Chereads / Special Section / Chapter 26 - Chapter 24

Chapter 26 - Chapter 24

Chapter 24

Ax Villareal ~

Mabilis na lumipas ang mga araw at ngayon ang una naming araw sa mundo ng mga tao bilang isang mortal! Hindi namin maaaring gamitin ang mga kakayahan at kapangyarihan namin sa labas lalo na kung maraming tao, gagamitin lamang namin ito kung kakailanganin ng pagkakataon!

" Kailan kaya natin makikita si Axel no? Nami – miss ko na sya! "

Napatingin ako kay Ana nang sabihin nya iyon, maging ang iba sa amin ay napatigil rin sa ginagawa naming pag – aayos ng mga gamit dahil sa sinabi nya! Alam naman naming hindi pa ito ang tamang panahon para magkakita – kita kami, at alam ko rin kung saka – sakali mang magkita kami ng hindi sinasadya sa panahong ito, hindi ako magdadalawang isip na itali sya sa akin! Hindi ko na hahayaan pang mawalay sya sa akin ng ganoon katagal, baka hindi ko na kayanin pa! He's my air, and I am going to die if I don't breathe unless he's with me! He' my life ika nga!

" Wag ka nga! Nakita mo nang affected pa rin si Ax hanggang ngayon eh! Napaka – insensitive mo talaga! "

Bulyaw sa kanya ni Alex, ang isa sa mga umiyak noong panahon ng pagsasanay! Hindi nga namin akalain na ang tulad nyang amazona ay may kakayahan pa palang umiyak, hindi kasi namin ito nakikitang nalulungkot man lamang noong kami pa ang magkakasama, ni ang umiyak o maglabas ng sama ng loob! She's a tough woman na palaging sinasabing kaya nya pa! Kaya nga nung turn nya na sa pagsasanay kasama si Avero, isang demigod! Ibinuhos nya na ang lahat ng mga hinanakit na kinikimkim nya! She cried very hard, at doon pumasok sa eksena si Andre na walang hiyang niyakap sya! At ang dapat na tuluyang pag – iyak nya noon ay napalitan kaagad ng inis dahil dito! Natawa pa nga kami ng tirahin sya nito ng malalakas na pag – atake!

" Eh, sa nami – miss ko sya eh! Tsaka, Ax naman! He's the keeper, at alam mong hindi pwede yang nararamdaman mo! A keeper stays here for a very long time ika nga nila, at alam mong labag sa patakaran natin na umibig sa ating keeper! And you know that the keeper is Axel, kaya itigil mo na yang kahibangan mo! "

Hindi ko alam kung anong ekspresyon ang gagamitin ko dahil sa sinabi ni Ana. Alam ko naman na mali tong nararamdaman ko, pero hindi ko magagawang maalis sa sistema ko ng ganoon kadali ang sa tingin kong kauna – unahang pagmamahal na naramdaman ko sa tanang buhay ko! Sya ang una at huli ika nga nila, pero bakit ganito ang tadhana sakin? Napakasama ko ba noong mga nakaraang buhay ko?

" Just stop Ana! Wag kang maging insensitive, kahit ngayon lang! Hindi rin kasi nakakatuwa! "

Seryosong saad ni Ace, umalis na lang ako sa pwesto nila at nagpatiuna na sa paglalakad. Malayo – layo pa naman ang lokasyon kung saan ang bago naming papasukang eskwelahan – ng mga mortal.

Allyson Marissa Anderson ~

Mabilis kong hinabol si Ax kasama si Air, may mga sumunod rin sa aming iba! Alam kong kaya ganoon si Ana ay dahil sa kahit sya ay ganoon rin ang kalagayan. Oo, hindi kami pwedeng magmahalang mga guardian ng isang keeper! A guardian will always protect his/her keeper, and not the guardian will protect the other guardians of the keeper! Iyon ang isa sa mga tumatak na aral sa akin sa loob ng ilang araw na pagsasanay! It is our fate, at hindi namin iyon mababago! The Heart chooses our paths, and must be obey by the servants like us!

" Tumigil muna tayo, hayaan na muna nating makapag – isip ng maayos si Ax! Yes, he's like a leader to us! Hindi pala, mali ako! Sya na nga pala talaga ang itinuturing natin na pinaka leader, kaya ganito tayo ka – concern sa kanya! But the fact na hindi naman sa lahat ng oras ay kailangan natin syang tulungan dahil may mga personal issues din sya, maging sa atin rin! Kaya, for now, let him think the good decision for himself! "

Paliwanag ko sa kanila pagkatigil ko sa paghabol kay Ax, tinanguan lang din naman ako ni Air dahil sa sinabi ko tanda ng pagsang – ayon nya! Kahit ito yatang lalaki to ay may personal issues rin eh, masyadong tahimik!

Hinintay na lang namin yung ibang naiwan, hanggang sa magpatuloy kaming maglakad papunta sa bago naming papasukang eskwelahan!

Alexander Vallejo ~

Ginamit na namin ang kanya – kanya naming bilis upang makarating kaagad sa bago naming papasukan, male – late na rin kasi kami kung hindi pa namin ito mamadaliin! Ewan ko na lang doon sa nag – eemote na si Ax kung nasaan na, alam naman na nya ang papunta doon eh!

" Unti pa! "

Mas lalo pa naming binilisan ang takbo namin upang makarating kaagad sa eskwelahan, ngunit hindi namin inaasahan ang madadatnan namin sa mismong harap ng gate ng paaralan!

Ax Villareal ~

Hanggang ngayon ay nakatitig lang ako sa taong kanina pa naglalakad papasok sa paaralang papasukan namin ng buong grupo, hindi pa ako kumikilos ng bigla na lang akong makaramdam ng kakaibang bagay lalo na nang lumapit sa kanya yung lalaki! May kung ano silang pinag – uusapan nung lalaki ngunit mabilis akong kumilos nang makita kong hawak nito ang kung anong bagay sa kanyang mga kamay na galing sa taong kanina ko pang tinititigan!

" Phoenix Explosion! "

Pag – atake ko sa lalaking may kakaibang enerhiya, napalingon rin akong muli sa likuran ko ng makitang nandoon na ang buong grupo na hinihingal, mukhang kahit sila ay naramdaman ang enerhiyang iyon!

" Ayos ka lang ba? "

Pagtatanong ko dito ng makalapit, hindi ko na muna inisip ang mga kasamahan ko sa likuran na paniguradong nakatingin lang sa amin ngayon! Ang mahalaga ay kung okay lang ba sya? At isa pa, mahalaga ang taong nakatayo ngayon sa mismong harapan ko kaya't wala akong pake kung sino man ang makakita sa lagay namin ngayon!

Kita ko ang panlalaki ng mga mata nito kahit nakatalikod sya – isa ito sa mga kakayahang natutunan ko sa ilang araw naming pagsasanay, ni hindi man lang sya pumangit sa ginawa nya! Nagbago man ang iba sa mga pisikal nyang anyo, hindi pa rin maitatangging sya lang ang may kakayahang makapagpatibok ng ganito kalakas sa puso ko!

Ngunit, ang akala kong saya na mararamdaman nya ay napalitan ng kalungkutan lalo na ng bigla na lang tumulo ang mga luha nito sa kanyang mga mata! Kahit ako ay nalungkot ng bigla na lang itong maghihikbi.

" Axel! "

Pagtawag ko sa pangalan nya, dahan – dahan naman itong humarap sa akin dahil dito! Ngayon ay mas malinaw ko nang nakikita ang mga luha nya, kita ko rin ang pagtingin nya sa likuran ko! Ang barkada.

Ngunit mas nabigla ako ng bigla ako nitong yakapin ng pagkahigpit – higpit, lalo ring lumakas ang mga paghikbi nito! Kahit ako ay hindi ko napigilan ang pagpatak ng isa sa mga luha ko, ang luha na tanda ng saya!

" It's alright! Nandito na kami, we will never leave you again! I will never leave you! Promise! "

End of Chapter 24