Chereads / Special Section / Chapter 29 - Chapter 27

Chapter 29 - Chapter 27

Chapter 27

Axel Valerie De Guzman ~

Napabangon ako ng wala sa oras dahil sa isang enerhiyang minsan ko lang maramdaman, mas malakas ito kumpara sa taglay kong akin! Tumayo ako at naghilamos sa banyo upang alisin ang takot na nararamdaman ko, minsan lang akong matakot ngunit iba ngayon? Nakakakilabot!

" Make sure to find the Cursed Light Controller, until then, protect the Blessed Light Controller! He's the key to end this madness! "

0_0

Ginamit ko ang phasing ability ko upang tumagos sa mga pader at makapunta sa kabilang kwarto kung saan ko narinig ang boses na iyon.

Ngunit ng tuluyan akong makatagos sa kabilang panig ng kwarto ay wala akong naabutan doon, tanging kwarto lang iyon na walang laman at wala nang iba pa – ang storage room ng bahay namin.

Napailing na lang ako, guni – guni ko lang siguro!

Third Person's Point of View ~

Gumamit ng ibang dimension ang babaeng nasa loob ng kwartong pinuntahan ni Axel, yun nga lang at hindi nya ito naabutan kasama sina Riley at Avin! Hindi pa rin naman kasi sya bihasa sa paggamit ng iba pa nyang mga kakayahan.

" I need to go now! "

Maikli nitong sabi sa dalawa matapos ng pag – uusap na iyon, ni hindi na nga nito hinintay pa ang sagot ng dalawa at dire – diretso lang na umalis!

***

Sa kabilang panig naman, nagpupulong ang lahat ng nasa Hell Society dahil sa isang balitang gumambala sa kanilang mga pagpapahinga! The Leader of the Goblin's Pack is dead.

" Ryan, the Leader of the Goblin's Pack is dead! He's no longer being identified because of his texture! He is like a granulated coffee, piece by piece! And no one knows how he died there! "

Pagbabalita ng isa sa mga spy ng grupo, ni ang mga kasamahan nito ay hindi makapaniwala sa ibinalita ng dalaga! Ryan is one of their best fighter back then, he is one of the trusted strategist of the group!

" How can you be so sure na sya nga yan? Wala pa nga kayong nakukuhang DNA samples from the scene! This is madness! "

Naiiritang saad ni Colleen dito, silang sampu ang pinakamalapit na magkakaibigan ng pumasok sa samahang ito!

" We report this because - the Goblin's Pack Territory is gone! "

Halos lumuwa ang mga mata ng mga nakarinig, paanong? Yun lamang ang mga tanong na nasa isip nila!

Boogsh ~

Napatingin silang lahat sa pintuan ng kwartong iyon kung saan sila nagpupulong, it was a total blown up dahil nadurog ito sa maliliit na piraso!

" Anong kalokohan ito Nick? "

Naiiritang tanong ni Aivee dito.

" Anyone here who is willing to avenge him from that girl, come with me! I will never let this pass this time! Never! "

Nagbabaga ang mga mata nito, he's total a burst pag nagkataon!

" Wag ka ngang magpadalos – dalos ng kilos, gusto mo bang magaya sa kanya ha? "

Naiinis na pahayag ni Bianca, nangingilid na rin ang mga luha nito! Ito kasi ang pinaka bata sa grupo yet nakakaranas na kaagad sya ng ganito!

Papasugod na sana sya dito ngunit isang malakas na suntok ang pumigil sa kanya at naging sanhi upang mawalan sya ng malay! It is the Hell Prince.

Napayuko ang lahat dahil sa biglaang pagdating ng pinaka pinuno ng grupo, minsan lang itong magpakita kaya't ngayon lamang nila napagmasdan ng maigi ang katawan nito! Ang mukha nito ay hindi makita dahil sa itim na bagay na nagtatago dito!

" Greetings to the members of the Hell Society! "

Bungad nito sa kanilang lahat, at pagkatapos ay umupo sa sentro ng kwartong iyon kung saan may mga nakaukit na letrang kahit sila ay hindi maintindihan!

" Nabalitaan ko ang nangyari! One of my trusted people just died a while ago, and it is really a pain in the ass! Alam kong karamihan sa inyo ay kilala sya, baka nga kaibigan pa! "

Dugtong nito, walang makapagsalita o makagawa man lamang ng kahit na anong ingay dahil sa nilalabas nitong kapangyarihan sa katawan! Lahat sila ay kinikilabutan sa taglay nitong kapangyarihan, masyado itong nag – uumapaw! Masyado itong makapangyarihan, nakakatakot!

" Ngunit, hindi iyon dahilan upang kumilos kayo ng padalos – dalos! The Hell Society was made not for those who is not capable to think wise! It is made to think better and clever! "

Kahit hindi nila nakikita ang mukha nito, paniguradong nakangiti ito ng nakakakilabot na sadya namang lalong nakapagpataas ng mga balahibo nila!

" Sunrise! We will avenge him from that girl, and ready the Great Canal of the Demons! It is the time for us not to cover our faces, it is the time for our reborn! "

Alaina McDevon ~

Mabilis akong napabangon kahit masakit ang buo kong katawan dahil sa labanang nangyari kanina, it was a total blown up!

Napahawak na rin ako sa puso ko dahil sa biglaan nitong pagkirot, masyadong masakit! Ano bang nangyayari?

" Ahhhh! "

Pagdaing ko, maya – maya pa ay saka naman biglang bumukas ang pintuan ng kwarto ko dahil kina Ally!

" Anong nararamdaman mo? "

Hindi ako makasagot dahil sa kung anong bagay ang parang gustong lumabas sa katawan ko, something might happen and it is really frightening me!

" Ahhhh! "

Allyson Marissa Anderson ~

Mahigpit naming hinawakan si Alai dahil sa patuloy nyang pagwawala, ilang saglit pa nga ng tumigil sya ngunit kasunod naman nito ang pagbabago ng mga kulay ng mga mata nya.

" Darkness will reborn and become true,

And the Light will fade and be gone true,

Heroes and Duelers will fall Thor,

Enchantment and Sorcerers will fall Four. "

Napasigaw ako dahil sa enerhiyang dumadaloy sa katawan ko, anong nangyayari?

" Ally? "

Sumenyas akong wag na silang lumapit sa akin, ayokong madamay sila! Muli akong napatingin kay Alai, she's crying with blood! Alam kong seer sya – a fortune teller rather be pero hindi pa ako nagkakaroon ng pagkakataon na makita syang bumigkas ng mga prophecy! And it is freaking me out!

" It will end soon! "

Kita ko ang nakakakilabot na ngiting iyon sa akin ni Alai, I think she's possessed from something! Lalayo na sana ako sa kanya ng bumagsak ito mula sa pagkakaupo, nawalan na rin sya ng malay! Kailangan naming maunahan ang mga hakbang ng Hell Society! Alam kong may binabalak silang hindi maganda kung kaya't nagkakaganyan si Alai! And we will never tolerate such thing!

End of Chapter 27