PB22
Huminga ako ng malalim bago tumayo. Hinawakan pa ako ni madison sa kamay
"Xelo ayos ka lang ba? baka hindi mo kaya"
Gusto ko mang sabihing 'oo hindi' pero wala ayoko pagtawanan.
Kinakabahan akong naglakad papuntang gitna ngunit mabilis ang kilos ni Mauriss at nasangga nito ang balikat ko.
"Oooow!.." Hiyawan nila.
"No rules! Walang armas kayo mismo gagawa ng paraan para mapasuko nyo ang kalaban say QUIT at tapos ang laban"
At nag smirk ang lalaki, sino naman gugustuhing magsabi nyan? Mapapahiya sya sa dami ng bampira na naririto.
Huminga ako ng malalim ng magsisimula na.
Dahil may tumunog na kampana.
"Para kay kuya ito, muntik mo na syang mapatay" at inilabas na ni Mauriss ang pangil nya, akala ko ba dati okay na kami. Kuya nya muntik ko na mapatay?
"Hindi ko alam ang pinagsasabi mo!" Naiinis kong sabi. Para syang hangin at hinila paikot ang buhok ko.
"Arghhhh!!!!" Impit ko. Tawa lang sya ng tawa, ganon din ang mga nanunuod. At sinikmuraan nya ako...
"Sumuko kana kasi weak~"
Pang aalaska nito. Hindi ako makagalaw nanlalabo paningin ko. At parang naalala ko ang mga panahong may boses sa kawalan tulad ng nangyayari ngayon.
"Weak! boooo!"
Sigawan ng nasa paligid. Napakapit ako sa dibdib ko dahil may kirot don at parang may gusto kumawala.
"Vendict....."
Natahimik ang lahat...
"Ang prinsipe nagbalik na!"
"Si Prince Serrafin ba talaga yan?"
Kinarga nya ako ng bridal style.
"Ariel ikaw na bahala kay Mauriss "
"Kuya!"
Narinig ko pang sigaw ni Mauriss
"Hush ....xelo~"
Namalayan ko na namang lumuha ako. Bakit ba palaging dumadating sya pag kailangan ko sya? At napapansin kong daig ko pa ang buntis kung makaiyak dahil sa kanya.
Tuluyan na akong nawalan ng malay...
(Third person pov)
Inihiga ni Venidict si Xelo sa kama at hinalikan ang noo nito pagkatapos haplusin ang buhok. Hindi namalayan ni Venedict ang pag dating nina Ayuki at Enzo
"Prince, Alam nya bang prinsipe ka? Alam mo ba ang consequence ng ginawa mo?Hell. Serrafin Venidict! Nakita lang naman lahat ng nakakataas na iniligtas mo ang simpleng bampira!"
Naiinis na sabi ni Ayuki pero tahimik lang si Enzo.
"Hoy Venidict sira ulo ka talaga mas lalo mong pinapahamak si Xelo!" Napasabunot sa buhok si Enzo. Kung pwede lang sanang malaman ng lahat para ingatan nila si Xelo pero hindi lahat ay ganoon ang iniisip.
Humarap sa bintana si Venidict at nakatalilod sa dalawa.
"If ever na mawala ako, Enzo take care of xelo. At yung binigay ko sayo magagamit mo yan kapag napapahamak na sya. Alam ko kung ano ang ginagawa ko, about kay Mauriss ako na ang bahala sa kanya "
lumabas ito sa pinto. Nagulat si Enzo at naguguluhan naman si Ayuki, bakit tila gano'n nalang ang pag-aalala ng dalawang prinsipe sa normal na bampira?Napatingin sya kay Xelo.
'Sino ka ba talaga? Bakit parang napaka espesyal mo? malalaman ko din yan'