Chereads / Special Section / Chapter 24 - Chapter 22

Chapter 24 - Chapter 22

Chapter 22

Third Person's Point of View ~

Puno ng galos, marami nang dugo ang nawawala sa kanya, maging ang katawan nya ay gusto na ring sumuko ngunit hindi pa rin sya sumusuko sa laban nila ni Elvira – the 1st warrior of the keeper thousands of years ago. She is also known as the Crimson Blade from that time. Wala ni isa kasi sa mga naging kalaban nya ang nakatalo sa kanya, ni ang magalusan sya pero syempre, maliban na lang sa keeper na si Alastar – ang keeper at ang pinoprotektahan nya.

" You cannot be a keeper kung patuloy kang iiwas sa mga pag – atake ko! Fight with all your heart at isipin mong kalaban mo ko! Paano mo mapoprotektahan ang buong mundo kung ikaw mismo sa sarili mo ay puno ng kabutihan? Kaya nga nandyan si Riley para maging pantay ang kabutihan at kasamaan! You're a weakling and will never be a keeper kung magpapatuloy ka sa ginagawa mo! Such a loser! "

Hindi ito pinansin ni Axel, bagkus ay nag – isip sya kung paano nga ba nya matatalo ang kalabang nasa harapan nya! Wala syang kapangyarihan tulad ng mga ito ngunit alam nyang may paraan para matalo ang bawat isa sa kanila! At iyon ang hindi nya susukuang hanapin upang manalo!

" You will just waste our time! Just die and let the others qualify to be the keeper runs! "

Mabilis itong umatake sa kanya dala ang malaking espada na gawa sa ginto at dyamante samantalang sya naman ay pumikit lang at inipon ang lahat ng lakas nya upang umiwas dito ngunit hindi iyon ang ginawa ng katawan nya kundi ang labanan ang pag – atakeng iyon!

Isang nakasisilaw na liwanag ang bumalot sa buong dimensyong iyon at mula rito lumabas ang anyo ng isang malaking espada at kalasag! Ang espada ay gawa sa kakaibang uri ng crystal na kulay itim ngunit kabaligtaran ng kulay nito ang lumalabas dito kundi ang puting kulay. Ang kalasag naman ay katulad din nito ngunit mayroon itong mga marka na hindi maintindihan at ngayon nya lang nakita maging ng mga naroon!

Isang malakas at matinis na ingay ang ginawa ng pagbabanggaan ng pareho nilang mga espada! Ang mga ekspresyon naman ng mga naroon ay napalitan ng pagkagulat ngunit hindi pa roon ito natatapos dahil matapos magbanggaan ang pareho nilang espada ay tumilapon si Elvira papalayo ganoon din ang mga malalayo sa kanilang mga guardian ng mga naunang keeper! At dahil dito, nagkaroon ng malaking galos sa katawan si Elvira sa may kanang balikat kung saan nya hawak ang espada nya!

Ngunit kahit malalim ang naging galos nya, hindi iyon naging hadlang upang tumawa sya ng malakas!

" This is really something now! Mukhang ngayon ko na naiintindihan ng malinaw kung bakit sa isang tulad mong mortal ipinagkaloob ang maharlikang dugo ng mga keeper! Dahil kung tutuusin, hindi ikaw ang dapat na mag may – ari ng Heart of Creation! But now, I really understand why the Heart chose you! "

Makahulugang sabi nito kay Axel, samantalang ang huli naman ay patuloy na nakanganga! Maging sya ay nagulat sa mga pangyayari! Ganoong tinatanong nya ang sarili nya sa pamamagitan ng isip kung paanong mayroong lumabas na espada sa mga kamay nya pati na ang kalasag, gayong ang tanging nasa isip nya ng mga panahong papalapit na sa kanya si Elvira ay ang pag – iwas!

" Paanong? "

Mabilis nyang naiharang ang kalasag nya ng muling sumugod si Elvira ng biglaan, at katulad ng una ay muli itong gumawa ng parang shock wave upang muli syang tumilapon maging iba pa kahit na gumawa pa sila ng pansalag dito!

Mas lalo lamang silang nagkaroon ng galos hindi lang si Elvira maging ang iba, hindi na rin nya masyadong mahawakan ang espada nya dahil parehong mga braso nya ang apektado.

Napatawa na lang sya sa sarili, doon nya napatunayang mali ang iniisip nya rito! He is the keeper that they wanted before, the purity of his heart will save humans from its destruction.

Nagulat na lang ang lahat ng bigla syang lumuhod sa harapan ni Axel matapos pumaroon sa tapat nito, and with that – the Crimson Blade just vanish from the dimension and the power within her unite with Axel – the Keeper of the Heart of Creation.

" Yes! "

Natutuwang sabi ni Axel, doon din nawala ang espadang hawak nya pati na ang kalasag! Hindi pa sya noon tapos sa pagse – celebrate ng may lumapit sa kanyang isang lalaki na may hawak na malaking palakol sa kanyang kanang kamay at nakasabit naman sa likuran nito ang isang pana na may mga kasamang mga palaso!

" Being the keeper just started, wag kang masyadong maging masaya dahil ako – si Agathor ang tatalo sayo – the Edges Warrior and the guardian of Catalea! "

***

Sa kabilang banda, nagkakaroon ng isang malaking pagpupulong ang mga miyembro ng buong Hell Society! They want a clear talk about the real location of the tamers and familiars, dahil hindi na maganda ang nagiging pakiramdam ng kanilang pinuno! Ngunit hindi naman sila nababahala dahil malapit nang mabuksan ang lagusan matapos ang ilang libong taon na paghihintay!

" Good evening everyone! "

Bati ng pangunahing tauhing pandangal ng gabing iyon, wala ang pinuno nila ngayon dahil nasa isa itong pagpupulong sa ibang lugar na kapanalig ng kanilang grupo!

" Before we start the meeting, Ms. Aira will show us and discussed the information send by our spies around the world! "

Nakangiti namang tagumpay ang dalaga ng tumayo sya sa kanyang upuan dala ang isang folder na sa tingin ng lahat ay nandoon ang impormasyong iyon!

" Good Evening everyone! My name is Aira, and I am here to tell you the information given by our spy in the outside world around the globe! "

Panimula ng babae.

" The first information was gathered here on the Philippines, after we ambush the Astravision University, there is something just happened in the stated location! And the spy of our community in that location just vanished after we collect he's gathered information! Sounds very interesting! "

Makahulugan nitong banggit sa kanilang lahat dahilan upang tumayo ang kanilang panauhing pandangal.

" Cut the other information's! We should start here, I have some feeling that the Heart of Creation is here! "

End of Chapter 22