Chapter 23
Axel Valerie De Guzman ~
Ilang araw na ang lumipas simula ng magising ako, nandito na rin ako sa dati kong tinitirhan dahil ayon kay Avin, dito na daw muna ako mamalagi at mag - obserba sa paligid! Natatandaan ko na naman ang lahat, mula sa kung paano ba ako napasama sa gulong to? Kung paano ko sila mga nangakilala? Mga ganung bagay!
Ngayon rin ang unang araw ng pasukan, naipaliwanag na rin naman nung dalawa kung paanong nagbago ang oras dahil sa pagkakaalam ko ay nagsimula na ang pasukan noon pang nakaraang buwan pero mas minadali nila ito kaya ngayon ay Grade 11 na ako! Ito yung bagong curriculum ng DepeD, na magdadagdag sila ng dalawa pang taon sa high school, yung tinatawag rin nilang K–12! Ganun.
" Morning Papi! Musta yung gising mo? "
Bungad sa akin ni Riley matapos akong makita sa loob ng kusina. Oo, sila nga ang pangunahing dalawang parte ng puso ngunit kaya pa rin nilang mag – anyong tao lalo na at hindi pa naman nila sa akin ibinibigay ang kabuuang kapangyarihan nito! At mas gusto ko rin ang setup ngayon dahil mas open sila sa akin sa mga gusto kong malaman tungkol sa mga bagay – bagay na sa tingin ko ay kailangan ko pang mas maintindihan ng malinaw! Although, hindi naman lahat ay sinasabi nila but still, mas marami ang sinasagot nila sa mga tanong ko kaysa sa mga pag – iling at pag – iwas nila sa mga tanong.
" Mabuti naman! Saglit na lang tong niluluto ko, tawagin mo na si Avin! Magalit na naman yun dahil hindi mo sya tinawag bago kumain! "
Tumango lang naman ito at saka lumabas ng kusina, inihanda ko na rin ang mga pagkain na paborito na nilang maging agahan bago ako umalis papunta sa kung saan ako tawagin ng mga paa ko! Isa ito sa mga katangiang nakuha ko kay Bastalor, ang guardian ni Geresha, isa sa mga naging keeper ng puso! Ang makakita ng mga pangitain sa pamamagitan ng mga panaginip at pakiramdam ng mga bagay na dapat ay mangyari! Iyon rin ang dahilan kung bakit ko ito bihirang gamitin at kung maaari ay hindi na magamit pa, dahil nakikita ko rin kung kailan mamamatay ang isang taong malapit sa puso ko! At iyon ang hindi ko kinakaya sa bawat oras na kusa na lang itong gagana!
" Maaga pa! Mamaya pa naman ang klase mo! "
" Good morning too! "
Sarcastic kong balik sa kanya, hindi man lang ako binati ng magandang umaga! Ako na nga tong nagpapakaagang gumising para lang may makain sila eh, panira talaga ng umaga ang isang ito eh!
" Umupo ka na nga lang Avin! Inis to, sinisira mo ang umaga ni Papi eh! "
Bulyaw naman sa kanya ni Riley, buti pa tong isang to eh, nakaka – appreciate ng mga bagay na ginagawa ko! Hayst, ganito kasi yan! Simula ng magising ako sa ilang araw kong pagkakatulog, nagbago na yung trato sa akin ng bwisit na yan! Mas naging mahigpit sya at parang takot na sumabak ako sa mga laban! Hindi ko alam dyan kung bakit sya ganyan? Though, nagtanong naman na ako but he always told me na palagi lang akong mag – iingat!
Napailing na lang ako, alam ko namang may tinatago sya sa akin at si Riley dahil kahit ang batang to ay umiiwas sa mga tanong ko tungkol sa mga nakaraang buhay ng mga dating naging keeper o kaya nila!
Hindi na lang ako nagsalita pa dahil ayokong sirain ang umaga ko sa mga conclusions na maaaring mabuo sa loob ng isip ko at kumain na lang ng tahimik. Matapos ng tagpong iyon ay agad akong umalis ng bahay dahil baka hindi ko na kaya pang pigilan ang sarili ko sa mga tanong na gusto kong malaman.
Mabilis lang din naman akong nakarating sa paaralang dati ko pang pinapasukan, hindi na nga ako nagtaka ng lahat ay napapatingin sa gawi ko! Hindi ko naman sila masisisi, mapapatingin talaga sila kung mismong ang dating katulad kong hindi palaayos sa katawan katulad ng mga tao dito ay bigla na lang magkakaroon ng kulay ang buhok, mas naging maputi, sa batayan ng pisikal na anyo at kung pagbabasehan naman ang bawat emosyon ko, mas lalo lang akong naging cold sa karamihan dahil ayoko ng pabigat sa mga misyon ko!
" Hey! "
Napatingin ako sa direksyon ng tumawag sa akin, sa gilid ng gate. Isa itong binata na sa tingin ko ay kaedaran ko lang ang edad!
" Ako ba yung tinatawag mo? "
Tanong ko habang naglalakad sya papalapit sa direksyon ko, hindi ko maiwasang mailang dahil sa paraan ng pagtitig nya sa akin! May kung ano sa mga mata nya ang sa tingin ko ay delikado.
" Ikaw nga! "
Pagsagot naman nito sa akin ng makalapit sa akin ng tuluyan, napaatras pa nga ako dahil bigla na lang itong nawala sa paningin ko at napunta sa likuran ko, naramdaman ko rin ang mga kamay nitong nakahawak sa bewang ko habang ang mukha nito ay nakatapat sa leeg ko! Hindi pa ako noon nakakakilos ng muli itong bumalik sa harapan ko dala ang isa sa mga keychains ko sa bag!
" What the hell? "
Naibulalas ko na lang dahil mahalaga ang sampung keychains na iyon, hindi ito maaaring hawakan ng ordinaryong nilalang kaya't alam kong iba sa sya sa mga pangkaraniwang nilalang na nakakasalamuha ko!
" Pwede naman sigurong hiramin ko muna ang bagay na ito hindi ba? "
Hindi pa ako noon nakakakilos at nakakasagot sa kanya dahil sa bilis ng mga pangyayari, ngunit mas lalo lamang nakadagdag sa pagkagulat ko ang bigla nitong pagsabog sa mismong harapan ko! Oo, sumabog ang katawan nito matapos iyong sabihin sa hindi ko alam na dahilan! Ano bang nangyayari?
" Ayos ka lang ba? "
0_0
Halos manlamig ang buo kong katawan dahil sa boses na iyon, hindi ako maaaring magkamali! Na kahit ilang linggo kong hindi narinig ang boses nya ay alam kong sya ang taong nasa likuran ko, ang taong matagal ng hinahanap ng sistema ko!
Naramdaman ko na lang ang pagtulo ng mga luha sa pisngi ko, hindi ko rin napigilan ang hindi mapahikbi! Ibig sabihin, ito ang kagabing surpresa na sinasabi nina Riley! Bwisit!
" Axel! "
Huminga muna ako ng malalim bago ako dahan – dahang humarap sa taong tumatawag sa akin. Nang tuluyan akong mapaharap sa kinaroroonan nya, nandoon ang lahat ng mga familiars at mga tamers sa Astravision University! Ang buong barkada.
Napahagulgol na lang ako, wala akong pakialam kahit makita nila akong ganito! Sa natutuwa ako eh! Bigla naman silang nagsilapitan sa akin, dahil sa lalong paglakas ng mga hikbi ko! Naramdaman ko na nga ang pagkapit sa akin ni Ax sa mga balikat! Doon ako walang sinayang na oras upang yakapin sya ng mahigpit, how I miss to be with them!
" It's alright! Nandito na kami, we will never leave you again! I will never leave you! Promise! "
End of Chapter 23