PB14
(Xelo pov)
"A-ahm,"
"Ano"
Napangiti ako dahil sabay pa kaming magsalita ni Venidict. Pano ba naman tinawag nung babae si Enzo tapos lumapit si Venidict sa akin. Ewan pero naging
awkward bigla. Hindi naman sya umimik kaya ako na ang nagsalita
"Salamat" nakayuko kong sabi. Teka ano ba itong nararamdaman ko?
"Tsk..." Parang may kung ano naman sa dibdib ko ng lagpasan nya lang ako. Bakit ba ang sungit nya sakin? Ano na naman ba ang nagawa ko na ikinagalit nya?
"Oh Xelo Tara na malayo-layo pa ang lalakbayin natin " at hinila na ako ni Kaye. Sabi nya na hindi daw makakasama si mama E
"Dapat sa bago mong papasukan mag-iingat ka at night class lang ang meron. Magtataka sila kung gumagala ka sa umaga kaya wag kang lalabas lalo pa at wala kang kasama " pag
Papaliwanag ni Kaye.
"Ha? allowed ba yon? Kinikilabutan
Ako! Bakit sa gabi pa?" Wala sa sariling napayakap ako sa sarili ko.
"Sige nga may bampira bang malakas ang loob na magligalig sa araw o magpatirapa ha?ha? Meron man pero halfbreed yon at walang ganon sa pupuntahan mo. Purong Bampira sila na may dugong mababa lang"
"Hi ate Xelo! Guran K mahiram ko muna sya ha? may ikukwento lang ako hihihi"
Nagulat ako sa bilis kumilos nitong babaeng kaharap ko. Jusko bampira!
"Ha? bakit?" May pagtataka talaga
Sa Boses ko at kinokontrol na wag mabulol dahil sa kaba.
"May kwento ako, Alam mo ba na kapag bampira ka at nasa mundo ka na namin....."sabi nya habang naglalakbay na kami.
"Sa mundo kasi namin hindi pangkariniwan hindi tulad ng mundo na kinalakihan mo. Kaya hayaan mong ikuwento ko sayo. Ang mga Royal family ay para lang sa Royal family lang din. You know what I mean ganito yon, Bata palang sila may nakatakda
ng kapareha para sa kanila na nakadepende sa propisiya kahit pa hindi
nila gusto "malungkot na sabi nya.
Akala ko sa mundong earth lang merong complicated love eh noh? Pero bakit gano'n mas komplikado yung sakanila. Kapag talaga nagmahal ka may hahadlang at pagnagpahadlang ka talo ka.
"Huh? Ahm ano ba ang paraan para hindi matuloy ang kasal?"
Curious kong tanong. Lahat naman kasi may sagot at kung gugustuhin may paraan.
"Huh? Isa lang naman, ang mabuntis ka teka tama! bakit hindi ko ba naisip yon? akitin ko
kaya sya?------aray!"
Nanlaki ang mata ko ng kutusan sya ni Venidict aish! walang awa! Kailan pa sya sumulpot sa tabi namin ni Mauriss?
"Ikaw tigilan mo yang iniisip mo tsk! At ikaw..." humarap sya sa akin. "Wag kang magsasalita ng hindi mo alam"
At lalong nanlaki ang mata ko ng
Hilahin nya ako at....at....
M-magkahawak kamay kami.
Bakit iba ang nararamdaman ko?
Ang saya, gan'to ba talaga pag In love? Teka in love na nga ba ako?
"Kuya naman eh! Huhuhu sama
Mo!" Narinig Kong sigaw ng babae.
Nanlaki ulit ang mata ko. Mukhang magiging tarsier ako nito ah wag naman sana.
"M-magkapatid kayo?" Sinilip ko sya
"Bakit ano ba sa tingin mo?" Wala sa sariling napangiti ako
(Someone Pov)
"Babantayan kita Xelo mula sa malayo tulad ng palagi kong ginagawa, miss na kita..."
Isang anino ang nakatayo at nakatanaw mula sa malayo...
"Ha anong ibig mong sabihin?"
Napatayo ng wala sa oras si Ella
"Ang kapatid ko papunta dito? Sino nga ulit ang kasama?"
Hindi makapaniwala si Ella sa narinig na balita.
"Ang lumayas na prinsipe ng 3rd Family?"
"paanong—akala ko ba dekada ng nakalipas mula ng takasan nya ang responsibilidad na makasal kay aloida na 4th family?"
Anong ibig sabihin ng lahat ng ito?Bumaliktad na ba ang mundo? anong dahilan mo Venidict?