Chapter 4
Axel Valerie De Guzman ~
Kanina pa ako paikot – ikot dito sa loob ng gubat kung saan ako dinala ng mga paa ko, matapos akong tamarin na mag – abang doon sa loob ng kwarto at dahil sa katangahan ko, naligaw pa yata ako!? Ano ba yan?
" Nasan na nga ba yung daan palabas, parang kanina nandito lang yun eh! "
Napasabunot na lang ako sa inis, bakit naman kasi lumabas pa ako eh!
*insert yung tunog ng mga yabag*
Natigil ako sa ginagawa kong pananabunot sa sarili ko ng makarinig ako ng mga yabag sa likuran ko, hindi ko maitatangging kinikilabutan na ako! Ang dilim kaya.
" Sino yan? May tao ba dyan? "
Tanong ko, pero ganoon na lang ang gulat ko ng ang sumagot sa akin ay ang biglaang pagkawala ng tunog ng lahat ng nasa loob ng gubat! Parang may kung anong humigop sa lahat ng tunog na kanina lang ay naririnig ko pa!? Shet naman!
" You're dead! "
Mabilis akong nakaiwas sa biglaang pagbagsak ng kung ano sa itaas pero hindi ko naiwasan ang parang mga kuko ng kung sino man na nagsalita dahilan para masugatan ako sa braso ko at dumaloy ang dugo ko mula rito!
" Aray! "
Daing ko, ngunit agad din akong napahinto dahil sa panlalabo ng paningin ko at pamamanhid ng buo kong katawan! Shit, anong nangyayari?
" Hahaha, alam mo bang mali ang ginawa mong pagpasok sa teritoryo ko! Dahil, walang sino man sa lahat ng pumapasok dito ang pinapalabas ko ng buhay! Hahaha! "
Hindi ko na maintindihan ang binabanggit ng panget na nasa harapan ko, para syang baliw na tumatawa mag – isa! Pero, hindi ko makita ang buong itsura nya, tanging ang laki nya na lang ang nakikita ko!
" Tapos ka na – "
Ax Villareal ~
Nasaan na ba yung lalaking yun!? Ang sabi ni Ms. Agatha, iniwan nya lang daw sya sa infirmary pero nung dumating naman ako, wala na sya!
Tsk! Wait, I need Tanya's help! She can see things clear in a distant!
Mabilis akong bumalik sa Split Halfway upang dumiretso sa Special Section's Room, doon ko naabutan si Tanya kasama ang familiar nyang si Jared – a Black Eyed Being!
" I need your help guys! "
Bungad ko kaagad ng makalapit, nagkatinginan muna sila bago tumango sa akin! Nagpasalamat naman kaagad ako at inaya silang lumabas, doon din namin nakasalubong ang buong grupo ko.
" Oh, Captain? "
" I need your help guys, he's gone! "
Kinakabahan kong saad sa kanila, iba talaga ang pakiramdam ko! Parang may kung anong hindi magandang nangyayari!
" Wait, what? Nawawala sya? "
Tumango na lang ako at sinenyasan silang sumunod sa akin ngunit hindi pa ako tuluyang nakakakilos ng bigla na lang magliwanag ang mga mata ni Tanya at –
" Demon's Forest! "
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya, hindi ko na hinintay pang sumunod sila at mabilis akong nagpalit ng anyo upang mapabilis ko ang pagpunta doon! Ganoon na lang ang pangamba sa sarili kong hindi ko na sya maaabutang buhay pa!
" Believe me! He's alive! Mauuna na ko! "
It's Ana, kahit kailan talaga ang isang to!
Axel Valerie De Guzman ~
Napapikit na lang ako sa pag – asang walang pwedeng magligtas sa akin! I am hopeless!
Boogsh ~
" Ayos ka lang ba? "
Nawala ang takot at pamamanhid ng katawan ko sa boses na narinig ko, isama na ang panlalabo ng paningin ko, hindi dahil sa tinanong nya ako kundi dahil sa bagay na mainit na dumampi sa noo ko.
" Mas bumuti na.. "
Napahinga naman sya ng malalim ng makita ang malaking sugat sa braso ko.
" Sh*t! Anong nangyari dito? "
Napangiti naman ako ng hilaw at itinuro yung halimaw na malinaw ko nang nakikita! Para syang butiki pero higante ang katawan, ganun!
" Phoenix Fire! "
Napalingon pa kaming dalawa sa gawing likuran ko, doon kita naming dalawa ang napakalaking ibong apoy na papasugod sa sugatang halimaw! Hindi, mapapatay nya –
Boom ~
Napapikit na lang ako ng magtama ang dalawang bagay na iyon, muntik pa kaming tumilapon nitong babaeng may hawak sa akin! Mabuti na lang at nagawan nya ng paraan upang hindi kami madamay sa lakas na pagsabog!
Ilang sandali pa ang tumagal bago namin idinilat ang aming mga mata.
0_0
The whole forest just – it's gone! Pero isang bagay ang nakaagaw ng atensyon ko! Ang lalaking nakahandusay sa isang katawan ng punong kahoy at walang malay, hindi ko alam pero bigla na lang nawala ang lahat ng iniinda ko at mabilis na pumunta sa kinalalagyan nya!
" O – okay ka lang ba? "
Tanong ko dito ng makalapit, ngunit hindi ito sumagot bagkus ay bumulwak ang napakadaming dugo sa bibig nito! No, hindi naman siguro sya mamamatay no?
Mabilis kong hinawakan ang pulsuhan nya, humihina ang tibok nito! No! Tumingin ako sa babaeng tumulong sa akin na ngayon ay nakatulala dahil sa nakikita, I snap my fingers to her!
" Ikaw, humingi ka ng tulong! Bilis! "
Hindi naman kaagad sya nakabawi kaya't wala akong ibang pinagpilian kundi ang batuhin sya ng isang piraso ng kahoy na malapit sa akin, sa ganoong paraan – nakabawi sya!
" Sabi ng humingi ka ng tulong! "
Sigaw kong muli at mabilis itong umalis, ibinalik ko na ang atensyon ko sa lalaking tumulong sa akin! Masyadong malaki ang pinsalang natamo nya mula sa pakikipaglaban sa panget na yun! Wala naman akong alam sa panggagamot! Ano nang gagawin ko!?
" Sa – salamat naman – at – at ligtas ka! "
Hindi ko alam kung bakit bigla na lang akong napaiyak dahil sa sinabi nya! Bwisit, bakit ako umiiyak!?
" Tumahimik ka na lang, okay! Ako pang inaalala mo eh! "
Umiiyak kong pahayag.
" Pwe – pwede ba – bang ka – kahit sa hu – huli eh, hu – humingi ng – ng – isang – pa – pabor? "
Nahihirapan nitong sabi.
" Oo, kahit ano! Basta't wag kang bibitiw! Paparating na yung mga yun! "
Ngumiti lang sya sa sinabi ko, bwisit naman tong lalaking to eh! Parang timang lang!
" Kiss me! "
Kusang kumilos ang katawan ko sa sinabi nya at walang alinlangang ibinigay ang ninanais nya!
Headmaster Idle ~
Napatigil ako sa pagsasalita sa harapan ng buong faculty members dahil sa isang kapangyarihang hindi kapani – paniwala ang lakas, ganun din ang iba dahilan upang lumabas kaming lahat sa Circle of Dungeons! Doon namin lahat nasaksihan kung paanong kainin ng isang Phoenix Fire ang buong Demon's Forest, kasunod ang isang nakasisilaw na liwanag!
" Headmaster! "
Sumugod akong mag – isa doon upang makita kung kanino galing ang liwanag na iyon, ngunit nang dumating ako sa lugar na iyon, ang tangi ko na lamang naabutan doon ay ang buong A Squad at ang isang hindi pamilyar na mukha ng isang lalaki.
" Headmaster! "
Napalingon ako sa likuran ko, doon nakatayo ang lahat ng faculty!
" Find the controller of The Blessed Light! And you all – explained what happened here! "
And with that, umalis ako! I need to go to the Dungeon of the Predictor!
End of Chapter 4