mukhang na – frustrate sa ginawa sa kanya ng taong ito! Bakit naman nya kasi naisip – never mind – gawin ang bagay na yun! Nahihibang na ba sya?
Lumingon ito sa gawi namin at mabilis na nawala sa isang iglap, what the –
" What happened to him!? "
Napahampas na lang ako sa noo ko dahil sa inis, ano bang nangyayari!?
" Dadalhin ko lang sya sa infirmary! "
Mabilis nya itong kinuha sa mga bisig ni Ace at binuhat, ngunit agad din syang pinigilan ni Ally sa balak nya.
" Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo? He's just a normal human! Nothing more or – "
" He's special! Just shut up! "
" Normal nga lang sya, okay – "
" Let him be! I feel something about that man a while ago! "
Napatingin kaming lahat kay Alai, minsan lang kasi syang magsalita! And yes, even though she is a dream manipulator, she's a seer or a fortune teller that only us knows!
Tumango na lang kaming mga nandoon at mabilis na tumakbo papuntang infirmary, habang tumatakbo kami papasok sa Split Halfway ay hindi ko maiwasang hindi mapaisip! Is this guy a tamer? But that can't be? Tamers are women's who born with the God's Gift! And he's a man, but –
" Don't think too much, believe on what our leader do! He knows what he's doing! "
Tumango na lang ako sa sinabi ni Ace, he knows him very much! And we believe on him!
Allyson Marissa Anderson ~
Kanina pa ako naiirita sa mga nakikita ko! Paano ba naman? Kung makatingin tong mga etchusera kong kaklase sa dala – dala ni Ax eh, para nang papatay! Mga inggitera!
" Wait! Sino sya? "
Napatigil kaming sampu sa pagtakbo ng bigla na lang kaming harangin ng grupo ni Lyra – the Special Section's Class President! Shit, ano ba yan!? Kung kailan kami nagmamadali eh.
" Leave us our way! "
Mariing pahayag ni Ax dito, mukhang masama ito! The presidents of the Special Section and the Star Section might clash! Sh*t!
" At bakit? Sa tingin mo ba hahayaan ko na lang na magpasok ka sa loob ng Astravision University ng ordinaryong tao? Hindi! Kung gusto mo, ibalik mo na sya sa Erah Helios University kung saan sya nababagay at hindi – "
" Blue Fire! "
Napayuko ang lahat, kasama na si Lyra ng bigla na lang maglabas ng isang higanteng asul na apoy sa mga mata si Ax, dahilan para makadaan sya at maialis ang lalaking iyon dito!
" Habulin sila – "
" Nandito pa kami! "
Halos lumuwa ang mga mata naming nandito ng bigla na lang magsalita si Alai, no – wag mong sabihing ngayon pa sya mangingialam! Sh*t!
Alexander Vallejo ~
Freak! Mabilis na nagbago ang lahat ng nasa loob ng Split Halfway dahil sa dream dimension na binuo ni Alai, kahit kaming mga kasamahan nya ay napunta sa loob! Bwisit!
" Remember this! Hindi kayo makakatakas sa ginagawa nyong to! "
Nanggigigil na saad ni Lyra sa akin! Aba, anong gusto nyang palabasin, ako ang may kasalanan! Eh, g*go pala to eh!
" Eh, anong gusto mong mangyari? "
Nakataas kilay kong sabi sa kanya.
" Don't start the fight with me Alex, alam mong hindi mo ko matatalo sa taglay mong kakayahan at kapangyarihan! "
Mabilis akong naglabas ng Water Sword sa kamay ko at umamba sa kanya –
" What the hell is going on here!? "
Bumalik sa dati ang lahat, kasabay noon ang pagbagsak ni Alai sa sahig na wala nang malay, mabuti na lang at agad itong dinaluhan ng kanyang familiar na si Alfonse! Ms. Olivia is here, patay!
Ax Villareal ~
Mabilis kaming nakarating ng tamer ko sa infirmary, doon ko rin naabutan si Ms. Agatha na naghahanda para sa klase nya!
" Ms. Agatha! Can you help me with him!? "
Hinihingal kong tanong, bwisit kasi yung Lyra na yun eh! Kung hindi ko pa ginamit yung bago kong kabisadong technique, hindi pa aalis! Tsk!
Mabilis naman akong tinulungan ni Ms. Agatha na ihiga sya sa infirmary bed at doon tiningnan ang kalagayan nya, ilang saglit pa nga, at may itinurok lang sa kanyang kung ano dahilan para manumbalik ang malay nya, ngunit, dahil sa epekto nito – nakatulog sya!
" Tell me, sino sya? "
Tanong nito sa akin matapos ayusin ang kanyang mga kagamitan.
" My tamer – "
" What? "
" My tamer – "
" Again!? You're joking, Ax! Maybe he's a new familiar kaya ikaw ang may dala sa kanya papunta dito! Well, that's a good – WHAT. THE. HELL!? "
Muli kong ibinaba ang shirt ko matapos ko sa kanyang ipakita ang marka na katulad ng marka sa dibdib ng tamer ko.
" How could've this happen? "
Hindi makapaniwalang tanong nya, ganun din naman ako! I have many questions to answer, but for now, I am contented that I am with my tamer now!
Underworld Society
Bianca ~
O my gosh! The tamers are now complete, pero parang hindi naman! Kasi, lalaki yung huli eh! Wala naman kayang lalaking tamer, and how gross, kaya! Eww!
Hindi ko muna to sasabihin kahit kanino, I need evidences first! Hindi ako pwedeng magpadalos – dalos, lalo na at malapit ng makumpleto ang hinihintay naming pagbubukas ng lagusan! Hahaha!
Mabilis akong nag – teleport sa tinitirhan ko at doon nag – formulate ng potion kung saan pwede kong makontrol ang isa sa kanila, I need a spy to control to!
End of Chapter 2