Chapter 11
Axel Valerie De Guzman ~
Mabilis akong bumangon mula sa pagkakahiga ko dito sa loob ng aking kwarto dahil sa isang masamang panaginip! Everything seems so real! Parang nandoon talaga ako habang nangyayari ang mga bagay na iyon! Ang kaso, bakit hindi ko makita ng malinaw ang lahat ng nangyayari? Maging ang mukha ng mga nandoon? Pati na ang mga boses nila, hindi ko marinig ng maayos?
Napatingin ako sa alarm clock ko, 9 pm. Anong oras nga ba ako nakatulog? Tsk, makababa na nga muna at magtitimpla ako ng gatas upang muli akong dalawin ng antok! Maaga pa ang pasok ko bukas at hindi ako pwedeng ma – late dahil sa terror naming professor.
Dahan – dahan ako sa pagbaba dahil bigla na namang nanlabo ang paningin ko, these days, palagi na lang itong nangyayari sa akin! Yung tipong, wala naman akong nararamdaman sa katawan pero bigla – bigla akong nahihilo o kaya nahihimatay, o kaya katulad nito, lumalabo ang paningin ko! Nagpa – check – up na rin ako para makasigurong wala akong malalang sakit! Pero, iyon nga, I am perfectly fine!
Nang makarating ako sa kusina, una kong inasikaso ang pagtitimpla ng gatas! Dahil nakaramdam din ako ng pagkagutom, gumawa lang ako ng isang simpleng sandwich at pagkatapos ay inakyat itong lahat sa loob ng aking kwarto!
Kung magtatanong kayo kung' bakit napakatahimik dito sa loob ng bahay, isa lang ang sagot dyan! I live by myself! Wala dito ang mga magulang ko para alagaan ako, nasa ibang bansa sila upang asikasuhin ang aming kompanya! Wala rin naman akong mga kapatid dahil only child lang ako!
" Riley, bumaba ka nga dyan! Alam mo bang pwede kang makagawa ng ingay pag nalaglag ka dyan? "
Halos lumuwa ang mga mata ko sa narinig ko, napatigil din ako sa paglalakad dahil dito! Wag mong sabihing napasok ako ng magnanakaw! Shit! Kung kailan naman naiwan ko ang cellphone ko sa loob!
" Papi! Ihh, pasok ka na! Nandito na po kami ni Kuya Avin! "
Ano yun!? Guni – guni ko lang ba yun? Shet na malagkit! May magnanakaw na nga, minumulto pa ako!
" Papi! Bilis na! "
Lalo akong kinilabutan dahil dito! Ano ba naman yan? Mariin akong pumikit at umiling ng paulit – ulit upang mawala sa isip ko ang boses na iyon! Ang kailangan kong isipin ngayon ay kung paano ako makakahingi ng tulong ng hindi nila nalalamang nandito ako sa loob ng bahay!
0_0
Napalaki ang mga mata ko sa biglang sumagi sa isip ko, hindi kaya hindi lang sila na nasa kwarto ko ang nanloob sa akin? Baka naman meron na ring nasa ibaba o baka naman nasa ibang kwarto na at naghahalungkat doon –
" Mukha yatang pati utak mo na – alog din, we just go back to the time kung saan hindi ka pa lumilipat ng eskwelahan! Yung mga panahong wala ka pang alam tungkol sa ibang daigdig! Yung panahong – "
" Ahhh – hmmph! "
Halos hindi ako makahinga ngayon dahil sa higpit ng pagkakatakip ng kamay ng lalaki sa aking bibig, na kahit anong uri ng panlalaban ko ay hindi ito matinag o mapa – aray man lang sa lakas ng ginagawa kong paghampas dito!
" Kuya Avin! Ano ba ang ginagawa mo kay Papi? Papatayin mo ba sya? He's our parent! "
Napalingon ako sa direksyon ng batang sumisigaw na iyon, ganoon na lamang ang pangingilabot ko ng makita itong may pakpak na itim sa likuran, at muli akong napatingin dito sa lalaking tumatakip sa bibig ko, ngayon ko lang din napansin na meron din pala itong mga pakpak, ngunit ang ipinagkaiba lamang ng mga ito – ang sa bata ay kulay itim at ang sa kanya naman ay kulay puti!
" We can find a new – ouch! "
" No! I like him as my Papi and you must! Kaya bitawan mo na sya! "
Napatayo talaga ako ng tuwid dahil sa isang masong lumabas sa kamay ng bata at walang pasintabing inihampas ito sa lalaki dahilan para mapayuko ito. Gaano ba kagaan ang bagay na iyon at parang laruan lang kung buhatin nito iyon gamit ang kaliwa nitong kamay?
" But – "
" No, bitawan mo na sya! "
Dahan – dahan kong naramdaman ang pagkakatanggal ng kapit nito sa akin, doon lang din ako nakakuha ng hangin! Habol hininga pa nga ako at napaupo pa dahil sa panghihina ng mga tuhod ko! Nang makabawi ako ng lakas, nag – isip ako ng paraan upang makatakas sa mga ito –
" Wag mo ng pag – aksayahan Papi, dahil kahit naman magtago ka sa amin ay makikita ka namin! Tsaka, bakit ka nga pala natatakot sa amin eh, hindi ka naman namin sasaktan! Unless, kung simula na ng training natin! "
Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip ng batang ito pero magkaganon man, pakiramdam ko ay totoo ang sinasabi nitong hindi nila ako sasaktan pero –
" I will never believe in you! Alam kong mga magnanakaw kayo at gusto nyo lang akong utuin para makuha ang lahat ng pag – aari namin! Pwes, kung gusto nyo, sa inyo na! Basta't hayaan nyo akong – "
" Darkness of Truth! "
Biglang umikot ang lahat sa paligid ko kasabay noon ang paglabas ng mga ala – alang kanina ko lang napanaginipan na ngayon ay akin ng malinaw na napapanood.
Napatigil ako sa pagsasalita lalo na ng bigla na lang dumilim ang buong paligid, though, opo, madilim talaga dito! Pero mas naging dark ngayon ang lahat, ni ang mga kaninang kaharap ko ay hindi ko na maaninag pa!
Bigla akong napatigil sa pag – iisip at napahinto sa paglalakad dito sa loob ng hallway, hindi ko alam pero, may nararamdaman akong kakaiba sa paligid! Pumikit akong muli upang huminga ng mas malalim, sa tingin ko, stress lang tong pagiging paranoid ko!
" Mukhang masarap ka! "
Mabilis akong napadilat ng marinig ang boses na iyon at makaramdam ng mainit na hangin na bumubuga sa leeg ko. Ganon na lang ang gulat ko ng bumungad sa akin isang lalaki na may kakaibang kulay ng mga mata, ang tingkad ng pagkaputi ng kanyang balat na sa tingin ko ay namumutla na, ang laki at ganda ng katawan nya na halatang batak sa gym at higit sa lahat ang mga kamay nitong ngayon ko lang napansing nakakapit na sa bewang ko habang ang mukha naman nito ay nakatapat sa leeg ko na animo ay isang bampirang handa ng sumipsip ng dugo dahil ako ang nabiktima nya!
" Ah – anong gi – ginagawa mo? "
Naiilang kong tanong sa kanya dahil sa pwesto namin, ngunit hindi ito sumagot. Bagkus, bigla itong ngumiti na syang ikinatayo ng mga balahibo ko kasabay ng paglaki ng mga mata ko dahil sa bigla itong naglabas ng mahahabang mga pangil at –
" Ahhhhh! "
Napasigaw na lang ako ng bigla nitong kagatin ang leeg ko, ramdam ko ang hapdi at sakit dulot ng pagkagat nya! Napaiyak na lang din ako dahil sa nangyayari! Sana panaginip lang ito!
" Ahhh! Tang – ina! Tang – ina! Nasusunog ako! Anong – anong nangyayari? Fuck!! "
Napadilat ako dahil sa biglaan nyang pagsigaw, kita ang hirap sa mga mata nya. Lalapit na sana ako sa kanya kaso bigla syang sumuka ng dugo, ganoon na lang ang lakas ng sigaw ko ng unti – unting maagnas ang balat nya! Ah – anong nangyayari!?
" You killed him! "
Kasabay ng unti – unti nitong paglalaho ang pananakit ng aking ulo, para itong binabasag at paulit – ulit na binibiyak! Hindi ko na alam ang gagawin ko!
All I just want to do is to make this thing stop from making my head hurts.
End of Chapter 11