PB17
( Xelo pov )
Minulat ko ang aking mga mata. Napakadilim, asan ba ako? Bakit nakatayo ako? Sandali lang.....parang nangyari na ito.
"Xelo~"
Nanindig ang balahibo ko, ayan na naman yang boses na naririnig ko.
"A-anong kailangan mo?"
Kikakabahan kong sabi sa kawalan.
"Hindi ka ba nadadala? marami na ang nagbubuwis ng buhay para sayo, Para sa katangahan mo!"
Nangangatal ako at nanginginig sa takot.
"H-hindi ko ginusto yon!" Nagsisimula ng manlabo ang mata ko sa luha.
"Hindi ba talaga~"
"Huhuhu hindi nga sabi eh! Lubayan mo ako!"
Napasabunot ako sa ulo ko. Kumikirot ang buo kong ulo sa sakit.
"Tingnan mo Xelo, tingnan m0~"
Napatingin ako sa mga imaheng nagkakagulo
"Guran Khaye! Huhuhu kuyaaaa!"
Si mauriss umiiyak
Nanlaki ang mga mata ko. Si venidict h-hinalikan ako. Bakit? Ngunit bakit parang nagiging kulay brown ang balat nya? Hindi ko maintindihan.
"Naguguluhan ka na ba Xelo?~ Ikaw mismo ang gumawa nyan sa kanya~"
Napalunok ako habang humihikbi.
"H-hindi ko maintindihan ang mga pinagsasabi mo" garalgal kong sabi.
Walang tao o demonyo dahil tanging boses lang nag naririnig ko.
"Hindi nga ba? Xelo , Xelo, isipin mo kung ano at sino ka nga ba talaga. Nalalapit na ang araw ng pagtatapos Xelo, ngunit wala ka pang nasisimulan. Aasa ka na lang ba sa kanila?"
Aasa ka nalang ba ...
Aasa ka nalang ba...
Aasa ka nalang ba....
Naririndi ako sa boses na paulit-ulit kong naririnig .
(Enzo pov)
"Buhatin nyo na sila"
Agad na dumating sina Ariel kasama si ate Ella.
"Enzo mag-usap tayo"
Madiin niyang sabi nag-oo nalang ako. Makalipas ang ilang sandali nasa silid nya na kami.
"Alam nyo ba ni Ayuki kung ano ang nangyari?" Nakatalikod sya sakin.
"Kanina sa caf. Biglang binuhat ni Venidict si Xelo at naglaho sila?" Nakapamulsa kong sabi at sumandal sa dingding.
"Ah. Yung pang-yayaring pagkatapos halikan ni Venidict si Xelo alam mo din ba?"
Sa pagkakataong ito naptayo ako ng tuwid at nakatingin sa kanyang likuran.
"Anong ibig mong----"
"Sa pagkakataong ito, talagang hindi si Venidict ang nararapat para kay Xelo gayong nalason sya sa halik nito"
Napalunok ako...
"Ibig mo bang sabihin ay ang nararapat lang kay Xelo ang maaaring humalik at angkinin sya?"
Pano na yan? Mahal nila ang isa't-isa
"Bakit Enzo? diba dapat matuwa ka kasi sayo na sya mapupunta? Lalakas ka at ang ating lahi kung magiging kayo hindi ba?"
Tinaasan ako ng kilay nito. Napabuntong hininga ako.
"Nahihibang kana ate hahaha kaibigan ko sya hahaha----"
"Kaibigan nga lang ba?"
Nakaupo ako sa silid ni Xelo , hanggang ngayon ay wala parin syang malay. 2 weeks na ang nakalipas.
Umalis ako sa silid at nagtungo sa paaralan.
Gayo'n din si Venidict na 'di mo makausap ng matino, nakatulala lang at napaka sungit.tsss
Nalason si Venidict kaya agad syang ginamot at naagapan. Siraulo naman kasi, may pahalikhalik pang nalalaman.
Napaisip naman ako sa pinagsasabi ni ate
Bakit ganon sya? minsan may toyo din sa utak eh haist kapatid ko ba talaga yon?
"Para kang baliw tsk"
"Oww~ hi guran kaye hihi " tinaasan nya ako ng kilay.
"Hoy Enzo may topak ka ba? Nga pala bakit ang aga mo pumasok?"
Napakamot ulo din ako.
"Hmm.. Ewan maaga akong nagising at boring sa bahay palagi lang akong pinagtritripan ni ate—ang pogi ko kasi.
" ah"
"Hoy Guran pumapayag ka na ba na gwapo ako?"
"Eh"
"Buti naman kasi talagang gwapo ako" naka smirk pa ko.
"Ih"
"Oh uh ba kasunod nyan?" Naiinis akong lumapit sa kanya at humalumbaba sa desk nya.
"Hahaha inis kana nyan? hahaha "
Tawa sya ng tawa, sya ata ang baliw eh
"Guran, aalis ka daw?"
Napahinto sya sa pagtawa at sumeryoso.
"May aasukasuhin ako kaya lang ako bumalik kasi may nakalimutan ako " at tumalikod sya sa'kin.
Gusto ko syang yakapin. Kahit kailan, ang kahinaan ko ay yong nang iiwan. Mas sanay ako na ako ang aalis kesa makita silang umaalis.
"Mamimiss po kita guran hihi" at ngumiti ako. Nagulat ako ng maglaho agad sya matapos iaabot sakin ang libro. Isang brown notebook, teka libro ito ng mga Oaf anong gagawin ko-----
Binuklat ko ang unang pahina.
'Impossible panong—
(Third person's pov)
Sa kabilang banda nakatanaw si Venidict sa malayo ng may pumasok sa silid nya.
"Kuya, ayos ka na ba?"
"Alis" malamig na sabi ni Venidict
"P-pati ba naman sa'kin ganyan kana?! Bakit kuya dahil ba yan kay Xelo?! Kuya naman hindi nga kasi kayo ang itinakda! bakit 'di mo matanggap!"
Umiiyak na sabi ni mauriss.
"Umalis ka "
Napahagulhol si Mauriss, tila nagbago na si Venidict matapos ang insidente na nangyari. Mas malala pa ata ito kesa sa nawala ng dekada ang kapatid nya
Sa labas naman nag uusap si Ayuki at Madison.
"Diba niligtas na ni Serrafin si Xelo? bakit hindi pa din sya gumigising?" Naiinis na sabi ni Ayuki.
Kinutusan naman sya ni Madison.
"Manahimik ka Ayuki tss. Balita ko nga eh dapat patay na si Venidict kung hindi dumating si Ariel at Ella para awatin. Ewan ko nga ba kay Venidict ba't nya kailangang tulungan si Xelo " naiiling na sabi ni Madison.
"Hay ewan all I know is sana magising na si Xelo noh tsk."
"Ayuki, ayuki, hoy ayuki tigilan mo yang iniisip mo baka gusto mong ikaw ang mamatay sa halik---" hindi na ito pinatapos ni Ayuki.
"Yuck~ kiss mo? Eww ha mas okay kung kiss ng pagmamahal ni Xelo mylabs baka magpakamatay pa ko hahahahahaha"
At isang malutong na tawa ang bumalot sa lugar ng dalawa. Habang hindi makapaniwala ang kaharap sa sinabi nito at talagang willing sya mamatay para sa halik lang?