Chereads / Special Section / Chapter 34 - Chapter 32

Chapter 34 - Chapter 32

Chapter 32

Third Person's Point of View ~

Isang ingay ang gumising sa buong pamamahay. Almost five na rin ng umaga kaya't hindi na masama. Unang bumangon si Ax dahil sa kanya ipinagkatiwala ni Axel ang lahat, maging sina Riley at Avin kahit alam nito na kaya naman nila ang kanilang mga sarili. Pinakiramdaman nya muna kung ano ang bagay na iyon ngunit wala syang ibang maramdaman maliban na lang sa presensya ng isang tao. Naglakad na sya papunta sa harapan ng gate ng bahay, ngunit agad rin syang napatigil ng makita ang ilang hibla ng buhok na pamilyar sa kanya sa ilalim ng gate! Agad nyang binuksan ang gate at tama nga ang hinala nya, nandoon si Axel na walang malay kasama ang iba sa mga kaibigan nya na nagpunta rin ng Mt. Makiling na katabi nito at wala ring malay. Wala naman itong mga sugat o galos man lang, sadyang natutulog lang ang mga ito.

Tinawag nya na lang ang iba upang magpatulong na buhatin ang mga ito papasok, mga tulog mantika nga ang sabi ni Avin ng makita ang mga ito. Hindi man halata, ngunit masaya silang lahat ng nagbalik ang mga ito ng ligtas at wala man lang mga pinsalang natamo kung sakali mang tambangan sila ng mga kalaban.

Sa sumunod na araw na ang mga ito nagising, napilitan tuloy magluto ang iba sa kanila ng madaming pagkain. Dinaig pa ang pagkain sa isang handaan dahil minuto lang ang itinatagal ng mga ito sa hapag at pagkatapos ay wala na.

" *burp*! Ahh, ang sarap! "

Ani Micko habang hinihimas ang tyan, para itong hindi kumain ng isang taon katulad nina Axel sa dami ng kinain. Nag – aagawan pa nga ang mga ito ng maghanda sila sa mesa kaya't napilitan silang magluto ng panibago!

" I wish na sana habang buhay na lang tayong kumakain! Heaven ang feeling! "

Nakangiti pang dugtong ni Lyra na hindi makikitaan ng pagmamaldita, nakangiti rin ang iba, na kahit si Axel ay hindi mapigilang dumighay ng malakas dahil sa dami ng kinain!

" Ano bang nangyari nung isang araw? Para kasi kayong naubusan ng lakas! Ni hindi nyo na nagawa pang kumatok? Basta't natulog na lang kayo sa labas! Dinaig nyo pa yung aso? "

Nang – aasar na pahayag ni Aries sa kanila. Tiningnan naman sya ng masama ni Lyra at inirapan ni Georgia.

" Paki mo? Eh, sa magandang matulog sa labas eh! Tsaka, bakit ba? Sa napagod kaming lahat eh! Echosero to! "

Naiiritang pahayag ni Lyra sa kanya.

" Isa pa, ikaw kaya ang lumaban sa mga Doppelganger doon sa gubat? Yung tipong aatake ka pa lang, sila naka – atake na? "

Dugtong pa ni Georgia, hindi nito maiwasang mainis dahil sa mapang – asar nitong mukha.

" Talk the business! Not with those stupid things you do? "

Pagpuputol sa kanila ni Avin at pagkatapos ay umupo sa gitna ng lamesa habang nakaupo sa kandungan nito si Riley.

" A clue. Just a clue, a simple clue! "

Maikling pahayag ni Axel dito, lutang pa rin ang isip nito kung anong lugar ang binabanggit sa pahayag.

" Ha? Does that mean na nandito lang sya sa malapit sa atin? Ganoon ba? "

Naguguluhang tanong ni Jared sa kanya, kahit kasi sya ay naguguluhan din kung ano bang canyon ang binabanggit doon! Eh, sa lawak ng mundo, hindi mabilang ang dami ng canyon na meron dito!

" 'The first key laid many million years ago, it was hidden from a dusk dawn canyon surrounded by steeped cliffs, and rock layers! It was guarded by a mothman named Jeraphilus!' Yan yung sinabi doon ni Margaux bago mawalan ng malay! Simple no? "

Sarcastic na pahayag naman nito sa lalaki. Natahimik naman ang lahat dahil sa sinabi nyang iyon, napaisip sila kung ano – ano nga bang lugar sa mundo ang may kilalang canyon na pinupuntahan ng mga tao!

" The Grand Canyon in Arizona, USA! Iyan yung canyon na alam kong sikat sa buong mundo na halos dinarayo talaga ng mga turista! Isa pa, there are rumors about the canyon that you might didn't know! "

Biglaan namang pahayag ni Jona sa kanila, kung hindi nila tatanungin. Si Jona ang tao na mahilig gumala kaya nagre – research talaga sya about a certain place once na gusto nya talagang puntahan! At kabilang na doon ang Grand Canyon sa USA.

" Rumors? "

Nakataas kilay namang tanong sa kanya ni Jack.

" Yup! There are stories about a certain man who sees to transform into a kind of a big insect! Its eyes are hypnotizing that's why they didn't remember a thing after the day! "

Sagot naman kaagad nito sa huli.

" Eh, paano naman kumalat ang balitang yan kung sa simula pa lang eh, makakalimutan din naman nila yung nakita nila! Baka fake news lang yan, ah? "

Intrigero namang pagkakasabi ni Daryl dito. Ngumiti naman ito ng pagkalawaklawak sa kanila bago sumagot.

" Because the last victim is one of a kind like us! He has this ability to perceive history through the use of the eyes, or what you call Second Degree Precognition! "

Napa – woah naman ang lahat sa sinabi nya. Though, napaisip naman si Axel. Alam nyang imposible namang iyon kaagad ang tinutukoy nito but still, naniniwala sya na ang impormasyong ibinibigay ngayon ni Jona ay mapapakinabangan nila sa susunod na pagkakataon!

" Maghanda ang lahat! Pagkatapos ng dalawang araw ay pupunta tayo sa ibang bansa! "

Anunsyo nya na nakapagpalaki naman sa mga mata ng mga ito, ang iba ay agad nakapag – react at yung iba naman ay natulala.

" Ahhhh! Omo, dream come true ito! "

Kinikilig na sabi ni Sophia. Matagal na kasi nyang pangarap ang makapunta sa ibang bansa. Bata pa lamang sya ay iyon na ang naging pangarap nya, ang makapunta sa mga banyagang mga lugar.

" Wag ka ngang sumigaw! Akala mo naman nanalo ka na sa lotto! "

Nakatakip tengang sabi ni Myrko, magkatabi kasi sila kaya't paniguradong sya ang unang maiirita sa pagtili nito.

" Ang arte mo! Letche! "

Ani naman ng dalaga sabay irap dito.

" Sa ngayon, I want all of you to be very careful! Hindi natin alam ang daratnan natin doon, kung makakabalik pa ba tayo o hindi na! Kaya gusto kong sa dalawang araw na iyon ay magsanay kayo, mas hasain nyo pa ang mga kakayahan ninyo! "

Seryosong sabi ni Axel bago mawala sa kanilang harapan. Masama kasi ang kutob nya sa gagawin nilang pagpunta roon, ngunit anong magagawa nya? Ito ang nakatakda para sa kanila!

End of Chapter 32