Chereads / Special Section / Chapter 32 - Chapter 30

Chapter 32 - Chapter 30

Chapter 30

Riley ~

Ginabi na kami ng balik sa bahay ni Papi, hindi rin kasi kami kaagad nakabalik dahil sa mga impormasyong nalaman namin! Hindi man lamang namin napaghandaan ang mga hakbang nila, ni hindi ko naramdaman ang pagbubukas ng lagusan! Bwisit!

" Anong nangyari sa inyo ni Avin? Ginabi na kayo? "

Bungad sa amin ni Papi ng makita kami ni Avin pabalik sa bahay, kasama nya rin si Ax kaya't alam kong nasa loob rin ang iba! Mukhang kanina pa rin sila sa amin naghihintay sa labas, talagang inaabangan kami ni Papi! Hihihi.

" Ikaw talaga Papi! Kaya love na love kita eh! "

Nagniningning ko pang mga matang sabi sa kanya at pagkatapos ay niyakap sya ng mahigpit, humiwalay na rin kasi sa kanya ng kusa si Ax!

" Kumain na lang kayo, nakakain na sila kanina pa! Nagpapahinga na rin sila, hihintayin ko na lang kayo sa library! "

Tumango na lang ako sa sinabi nya, the real war between the Hell Society and Us will start now!

Avin ~

Hinintay lang naming makatulog ang lahat bago kami pumunta ni Riley sa kinaroroonan ni Axel, alam kong kanina pa sya nandoon! Ramdam ko rin kasing may mga kasama pa sya bukod sa kanya.

Bumungad sa akin ang mga mukha nina Allyson, Ana, Alexander, Alaina na may mga benda pa sa katawan, si Ax, Air, Ace, Andre, Alfonse na katulad ni Alaina ay may mga benda rin sa katawan at si Axel!

" Better to leave, you're all not belong here except Axel! "

Matalim kong pagkakasabi sa bawat isa sa kanila, mas mabuti nang kami na munang tatlo ang makapaghanda sa labanang mangyayari!

" We are part of the group! The Special Section! That's why we're all here! "

Napatingin ako kay Riley ng mapatawa ito.

" Hayaan mo na lang sila Avin, after all! Hindi naman nila matatakasan ang mga tadhanang nakatakda para sa kanila! "

" Tama na muna yang mga awayan nyo! Ano na bang nangyayari sa ibaba? Is there any new news about their works there? "

Si Axel ang nagtanong, tiningnan muna ako ni Riley bago sumagot!

" The Great Canal of the Demons, it is opened! "

Maikli nitong pahayag sa kanila, ilan pa ngang segundo ng makita ko ang pagbabago ng kanilang mga itsura!

" What the hell? "

Hindi makapaniwalang saad ni Alex, she's the Element Controller that's why!

" Paanong hindi ko man lamang naramdaman? I am the gate keeper of that canal! And I must be the one who only can open it! "

Exaggerated na pahayag pa nito, hindi rin makapaniwala ang iba!

" The Hell Prince is in the move! Sya rin ang nagbukas ng lagusan, kaya wala na tayong magagawa doon! Might as well, ma – prevent na lang natin ang paglabas doon ng mga nilalang sa dilim katulad ng nakalaban nyo kanina! Diba Papi? "

Napatango na lang si Axel na kanina pa tahimik at mukhang kanina pa nag – iisip.

" I've read it before, the Great Canal of the Demons has this main five entrance! But it vanished long time ago! But, it is said to the book that once The Great Canal of the Demons opened again, the five main entrance of the canal will also open again! "

Napatingin sa kanya ang lahat, maging ako hindi ko alam ang bagay na iyon! Totoong sya ang karapat dapat na may taglay ng ganitong uri ng kapangyarihan!

" Do you mean that there is a way to conceal the canal? "

" Not only to conceal but to make sure that it will never open again! "

Napangiti na lang ako sa sinabi nya, the last keeper also told me about this thing that can make the Hell Society ends!

" But how? "

Nagtataka namang tanong ni Ana sa kanya.

" The Five Sacred Keys and the Fortification Stone! "

Axel Valerie De Guzman ~

Maaga akong gumising upang sumama sa Laguna, sa Mt. Makiling. Ang dating sanktuaryo ng mga mambabasa ng langit, sila ang mga nilalang na may kakayahang magbasa ng mga mangyayari batay sa ipinapakita ng kalangitan, mayroon din silang kakayahang maghanap ng mga lugar na hindi saklaw ng buong dimensyon sa mundo, at hindi iyon dahil sa taglay nilang kakayahan kundi sa tulong ng lugar na iyon!

" Sasama ka sa kanila? "

Napatingin ako kay Ax na halatang bagong gising lang.

" Oo, ikaw na muna ang bahala dito pati na sa iba! "

Maikli kong sabi dito, hindi pa ako nakakalayo ng pigilan ako nito sa pamamagitan ng paghawak sa braso ko!

" Hmm? "

" Mag – iingat ka! "

Tumango na lang ako at pagkatapos ay sumunod kila Tanya at Margaux na kakababa lang din, nasa baba na kasi sila Lyra, Georgia, Micko, Akihiro at Eros!

Naabutan ko ang mga ito doon na nag – aabang sa akin, mukhang naramdaman na nila ang pagdating ko, hindi na rin ako magtataka dahil nandito si Tanya – she can see distant people!

" Let's go! "

Tumango na lang sila sa sinabi ko at saka kami pumasok sa portal na ako ang gumawa! Unang bumungad sa amin ang masukal na gubat, hindi na ako magtataka! Ito ang pinaka pusod ng gubat kung saan malapit ang pinaka sanktuaryo!

Hindi pa kami nakakalayo ng bigla na lang akong mapatigil pati na rin ang iba, wag mong sabihing natiktikan kami ng mga lintik na yun! Inis!

" Dapa! "

Sigaw ni Tanya, mabilis naman kaming nagkilusan at nagtago sa likod ng mga puno! Maya – maya pa nga ay nawala na ang mga pag – atake ngunit hindi pa rin kami umaalis sa mga pwesto namin, ramdam ko pa rin kasi ang mga presensya nila! Maging ang mga kasama ko ay alam kong nakikiramdam lang din!

" Earthquake! "

Nagulat na lang ako ng bigla na lang umatake si Eros sa mga ito, hindi ako noon nakapaghanda dahil hindi sya nakapagbigay ng signal sa amin dahilan upang madaplisan ako ng isa sa mga panang bigla na lang lumitaw matapos ang lindol! Nagbagsakan naman ang mga nasa itaas kaya't madali naming matatalo ang mga iyan ngunit ang hindi sa amin madali ay ang pag – iwas sa mga pag – atake nila dahil ang mga dulo ng palaso nila, maging ang mga armas nila sa tingin ko ay may mga lasong kayang i – paralyze ang buo mong katawan katulad na lang nang nararamdaman ko ngayon! Bwisit!

" Shit ka Eros! "

Nagkaroon naman ng harang ang paligid namin dahil kay Margauz – she holds Reshalga – the Warrior of Time and Dimension.

" Okay ka lang ba Axel? "

Tanong sa akin ni Georgia, hindi ko hinayaang makalapit sya sa akin dahil alam kong gagayahin nya ang iba sa mga kakayahan ko!

" Stop! "

Ginamitan ko sya ng commanding spell na alam ko, nag – signal lang ako sa kanila na okay ako!

" Well then, kami ng bahala sa kanila! "

Si Micko, napapikit na lang ako tanda ng pagsang – ayon! I trusted you guys with this!

End of Chapter 30