Chereads / Special Section / Chapter 22 - Chapter 20

Chapter 22 - Chapter 20

Chapter 20

Avin ~

Maaga ang naging una naming pagsasanay kung paano ginagamit ng maayos ang kanya – kanya nilang kakayahan, unang sumabak ang mga lalaki na sa tingin ko ay mas mahina pa kaysa sa mga babae na syang ihuhuli ko para sa pagsasanay!

" Ngayon nyo ipakita sakin ang magagawa ng kapangyarihan nyo laban sa isang batang katulad nya! "

Sabay turo ko sa kanilang likuran kung saan nakaupo ng maayos si Tyrell, the God of Virginity and Purity.

" At sa tingin mo ba kaya kaming talunin ng isang ordinaryong batang katulad nya? Nagpapatawa ka naman! "

Sabad ng isa sabay tawa na sinabayan ng iba samantalang ang iba naman ay patuloy lang na nakatingin sa huli at pinagmamasdan ang bawat paggalaw nito!

" Can I move now? They look stupid when they laugh! "

Napangiti na lang ako ng marinig ko ang sinabi ni Tyrell, ngunit bago iyon! Napagawi na agad ang tingin ko sa isa sa mga babae na ngayon ay nakahawak sa kanyang puso, mukhang sya ang pinili ni Tyrell upang bantayan! How lucky she is!

Tumango na lang ako pagkatapos noon, ayoko na rin namang magsayang ng oras lalo na at any time soon ay pwede ng magising si Axel matapos ang nangyari kahapon!

Start.

Third Person's Point of View ~

Nagulat ang lahat ng bigla na lang nawala sa kanilang paningin ang bata at bigla itong sumulpot sa mismong harapan ni Jack na syang tumawa kanina! Isang malakas ba suntok at sipa ang natanggap nito dahilan upang tumilapon sya ng pagkalayo – layo at inundayan pa ng isa pang suntok habang lumilipad ito sa ere sanhi upang lumapag ito sa lupa na nakagawa ng isang malaking pagsabog!

" Jack! "

Pagsigaw ng dati nyang tamer, hindi ito makalapit dahil nasa loob silang lahat ng isang barrier na gawa ni Avin!

Nang mawala ang usok na bumalot sa buong lugar dahil sa pagsabog, unang bumungad sa kanila ang walang malay na binata na nakamulat ang mga mata! Lalong lumakas ang mga pagsigaw ni Althea dito, maging ang iba sa mga babae ay napaluha na lang! Hindi nila maisip na ganoon ang kahihinatnan ng lalaki!

Pasugod na sana ang iba sa mga lalaki ngunit pinigilan silang lahat ni Ax, alam nyang kaya nyang gamutin ang katawan ng kasamahan ngunit kailangan nito ng matagal na oras kung kaya't naisip nyang sila ang dapat na lumaban sa bata habang sya naman ang gumagamot sa lalaki!

" Tumigil kayong lahat, kung paiiralin nyo ang paghihiganti dyan sa mga puso nyo lalo lang tayong madedehado sa laban! "

" He killed him! At hindi ko hahayaan na may sumunod pa bago sya muling kumilos at patayin ang isa sa atin! "

Nagagalit na sabad ni Daryl na kakagaling lang mula sa natamo nyang pinsala kahapon!

" He is not dead yet at kaya ko pa syang gamutin! But the plan is para magawa ko iyon, kailangan nyo munang masiguro na hindi sya makakalapit sa kinaroroonan namin upang hindi ako ma – distract sa gagawin kong panggagamot sa kanya! "

Nagkatinginan muna silang lahat at pagkatapos ay nagtanguan rin, ngunit hindi pa sila nakakapaghanda ng muli itong sumugod sa kanila na sya namang mabilis na sinangga ni Myrko!

" You'll pay for this! "

Nanggigigil na sabi nya sa bata, at pagkatapos ay sya namang sumugod dito na tinulungan naman ng iba!

" Fire Breathing! "

Isang malakas na pagsabog ang naganap ng tumama ito sa bata, ngunit ganoon na lang ang gulat nila ng mawala ang mga apoy na nagkalat at parang pagkain nitong kinain at hinigop at pagkatapos ay –

" Fire Breathing! "

Mas malakas at makapangyarihan na ang apoy na iyon na papatama sa kanila, ngunit gumawa ng isang malaking harang na bato si Nathan na may sampung patong ang kapal! Alam naman nyang wala lang ito sa bolang apoy na iyon ngunit iba ang nasa isip nyang gawin at ihanda lamang iyon bilang pain dito!

Boom ~

At katulad ng kanyang inaasahan, nasira ito dahil mismong ang bata ang syang umatake dito ngunit nagkakamali ang batang iyon sa isip – isip nya dahil ang totoong pakay nya ay ang higupin ang apoy na iyon at ihalo sa kanyang katawan na sya namang nagtagumpay at nakabuo ng isang – Fire Golem.

" Fire Golem! "

Bulong ni Tyrell sa isip ng makita ang nabuo matapos higupin ito ni Nathan, ngunit iba ang tumatakbo sa isip nya! Iyon ay kung paano papatayin ang nilalang na sya ay pinagtawanan at ngayon ginagamot ng isa sa kanila! Napangiti na lang sya ng may maisip!

" I, Tyrell, God of Virginity and Purity! Call the heavens above, bring back the angels you cursed before! Released! "

Mula sa dimension na iyon, lumabas at nagliliwanag na gumalaw ang mga fairies ngunit may kakaiba sa mga ito, ang naisip ni Bryan habang nakatingin sa mga ito na wari mo'y mga bituin sa gitna ng madilim na gabi!

" Kill them! "

Nakakatakot ang boses na iyon ni Tyrell, kaya't kahit kinakabahan, ay walang magawa si Avin dahil sya mismo ang gumawa ng pagsasanay na iyon ngunit wala sa usapan nila ang pagpatay sa mga ito!

Mabilis na sumugod ang mga ito sa mga lalaki, kasabay ng pagtanggal ni Avin sa barrier sa mga babae upang tumulong!

" Tama na! "

Sigaw ni Alcira sa nahihirapang tono, bigla na lang rin itong bumagsak sa lupa habang nakahawak sa kanyang dibdib! Mabilis namang nagpuntahan ang mga fairies sa kanya kasama si Tyrell na nag – aalala ang mukha!

" Alcira! "

Pagtawag nya sa babae, naglapitan na rin ang iba sa mga kaibigan ng dalaga maging ang mga lalaki! Tapos na rin kasi ang panggagamot ni Ax kay Jack na ngayon ay wala pa ring malay!

" Anong gagawin mo sa kanya? "

Bungad naman ni Sophia sa kanila, hindi naman sumagot ang bata bagkus ay pumikit ito at pinagsama – sama ang mga fairies sa kanyang mga palad at bumuo ng kakaibang simbolo at ito ay itinapat sa leeg ni Alcira! Ganoon na lang ang gulat nilang lahat ng kusang nagmarka sa leeg ni Alcira ang simbolong iyon at kusang nagliwanag ang katawan ng bata kasabay rin ng unti – unti nitong pagkawala at pagsanib sa markang iyon na makikita sa leeg ng babae!

" He chose her, thanks to your comrade! You are all saved! He is one of the strongest God above all the Gods I've known! "

End of Chapter 20