Chereads / Special Section / Chapter 11 - Chapter 9

Chapter 11 - Chapter 9

Chapter 9

Ax Villareal ~

Bigla na lang akong natumba sa kinatatayuan ko sa gitna ng laban kasama ang iba pang mga familiar, bukod sa lindol, something is wrong!

" President! Anong nangyayari – "

" Aaahhhh! "

0_0

Si Axel! Alam kong nasa panganib sya! Kailangan ko nang –

Napapikit na lang ako dahil kasunod ng isang malakas na pagsigaw ng kung sino, ang isang nakakasilaw na liwanag!

Ilang saglit pa nga, nawala na ito! Nang imulat naming lahat ang mga mata namin, ganoon din ang pagkawala ng mga kalaban naming taong putik na bumalik na sa pagiging lupa! Doon ko nga lang din nakita ng malinaw na ang iba pala sa mga tumutulong sa amin na puksain ang mga halimaw na putik na iyon ay ang mga teacher namin at iba pang mga faculty member!

" The Blessed Light Controller! "

Napatingin kaming lahat sa direksyon kung saan naroon ang Headmaster kasama pa ang ibang faculty members, mabilis silang nawala sa paningin naming lahat ngunit hindi ito ang oras para tumunganga ako! Kailangan kong puntahan kung nasaan si Axel! Hindi nila sya makukuha mula sa akin! Kailangan ko syang protektahan!

Mabilis akong lumipad paitaas at hindi na ininda pa ang iba kong sugat, mula dito sa pwesto ko, kita ko ang iba sa mga kaibigan ko na nagsasama – sama sa iisang direksyon! Doon din ako bumaba upang tingnan ito.

" What happened? "

Tanong ko ng makalapit, ganoon na lang ang gulat ko ng makitang wala ng malay si Alaina at naliligo sa sarili nyang dugo kasama ang familiar nyang si Alfonse na wala ring malay habang namamaga ang ibang parte ng katawan! Hindi ko alam na kaya pala nawala sa katinuan si Al ay dahil sa nangyari kay Alaina, kaya pala iba ang naramdaman ko ng magbago sya ng anyo! Ngunit, hindi ito ang oras para magpakabagal – bagal ako, mabilis akong sumugod sa kanilang dalawa – mukhang kailangan kong gamitin ang isa ko pang ability. A phoenix has the ability to heal any deadly diseases and wounds using the droplets of his tears and can give life using his blood.

Ilang saglit pa nga ay nagkamalay na ang mga ito ngunit hindi pa tuluyang naghihilom ang kanilang mga sugat dahil sa laki ng mga pinsalang natamo nila, ganoon rin ako kaya't hindi ko mapagaling ng tuluyan ang mga sugat nila!

" Pupuntahan ko lang si Axel! "

Hindi ko na hinintay pa ang kanilang pagsagot at mabilis na lumipad para madali ko syang makita.

Ngunit hindi pa ako tuluyang nakakalipad paitaas ay saka naman lumitaw sa harapan ko ang isang chimera! I know him – his Eros Yuan Lee – the familiar of Sophia Margie Marquez! Pero, ano naman ang nangyari at pati sya –

Boogsh ~

Tumilapon ako sa lakas ng hampas ng buntot nya sa akin, sh*t! Mukhang ako pa ang magiging praktisan nya ah! F*ck.

Naghanda ako sa muli nyang pagsugod ngunit hindi pa ako tuluyang nakakapaghanda ng bigla na lang itong bumagsak sa lupa at mawalan ng malay, at mula naman sa likuran nito – I saw Axel, smiling like a devil!

" Axel! "

Pagtawag ko dito, ngunit para itong walang naririnig at patuloy lang na nakalutang sa hangin.

" Axel! Wait! "

Tumakbo ako upang pigilan sya sa kanyang binabalak ngunit ganoon na lang ang gulat ko ng bigla na lang ako nitong itapon papalayo sa kanya matapos ko syang mahawakan sa balikat.

" Ugh! "

Daing ko ng tumama ako sa mga debris na nagkalat, dahan – dahan lang akong bumalik sa pagkakatayo dahil sa sakit at mga sugat na natamo ko sa mga nakaraang laban sa iba at ngayon nga ay muli pang nadagdagan dahil sa ginawa nya! Ngunit ng tuluyan akong makatayo at makabalik sa balanse ko, iba naman ang bumungad sa akin – the Headmaster just stared at him with the other teachers and the other member of the faculty!

" Ax, what happened? "

Hindi ako nakasagot sa tanong ni Andre dahil natuon ang atensyon ko sa paglapit ng mga ito kay Axel.

Wag mong sabihing sya ang hinahanap nilang – The Blessed Light Controller?

Headmaster Idle ~

Natigil ang paghahanap namin sa The Blessed Light Controller dahil sa isang nakakapangilabot na kapangyarihang nararamdaman ko.

" Bakit Headmaster? "

Tanong sa akin ni Ms. Sharon, this is one of my ability that nobody knows. I can detect person's aura, whether the motive is good or bad, even if he/she is saying the truth or a lie!

" Just wait for me, here! All of you! "

Sabi ko sa kanila ng hindi lumilingon sa kinaroroonan nila.

Dahan – dahan akong lumapit sa bagong estudyante na ngayon ay wala sa sarili at kinokontrol ng kung anong mahika sa loob nya, mukhang pagkatapos ng mga puppet show kanina using that damn stupid mud thing, ay tao naman ngayon ang ipinalit ng demonyong iyon! I will never let this happen again!

Nang tuluyan na akong makalapit sa batang ito ay saka ko ito ginamitan ng isa ko pang ability! And yes, I am a half exorcist!

Ngunit nagulat ako ng hindi tumalab sa kanya ang spell na ginawa ko, no! Naramdaman ko na lang ang sarili ko na tumilapon at tumama sa mga debris na gawa ng laban kanina, katulad rin ng nangyari kay Ax!

" Headmaster! "

Rinig ko pang sigaw ng mga nandoon, kaya't wala silang pag - aalinglangan na sumugod ng sunod – sunod sa bata ngunit katulad ng nangyari sa akin – tumilapon lang din sila!

Mabilis akong tumayo at sumugod sa kinaroroonan nya ngunit agad din akong napatigil ng bigla itong mawala sa paningin ko, kasunod na lang nito ang sigawan sa kabilang parte kung saan naroon ang iba pa sa mga estudyante!

0_0

Halos lumuwa ang mga mata ko ng bigla na lang nitong binuhat ang walang malay na estudyante at itinabi sa isang familiar na nawala rin sa kanyang sarili sa gitna ng laban! Wag mong sabihing –

Sh*t!

Denise Marco Cruz ~

Mabilis kong inilabas ang sandata ko which is a twin hand knife at mabilis na sumugod sa dayuhang may kung anong kinukuha sa mga kaibigan ko, ngunit hindi pa ako nakakalapit dito ng tuluyan ng bigla na lang akong tumilapon papalayo sa kanya! He has a barrier protecting him not to disturb what he is doing! Pero –

" What the hell! "

Ang naibulalas ko ng bigla na lang bumangon si Sophia at Eros na umuubo, ngunit iba ang nangyari doon sa dayuhan, he just collapsed the moment that my friends regain their consciousness!

" Axel! "

Rinig ko pang pagtawag ng Familiar's President, pero hindi ito ang inintindi ko kundi ang mga kaibigan ko na ngayon ay buhay at gumagalaw!

End of Chapter 9