Chapter 3
Axel Valerie De Guzman ~
Nagising ako sa tama ng sinag ng araw sa mukha ko, dahan – dahan akong umupo mula sa pagkakahiga at nagkusot ng mga mata! Ang sakit din ng ulo ko, ano ba yan?
" Gising ka na pala! "
Napatingin ako sa isang babaeng hindi ganon katandaan ang itsura, nakasuot ito ng puting damit na sa tingin ko ay nurse o doctor dito! Teka, nasaan nga ba ako?
" Nandito ka sa infirmary ng university, mukhang hindi kinaya ng katawan mo ang pag – aadjust ng kapangyarihan sa loob mo! You've change a lot for the 24 hours a while ago! "
Ano daw? Kapangyarihan? Baka naman panaginip ulit ito? Ano ba yan? Ba't parang ang tagal namang mag – umaga at iba't – ibang panaginip na ang napapasukan ko!?
" Your funny, my dear! But, to tell you the truth! Hindi ka nananaginip! You are here, gising at mukhang lutang pa sa mga bagay – bagay! "
Nakangiti nyang pahayag sa akin, ngunit agad ding nabawi ang atensyon ko sa kanya ng dahil sa mga taong nakikita ko sa field ngayon! O my gosh!? What the hell they are doing!?
Halos lumuwa ang mga mata ko dahil sa nakikita ko, may taong lumalaki't lumiliit, may parang gravity naman yung isa, may nag – aala – avatar, yung isa naman parang natutulog lang, may pabago – bago ng itsura, may parang nanghihigop ng kapangyarihan din, may gaya – gaya, may parang baliw na kumakausap ng mga hayop, at iba pa.
Nang mapatingin naman ako sa ibang direksyon, para kong hindi makahinga sa mangha – they are transforming from different creature?! Ano bang mundo tong pinasok ko?
" How interesting they are, aren't they? "
Muli akong napatingin sa kanya, talaga bang hindi ako nananaginip?
" Hindi nga! "
0_0
Nababasa nya ba ang iniisip ko?
" No, I can hear you! "
0_0
" Pa – paano? "
Ngumiti lang sya sa akin at pagkatapos ay dahan – dahang lumapit sa akin.
" You are one of the gifted humans blessed by the God, and must be one of the tamers with the help of your familiar to protect the world in its destruction! "
Saad nya dahilan upang manlumo ako sa kinalalagyan ko, ano bang dapat kong maging reaksyon sa mga rebelasyon sa buhay ko? Una, hindi naman ito ang ipinunta ko dito. Pangalawa, ang gusto ko lang ay matahimik na buhay kung saan malaya ako sa mga gusto kong gawin. Pangatlo –
" You don't need to think! After all, you were stuck here because – you – by yourself makes your biggest mistake! "
" Ano po? "
Ngumiti ito sa akin ng nakakakilabot.
" You kissed your familiar! "
Lalong nalukot ang pagmumukha ko dahil sa sinabi nya, at bago pa ako makapag – react eh, nawala na sya sa paningin ko! Kasalanan to nung lalaki sa panaginip ko eh, panaginip nga ba?
Hayst! Wala na rin naman akong magagawa, well, I – enjoy ko na lang ito!
Ms. Olivia ~
Pinatawag ko ang lahat ng tamers at familiars sa loob ng Split Halfway upang magkaroon ng linaw kung bakit nagkakagulo ang lahat, naabutan ko pa nga ang sunog na parte! Mukhang alam ko na rin naman kung sino ang may gawa noon!
" Ngayon, tell me Lyra! What the hell just happened before I enter the Split Halfway? Yung totoo? "
Nakataas kilay kong tanong sa kanya, being the Special Section's Presidents is a big responsibility! Kaya't alam kong minsan ay nahihirapan sya, but, the thing is – hindi naman kailangang umabot dito na sila mismo ang magkakasakitan! I am the Tamer's and Familiar's Adviser kaya't ako ang mananagot sa Headmaster kung may mangyari mang kaguluhan dito! Kaya ngayon, gusto kong magkalinawan kung ano ba ang totoong nangyari.
" Nagpapasok po ang A Squad ng outsider! He's in the infirmary now – "
" He's not an outsider, to tell you the truth – he is the tamer of the Star Section's President – Ax Villareal! "
0_0
A man is a tamer? This is a big joke!
" You're joking Ms. Villegas, am I right? "
" No, Ma'am! "
And with that, I left!
Lyra Cassandra Martinez ~
Nang makaalis na si Ms. Olivia, ay saka ako lumapit sa kinauupuan ni Alex at saka ko sinubukang higupin ang kapangyarihan nya – but to my surprise – I can't drain it!
" Gulat ka? Me too! Kanina ko nga lang nalaman eh, at alam mo ba kung kaninong kapangyarihan galing to? "
Nanghahamong tanong nya, binitawan ko na rin sya dahil sa sama ng tingin sa akin ni Andre! This jerk.
" It's from him! He has the ability to block any power he chooses, I think! "
Iniinis talaga ako ng babaeng to eh.
" Sinusubukan mo talaga ang pasensya ko Alex! "
Ngumiti ito ng malapad dahilan para lalo akong mainis sa pagmumukha nya.
" Nope, I just don't feel na kailangan mo pa kong hawakan kanina! Napahiya ka tuloy! Hahaha! "
Tumayo na ito kasama ang mga kaibigan nya, tsk! May araw ka rin saking bwisit ka!
Ms. Agatha ~
Kakaalis ko lang galing sa infirmary ng makasalubong ko si Olivia na nagmamadali.
" Problem? "
Bungad ko sa kanya ng magkalapit kami.
" Is it real? "
Alam na rin nya pala.
" Yes, it is real! Believe it or not! "
Nakangiti ko pang pahayag, kahit naman kasi sinong makakarinig eh, magugulat kapag nagkaroon ng tamer na lalaki! But, it triggers me kung ano ang ability nya! Wala kasi akong maramdaman sa katawan nyang kakaibang enerhiya, pero nandoon ang marka ng pagiging tamer! And it is impossible na magkaroon sya ng marka without any abilities inside him!
" I need to report it to the council! They need to know it – "
" No, just let the Headmaster know this! You know how much the council wants a tamer without an ability! "
Putol ko sa kanya, those jerks must be stop to their nonsense deeds!
" But – "
Tinitigan ko na lang sya ng mariin, sa huli, pumayag na rin sya sa sinabi ko! Alam naman nya ang dahilan kung bakit ganito ako kagalit sa mga matatandang iyon eh.
Underworld Society
Michael ~
Mukhang nagsimula na ang paglabas ng mga tamers sa itaas, I need to work now! The rest is at the end of the road! At kailangan kong maunahan ang iba pang katulad ko na gustong maging susi sa pagbubukas ng Great Canal of the Demons! But first, I need more power to conquer to be the key! Hahaha!
End of Chapter 3