Katherina
Habang naglilinis ako, panay ang tingin ko sa kanila. Nagkukwentuhan sila at nagtatawanan na para bang miss na miss nila ang isa't-isa.
"Hmmmp! Akala mo naman ngayon lang uli nagkita." inis na baling ko sa kanila at napairap. Narinig ko nalang ang mahinang pagtawa nang nasa tabi ko.
"Selos ka noh…" tudyo nito sa akin at tinusok-tusok pa ang aking tagiliran. Inirapan ko siya,
"Ano 'yon? Nakakain ba 'yon?" tanong ko dito at tinuloy na ang paglilinis.
"Naku, Katherina, selos na 'yan. Siguro mahal mo na si Senyorito noh." tumabi ito sa akin at tinignan ako.
"Mahal ka diyan. Hindi pa noh." tanggi ko at umiling-iling pa.
"Talaga lang ah. Pero malapit na?" tanong nito na sinagot ko agad nang hindi nag-iisip.
"Konti nalang," nangingiting sagot ko dito na ikinatakip ko agad ng aking bunganga.
"Yiieee… si Katherina… pumapag-ibig na." tukso ulit nito na ikinamulagat ko ng mata.
"Huwag ka maingay. Mamaya marinig ka nila." suway ko dito at tumingin sa dalawa. Busy sila sa pag-uusap habang nakahilig na naman si Senyorita dito. Namimihasa na ata ito sa paghilig.
"Tignan mo, Katherina. Sigurado ka bang hindi niya nilalandi si Senyorito?" nakatingin din ito sa kanilang dalawa nang tanungin niya sa akin 'yon.
"Sa tingin mo, Lhynne?" balik tanong ko dito dahil hindi ako sigurado sa isasagot ko. Kanina ko pa sila pinagmamasdan at panay ang haplos nito kay Senyorito.
"Hindi ako makatingin, Katherina." nagpipigil ang tawang sambit nito sa akin.
"Huwag mo akong pinagloloko-loko, Lhynne. Baka gusto mong hindi ka na talaga makatingin kahit kailan." banta ko dito na ikinatawa lamang nito. Eh? Tinotopak na naman ata ito. Buti nalang si Senyorito, medyo nabawas-bawasan na ang biglaang pagtawa nito nang walang dahilan.
"Ito naman, hindi na mabiro." tumatawang pa ding sabi nito at pinalo pa ang braso ko. Aba! Nananakit na rin.
"Hoy Lhynne!" sigaw ko dito na ikinalingon nang dalawa sa gawi namin. Nagpeace sign agad ako at alanganing napangiti.
"May problema ba, Mahal ko?" takang tanong nito sa akin nang nakangiti.
"Ang laki, Senyorito." agad na sabat ni Lhynne na agad kong ikinasiko dito. Hindi pa ako nakontento sa siko, kinurot ko pa siya para manahimik. Paano namang hindi ko kukurutin eh ang sarap pa nang tawa.
"Wala po, Senyorito. Nang-aasar lang po si Lhynne. Ituloy niyo na po ang pagkukwentuhan niyo." sabi ko at hinila si Lhynne sa kamay.
"Sigurado ka, Mahal ko?" paninigurado nito na ikinatango ko habang bumubulong.
"Halata namang ayaw niyong paistorbo eh. Pagpatuloy niyo lang." bulong ko sa sarili ko at tumalikod na sa kanila dahil sa inis na nararamdaman ko.
"May sinasabi ka, Mahal ko?" tanong ulit nito.
"Wala po Senyorito. Ang guwapo niyo po tapos pagpatuloy niyo na ang pagku-kwentuhan niyo. Mukhang nakaistorbo pa kami ni Lhynne eh." nakatalikod na sagot ko dito at kinuha na ang pamunas saka nagmartsang tumungo sa kabilang side para doon ituloy ang paglilinis. Agad namang sumunod sa akin si Lhynne na nangingiti at nang-aasar pa.
"Ang cute mo palang magselos, Katherina. Ang cute mo." pisil nito sa pisngi ko at inasar niya ako nang inasar na ikinairap ko.
"Manahimik ka Lhynne. Sinasabi ko sa 'yo. Naiinis na ako. Huwag ka nang dumagdag pa." inirapan ko siya. Isinenyas naman nito ang kamay niya at izinipper agad ang bibig. Inirapan ko na naman siya at pinagpatuloy na ang paglilinis hanggang sa matapos kami. Iniwasan ko nang tumingin sa kanila para kahit papaano ay maibsan ang pagkainis ko. Baka pag tumagal pa ako sa pagtingin ay baka mabwisit lang ako mas lalo at maitali ko silang dalawa sa upuan. Kainis!
Iniwan na namin sila sa sala na nagku-kwentuhan pa din. Nagtataka na nga ako kung ano pa ang pinagku-kwentuhan nila. Sa tagal ba naman baka pati ang kasaysayan ng buong mundo eh pinakialaman na rin nila at pinagtaiamisan. Mga bubuyog mga naman.
"Tawagin mo na sila, Katherina at nang makakain na." utos ni Lhynne sa akin na ikinatingin ko dito nang masama.
"Ako pa talaga inutusan mo eh noh? Ang sarap mong mang-asar, Lhynne. Nakakagigil ka sa sarap. Promise." diin ko sa huling salita na sinabi ko.
Nginitian lang niya ako habang isinesenyas nito ang dalawang kamay nito para paalisin ako.
"Hmmmp! Kung wala lang si Lola, nunka na susundin kitang babae ka." inis na sabi ko na ikinangiti niya lang. "Lola! Gusto daw ni Lhynne ang makurot sa singit. Namimiss niya na daw na gawin niyo 'yon sa kanya." sigaw ko kay Lola sa may kusina.
"Huwag ka maniniwala kay Katherina, Lola. May pinagdadaanang matindi lang 'yan at nagpapakabitter Lola. Pagbigyan niyo na lang." sigaw din nito. Lumabas si Lola sa may pangalawang kusina na nakahawak ng sandok at tumatawa.
"Areng mga bata. Kung kayong dalawa nalang kaya ang kurutin ko sa singit?" suhestiyon nito at itinuro niya kaming dalawa ni Lhynne.
"Ay oo pala, tatawagin ko pa pala sina Senyorito. Si Lhynne nalang daw po Lola, total siya po ang malapit sa inyo." sabi ko at ngumisi kay Lhynne na natatawang nakatayo doon at napapaatras dahil tinignan siya ni Lola.
"Halla Lola, huwag ka po ganyan. Nagbibiro lang po si Katherina." umaatras pa ding sabi nito at nagtago sa may silya.
"Ayan kasi, kurutin niyo 'yan sa singit Lola, 'yong pinong-pino. Inaasar niya kasi ako." sumbong ko kay Lola at kinindatan ito.
"Totoo ba 'yon, Apo?" tanong nito kay Lhynne na halata mo nang kinakabahan kaya napatawa ako.
"Lakas makapang-asar tapos sa kurot lang ni Lola, takot na takot na." tumatawang sabi ko at umiiling-iling pa. Hanep kasing makapang-asar tapos may kinatatakutan pala.
"Doon ka na nga, Katherina. Tawagin mo na si Senyorita at 'yong linta este bisita niya pala." bawi nito sa sinabi niyang linta nang mulagatan siya ni Lola.
"Hindi kita tinuruang manlait ng kapwa, Apo." paalala nito kay Lhynne.
"Pasensiya na po, Lola. Hindi na po mauulit." hinging paumanhin nito na ikinatango ni lola at nagpaalam nang pumasok sa loob para ituloy ang paghahain.
"Bleeeh!" pang-aasar ko sa kanya at binelatan ito saka nagmadaling tumakbo papuntang salas.
Pagbungad ko ay nagulat ako sa nakita ko. Nakayakap na ito kay Senyorito at ganoon din ito sa kanya. Umusbong ang selos sa sistema ko. Hindi ko alam kung sinasadya ba nitong ipakita sa akin ang pagiging sweet nito kay Senyorito o hindi. Pero sa totoo lang naapektuhan ako at sobrang nakakain na ako nang selos ko.
Tumingin si Senyorita sa akin at napataas ang kilay ko nang makita ko na ngumisi ito sa akin at mas hinigpitan pa ang pagyakap nito kay Senyorito.
"Pakitang tao." bulong ko sa sarili ko at ikinondisyon ang sarili ko na huwag galawin ang bruhang 'yan. Halata ko na kanina pa nito sinasadya ang paglapit-lapit at paghaplos kay Senyorito pero winawala-wala ko lang dahil akala ko nga nahihilo lang talaga ito. Nang ngisihan niya ako kanina ay biglang umakyat ang lahat ng dugo ko to the highest level na parang kumukulong Mayon Volcano.
Hindi na ako lumapit sa kanila. Tinawag ko sila kahit nasa may pintuan lang ako.
"Kakain na po Senyorito at mahal na Senyorita. Baka tapos na po ang mahabang kuwentuhan niyo ay pwede na po kayong dumulog sa hapag nang magkainan na kayo." sarkastiko kong sabi sa kanila at umalis na. Wala akong paki kung bastos na ako sa paningin nila. Masisisi ba nila ang pagseselos ko?
Agad akong pumasok sa pangalawang kusina at doon nagmukmok. Hinayaan kong si Lhynne na ang magsilbi sa kanila. Baka kasi pag ako ang pumunta doon eh ibuhos ko pa sa kanila 'yong sinigang nang maging maasim naman sila. Kaimbiyerna! Daig pa nila ang mag asawa kung maglampungan.
"Tawag ka ng Mahal mo. Doon ka na daw kumain." tawag ni Lhynne sa akin. Tumingin ako dito nang may kunot sa aking noo. Nananadya ba talaga ang mga ito? Kung pagbuhulin ko nalang kaya sila nang matauhan.
"Ayaw ko nga. Bahala sila diyan." hindi ako natinag sa pagkakaupo ko.
"Pag hindi ka daw nagpakita doon sa hapag. Itatapon niya daw lahat ng pagkain na niluto ni Lola." seryosong sabi niya sa akin na ikinatayo ko agad.
Aba! Pinaghirapan ni Lolang lutuin lahat ng putahe tapos itatapon niya lang. Aba! Sinusubukan ata nito ang pasensiya kong ubos na ubos na. Agad akong naglakad patungo sa dining area.
"Tabi!" galit na pagpapatabi ko kay Lhynne at pumasok na sa dining area.
Ay ang lupit! Hinahainan ng bruha ang Senyorito habang nakakandong pa. Nakita ko namang pinapaalis ito ni Senyorito habang nagtatawanan silang dalawa.
Ngumiti ako nang pagkatamis-tamis at lumapit sa kanila nang walang babala. Agad kong kinuha ang lalagyanan ng kanin na hawak ni bruha at nagsalita.
"Ayaw ni Senyorito nang hinahainan siya ng iba. Maupo na kayo Senyorita baka mangawit po kayo. Saka buntis ka diba? Ang mga buntis dapat nauuna nang kumain at pinagsisilbihan. Kawawa kasi ang baby nila." pahayag ko at nilapag na ang lalagyanan ng kanin at pinaupo na ito sa upuan niya. Sinandukan ko na siya ng kanin pati ulam saka ako humarap kay Senyorito at nilapag sa kanyang harapan ang lalagyanan ng kanin at ulam.
"Hindi naman po kayo baldado Senyorito para sandukan pa. May kamay ka at kaya mo naman pong magsandok. Wala naman po atang diperensiya ang mga kamay niyo?" sarkastiko kong tanong dito. Magsasalita sana ito nang magsalita ulit ako.
"Ang mga katulong, marunong lumugar. At ang mga katulong ay hindi sumasabay sa mga amo at mga bisita. Tama po ba, Senyorita?" nakangiting tanong ko kay Senyorita. "Pakabusog po kayo." huling sabi ko at tuluyan nang umalis sa hapag. Hindi ko na hinayaan pang magsalita si Senyorito baka kasi magpang abot na naman kami na ayaw kong mangyari.