Chereads / Special Section / Chapter 7 - Chapter 6

Chapter 7 - Chapter 6

Chapter 6

Axel Valerie De Guzman ~

Nandito ako ngayon sa loob ng kwarto ni Ax matapos nya akong pagbantaan, pinapipili nya kasi ako ng damit na isusuot ko dahil lalabas kami upang mamili ng mga bago kong damit kapalit ng mga sinunog nyang damit sa kwarto ko, kasama rin syempre ang grupo nya o ang A Squad. Ngayon ko nga lang na – gets kung bakit A Squad, dahil lang naman po sa mga initials ng pangalan nila! So baduy! So, ayun na nga, nag – sorry din ako doon sa lalaking nakilala ko kanina dahil sa biglaan kong pag – alis! That is one of Ax's ability of being a phoenix – he can teleport any things around his vicinity – even a person! Nakipagkilala na rin ako sa kanya kanina – he's name is Aries – Aries Dale Park – familiar of Jona Buenaventura, a Cloner!

Hmm, ano ba yan? Bakit naman kasi lahat ng damit na nilabas ng kupal na yun eh, pang malamigang panahon! Like what, ang init kaya ng panahon ngayon! Tsk, para naman akong babae sa ginagawa nya eh!

Napabuntong – hininga na lang ako sa frustration ko at kinuha ang isang semi see through na long sleeve at semi fit na black na maong shorts, then black sneakers! After kong magbihis ay lumabas na rin ako, masyado kong nasa – suffocate sa loob ng kwarto ng ibon na yon! Too creepy ang datingan!

" Akala namin, hindi ka na lalabas! "

Bungad sa akin ng babaeng naka – pony tail ang buhok, kasunod yung kaninang babaeng napakahigpit ng pagkakatali ng buhok! Maalala ko, hindi pa nga pala kami nagpapakilala sa isa't - isa!

" Hehehe! Pasensya na.. "

Napakamot na lang din ako sa batok ko sa hiya.

" Let's go, saka na lang kayo magpakilala sa isa't – isa once na makarating na tayo sa plaza! Let's eat there' first! "

Sabad naman ni Ax ng makabalik galing sa labas upang ihanda yung sasakyang gagamitin, kanina ko nga lang din nalamang hindi pala pwedeng gamitin ang kahit na anong ability sa labas ng klase kahit na nasa loob ka pa ng vicinity ng university! Though, hindi naman nakikita ng ordinaryong tao ang mga ginagawa namin dahil sa illusion na napo – provide ng user, delikado pa rin lalo na at pwede kaming makasakit once na hindi namin ito na – control!

Tumango na lang kaming lahat at dumiretso sa labas ng dormitory building. Naalala ko na naman tuloy yung nangyari kahapon bago kami pumunta dito!

Flashback ~

Matapos dumating ang mga kasamahan namin na tumulong sa aming gamutin si Ax ay pinadiretso kaming lahat sa loob ng campus gym, doon daw kasi kami muna tatanungin ng mga faculty bago ipatawag ng Headmaster!

At dahil baguhan pa lang ako, ako ang pinaka kinakabahan sa amin! Though, nandyan naman si Ax para alalayan ako – iba pa rin kapag nasa sitwasyon ka na!

Pagdating namin doon, naabutan namin lahat ang higit sa sampung faculty members na nakaupo sa designated seats nila at sa harapan nito ang upuan naming sampu! Wala na rin naman kasing mga estudyante dito bukod sa amin dahil nga pinaalis silang lahat at pinatuloy muna sa kani – kanilang mga dormitoryo!

Hindi pa kami nakakaupong lahat ng magsimulang magtanong ang isa sa kanila na nagngangalang Louise Mariano! Madali lang naman silang makilalang lahat dahil sa bawat harapan ng inuupuan nila ay may mga nakalagay na faculty name.

" May nakakaalam ba sa inyo kung kanino galing ang kakaibang liwanag kanina?! "

Tanong nya sa mababang tono, ngunit halata dito ang pagkairita lalo na nang mapatingin sya sa gawi ko.

" Ikaw! Anong pangalan mo? "

" A – axel Va – valerie De – de Guzman po! "

Mabilis kong pagsagot dito.

" May alam ka ba tungkol sa mga bagay na nasaksihan mo kani – kanina lang? Or, baka naman may nalalaman ka tungkol sa bagay na yon? "

Nanlaki naman ang mga mata ko sa tanong nya, what to do? Eh, ni isa nga sa mga bagay – bagay dito sa lugar na to eh, wala akong alam! Doon pa kaya!

" Tinatanong kita? Just answer – "

" He's my tamer Ms. Louise, and you know that all familiar are sensitive in protecting their tamers! You know what I mean! "

Matalim na putol naman ni Ax sa kanya, kahit hindi ito nakatingin sa gawi ng guro ay halata dito ang mapagbantang tono! Ano ba namang kabastusan ng lalaking ito?

" How dare – "

" As the Star Section Second Adviser, I, Mr. Franco Letavez, will never forgive anyone who dare to touch any of my child neither talk to them in a bad way nor kill them! It is my duty to protect the future protector of the rulers of the world! And my duty as their standing guardian! Right, Ms. Louise? "

Masama ang pakiramdam ko sa bagay na ito, mukhang dito pa mag – aaway ang mga faculty members ah!

" Fine, but tell them to respect any of us here! I am telling you Franco, your position here is not enough to protect them in your ways! "

Mabilis itong lumakad paalis ganoon din ang iba kaya't naputol din ang tanungang dapat ay mangyayari!

End ~

" Hoy! Kanina ka pa namin tinatawag, natulala ka na dyan! "

Napabalik ako sa kasalukuyan dahil sa tawag ng isa sa mga familiar na kasama namin na naglalabas ng kuryente sa katawan!

" Ah, ito na! "

Lyra Cassandra Martinez ~

Mga bwisit na yun, anong akala nila? Ganoon na lang nila ako pwedeng ipahiya sa harap ng mga tamers at familiars? No way, humanda sila ngayon!

Mabilis kong ginamit ang telepathy power na nakuha ko kanina sa isang taga labas habang papunta ako sa cr ng building ng dormitory, si Georgia! She's my best friend since when we were young! Kapitbahay lang din naman kasi namin sila kaya't sya lang talaga ang pwede kong maging kaibigan, lalo na at pareho kaming weird sa paningin ng iba!

" Gia, ihanda mo ang buong Special Section kasama ang mga familiar nila! Pupunta tayong plaza ngayon! "

Hindi ko na hinintay pa ang dapat na sasabihin nya, alam ko namang hindi sya magtatanong ng kung ano – ano tungkol sa mga nagiging desisyon ko! She trusts me very much like I did to her! We trust each other! Very much, and no one can ever break that closeness between us!

Bryan Mendoza ~

Mabilis akong napatayo mula sa pagkakahiga ko dito sa loob ng kwartong tinutuluyan ko dahil sa bigla na lang sumama ang pakiramdam ko and it is telling me to go to the plaza, being a sphinx is not a good thing, we have the ability to sense danger.

Nagmadali akong lumabas upang sabihin sa lahat ang masamang balitang ito, naabutan ko silang lahat na nagtitipon – tipon sa gitna ng Split Halfway, anong meron?

Pagdating doon, lumapit kaagad ako kay Hiro – he's one of my buddy!

" Anong meron? "

Tanong ko sa kanya.

" Nag – aayang pumunta sa plaza si Lyra! Mukhang balak gumanti sa bagong salta, doon kasi sila pumunta ngayon! "

No, kailangan kong pigilan sila! Pero, kailangan rin naming tulungan sina Ax! They are like brothers to me, hindi ko hahayaang may mangyaring masama sa kanila!

I transform myself into my original form, I need to go there as fast as I can!

" Anong ginagawa mo? "

Nagtatakang tanong nya sa akin, napunta na rin sa akin ang atensyon ng mga katulad kong naroroon! Huminga muna ako ng malalim.

" Masama ang pakiramdam ko sa loob ng plaza, parang may kung anong masamang mangyayari doon ngayon! And I need to help Ax's group, kung wala kayong balak tumulong then I will help! "

Hindi ko na sila hinintay pang sumagot at mabilis na pumunta sa kakahuyan! Pero hindi pa ako nakakalayo ng makita ko ang iba, na nagsisisunuran sa akin!

" Anong ginagawa nyo? "

Nagtataka kong tanong sa kanila habang patuloy na tumatakbo sa kakahuyan upang mapabilis ang aking pagtakbo upang makarating kaagad sa plaza, sa gitna ng Bayan ng Ikavera, sa ibabang bahagi ng unibersidad!

" Were like brothers, sasama kami! "

Pero muli akong napatingin sa gawing kaliwa ko, nakasunod rin ang mga tamers namin!

" Eh kayo – "

" Kahit naman masama ang loob ko sa dayuhang iyon, mahalaga pa rin ang isa sa bawat sa atin dito! At bilang presidente ng Special Section, I declare reinforcement to – "

Boom ~

End of Chapter 6