PB15
(Xelo Pov)
"Oh bakit ka nakangiti dyan mag-isa? Alam mo para kang baliw "
Napairap nalang ako kahit kelan talaga oh.
"Teka anong pangalan ng kapatid mo?maganda sya ah"
Hindi mawala sa labi ko ang ngiti. Ewan ba napupunit na nga ata.
"Mauriss" Simple nyang sagot.
"Ouch..." Napa-upo ako sa damuhan. Nag-silapitan naman sa'min sila Kaye na nasa unahan.
"Anong nangyari?"pag aalala ni Enzo at tinignan ang katawan ko kung may masakit ba.
"A-aray, ang sakit ng paa ko!"
"Hindi kasi nag-iingat " naman oh nasaktan na nga ako sinisi pa! tumambol ng napaka bilis ang puso ko ng buhatin nya'ko na mala bridal style. Napasinghap talaga ako.
Yung feeling na mauubusan ka ng hangin sa katawan mo?
"Ahm bilisan na natin mag-gagabi na"
Napatingin ako sa paaalis na si Enzo anyari don? Nagsimula na ulit kami maglakad.
Napaigtad talaga ako ng magsalita si Venidict. Magkakasakit ata ako sa puso nito.
"Alam kong madami kayong pinagsamahan bata palang kayo, wala ka bang napapansin?" Nasa daan lang ang tingin ni Venidict. Ano bang sinasabi nya?
"Huh? anong ibig mong sabihin? Si Enzo ba? Oo kaibigan ko sya alam mo naman pala eh"
"Ano si Enzo para sayo?"
Deretso na sabi nito. Hmmm...ano ngaba? Syempre kaibigan.
"Mahal ko sya-----" hindi na natapos ang salita ko napa-pout nalang ako ng bigla nyang putulin.
"Ok "ikli nyang sabi. Bahala ka nga dyan!
"Enzo...." Napalingon kami
Sa babaeng tumawag sa kanya. Napaka ganda!
"Sino sya ?" Grabe ang puti pang model!kahit hapon na ngayon at mga nasa 5 pm na ata eh. Pero labas padin ang kagandahan nya. Nakakatibo lang
"Ella" tipid na sabii ni Venidict at nag patuloy sa paglalakad, pero nakatingin pa din ako kay Enzo at sa Ella daw kuno
"Aray! aray! aray!" Napatawa ako ng wala sa oras.
"Hahahahahahhaha"
Ramdam kong sagkit na tumingin si Venidict sa'kin.
Kasi naman yayakapin sana ni Enzo yung Ella pero piningot ito at kinaladkad hahahah. Yung mukha ni Enzo epic sabay sigaw ng
"Aray ko! Pag may chiks na naka kita nakakahiya! aray ano ba! Pagkamalan pa nilang lola kita"
Hindi pa kami nakakalayo kaya naririnig at nakikita ko pa sila.
"Talaga! gusto mo magtawag ako ng kababaihan ng makita nila tayo ha?!" Isang iglap naman ay naglaho na sila. Grabe ang bilis
"Masanay ka na, Kailangan mo na maging angkop dito kundi mapapahamak ka. Hindi sa lahat ng oras nakabantay kami"
Nakaramdam ako ng awa sa sarili ko. Wala sa sarili na napayuko ako.
"Alam ko na mahina ako at walang kwenta talaga bang itinakda talaga ako? eh bakit wala akong silbi? nasasaktan ako sa simpleng talisod. Samantala kayo, kayo na bampira tulad ko parang wala lang kung masaksak kayo. Bakit? tinakda ba talaga ako? baka naman nagkamali lang kayo?"
Hindi ko napigilang mapaluha. Hindi ko namalayan na nasa tapat na kami ng pinto.
"Kung ganyan ang tingin mo sa sarili mo, wag ka na umasang makakabalik ka pa sa mundo mo ng buhay" inilapag nya ako sa tapat ng pinto at tumalikod.
"Hindi ko alam ang gagawin ko! Mahina ako oo! Hindi ko naman ginusto na maging halimaw!" Umiiyak kong sabi.
Huminto naman sya pero sobra akong nasaktan sa mga sinabi nya.
"Bakit ka pa pumunta dito? Hindi habang buhay aasa ka sa mga nasa paligid mo. Hindi lahat sila kakampi mo porke napakabait at ganda ng pakikitungo sa'yo.
Sa tingin mo ba tutulungan kita ng walang dahilan? wala ng libre ngayon, At isapa—
Buti alam mong mahina ka..."
Nabilis syang naglaho. Nanginginig ang mga tuhod ko, napa-upo ako sa lapag habang yakap ang mga tuhod ko. Akala ko okay na kami. Bakit nya pa ako tinutulungan? Ano bang kapalit ang gusto nya?
Bakit ganon sya?
Umiiyak ako, bakit ang hina ko?! Para akong tanga na pinupunasan ang mga luha kong walang humpay kakatulo. Lahat sila sinasabi na 'wag akong magtitiwala kahit kanino. Nababaliw na sila!
Ang sakit sakit, Paano ba maging malakas?!
"Miss? okay ka lang?"napa tingala ako sa lalaking nasa harap ko na pala.
"Hi I'm Ayuki Ko, magkatabi lang tayo ng dorm teka bat umiiyak ka? Ahm...here " at inabutan ako nya ako ng panyo mula sa bulsa nya
"Ay okay lang ako" At pumasok sa loob.
Nakakahiya nakita nya pa akong umiiyak na parang tanga.
Weak ka talaga Xelo, weak!
Napahiga ako sa kama. Sabi ni mama E wag ako iiyak sa harap ng iba dahil kapag ginawa ko yon uulit-ulitin lang nilang paiyakin o saktan ako.
Ipikinit ko ang mga mata ko.
(Ella Pov)
Pupunta sana ako sa Dorm ko, 7 ang Simula ng class dito, 7pm.
Napahinto ako sa narinig ko.
"Hindi ko alam ang gagawin ko! Mahina ako oo! Hindi ko naman ginusto na maging halimaw!"
.
Nakita ko si venidict na nakatalikod do'n sa babaeng pasan nya kanina na kakarating lang.
Ginamit ko ang mata ng vampira para makita mula sa malayo sila ng malapitan.
Napataas ang kilay ko. Ilusyon ko lang ba ito o nanlalabo ang mata ko?
Did I just see Venidict Tears fall from his both eyes? And whisper....
"My reason is, I was already fall inlove with you long time ago. Lahat ng mananakit sayo handa kong alisin sa mundong ito"
I know hindi maririnig ng normal o kahit sinong mahinang bampira ang sinabi nya. I Know him well, mula noon sya pa din ang Venidict na mahilig magtago. Sinabi nya kasi yon sa hangin, hindi na ako magtataka his a half wizard tsk.
"Hoy ate tawag ka daw ni Ina"at naglaho agad si Enzo. I know nakita nya din ang nakita ko. Ang isang yon talaga. Hindi ko namalayang nasa tabi ko na pala ang ugok na iyon. Mukhang gumagaling na sya ha.
Napairap ako sa ere at naglaho agad.
=======================
(Third person pov)
Nagsisimula na ang klase, nagbulong-bulungan ang mga ito.
"Ha? totoo ba na bumalik na ang prinsipe ng 3rd family?"
"Oo hindi lang yon may bagong bampira daw na kasama siguro alalay o adma?"
Natahimik ang lahat ng pumasok ang Guran nila na si Kaye kasama si Xelo na babaeng pinaguusapan kanina.
"Quiet or I'll Rip off your head"
Madiin na sabi ni Kaye sa mga ito. She is young terror teacher
"Sorry im late!"
Napalingon agad ang mga mata ng lahat sa kadadating na nilalang, lahat ay nagulat pati si Kaye pero si Xelo parang wala lang.
Wala pa sa sarili tamang sabihin lutang sya
Pero ng makita ito ng nilalang nilapitan sya ito at inakay na maupo sa upuan nagpatianod si Xelo dahil bangag pa ito..
Nangilabot naman ang lahat sa tumayong si Venidict...
"Ne attingas eius"
Kahit hindi alam ng lahat kung anong salita ang binanggit ni Venidict dahil ang salitang DONT TOUCH HER ay sinabi nya sa wizard language...
Napalingon tuloy dito ang nilalang. Pati si Xelo ang nagising sa reyalidad.