Chapter 12
Axel Valerie De Guzman ~
Napapikit ako ng mariin dahil sa mga nangyayari, napahawak na rin ako sa ulo ko dahil sa tindi ng nararamdaman kong pananakit nito! Ilang saglit pa ng unti – unti itong mabawasan ngunit ang akala ko ay tapos na, hindi pa pala! Isang ala – ala ang muling nag – play sa loob ng utak ko.
" Wait! "
Mabilis akong napalingon sa gilid ko ng makita ang isang lalaking hinahabol ako, ngunit hindi sa kanya napunta ang atensyon ko kundi sa paraan ng paghabol nya sa akin, he's floating – I mean, flying! Hindi, lumulutang nga sya! What the hell!
" Ahhh, wag kang lalapit! Don't you dare!? "
Sigaw ko at tumigil sa paglalakad, nagpalinga – linga ako sa iba't – ibang direksyon upang humingi ng tulong ngunit ang tanging nandoon lamang ay ang mga taong kanina pa sa akin nakatingin.
Napaatras ako sa nilalang na ito ng makita ko ang paggalaw ng mga paa nya papunta sa direksyon ko, ngunit agad din akong napatigil sa pag – atras ng makaramdaman ako ng isang mabuhok na bagay sa likuran ko! Dahan – dahan akong napalingon dito at –
Black out.
" No! This is not true! This is not happening! Please stop! Please! "
" Gising ka na pala! "
Napatingin ako sa isang babaeng hindi ganon katandaan ang itsura, nakasuot ito ng puting damit na sa tingin ko ay nurse o doctor dito! Teka, nasaan nga ba ako?
" Nandito ka sa infirmary ng university, mukhang hindi kinaya ng katawan mo ang pag – aadjust ng kapangyarihan sa loob mo! You've change a lot for the 24 hours a while ago! "
Ano daw? Kapangyarihan? Baka naman panaginip ulit ito? Ano ba yan? Ba't parang ang tagal namang mag – umaga at iba't – ibang panaginip na ang napapasukan ko!?
" Your funny, my dear! But, to tell you the truth! Hindi ka nananaginip! You are here, gising at mukhang lutang pa sa mga bagay – bagay! "
Nakangiti nyang pahayag sa akin, ngunit agad ding nabawi ang atensyon ko sa kanya ng dahil sa mga taong nakikita ko sa field ngayon! O my gosh!? What the hell they are doing!?
Halos lumuwa ang mga mata ko dahil sa nakikita ko, may taong lumalaki't lumiliit, may parang gravity naman yung isa, may nag – aala – avatar, yung isa naman parang natutulog lang, may pabago – bago ng itsura, may parang nanghihigop ng kapangyarihan din, may gaya – gaya, may parang baliw na kumakausap ng mga hayop, at iba pa.
Nang mapatingin naman ako sa ibang direksyon, para kong hindi makahinga sa mangha – they are transforming from different creature?! Ano bang mundo tong pinasok ko?
" How interesting they are, aren't they? "
Muli akong napatingin sa kanya, talaga bang hindi ako nananaginip?
" Hindi nga! "
0_0
Nababasa nya ba ang iniisip ko?
" No, I can hear you! "
0_0
" Pa – paano? "
Ngumiti lang sya sa akin at pagkatapos ay dahan – dahang lumapit sa akin.
" You are one of the gifted humans blessed by the God, and must be one of the tamers with the help of your familiar to protect the world in its destruction! "
Saad nya dahilan upang manlumo ako sa kinalalagyan ko, ano bang dapat kong maging reaksyon sa mga rebelasyon sa buhay ko? Una, hindi naman ito ang ipinunta ko dito. Pangalawa, ang gusto ko lang ay matahimik na buhay kung saan malaya ako sa mga gusto kong gawin. Pangatlo –
" You don't need to think, after all, you were stuck here because, you, by yourself makes your biggest mistake! "
" Ano po? "
Ngumiti ito sa akin ng nakakakilabot.
" You kissed your familiar! "
Sa muling pag – ikot ng mga ala – ala, at dahil sa tindi ng pananakit ng ulo ko ay tuluyan akong napaupo sa sahig! Wala na rin akong ginawa kundi ang umiyak, ang sakit! Ang sakit – sakit!
" Nasan na nga ba yung daan palabas, parang kanina, nandito lang yun eh! "
Napasabunot na lang ako sa inis, bakit naman kasi lumabas pa ako eh!
*insert yung tunog ng mga yabag*
Natigil ako sa ginagawa kong pananabunot sa sarili ko ng makarinig ako ng mga yabag sa likuran ko, hindi ko maitatangging kinikilabutan na ako! Ang dilim kaya.
" Sino yan? May tao ba dyan? "
Tanong ko, pero ganoon na lang ang gulat ko ng ang sumagot sa akin ay ang biglang pagkawala ng tunog ng lahat ng nasa loob ng gubat! Parang may kung anong humigop sa lahat ng tunog na kanina lang ay naririnig ko pa!? Shet naman!
" You're dead! "
Mabilis akong nakaiwas sa biglaang pagbagsak ng kung ano sa itaas pero hindi ko naiwasan ang parang mga kuko ng kung sino man na nagsalita dahilan para masugatan ako sa braso ko at dumaloy ang masaganang dugo mula rito!
" Aray! "
Daing ko, ngunit agad din akong napahinto dahil sa panlalabo ng paningin ko at pamamanhid ng buo kong katawan! Shit, anong nangyayari?
" Hahaha, alam mo bang mali ang ginawa mong pagpasok sa teritoryo ko! Dahil, lahat ng pumapasok dito ay hindi ko na kailanman pinapalabas ng buhay! Hahaha!! "
Hindi ko na maintindihan ang binabanggit ng panget na nasa harapan ko, para syang baliw na tumatawa mag – isa! Pero, hindi ko makita ang buong itsura nya, tanging ang laki nya na lang ang nakikita ko!
" Tapos ka na – "
Napatitig ako sa ala – alang ito, ito yung napaniginipan ko kanina!
0_0
Wag mong sabihing makikita ko rin iyong ng malinaw!?
Boogsh ~
" Ayos ka lang ba? "
Nawala ang takot at pamamanhid ng katawan ko sa pamilyar na boses na narinig ko, isama na ang panlalabo ng paningin ko, hindi dahil tinanong nya ako kundi dahil sa bagay na mainit na dumampi sa noo ko.
" Mas bumuti na.. "
Napahinga naman sya ng malalim ng makita ang malaking sugat sa braso ko.
" Shit! Anong nangyari dito? "
Napangiti naman ako ng hilaw at itinuro yung halimaw na malinaw ko nang nakikita! Para syang butiki pero higante ang katawan, ganun!
" Phoenix Fire! "
Napalingon naman ako sa gawing likuran ko, doon kita ko ang napakalaking ibong apoy na papasugod sa sugatang halimaw! Hindi, mapapatay nya –
Boom ~
Napapikit na lang ako ng magtama ang dalawang bagay na iyon, muntik pa kaming tumilapon nitong babaeng may hawak sa akin! Mabuti na lang at nagawan nya ng paraan upang hindi kami madamay sa lakas ng pagsabog!
Ilang sandali pa ang tumagal bago namin idinilat ang aming mga mata.
0_0
The whole forest just – it's gone! Pero isang bagay ang nakaagaw ng atensyon ko! Ang lalaking nakahandusay sa isang katawan ng punong kahoy at walang malay, hindi ko alam pero bigla na lang nawala ang lahat ng iniinda ko at mabilis na pumunta sa kinalalagyan nya!
" O – okay ka lang ba? "
Tanong ko dito ng makalapit, ngunit hindi ito sumagot bagkus ay bumulwak ang napakadaming dugo sa bibig nito! No, hindi naman siguro sya mamamatay no?
Mabilis kong hinawakan ang pulsuhan nya, humihina ang tibok nito! No! Tumingin ako sa babaeng tumulong sa akin na ngayon ay nakatulala dahil sa nakikita, I snap my fingers to her!
" Ikaw, humingi ka ng tulong! Bilis! "
Hindi naman kaagad sya nakabawi kaya't wala akong ibang pinagpilian kundi ang batuhin sya ng isang piraso ng kahoy na malapit sa akin, sa ganoong paraan – nakabawi sya!
" Sabi ng humingi ka ng tulong! "
Sigaw kong muli at mabilis itong umalis, ibinalik ko na ang atensyon ko sa lalaking tumulong sa akin! Masyadong malaki ang pinsalang natamo nya mula sa pakikipaglaban sa panget na yun! Wala naman akong alam sa panggagamot! Ano nang gagawin ko!?
" Sa – salamat naman – at – at ligtas ka! "
Hindi ko alam kung bakit bigla na lang akong napaiyak dahil sa sinabi nya! Bwisit, bakit ako umiiyak!?
" Tumahimik ka na lang, okay! Ako pang inaalala mo eh! "
Umiiyak kong pahayag.
" Pwe – pwede ba – bang ka – kahit sa hu – huli eh, hu – humingi ng – ng – isang – pa – pabor? "
Nahihirapan nitong sabi.
" Oo, kahit ano! Basta't wag kang bibitiw! Paparating na yung mga yun! "
Ngumiti lang sya sa sinabi ko, bwisit naman tong lalaking to eh! Parang timang lang!
" Kiss me! "
Kusang kumilos ang katawan ko sa sinabi nya at walang alinlangan syang binigyan ng isang matamis na halik!
What the hell? The f*ck!
0_0
Bakit hindi ko marinig ang boses ko, bakit hindi ko na rin maigalaw ang buo kong katawan! Tama na! Ayoko na!
End of Chapter 12