Chereads / Pure Blood / Chapter 21 - KABANATA 19

Chapter 21 - KABANATA 19

PB19

(XELO POV)

Nang makarating ako sa lugar na pinuntahan nung babae, talagang mapapa-wow ka sa ganda. May maliit na falls, garden at pathway na mga bato na bilog. Mga punong ang lalago ng dahon at may maaliwalas na kapaligiran kahit hapon na.

Sandali akong napangiti ng makaramdam ng kampante dahil sa ganda ng lugar.

"Wag ka mabighani sa kung anong nakikita mo, malay mo balat kayo lamang ito para mamangha ka sa ganda at mahulog sa trap ng kalaban. Sa ganoong lagay maaari kang atakihin ng kalaban dahil umpisa pa lang nakalimutan mo na ang iyong dahilan bakit ka napadpad sa lugar na iyon, sino ka at bakit mo ako sinusundan?"

Napaharap ako sa nagsalita. Sya yung babae kanina, bakit bawat salita nya parang kailangan kong sundin?

"Sino ka?"

Sandali syang ngumiti at lumapit sakin. Maputla sya at may Emerald eyes.

"Binibini, the question can't answer by another question too. you must be the heir from the first family, Xelousa right?" 

"Xelousa?"

"That's what we named to you"

"So, sino ka?"

Pagtatanong ko.

"You must know me before you were entered this forest " 

May babala nyang sabi bago naglabas ng mahaba at matalim na pangil.

Napaatras ako sa takot at gulat, kakaiba sya. Kilala nya ako ngunit bakit papatayin nya ata ako?

"You are Honey mai" napalunok ako, pilit tinatapangan ang boses ko.

"Nah, you're wrong dear, pangalan lang ang alam mo hindi kung sino ako. Sa mundong ito kung pangalan lang ang alam mo, somehow pano pag pinalitan nya pangalan nya? makikilala mo pa kaya sya?"

"Put-t m-me down" tinaasan nya ako ng kilay. Hinawakan nya ang leeg ko at tinaas.

"Why would I? miss, if you give a reasonable reason I'll set you free "

Napalunok ako, Anong sasabihin ko? Papayag ba sya kung sakaling sabihin ko?

Bakit ang lakas nya? Vampire din sya halata naman. Pero bakit kailangan nya pa akong daanin sa ganito? Hindi nya ba alam na ako ang itinakda na dapat nilang protektahan? Habang nakatingin ako sa mga mata nya, unti-unti kong naala na hindi lahat ng bampira at mabubuti tulad nina Kaye at Enzo. Isa ba itong kaharap ko sa tatapos sa akin para patayin ako?