Chereads / Special Section / Chapter 18 - Chapter 16

Chapter 18 - Chapter 16

Chapter 16

Ax Villareal ~

Mabilis akong tumalon papaitaas ng makabawi mula sa pagkakatilapon, that ogre will pay for that!

" Tabi! "

Nilabas ko kaagad ang isa sa mga equipment ko at ipinansalag sa pag – atake ng isang babaeng may espadang hawak at may pakpak sa likuran, meron din itong suot na pangdigmang balabal!

Sa likuran ko naman ay si Myrko, ang tamer ni Margaux!

" Thanks by the way for the warning! "

Pasasalamat ko dito ng muli kaming magkalapit galing sa pakikipaglaban sa mga nilalang na ito, but f*ck as f*ck! Kahit ano yatang taktika ang gamitin namin sa mga ito ay wala kaming magagawa upang labanan ito!

" Cloning to its max ability! Activate! "

Nagulat na lang kaming nandito sa gitna ng field ng bigla na lang nabiyak ang lupa at mula roon lumabas ang mga extinct ng Forest Dragon, akala namin noong una ay magiging kalaban rin namin ang mga ito ngunit nagkamali kami, dahil si Jona pala na isa sa mga tamer ang may gawa nito!

" That's perfect for the situation! "

Hindi ko na magawa pang lingunin si Ace ng sabihin nya iyon, masyado ring marami ang kalaban namin ngayon! Nakakapagtaka lang kung paano silang nakapasok sa bahaging ito ng dimension, sa pagkakaalam ko ay may mataas na seguridad ito at bantay sarado ng isa sa mga faculty member.

0_0

Wag mong sabihing –

" Althea! "

Napalingon kaming lahat sa pinanggalingan ng napakalakas na sigaw na iyon, mula doon ay kita ko kung paano walang awang sinaksak ni Aira ang isa sa mga tamer ng paaralan, napatingin tuloy ako sa gawi nina Andre, wala na ring malay si Alex! Sh*t!

" Jack! "

Sigaw naman ni Lyra at sa nakikita namin ngayon ay, pinipigilan nito iyon upang hindi magpadalos – dalos! Sa ganitong uri ng sitwasyon ay dapat panatag lang ang bawat isa kahit masakit na sa loob ng bawat isa ang mga nakikita nila upang hindi na magkaroon pa ng malaking dagok sa buong grupo ng tamers at familiars!

" Blazing Light! "

Napayuko kaming lahat dahil sa pag – atake ni Ana, her second ability – Fire Casting.

" Sa susunod naman, magsasabi ka ha! Muntik mo na kaya akong matamaan! "

Saad sa kanya ni Aki, habang nakikipaglaban sa isa pang ogre! Lumipad ako ng pagkataas – taas upang puntahan ang kinaroroonan ni Aira, she will pay for this! Halos lahat ng humaharang sa akin ay nasusunog kung kaya't lahat ng tamers and familiars na malapit sa akin ay mabilis na lumalayo, ilang metro na lang ang layo namin sa isa't – isa ng bigla itong mawala sa paningin ko, huli na ng malaman ko kung saan ito nagpunta ng bigla na lang sumigaw si Alai.

" Bitawan mo ko! Ano ba!? "

Nasa likuran nya si Aira habang may hawak na kutsilyo sa kamay at nakatutok sa leeg ng huli, that slut!

" Alai! "

Pagtawag sa kanya ni Al.

" Matter Minimizing! "

Si Ally yun, napatingin kaming lahat sa itaas nila dahil sa kanya! Doon na rin kami nagkaroon ng pagkakataon upang atakihin sya!

" Hydraulic Burst! "

Pag – atake sa kanya Al ng magpalit ito ng anyo, nakisama na rin ang iba pang mga tamers at familiars na ngayon ay walang humpay syang inaatake!

" Ahhhh! "

Sigaw nya sa mga pag – atakeng natatanggap nya, hindi naman kami mapigil ng mga halimaw na nakapalibot sa amin dahil kay Alai na gumawa ng Dream Dimension kung saan ang lahat ng lalapit dito ay mapupunta sa kawalan at habang buhay na doong makukulong.

" It's time for you to pay for deceiving us! "

Nanggigigil kong pahayag dito ng bumagsak ito galing sa itaas at mapahiga sa lupa.

" Phoenix Revenge! Ac – "

" Stop! Try to hurt her again and all of your beloved faculty members, and of course – your Headmaster, will die! "

Parang tumigil ang lahat ng dahil doon, hindi ko maramdaman ang paghinga ko! Ganoon din ang lahat ng mga nandito, hindi – hindi ko mapapatawad ang sarili ko pag may nangyaring masama kay Lolo – ang Headmaster.

Napaluhod na lang ako sa lupa dahil dito, nanghihina ang mga kalamnan ko para lumaban.

Napatingin naman sa akin ang iba, pinanlakihan pa nga ako ng mga mata ni Lyra dahil sa ginagawa ko, pero, wala akong pakialam – si Lolo na lang ang natitirang pamilya na meron ako! At hinding – hindi ko hahayaang may masamang mangyari sa kanya ng dahil lamang sa pawaldas – waldas kong pagdedesisyon!

" Makinig ka sakin Ax! Alam kong matapang kang bata, kaya pakinggan mong mabuti ang mga sasabihin ko sayo! *sigh*, umalis na kayong mga tamers at familiars dito! Naiintindihan nyo, kaya na namin ang mga sarili namin kaya naman – ack! "

" Tumahimik ka! "

" Just leave, Apo! You are all the key to end this madness, so just leave! "

Hindi ko namalayang may tubig na palang tumutulo sa mga mata ko kasabay nito ang isang nakakasilaw na liwanag na nanggagaling sa itaas ng kalangitan, lahat ay doon napatingin ngunit agad din itong nawala matapos ang paglabas naman ng isang kakaibang enerhiya na nanggagaling sa Demon's Forest!

Biglang nawala ang malakas na enerhiyang iyon matapos ang ilang sandaling katahimikan, mula sa gubat ay lumabas ang isang lalaking nakaputi habang nasa likuran naman nito ang isang batang nakaitim.

0_0

Sila yun, yung kumuha kay Axel!

" Phoenix Fire! "

Pag – atake ko sa mga ito, ngunit nilamon lang ito ng itim na bagay na lumabas sa kamay ng bata!

" Come with us! "

Maikling pahayag ng lalaking nakaputi sa aming lahat ng makalapit ito.

" Phoenix – "

" Portal of Human World – Open! "

Hindi ko pa tuluyang naaatake ang lalaking ito ng bigla na lang may kung ano ang lumamon sa amin na magdadala sa amin sa mortal na mundo.

" Hindi! "

Sigaw ng isa sa mga may hawak kay Lolo at mabilis itong pinugutan ng ulo kasama ang mga teachers namin na nandoon rin.

" Alagaan nyo ang bawat isa, kayo na lang ang pag – asa ng lahat upang matapos na ang kaguluhang ito! Mag – iingat kayo! "

" Hindi! Lolo! "

Sigaw ko at habol ko sa papasarang lagusan, ngunit kahit na anong habol ko dito ay wala akong magawa! Wala na naman akong nagawa upang protektahan ang kahuli – hulihang pamilya na meron ako! I am such a coward and a useless human! F*ck!

End of Chapter 16