Chapter 18
Riley ~
Katulad ng sinabi ni Kuya Avin sa mga ito, bumalik kami kinabukasan upang simulan ang unang bahagi ng pagsasanay! Ito ang kauna – unahang pagkakataon na kami mismo na bahagi ng puso ang syang magsasanay sa mga magiging tagapagbantay ng keeper!
Naabutan namin ang mga ito na wala pang mga malay at natutulog pa! Halata sa mga ito ang matinding pagod at pananamlay, alam naman namin ang pagod nila ngunit hindi kami pwedeng mag – aksaya ng panahon lalo na at hindi namin sakop ang mga ginagawang paggalaw ng mga nasa Hell Society!
" Wake them up! Ikaw ang magtuturo sa unang bahagi ng pagsasanay, pupuntahan ko muna si Axel bago ako bumalik dito para matingnan kung stable pa rin ba yung kalagayan nya! "
Sasagot pa lang sana ako dahil gusto ko ring makita si Papi pero katulad ng palagi nyang ginagawa, tinalikuran nya na kaagad ako at mabilis na umalis! Nakakainis talaga tong si Kuya Avin eh! Tss.
Napa – iling na lang ako at may naisip na paraan para magising ko sila in the way na kasama na rin yun sa pagsisimula ng pagsasanay nila!
" I, the Dark Prince, Riley! Open the gates of the hell, and bring back the dead and the creatures forbidden to enter the world! Release! "
Nagkaroon ng dalawang portal sa aking likuran, at mula doon naglabasan ang iba't – ibang nilalang na nakatira sa impyerno! They are my favorite puppets after all!
" Play with them! "
Maikli kong utos sa kanila at pagkatapos ay pumunta sa isang safe part ng dimension upang hindi nila ako makita! My part here is their physical category, iyon ang nakaatas sa akin na dapat nilang matutunan! Ang hindi pagiging palaasa sa kanilang kakayahan at kapangyarihan!
Nagsimula ng magkilusan ang mga alaga ko at mabilis na dumamba sa mga ito, naging mabilis rin naman ang mga huli sa pag – iwas!
" What the hell? "
Sigaw ng isa sa kanila na sa pagkakatanda ko ay nagngangalang Alcira, let the play begin!
Allyson Marissa Anderson ~
Mabilis akong tumalon paitaas upang hindi ako matamaan ng kung anong halimaw na umatake sa akin kanina, ang baho nya grabe! Sh*t!
Katulad ko, ganun lang din ang ginagawa nila – ang tumalon at umiwas sa mga pag – atake ng mga nilalang na to! San ba kasi galing tong mga to?
" Labanan nyo po kaya sila? Hindi yang iwas kayo ng iwas! Wag kasi kayong umasa sa mga kakayahan nyo, gamitin nyo naman yang mga katawan nyo! "
Nagkatinginan kaming lahat, ito na ba ang simula ng pagsasanay? Bakit hindi man lamang sila nagbigay ng signal? Biglaan talaga?
" F*ck! "
Sh*t! Nadaplisan ako ng kupal na to! Tiningnan ko kung malalim ba ang pagkakasugat ng sugat ko galing sa kanila and thanks to God, hindi sya ganoon kalalim! Kilala namin ang mga halimaw na to, they are the creatures from the hell! Kilala sila bilang tagapagparusa sa mga nilalang na makasalanan na yumao na o namatay na! Ang hindi lang namin alam, kung may kahinaan ba sila?
Mabilis akong tumalon sa isa sa kanila at binalian ito ng leeg, ang akala ko noon na patay na ay muli pang nabuhay!
" Sh*t! Paano ko ba sila mapapatay at mapupuksa? "
Pagtatanong ko pa sa sarili ko kahit alam kong wala sa aking makakarinig!
" Trust yourself! Believe that you have the power to destroy the demon in front of you! Think of something that you want to protect! And I will be the one who will guide you, trust me! "
Napatigil ako ng di sinasadya dahil sa boses na nagsalita sa loob ko, ito rin ang dahilan upang matamaan ako ng isa sa mga halimaw! Nagpagulong – gulong ako palayo sa lakas nito, ngunit hindi ko ito ininda kundi ginawa ko ang sinabi ng boses na nagsalita sa loob ng isip ko! I need to trust myself more than my power, and I need to protect him more than he cares about!
Air.
Pumikit ako ng mariin at pagkatapos ay pinakiramdaman ko ang aking sarili! Feel the presence of the power! Feel the presence of the power!
Mabilis akong yumuko dahil sa pag – atake ng isa sa mga halimaw, hindi ako dumidilat habang umiiwas dito! Hanggang sa –
" Granulation.. "
Bulong ko sarili ko at walang pag – aalinglangan kong hinawakan ang halimaw, ganoon na lang ang gulat ko ng bigla itong madurog sa mga kamay ko! The monster just turned into pieces! Napasinghap rin ang iba sa mga kasamahan kong nakakita, what the hell just I do?
Hindi na ako nagpatumpik – tumpik pa at sumugod sa mga halimaw, katulad ng nauna, lahat ng mahahawakan ko ay madudurog at magkakapira – piraso!
" What the hell just happened to your hands? "
Tanong sa akin ni Denise ng minsang magkadikit kami sa gitna ng laban.
" I don't know! I just think of something then boom, nagawa kong palabasin ang isa sa mga natatago kong kapangyarihan! "
Mabilis akong yumuko upang hindi matamaan ng pag – atake ang nasa likuran namin, ngunit hindi agad nakayuko si Denise dahilan upang sya ang matamaan nito at tumilapon papalayo!
" Denise! "
Sigaw ko ng makita kong napasama ang tama nya, kailangan ko syang tulungan! Ngunit mabilis akong hinarangan ng isa pang halimaw na ngayon ko lang nakita, karamihan kasi sa kanila ay yung zombie ba yun? Yun kasi yung tawag ng mga tao sa labas eh! But this monster is different, wala syang katawan at tanging tela lang na nakalutang ang meron sa kanya! Wrong timing naman ang isang to!
" Ahhhh! "
Mabilis akong napatakip ng tenga maging ang mga malalapit doon dahil sa tinis ng boses na isinisigaw nya, pakiramdam ko ay unti – unti nitong binabasag ang tenga ko!
" Sh*t! "
Ana Villegas ~
Bigla akong napatigil dahil sa isang bagay na parang lumabas sa katawan ko, ganoon na lang ang gulat ko ng makitang isang lumulutang na tela ito!
" Close your eyes, keep calm! The power in you is dangerous and must be possessed by calm keeper that's why you need to be calm and take me to your own body! Trust me, I can help you! "
Napapikit ako ng mariin dahil sa boses na pumasok sa isip ko, she's too calm! Kasunod nito ang kakaibang pakiramdam ko sa katawan ko, hanggang sa tuluyang mabuo ang init dito sa loob!
" Forcefield! "
End of Chapter 18