PB18
(XELO POV)
"Hmm...Enzo?" Naka-kunot noo ako habang nakatingin sa kanya. anong ginagawa nya dito?
Nanlaki ang mata nya ng makita nya ako.
"Xelo!" At niyakap nya ako ng sobrang higpit.
"Hey...hindi ako makahinga " mahinang sabi ko.
" teka bakit ganyan ang tono ng boses mo?"
Nakunot noo uli ako anong mali sa pananalita ko?
Sumeryoso sya sandali na parang may iniisip, mayamaya ay ngumiti.
"Okay ka na ba? nag-alala kami ng sobra sayo eh" nakapout nyang sabi.
Tinanguan ko lang sya, ayoko pang magsalita dahil sobrang pagod ang nararamdaman ko.
"Nagugutom ako"
"I already expected that"
Lumabas naman sya para kuhaan ako ng pagkain. Pag-labas nya napaiwas ako ng tingin sa pintuan ayoko na, na may madamay pa tama na yung minsan may nawala ng dahil sa'kin. Ayoko ng maging mahina pa, kakayanin ko 'to ako si Xerina Louisa Corpuz I'm no longer weak
"Oh my God! Xelo you're awake!" Agad naman akong niyakap ni Madison. Sya yung laging kasama ni Ayuki.
"Obviously " at nag smirk ako.
Napangiwi naman sya at parang nadismaya.
"Sayang hindi mo naabutan, umalis na si Guran Kaye para sa mission nya eh. tapos, tapos....si Venidict nag-iba na sya. Mas lalo syang lumala wala kaming nagawa "
At yumuko sya. Sorry Venidict inumpisahan ko ito tatapusin ko din
"Ah okay "
At humiga ako, alam kong nagtataka sya sa ikinikilos ko.
Napalingon ako sa lamesa may sulat ata.
Binasa ko iyon.
"Hanapin mo si Honey Mai makakatulong sya sayo DBSW ps:K "
"Ahm Xelo ano yang nasa sulat?" At tumataas pa leeg nito, gusto ko matawa dahil curious talaga sya—pero di pwede.
"Pagod ako Madison leave me alone " at nagkunwari akong inaantok.
"Iwan mo na muna sya Madison, kailangan nya magpahinga lalo pa at may gagawin mamayang pagpupulong ang mga bampira"
Si Ella yun ate ni Enzo. Hindi ko lang maintindihan bakit parang kakaiba ang nararamdaman ko parang pinipilit nya akong asarin at magalit.
"Ay hihi sige alis na 'ko Xelo pagaling ka ha?may pasok mamayang 7!"
At isang malakas na hangin ang dumampi sa balat ko,nawala na sila sa silid. Tumayo ako sa hinihigaan ko at naglakad-lakad ng may parang kakaiba akong nararamdaman.
"Oo tama kanina lang nag-usap si Venidict at Ayuki, ewan pero himala na magsama sila diba?"
Nakarinig ako ng bulong-bulungan kaya tumigil ako at nakinig na lang.
"Yah hindi lang yan, balita ko dadating ang fiancée nya tingin mo matutuloy ang kasal nila?"
Nawala na ang naguusap pero naestatwa lang ako sa kinatatayuan ko, naguguluhan na talaga ako madaming tanong pero wala pang sagot.
"Aray, excuse me kasi" napalingon ako sa babaeng nasa lapag binangga sya nung isang babae.
"Aish naku naman ...." Naiinis na sabi nito at naglakad papapasok sa isang gubat ewan pero sinundan ko sya dahil parang may nag-uutos sa akin na sundan sya.
(ENZO POV)
(Itong scene na 'to ay yung binigyan si Enzo ng sulat ni Kaye tanda nyo pa? Basta ito yun)
Agad ko itong binuksan
"Hoy Enzo akala mo diko alam? Tss ewan ba't ba kita sinulatan eh. Ah oo I'm leaving because I have an mission, mission na hindi pwede malaman ng kung sino-sino. Enzo may favor ako sayo pag gising ni Xelo at nag-iba ang ugali nya wag mo sana syang layuan dahil ang pag-iisa at sakit na mararamdaman nya at bawat luhang bumabagsak sa mga mata nya ay syang magiging dahilan o simbolo na malapit na ang vampire war. Walang nakaka alam, alam mo yan. Enzo ikaw na bahala kay Xelo . Ego volo tibi dicere, quod ibi exspecta me,(Hintayin mo ako may sasabihin ako sayo)"
Nakakainis naman si Khaye pabitin eh ano naman 'tong huling salita dito? 'Diko ma-gets, makapunta nga sa library.