PB23
(Third person pov)
Agad na napatili si xelo mula sa pag-kakahiga nya
" Anong masakit sayo? Anong nararamdaman mo?" Nag-aalala na sabi ni Madison.
"Bakit ka andito? Si Enzo asan? Si Honey mai ?" Naghihisterical na si Xelo at nagpalinga linga kung may tao sa silid bukod may Madison.
"Calm down tsk" isang malamig na boses ni Mauriss
'Teka akala ko ba galit sya sakin? Anong kailangan nya?' nasabi ni Xelo sa isip nya.
Pati si madison nagtataka pa din sa dalawa.
"Bumangon ka dyan pupunta tayo sa kantara mountain " irap na sabi ni Mauriss
"Ha? Anong gagawin natin don?"
Nilapitan sya ni Mauriss at sinamaan ng tingin.
"Gusto mo bang mamatay?"
Tila kinalabutan si Xelo, iba ang awra ni Mauriss
"Hey mau ano ang ---"
"Tsk.. We will train this weak girl " Sabi ni mauriss ay napaismid
"What for?" Tanong pa ni Madison
"You don't care Ms.madison so ms.Corpuz go and pack your things now!"
Pati si Madison ay naalarma din at nabalisa.
Napaaisip ni Xelo kung anong lugar ang pupuntahan nila at sino ang mag tuturo sa kanya.
Oo nga at may kasabihang diko kailangan ng tulong kahit kanino ngunit sila ang nagbigay dahilan kung paano ko mararating ang aking pupuntahan.
(xelo pov)
Habang nag-iintay ako dito sa labas ng pintuan, hindi ko mapigilan ang kabahan.
May mga imaheng kaguluhan don at isang pamilyar na babae ang lumabasa tuwing maaalala ko iyon kinikilabutan ako.
"Ready ?"
Napatingin ako sa gilid ko, si Ella pala. Mataray sya at tulad ng dati 'diko maiwasang 'di sya magustuhan sa awra nya.
Sumunod na sumulpot si Ayuki na may ngiti sa labi.
"Sino pa?" Tila may hinahanap pa ako pero nasagot din ng lumabas sa pinto si Mauriss at nilagpasan ako.
"Si kuya umalis sya di makakasama~"
Mahina ngunit tama lang na marinig ko. Tila para bang nalungkot ako. How long we will stay there?
"Ano yan?" Napangiwi ako ng magsimula silang umakyat sa puno.
"Kapit ka Xelo" ngumiti lang si Ayuki sa'kin.
Magkasama sina Ella at Mauriss si Ayuki naman at ako .
"Ready?"
"Ayuki ayusin mo" huling sabi ni Ella at isang iglap para na silang mga tipaklong na tinatalunan ang mga puno.
Napalunok ako.
"Baba kalang sakin Xelo " at ngumiti si ayuki bago yumuko.
Noong una ay nagdadalawang isip pa ako. What if mahulog ako?
"Bakit? Hindi ba uso bus o kaya jeep dito? Taxi at van ganun?" At ngumuso pa ako pero isang malupit na tawa lang ang ginawa ni Ayuki
"Hahahaha, Xelo vampire don't need those! So let's go?"
"Nyaaaah...!!"
Nakapikit lang ako at hindi humihinga. Oo hindi talaga ako humihinga. Jusko talaga mawawalan na ako ng kaluluwa.
"Hey Xelo you can now open your eyes. Look you're safe with me" malambing na tono ni Ayuki kaya dahan-dahan ko namang iminulat ang mga mata ko. Kung sana 'di ganito ang posisyon namin baka nainlove na sa boses ni Ayuki si Xelo. Gusto kong batukan ang sarili ko sa ang isiping yon at naalala si Venidict—bigla akong napailing.
"Hey~"
Kaya naman sinubukan kong tignan si Ayuki at ngitian. Suminglit naman ang mga mata nya na parang pinag-aaralan ako. Napakaganda, napaka-gaan sa pakiramdam.
Lumulutang kami sa taas ng puno at mabilis na tinutungtungan ang mga ito.
"Ayuki malapit na ba?" Medyo naantok na kasi ako.
"Oo kita mo ba ang berde na bandang yon?"
"Oo bakit anong meron don? "
"Kantara ang lugar na iyon. Kung saan ang mga nangangalaga ay mga litte fairies "
"Ayuki sagutin mo nga ang tanong ko alam mo ba kung sino ako?"
Hindi ko alam pero parang iniiwasan ni Ayuki na pagusapan yon.
"Magpalakas ka Xelo pagnangyari yon pwede ka nang maging mortal, mortal na pinapangarap mo hindi ba?"
Bakit nya alam ang tungkol don? Paano?
Nagising ako sa maliliit na boses na tila kumakanta na parang ginigising nila ako sa paraang di mabibitin ang tulog ko.
"Hi Xherina!" (Imagined a cute voice)
"Hehehe you know my name?"
"Yes! And now that you're awake, all you need to do is to change your clothes for the mini, tiny, dipsy—dinner to our Prince hihihi"
Humagikhik pa ito. Kaya natutuwa talaga akong tignan sila at pinigilan ang sarili kong pang-gigilan sila.
Habang inaayusan ako Xelo, Hindi ko talaga lubos akalain at hindi ako makapaniwala na kaya ng maliit na insekto na baguhin ang anyo ko. Just like from dugyot (manang porma) Isang eleganteng white mini dress ang isinuot nila sa akin at may mga glitters na 'di naman oa tignan yung sasakto lang.
"Tara na Xherina" (cute voice)
"Hehehe sige" at sinundan ko to sila.
"Enjoy!" At naglaho na ang fairiesm
napakamot batok si ako, Iwanan ba daw ako sa isang fountain na walang tubig at walang ilaw napa pout ako. Anong meron dito? Nasaan na ba yong mga kasama ko?
At tila nabato ako sa kinatatayuan ko ng may pamilyar na yumakap sa sa akin mula sa likuran ko.
"Xelo~"
Nanindig ang balahibo ko ng halikan ako nito sa batok.
"V-venidict....." Namamaos at kinakabahan na ako kasi parang may kakaiba kay Venidict.
Mahinang tawa ang narinig ko mula kay at yon ang pinagtataka ko, parang ngayon ko lang sya nakitang tumawa. Naupo sya upuan ganon din naman ako.
"Nakikita mo ba yan" turo ni venidict sa fountain na walang kabuhay-buhay. Tumango naman ako dahil parang walang boses ang gustong lumabas mula sa bibig ko.
" kapag may dalawang tao na para sa isa't isa, isang umiilaw na tubig ang lalabas dyan. 'Di lang isa kundi madami at ang mismong saksi ay ang fountain na iyan. Kung gaano nyo ka mahal ang isat isa, gano'n kdin kaliwanag ang magmumula dito" habang sinasabi ni Venidict yan nakatingin sya sa mga mata ko.
Wala akong masabi, speechless kung baga.
"Xelo, mahal kita..."
Salitang nagpatulo sa luha ko, ang tagal kong gusto marinig sa kanya yan. Hindi ko akalaing maririnig ko na ngayon sa kanya. Sana kung panaginip to kahit papanoy ayoko ng magising pa. O sana gisingin ako dahil sawa na akong umasa.
"Venidict..."
Tumutulo ang luha ko at pahidin nya ito gamit ang hinlalaki nyang daliri at ngumiti.
"Shhh... Ang pangako ay pangako. Mga tao lang ang di tumutupad sa pinangakong mismo sila lang ang nangako "
Naguluhan ako sa sinabi nya. Niyakap nya ako.
"Shhh... Wala man ako sa tabi mo, palagi mong tandaan hanggang ako pa ang laman ng puso mo at ikaw ang laman ng puso ko. Xelo ikaw at ako kahit sino di tayo pwede paghiwalayin"
Tuluyan na akong napahagulhol sa iyak. Bakit aalis ba sya? Mawawala ba sya?
"V-venidict..huhuhu"
Hindi ko sya maintidihan at wala akong maintindihan, ganon ba talaga? Mahal nyo ang isa't-isa pero tila buong mundo pinagsisigawang hindi pwedeng maging Kayo? Lalaban ka pa ba? O susuko na?
"Wag ka umalis please" para akong tanga na umiiyak at niyayakap sya pero pilit nyang tinanggal ang yakap ko sa kanya.
Ng matanggal nya ang yakap ko sa kanya tiningnan nya ako sa mata.
"Xelo maganda ka ngayon sa suot mo, wag ka na umiyak ha? Mahal na mahal na mahal kita " at isang luha ang pumatak sa mata nya, Umiiyak sya..
Dahan dahan nyang inilalapit ang mukha nya sa mukha ko.
Pumikit ako ng maramdamang his lips touch my lips...
At kung hindi ako nagkamali umilaw ang fountain na iyon...
"Xelo wake up!"
"Ayuki! Nakakagulat ka!" Napasapo ako sa dibdib ko dahil sa gulat ng sumigaw si Ayuki at napahawak sa labi ko sa naalala.
"Asan si Venidict?"
Tumaas ang kilay ni Ayuki sa tanong ko. Na parang walang maintindihan sa pinagsasabi ko.
"Kumain ka na nga ng masimulan na natin ang pagsasanay " at umalis na si Ayuki
Panaginip....
Panaginip lang pala ....
Pero parang tunay yung kagabi eh! Ano bang ibig sabihin non? Parang kakaiba talaga sya hindi ko maintindihan pero—haist ewan!
Napapout ako ng wala sa oras. Tatayo na sana ko ng parang ansakit ng balakang ko.
"Siguro yung nakababa ako kay Ayuki tss"
napa sapok ako sa ulo ko ano ano iniisip mo Xelo gaga ka!
(Third person pov)
"P-pumapayag ka ng pakasalan muli si Aloida?" Tila sumigla ang boses ng Ina ni Aloida.
"Sa isang kondisyon" sabi ng binata. "Ibigay nyo sakin ang berdeng bato "
"Ha? Ang bato upang maging tao?"
Bakas sa tono ng ginang ang pagtataka, aanuhin iyon ng binata?
"ibibigay ko ang bato kung papakasalan mo ako"
Napalingon ang binata sa isang dalaga na matagal nyang di nakita.
"Anak seryoso ba kayo dyan?"
"Oo ina ngayon pa bang sya na mismo ang bumalik para sakin " at isang matamis na ngiti ang binigay ng dalaga.