Chereads / Pure Blood / Chapter 18 - KABANATA 16

Chapter 18 - KABANATA 16

PB16

(Xelo pov)

Nagising ako sa kalampag ng pintuan.

"Bakit" wala sa sarili kong sabi.

"Magbihis ka may pasok" at lumayas naman agad sya sa harap ko.

Gabi na ah may pasok pa? Ay oo nga pala pasok ng mga halimaw. Argh! Inaantok talaga ako.

Wala ako sa sarili dahil antok na ako. At feeling ko pagod na pagod na ako.

May nagbubulungan pero dedma ako. Si Kaye narinig kong nagsalita ng ewan. May lalaking humawak sa kamay ko at pinaupo ako sa upuan. Pero napa igtad ako  ng magsalita ang pamilyar na boses, imagine that naantok ka pero narinig mo yung Boses na dahilan ba't napuyat ka tapos from the moment naka ub-ob ka mapapatayo ka ng tuwid?

Napasulyap ako sa paligid, andaming nakatingin sa'min

"Oh kelan ka pa bumalik Prince Serrafin?" 

Nabalik ang tingin ko sa dalawa.

"Tss" at umupo si Venidict sa likuran namin. oo 'namin' magkatabi kasi kami nitong lalaking maputla

"Hi? Remember me? Okay ka na ba?" 

Wow feeling close si Kuya ah, ngumiti na lang ako at tumingin sa unahan.

"Inaantok ka? Here makakatulong 'to sayo" 

Nagulat naman ako ng may iabot syang gamot ata

"Eh?" 

Mukha naman syang mapapagkatiwalaan gwapo nga eh, lols hahaha.

Ininom ko na ito.

"Thanks" ngumiti ako sa kanya at nagpatuloy sa pakikinig kay Khaye. Akalain mong kaklase ko lang sya sa tapos magiging teacher ko pala.

Natapos ang klase na hindi na ako inaantok, wow effective!

Pumunta ako sa canteen. Pang normal naman ang kinakain nila, well 'di naman maalis ang dugo na inumin.

Nagulat ako ng may umupo sa table na kinauupuan ko 

"Hi!" 

Ngumiti naman ako

"Libre mo ako" nakangiti syang todo

"Ha? bakit naman kita ililibre?" naguguluhan ako. Ni hindi ko nga sya kilala e.

Nagpout ito, hala ang cute!

"Tinulungan kitang hindi mapuyat tapos di mo ako ililibre?" Nakapout pa din sya. Napakurap ako, Hindi naman ako mapakali parang di dapat tanggihan. Ang sama ko naman kung 'diko sya ililibre

"Ano bang kinakain mo?" Napalunok ako

"Tao------joke lang hahaha! Big burger, hmm sandwich, pizza at large float!hihi" napangiwi ako, lalaki ba talaga talaga 'to? Akala ko babae lang ang matakaw.

"Hehe sige..."

Pero may pahabol sya.

"After this sponsoran kita ng tablets!" Napangiti naman ako, mabait naman pala sya eh.

Habang bumibili ako, pag balik ko napataas ang kilay ko ng makita si Enzo sa lamesa.

"Oh Enzo?" Paupo pa lang ako eh nagulat ako ng may bumuhat sakin at napakabilis na nailabas ako sa caff..

"Nyaaaaah!!" 

At napapikit ako sa bilis at sobrang kapit ang ginawa ko sa braso nya.

Namulat ko ang mata ko ng konte at nanlaki ang mata ko. Ang lapit ni Venidict sakin!

Ang bango! Sandali bakit nya ako binuhat?

Ilang saglit pa ay tumigil na sya.

"Kumain kana ba?" At nilapag nya'ko.

Nailibot ko ang tingin sa paligid. Ground kasi ito at tahimik sa paligid

"Kung hindi mo ako binuhat at dinala dito siguro kakain na ako"napapout ako.

Tumawa lang sya...bipolar na lalaki tss.

"Oh kumain ka ..."

Kumain naman ako, nagugutom na ako eh.

"Ahm Venidict kakaiba ka ngayon. Ang sweet mo at tumatawa ka na din, sana lagi ka na lang ganyan "sabi ko ng nakangiti

"Diba mahilig ka sa mansanas?" 

Napangiti naman ako, napapansin nya pala yon?

"Oo hehe" 

Nahihiya kong sabi at inabot yon sa kanya. Agad ko itong kinagat.

"Masarap ba?"

"Oo masarap ---acckk h-hindi a-akom-maka-hinga*cough* " 

Napahawak ako sa lalaluman ako. Parang may nakabara don at may dumadaloy na likido sa dibdib at ramdam ko na dumadaloy yon papunta sa tyan ko.

"Mamatay ka!" At nandidilim ang paningin ko. Anong sinabi nya? Mamatay ako? Nahihilo ako. Napahawak ang kaliwa kong kamay sa ulo ko dahil parang umuuga ang paligid ko.

B-bakit?

B-bakit venidict? Ganyan na ba kalaki ang galit mo sa akin?

(Enzo pov)

"Hoy Ayuki! Bakit nag-kaganon si Venidict? At isa pa, pasalubong ko asan?" Nagtatalo kami ni Yuki ng pumasok sa loob ng caff si Venidict na iba ang damit.

Kaya napakunot noo kami ni Yuki at nagkatitigan. Nginuso nya pa ito at sinenyasan akong tawagin. Sus takot ka lang e.

"Venidict!" Tumingin sya sa gawi namin at dahil mukhang wala naman syang balak na lapitan kami, kami na ang nag adjust. Lumapit kami ni yuki sa kanya.

"Oh? " bored nyang sabi. Wala ba syang magawa?

"Akala ko ba kasama mo si Xelo? 'san mo sya dinala? Kukunin mo tapos iiwan mo sana hindi mo na lang kinuha eh" Pagtatanong ko na may kasamang pagkainis.

"Anong pinagsasabi mo? eh kasama ni Ayuki yon "at umirap sya

Nagkatinginan kami ni Ayuki

"Shit! Xelo is in danger!" 

Mabilis pa sa isang segundo na nawala si Venidict sumunod kami ni ayuki kahit hindi namin alam kung saan naroroon si Xelo.

(Third person's pov)

Nanlalantang napahiga sa damuhan si Xelo nangingitim ang balat nito sa bilis ng epekto ng lason.

Wala na ang nilalang na kanina'y ando'n. Dumating si Venidict at agad na inobserbaran si Xelo. Sakto naman na dumating sina Kaye at Mauriss

"Shit! Serrafin save her!

Oh god! "

Natataranta na si Kaye pero hindi nya maiwasang mapaisip. Bakit napahamak si Xelo habang suot ang kwintas? Pati si mau ay naiiyak na.

Napasinghap ang dalawa ng halikan ito ni Venidict.

Inawat ni Kaye si Mauriss na pipigilan sana 

"Wag! huhuhu kuya wag! Guran si kuya ang mapapahamak kapag hinalikan nya ang babaeng yan! Kuyaa huhuhu!"

Saktong dumating si Enzo at Ayuki. Nanlaki ang mata ni Enzo at napaawang ang mga labi ni Ayuki. Hindi nila inaasahan ang ganitong pangyayari.

"Ganyan mo ba ka-mahal si Xelo Venidict?para iligtas sya sa kamatayan? napaka panganib ng ginawa mo. Ikaw ang mamamatay! Venidict nahihibang ka na. Once you've kiss her, you will die. She is pure blooded Princess! "