Chapter 25
Axel Valerie De Guzman ~
Nandito kami ngayon sa isa sa mga benches ng paaralang bago naming pinapasukan, kakatapos lang rin ng klase namin sa umaga kaya't dito na lang namin napagkasunduang magkita – kita. Magkakaiba kasi kami ng klase, kahit na ang totoo ay dapat naka – graduate na ang mga nandito dahil noong lumipat ako ng paaralan ng mga panahong hindi ko pa alam ang lahat ay kalagitnaan na ng taon. Ewan ko na nga lang ba doon sa dalawa kung nakokonsensya sila sa mga pinaggagagawa nila. Naisip ko na rin kung naaalala pa ba ako ng mga magulang ko o hindi na? Iba na kasi ngayon! Ibang – iba.
Kasama ko ngayon dito ang A Squad kung tawagin noon, maging ang ilan sa mga dating familiars at tamers na nakikita ko noon. Alam ko na rin at naipaliwanag na rin nila sa akin kung ano ba ang nangyari noong mga panahong wala ako. And I feel sorry to what happened to Ax. Kahit na wala ako doon ay alam kong isa ako sa mga dahilan kung bakit nangyari iyon!
Hinihintay na lang rin naman kasi namin ang iba pa dahil nga sa magkakaiba kami ng schedule.
" Kanina ka pa nakahawak sa kamay ko? Para namang aalis ako sa tabi mo? "
Natatawa kong puna kay Ax na mahigpit na nakahawak sa kanang kamay ko na nakapatong sa ibabaw ng tuhod ko, napangiti na rin ang iba dahil sa narinig. Ang iba naman maging ang iba sa A Squad ay nanatili lamang na tahimik. Hindi ko na lang inintindi dahil alam ko ang rason ng pag – iwas nila sa ganitong uri ng mga pagkakataon. It is about the rules. I know.
" Wala lang, na – miss ko lang! Ikaw, hindi mo ba ako na – miss? "
Natawa na lang ako sa isinagot nya, naaalala ko pa noon kung paano sya magsungit sa iba. Samantalang ngayon, tingnan mo nga naman ang pagkakataon. Isa sya sa mga taong hindi mo aakalaing mangunguna sa mga cheesy lines na yan! Hay naku.
" Hindi.. "
Maikli kong tugon sa tanong nya ng seryoso, kita ko rin mula sa peripheral vision ko ang pagtingin sa amin ng iba kahit na ang mga dumadaan lang. Ramdam siguro nila ang seryoso kong pagbanggit ng 'hindi' kay Ax, samantalang gusto ko lang naman syang lokohin at asarin! Hehehe.
Tumingin ako dito ng hindi ito sumagot sa sagot ko, ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata ko ng makita ko itong nakayuko habang nagpapatakan ang mga luhang sa tingin ko ay pilit nyang itinatago upang hindi ko makita kung sakali mang tumingin ako sa kanya. Hindi ako nagsalita ng ilang minuto at hinintay kong mag – angat sya ng tingin, na hindi naman nagtagal ay ginawa nya. Nakangiti syang nakatingin sa akin.
" Alam ko naman na gutom ka lang kaya nasabi mo yan? Saan mo gustong kumain? "
Hindi ako sumagot sa tanong nya bagkus ay hinawakan ko ang mga pisngi nya na hanggang ngayon ay may dumadaloy pa ring mga luha galing sa kanyang mga mata. Kita ko ang lungkot dito kahit nakangiti sya sa akin!
Tumingkayad ako upang isagawa ko ang bagay na kanina ko pa gustong gawin, hindi ko na inintindi pa ang mga makakakita sa amin o ng mga kakilala namin na makakakita!
Ipinikit ko na lang ang mga mata ko at pagkatapos ng ilang minuto ay ako na ang kumalas, kita ko pa ang pagkagulat sa mga mata nya. Napangiti na lang ako sa panlalaki ng mga mata nya, ano ba namang lalaki to? Hindi lang kami nagkita ng ilang linggo, ang dami ng ipinagbago! Tsk.
" Oh? Anong nangyari sa inyong lahat? Naestatwa kayo? "
Napalingon ako sa bagong dating – si Lyra – nasa likuran nya rin ang iba. Marami ring nagbago sa kanya, hindi lang sa pisikal kung hindi pati na rin kung paano sya mag – approach sa tao.
" Halika na kayo guys! Ako ang bahala sa kakainin nyo ngayon? My treat! "
Hindi ko na lang pinansin ang tanong nya at nagsimula nang maglakad papalabas ng campus upang doon na maghintay sa kanila.
" Iyon na ang huli, ipinapangako ko! "
Ryan ~
Napangiti na lang ako ng wala sa oras dahil sa magandang balitang nakarating sakin ngayon – ngayon lang, ito na ang panahon ko upang ako naman ang gumawa ng hakbang laban sa mga sumasagabal sa amin, sa mga hakbang na ginagawa namin upang tuluyan nang mabuksan ang lagusan.
Mabilis akong nagpalit ng damit at mabilis ko ring inihanda ang hukbo ko sa pagsalakay, ito na ang tamang panahon at hindi bukas o sa mga susunod na araw. Kahit alam kong labag ito sa napagkasunduan noong magkaroon ng pagpupulong nitong nakaraang araw, wala akong paki lalo na dahil alam kong magiging malaking tulong ito sa misyon ko, sa misyong iniatang sa akin ng nakakataas.
Nick ~
Mabilis akong napabangon ng wala sa oras dahil sa nakita ko sa panaginip ko, ang kababata kong si Ryan. Wala na itong buhay dahil sa isang nilalang na may kakayahang manipulahin ang mga bagay sa paligid.
Hindi pa nagkakamali ang mga pangitain ng panaginip ko, maging ang mga biglaang paglabas ng mga hinaharap kahit gising ako. Tumawag kaagad ako sa nakakataas upang malaman kung mayroon na bang ginagawang hakbang tungkol sa paghahanap sa mga tamers at familiars na iyon? Ngunit wala akong nakuhang matinong sagot dahil tamang wala lang ang sinabi ng nasa linya! Sh*t naman oh!
Nagbihis kaagad ako ng pangdigma kong balabal, at dumiretso sa Sentro ng Tanggapan ng Odyetor! Naabutan ko doon ang isa sa mga pamilyar sa aking pagkatao – si Agustin – isa sa mga kasabayan namin ni Ryan noong mga panahong nagsasanay pa kami. Sakto.
" Napadaan dito ang isa mga pinuno ng lahi? Bago to! "
Nang – aasar nyang sabi sa akin, kung hindi lang talaga nagbanta ang mga nasa itaas, ay hindi ko ito gagawin at idadaan na lang sa sarili kong mga paraan. Kainis.
" Wag ngayon! Gusto kong ikuha mo ako ng permiso tungkol sa biglaang dagdag ng bilang ng mga mandirigma! Isama mo na si Aquiva, the youngest sorceress of the Sorceress Guild! Make it quick! "
Agaran kong sabi sa kanya, kita ko naman ang pagtataka sa mukha nya ngunit mas pinili na lang nyang manahimik at mabilis na tumawag sa itaas! Hindi ko na ito pinansin pa dahil trabaho nya yan, ginamit ko naman ang isa sa mga kakayahan naming mga Satyr – ang makipag – usap sa pamamagitan ng isip kahit sa napakalayong distansya.
" Nick? Ikaw ba to? "
Napangiti na lang ako sa inasta ni Colleen, hindi pa ba sya nasanay sakin? Tss.
" Oo, ako to! I need your help! Pack – "
" Wait! Masyado kang mabilis! Ano bang nangyayari at parang – "
" Nick! "
Hindi ko na maintindihan ang sinasabi ni Colleen, dahil na kay Agustin ang atensyon ko.
" Paumanhin, ngunit hindi pumayag ang nasa itaas! Masyado daw malaki ang hinihingi mo upang pagbigyan ka nila! "
P*ta naman oh!
" Nick? Nandyan ka pa ba? "
Muntik ko nang makalimutan si Colleen, b*llsh*t talaga!
" Change of plans! "
End of Chapter 25