Chapter 8
Axel Valerie De Guzman ~
*Few hours before the plaza center explode*
Napagkasunduan naming lahat na kumain sa isa sa pinakasikat na kainan dito, pang – welcome din daw sa akin bilang part ng group nila! Hindi ko nga malaman kung saang parte ba ng mundo nandoon nakakakuha ng mga ideas ang mga nilalang na to! Isipin nyo ha, kabilang na daw ako sa A Squad dahil una, my initial is A, second, I am the tamer of their captain, third, alam daw nilang mas malakas ako sa kanila! Hindi ko pa nga alam kung may kapangyarihan din akong katulad ng sa kanila eh!
" So, bago tayo mamili ng mga damit mo! Let them introduce themselves first, para naman mayroon ka ng pantawag sa kanilang lahat, hindi yung 'yan', 'yun' yung pantatawag mo sa mga members ng team! But I want all of you know na wala nang ibang palayaw si Axel, so basically yun din ang itatawag nyo sa kanya, pero, hindi dapat palagi! Ako lang dapat ang may karapatang tawagin sya sa pangalan nya ng kahit na anong oras! Understand? "
Hindi ko alam kung matatawa ba ako sa inaasal ng halimaw na to eh, masyadong seloso! Akala mo naman pag – aari ako! Though, parang ganoon na nga – hindi rin naman kasi namin maintindihan kung anong bagay ang nagkokonekta sa aming dalawa, basta ang alam ko – pag wala sya, wala rin ako.
" My name is Allyson Marissa Anderson, but you can call me Ally! My ability is mass manipulation where I can manipulate on how things will size up based on my mood! Joke, yun nga – I can control sizes of every things – I mean, both living and non – living! It is under Common Category, in Manipulation – but under the sub – heading of Manipulation, the Tangible and Intangible Category – where, I can also perform both! "
Ang unang pakilala sa akin ng hindi katangkarang babae na may pagka – bossy – sa tingin ko – though, hindi naman iyon halata sa aura ng kilos nya pero kita ito sa galaw ng mga mata nya! Yung tipong 'isang tingin ka lang'!
Sumunod naman ang kanyang familiar na isang Werewolf! Sya yung lalaking unang nanakot sa akin para mawalan ako ng malay! Tss.
" My name is Air Maverick Delos Santos, familiar of this short lady – "
" Hindi ako maliit, gunggong ka! Sadyang kapre ka lang! "
" Whatever! "
Napatawa na lang kami sa inasal ng dalawa, mukhang totoo ngang may ibang bonding ang tamer at ang familiar ng bawat isa! Sa amin kaya ni Ax? Meron? *sigh*
" So ayun, you can call me A.M, Air, Mav, whatever you like, after all – para ka na rin naming second captain – the tamer of our captain! I am a werewolf, my ability is unknown for now but in the meantime, you can observe my skills in fighting. My Creature Category is Legendary like your familiar! "
Tumango – tango na lang ako sa sinabi nya, though, hindi ako agree sa pagiging second captain or leader of a group, I don't want to control people, kaya ayoko!
" Ako naman si Ana, Ana Villegas! I can control gravity, under the Rare Category with the sub – heading of Dangerous, then mula doon, nabibilang naman sya sa Dark Category! Halata naman kasi sa pangalan nya kung sa light ba sya o sa dark? So, iyon! I am happy na ikaw ang bago naming ka – member! Welcome to the group! "
Nagulat na lang ako ng bigla ako nitong yakapin, noong una, hindi pa ako makatugon dahil first time itong feeling na nararamdaman ko, yung feeling na appreciated ka ng lahat ng tao sa paligid mo! Hindi yung nakikipag – plastican lang!
" Thanks rin! "
Sagot ko naman sa kanya ng humiwalay sya sa pagkakayakap sa akin.
" Tama na yan! Let me introduce myself, okay? *sigh*! So, my name is Ace Alesso Alcantara! I am a vampire kaya kung gusto mong mag – donate ng dugo – "
Hindi ko na sya pinatapos pa sa kanyang sasabihin dahil bigla akong nakaramdam ng kaba sa dibdib ko! Parang anytime, may mga katulad nya na gusto akong kagatin at patayin! Naalala ko na naman yung una kong beses na punta dito! *sigh*
" No thanks! "
Sabay kapit ko ng mahigpit sa braso ni Ax, mamaya bigla ako nitong sunggaban eh!
" No need to worry Axel, bago ka nya kagatin, ako muna ang kakagat sayo! "
Bigla akong nakaramdam ng inis at pagka – asar dahil sa sinabi nya, kaya ayun, binatukan ko tuloy!
" Bwisit ka! Akala ko pa naman, sasabihin mong 'sakin muna sya dadaan bago ka nya mahawakan!' bwisit! Wag kang lalapit sakin ah, ang manyak mo! "
Inis kong bulyaw sa kanya sabay dikit ng upuan kay Ace.
" Mabuti pang sa kanya na lang ako magpakagat no, nakatulong pa ko! "
Dugtong ko pa.
" Ah, ganon! Sige, subukan mo – bago ka pa magpakagat sa kanya, kakagatin na kita ngayon! "
Halos lumuwa ang mga mata ko ng bigla nitong hatakin ang upuan ko sabay lapit ng kanyang labi sa tapat ng leeg ko, sh*t! Ramdam ko na yung init ng hininga nyang tumatama sa leeg ko, muntik pa nga akong mapapikit, buti na lang at nagsigawan ang mga kasamahan namin ngayon dahilan para magising ako sa kawalang – hiyaang ginagawa sa akin ng familiar ko!
" Muntik ka na don, ah! Buti na lang at nakalabas ka sa illusion na binuo nya! "
Sabay tawa ni Ana, kinurot ko naman itong walang hiyang ibon sa tabi ko!
" Warning ka na ha!? "
Masungit kong baling kay Ax.
" Di ka naman mabiro – "
" Che, mamaya ka na! Hindi ko pa nga nakikilala yung iba eh! "
Masungit kong putol sa kanya.
" Oo nga naman Ax, masyado kang live eh! "
Natatawang dugtong ni Ally, na inundayan naman ng tawa ng iba!
" So, ano? Itutuloy ko pa ba? "
Natawa ako dahil sa sinabi nya, hahaha, ang epic lang kasi ng face nya nung tiningnan sya ng tamer nya eh! Takot!
" Joke lang! Ito na, so ayun, vampire ako then yung Creature Category ko, katulad lang din kay Captain! Well, yung ability is given dahil sa pagkakaalam ko, all people outside this dimension study about us, right? "
Tumango – tango ako sa sinabi nya, so ibig sabihin, totoo pala talagang may bampira dati pa? At hindi lang haka – haka ng mga tao, o baka naman, may nakakita na talaga at ginawang story na parang katulad kina Bella, yung nasa Twilight!
" Ako naman! So, my name is Alexander Vallejo! You can call me Alex katulad ng tawag nila sa akin, I am an Element Controller, under the Common Category in Manipulation, katulad ng kay Ally – kaya ko ring kontrolin ang both tangible and intangible things na under ng Tangible and Intangible Category! "
Ah, so sya pala yung astigin na type! I like her way, hindi yung pabebe! Masyadong masakit sa mata yung mga ganoong babae eh!
End of Chapter 8 – Part 1