Chereads / My Innocent Maid / Chapter 31 - My Innocent Maid XXXI

Chapter 31 - My Innocent Maid XXXI

Marco

Hindi ko inaasahang makikita ko si Trish sa tapat ng mansiyon. Nang tanungin ko kung bakit siya nandito. Ang sabi niya lang ay gusto niyang makausap si Katherina at humingi nang tawad dito. As much as I don't want her here. Ayoko namang maging bastos kaya pinapasok ko nalang siya.

Pagpasok namin sa loob ay napangiti agad ako nang makita ko si Katherina. Nang humarap sila sa amin ay napataas ang kilay nito at nakatingin sa kasama ko. Alam kong galit ito dito pero wala naman siguro itong masamang gagawin dahil nag-usap na kami.

Nang humingi si Trish nang tawad dito ay nag-alangan pa ito sa una kung tatanggapin niya ba o hindi. Pero sa kalaunan ay pinatawad niya din ito. Ang bait at ang buti talaga nang kalooban niya.

Nang magpaalam na sila na maglilinis na ay parang hindi ako mapakali at gusto ko na ding paalisin si Trish. Pero hindi ito makaramdam kahit sabihin kong may gagawin ako.

Nagulat ako nang bigla itong napahawak sa akin at sinapo nito ang kanyang noo. Agad ko siyang inalalayan at pinaupo sa may sofa. Tinanong ko kung ayos lang ito at sinabi naman nito na ayos lang siya at nasasanay na ito sa ganoong nararamdaman.

Nang maayos na ang pakiramdam nito ay nagkuwentuhan kami habang panay ang tingin ko kay Katherina. Napapatawa nalang ako pag may sinasabi ito kahit hindi ko naman naiintindihan dahil na kay Katherina ang focus ko. Ilang beses ko nang sinasabi dito na may gagawin ako pero sinasabi nitong nahihilo pa siya at kung pwede ay dito muna ito hanggang sa umayos ang pakiramdam niya. Inihihilig pa nito ang ulo niya sa balikat ko, kahit kating-kati na akong tanggalin ay naawa naman ako kaya hinayaan ko nalang muna.

Habang nakahilig ito sa akin ay tinitignan ko pa din si Katherina baka kung ano ang sabihin niya pag nakita niyang nakahilig ito sa akin. Ayoko pa naman siyang magalit ulit sa akin. Kababati lang namin at ayokong awayin niya ulit ako.

Nararamdaman ko ang paghaplos-haplos niya sa aking braso. Minsan hinahawakan ko ang kamay niya at ibinababa sa kandungan nito, pero makulit ito at panay pa rin ang haplos nito.

Nang mapasigaw si Katherina, agad akong tumingin dito dahil akala ko kung ano na ang nangyari dito. Yun naman pala ay inaasar lang siya ni Lhynne. Pero nang tumalikod ito, narinig kong may ibinulong ito pero hindi ko naman naintindihan kung ano. Simula nun ay parang iba na ang tingin niya sa amin.

Sinubukan kung dumistansiya dito pero lapit pa rin ito nang lapit at kumakapit pa ito sa aking braso na agad ko namang inaalis. Sadyang makulit lang talaga ito. Nang magkuwento ito tungkol sa pagbubuntis niya at sa lalaking nakabuntis sa kanya ay hindi nito napigilang mapaiyak. Nagulat ako nang yumakap siya bigla sa akin habang umiiyak. Niyakap ko din ito pabalik dahil naawa naman ako. Hinagod-hagod ko ang likod niya hanggang sa tumahan ito.

Nagulat nalang talaga ako nang magsalita si Katherina sa may pinto ng kusina at parang iba na ang tono nang pananalita nito. Halata mo na rin sa mukha niya ang inis.

Nang talikuran niya kami ay hahabulin ko sana ito kaso hinawakan ako ni Trish. Hinayaan ko muna siya at napabuntong hininga nalang na at inalalayan si Trish papuntang hapag para makakain na ito at makauwi na.

Pagkaupo namin sa hapag. Napansin ko na si Lhynne lamang ang umaasikaso sa amin na ikinataka ko.

"Nasaan si Katherina, Lhynne?" nagtatakang tanong ko dito.

"Nasa kusina po, Senyorito. Tinutulungan niya po si Lola na nag-aayos sa mga gamit doon." sagot nito at tuluyan nang inilapag ang mangkok na may ulam.

"Tell her to come here at dito na siya kumain." utos ko,

"Opo, Senyorito. Paano po pag ayaw niya?" alanganing tanong nito sa akin na ikinakunot ng noo ko. Bakit naman ayaw nito.

"Sabihin mo pag hindi siya pumunta dito at kumain ay itatapon ko lahat ng andito sa hapag. Tell her that." seryosong saad ko na ikinatango nito.

"Opo, Senyorito." sagot nito at tumalikod na para bumalik sa kusina.

Napaisip tuloy ako kung galit ba ito sa akin. Tulala lang ako at nag-iisip habang pinaglalaruan ang kutsara sa kamay ko. Nagulat nalang ako nang biglang magsalita si Trish kaya napaharap ako dito.

Nagkuwento siya tungkol sa mga kalokohang nagawa namin noon kaya napapatawa na lang ako at nakalimutan ko ang nasa isip ko. Nang tumayo ito, kinuha niya ang lalagyanan ng kanin at lumapit sa akin. Nagulat nalang ako nang bigla siyang umupo sa kandungan ko habang nagku-kwento. Hindi ko napigilang hindi matawa nang ipaalala nito ang kahihiyang nagawa ko sa isang convenient store. Habang tumatawa ay pilit ko itong pinapaalis sa kandungan ko.

"Ako na ang bahalang kumuha sa kakainin ko, Trish. Maupo ka nalang doon." sabi ko dito at pilit na pinapaaalis pero matigas ito. Hindi ko naman ito pwedeng itulak nalang basta dahil buntis ito.

"Ikaw naman, minsan ko lang naman gawin ito at alam ko naman na ito na ang huli kaya hayaan mo nalang ako." alanganin akong napangiti dito habang ito naman ay nagkukwento pa rin. Kahit hindi ko naman alam ang sinasabi nito ay pilit ko nalang sinasabayan ang tawa niya para hindi ito mapahiya.

Nasa ganoon kaming puwesto nang bigla nalang may umagaw sa hawak nitong lalagyanan at pinaupo ito sa kinauupuan niya. Nagulat talaga ako sa ginawa niya at hindi ko 'yon inaasahan. Mas nagulat pa ako nang pagkatapos niyang sandukan si Trish ay humarap ito sa akin at sarkastikong nagsalita.

"Hindi naman po kayo baldado Senyorito para sandukan pa. May kamay ka at kaya mo naman pong magsandok. Wala naman po atang diperensiya ang mga kamay niyo?" Nakatulala lang akong nakatingin dito at magsasalita na sana nang bigla itong nagsalita ulit na ikinatahimik ko.

"Ang mga katulong, marunong lumugar. At ang mga katulong ay hindi sumasabay sa mga amo at mga bisita. Tama po ba, Senyorita?" nakangiti nitong tanong ko kay Trish.

"Pakabusog po kayo." huling sabi nito at tuluyan nang umalis sa hapag. Nagulat talaga ako sa tinuran niya kaya napatayo ako at susundan na sana ito nang bigla nalang hawakan ni Trish ang kamay ko na ikinainis ko.

Kanina pa kasi ako nakakahalata na parang sinasadya nitong lumapit sa akin. Lalo na ang paghaplos nito sa katawan ko. Hindi ko nga alam kung totoo nga bang nahibilo ito o gawa-gawa niya lamang.

"Let go, Trish." inis na sambit ko at tinignan ang kamay niyang nakahawak sa aking braso.

"Hayaan mo nalang muna siya, baka napagod lang ito sa paglilinis kaya ganoon nalang kabastos ang asal niya." sabi nito na ikinakunot ng noo ko. Nagtaka lang ako sa inasal niya at hindi ako nabastusan doon.

"I don't know what got into you para mgpakita dito sa bahay. After what you've done. Pero dahil sinabi mong hihingi ka ng tawad kay Kayherina ay hinayaan kita at pinapasok." inalis ko na ang kamay niya at tinignan ito nang seryoso sa mata. "Kung ano man ang binabalak mo ay itigil mo na, Trish. Ginagawa mo lang komplikado ang lahat." sabi ko dito.

"Wala akong balak na kung ano man, Marco. I just wanted to eat with you at gusto kong bumawi sa mga kasalanang nagawa ko." malungkot na sabi nito at yumuko. Hindi ko alam kung bakit bigla nalang ako naawa sa kanya. Dahil siguro ito sa hitsura niya.

"Hindi mo na kailangan pang bumawi, Trish. Just take care of yourself. Hayaan mo nalang ako. Ayusin mo ang buhay mo at nang magiging anak mo." payo ko dito na ikinatango nito at mahinang humikbi.

"Mahal na mahal kita, Marco at hindi ko alam kung paano kita kakalimutan." nakayukong sabi nito habang humihikbi.

Umupo ako sa kinauupuna ko kanina at humarap dito. Hindi ako lumapit sa kanya dahil baka biglang bumalik si Katherina at mas lalo pa itong magalit sa akin.

"Ilang beses ko nang sinabi sa 'yo na  hindi na ako kailanman pa babalik sa 'yo. May mahal na akong iba at si Katherina 'yon. Sana tanggapin mo nalang ang katotohanang hindi na tayo kailanman magkakabalikan pa." seryosong sabi ko dito.

Narinig ko ang tuloy-tuloy niyang paghikbi. Gusto ko muna itong aluin pero nangamgamba ako na baka bigyan na naman nito iyon ng kahulugan.

"Just go home, Trish. Magpahinga ka na. Ipapakuhanan nalang kita ng taxi kay Kuya Ramil." sabi ko dito na ikinatango lamang niya at tumingin sa akin nag may luha sa kanyang mga mata.

Naaawa man ay hindi ko hinayaan ang sarili ko na lumapit dito para aluin. Nakita ko namang bigla nalang nitong sinapo ang noo nito at pumikit. Ang kaninang pagpipigil ko na lapitan ito ay natibag. Lumapit ako dito at inalalayan habang tinatanong ko kung okay lang ito. Nang tumanho ito ay agad ko siyang inalalayan papunta sa salas at pinaupo doon.

"Take a rest. Tawagan ko lang ang driver ni Mom para maihatid ka niya." sabi ko dito at kinuha sa bulsa ko ang telepono ko.

"Ikaw nalang ang maghatid sa akin, Marco. Please," pakiusap nito na agad kong tinanggihan.

"I need to talk to Katherina at ayokong patagalin pa ito. Sa kilos niya ay halata itong galit. Tinawagan ko na agad ang driver ni Mom para makaount na agad ito dito sa mansiyon.

Dalawampu't limang minuto lang ang tumagal ay dumating na ang driver ni Mom kaya inalalayan ko na itong tumayo at inihatid sa sasakyan. Pagkapasok nito ay tumingin ako dito at nagsalita.

"Please, Trish. Ayusin mo ang buhay mo at huwag mo na akong papakialaman pa. Mahal ko si Katherina at malabong-malabo na ang bumalik pa ako sa 'yo. Kausapin mo ang ama nang dinadala mo, Trish. Isipin mo nalang ang magiging buhay ng anak mo. Mag-iingat ka." bilin ko dito at tuluyam nang isinara ang pinto nang sasakyan. Hindi ko na siya  hinayaan pang magsalita at hinintay na itong makaalis.

Pagkaalis ng sasakyan nila ay agad na akong pumasok sa bahay at pinuntahan si Katherina sa kusina para magkausap kami.