Katherina
Ang saya ko ngayon habang pauwi. Natuto na din akong umuwi mag-isa dahil hindi sa lahat nang oras ay masusundo ako ni Senyorito. Saka ang alam nito ay nakauwi na ako ng probinsiya.
Hawak ko na ngayon ang resulta nang pinaghirapan ko sa anim na buwang pagrereview. Masaya ako dahil ito na 'yong pinakahihintay ko. Habang yakap-yakap ko ang envelope na naglalaman nang pasado kong marka ay nakangiti akong naglalakad papuntang sakayan. Anong oras na din kasi. Natagalan akong hintayin ang pagkuha dahil hindi lang pala ako ang nag-iisang naghihintay. Ngayon, maipagpapatuloy ko na ang pag-aaral ko at alam ko na makakapagtapos na ako.
"Hindi na ako makapaghintay na ibalita ito kay Senyorito. Pati na din kina Inang at mga kapatid ko." sambit ko, at nakangiting naglalakad papasok sa sasakyan.
Nang pumasok sa isip ko ang imahe ni Senyorito ay mas lalong lumapad ang aking mga ngiti dahil ito na ang araw na pinakahihintay ko. Sasabihin ko na dito ang tunay na nilalaman nang aking puso. Sa mga nagdaang araw ay napakasaya namin. Walang araw na hindi kami magkasama. Wala din araw na hindi niya ako nilalambing at lagi niya ding sinasabi na mahal na mahal niya daw ako.
Dahil sembreak naman daw ay kailangan kong magbakasyon pagkatapos nang ilang linggong pagkakasubsob ko sa pag-aaral. Dahil na din sa mensahe nang pinag-examan ko ay naantala ang aking pag-uwi. Sinabihan ko sina Lhynne na huwag sasabihing hindi ako natuloy sa pag-uwi.
Napabaling sa harapan ng jeep ang paningin ko nang bigla nalang iyong pahinto-hinto sa gitna ng kalsada. Nang tuluyan itong tumigil ay humihingi nang pasensiya ang driver sa amin dahil nga nasiraan daw ito. Imbes na mainis ay nakangiti pa din akong bumaba at naghintay ng masasakyan.
Pero mag-iisang oras na kaming naghihintay at hindi pa din kami nakakasakay. Punuan lahat nang dumadaan. Pagtingin ko sa relo ko ay mag-aalas singko na pala. Napasulyap ako sa katabi ko na naghihintay din. Pansin ko sa mukha nito na parang aburido na siya dahil sa hindi Nmaipintang hitsura ng mukha niya.
Naghintay pa kami nang halos isang oras ulit bago kami tuluyang nakasakay. Nakahinga naman ako nang maluwag nang makaupo na ako sa upuan ng dyip. Kahit na nangawit ang mga paa ko sa paghihintay ay hindi ko pa din naiwasang mapangiti.
Malayo pa lang ang nilalakad ko nang mapansin ko na andami ng sasakyan sa may bukana papunta sa mansiyon. Nagtataka man ay hindi ko nalang pinansin at dumiretso na pauwi. Habang papalapit ako ay nasiguro ko sa sarili na sa mansiyon nga ang kasiyahang nagaganap.
Dahil madilim na din ay makikita mo ang maliwanag na ilaw na nagmumula sa garden ng mansiyon. Pagpasok ko ay namangha ako sa kapaligiran dahil napupuno ito nang maliliwanag na ilaw. Sa garden naman ay medyo madilim at tama lang na makikita mo ang mga mukha nang mga nandoon.
Hindi ko alam kung ano ang humihila sa akin para pumunta doon. Pagtapak nang aking paa sa bukana nang kasiyahan ay napatigil ako at tumitig lang sa taong nasa taas ng stage. Napakaguwapo nito sa suot niya. Napadako ang mata ko sa katabi nitong napakagandang babae. Nakahawak ito sa braso ni Senyorito. May nadama akong selos sa aking sistema kaya napadako ulit ang mata ko kay Senyorito.
Nang magtama ang mga mata namin ay nakita ko ang gulat sa mukha niya. Nagtaka nalang ako nang bigla nalang magbago ang emosyon ng mukha nito. Ang gulat na dating nakarehistro sa mukha niya ay naging walang emosyon na at ibinaling nito sa iba ang kanyang paningin.
Nanatili lang ako sa kinatatayuan ko hanggang sa magsalita si Senyorito Theo. Sa una ay pagbati lamang hanggang sa matulala nalang ako sa huling sinabi nito.
"Thank you for coming everyone. We would like you to know, that we gathered you all here to celebrate the engagement party of our son, Marco Dela Torre and Miss Beatrice Lizardo. Give them a round of aplause." anunsiyo nito na ikinatigil ko at nagtatanong na tumingin kay Senyorito. Para akong nabagsakan ng langit at lupa sa nararamdaman ko ngayon.
Mas lalong natriple ang sakit na nararamdaman ko nang tumingin lang ito sa akin nang walang emosyon.
"Bakit?" umiiyak nang bigkas ko habang hindi na maampat ang luhang namamalisbis sa aking mata.
Gusto kong marinig ang paliwanag nito kaso sa nakikita ko sa kanya ay parang wala na itong pakialaman pa sa akin. Masakit na masakit ang nararamdaman ko ngayon at hindi ko alam kung paano ito ihahandle.
Mabilis akong tumalikod at hilam sa luhang tumakbo palabas. Hindi pa ako nakakalayo nang may mabangga ako. Pagtingin ko dito ay napayakap ako sa kanya at umiyak nang uniyak.
"Ang sakit, Lhynne." umiiyak kong sambit. "Kaya pala pinapauwi na niya ako sa probinsiya dahil ikakasal na pala ito at wala na akomg puwang sa puso niya. Akala ko ba mahal niya ako Lhynne?" humihikbing sabi ko at yumakap din dito pabalik.
Hindi siya umiimik, bagkus ay hinahagod niya lang ang aking likod. Hindi ko makita ang reaction ng mukha niya dahil patuloy pa din ang pagdaloy nang luha sa aking mata. Nang kumalas ako dito ay nagpaalam na ako. Hindi ko kasi maatim na manatili dito habang tinitignan ko siya sa piling ng iba.
"Si-ge, Lhynne. A-alis na a-ko. Ipa-pakuha ko na-lang ang mga ga-mit ko." utal-utal kong paalam dito habang pinupunasan ang luha ko kahit kada punas ko ay nalalaglag pa din ang aking luha.
"Sandali, Katherina." pigil nito sa akin. "Saan ka pupunta? Wala ka namang ibang pupuntahan maliban sa Tiya Meling mo kaso alam nating pareho na malayo ito dito." pahayag niya na ikinailing ko.
"Bahala na, Lhynne. Basta ang gusto ko lang gawin ngayon ay umalis." tumalikod na ako at mabilis na umalis. Naririnig ko pa ang tawag ni Lhynne sa akin pero hindi ko na ito pinansin pa.
Umiiyak ako habang tumatakbong palabas ng mansiyon hanggang sa may labasan ng subdibisyon. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Basta sumakay nalang ako sa humintong dyip sa aking harapan.
Napadpad ako sa hindi ko kilalang lugar. Patuloy pa rin ang pagtulo nang aking luha habang naglalakad. Nang mapadaan ako sa seven eleven ay pumasok ako dito at naupo sa may gilid na upuan. Hindi pa din maampat ang aking luha. Iniisip ko kung ano ang nangyari at bigla nalang itong ikakasal.
"Anong tawag sa pinagsamahan naming dalawa? Kalokohan lang ba o pampalipas oras niya lang ako habang wala ang magiging asawa nito?" umiiyak ako habang tinatanong ko 'yan sa aking sarili. Kahapon lang ay napakasweet niya sa akin habang nagkukwentuhan kami sa garden tapos ngayon? Ikakasal na ito sa iba.
Walang mapagsidlan ang luha na dumadaloy sa aking pisngi. Nang nauhaw ako ay tumayo ako at bumili. Basta dinampot ko nalang ang lata ng coke at binayaran na ito sa counter bago bumalik sa aking kinauupuan.
"Ano ba 'to? Bakit ang pait?" sambit ko at tinitigan ang lata ng coke. Kaya naman pala napakapait dahil red horse pala ito. Hindi ko man alam kung ano ang red horse ay ininom ko pa din ito dahil sayang ang pinambili ko. Habang iniinom ko ito ay umiiyak pa din ako. Nagpe-play sa utak ko nang paulit-ulit ang ini-anunsiyo ni Senyorito Theo.
"Gago ka pala! Ginawa mo akong laruan! Ikakasal ka na tapos sinasabi mong mahal mo ako!" madiin kong sigaw habang tinuturo ko ang lata ng red horse. Buti nalang at kaonti lang ang tao sa paligid. Napayuko nalang ako dahil sa kahihiyang nagawa ko. Nakita ko kasing halos mapatingin na ang karamihan sa akin.
Nang maubos ko na ang red horse ay tumayo ulit ako. Lumapit ako sa estante nang red horse at kumuha nang anim pa. Mapait sa una pero habang tumatagal ay nawawala na ang pait. Parang tubig nalang itong pumapasok sa aking lalamunan.
"Buti ka pa, habang tumatagal naaalis ang pait. Bakit sa akin, kanina pa ako iyak nang iyak pero mas lumalala ang sakit." malungkot kong pahayag. Nang makaubos na ako ng tatlo ay nakaramdaman na ako ng konting hilo.
"Bakit kaya nahihilo ako?"
Umiling-iling ako habang natatawa sa hitsura ko. Ngayon ko lang nalaman na nakakahilo pala ang softdrinks na ito. Binuksan ko na ang pang-apat na lata at uminom ulit. Nang marinig ko ang pagtunog nang selpon ko ay agad ko itong nilabas at sinagot.
"Hello?" patanong kong sabi dahil hindi ko nakita kong sino ang tumatawag.
"Where are you?"
"Hindi ko alam." natatawang sagot ko.
"Asan ka, Mahal ko?"
"Nakakatawa ka. Sobra. Mahal ko? Di ba nasa tabi ka na nang mahal mo? Paasa ka! Sayang ang nilaan ko sa 'yo." umiiling ako habang natatawang sumasagot sa kanya.
"Please, let's talk. Asan ka? Pupuntahan kita, walang kang alam sa pasikot-sikot. Please sabihin mo kung nasaan ka?" nagmamakaawang sabi nito na tinawanan ko lang.
"May pakialam ka ba kung nasaan ako? Magsaya ka nalang sa tabi ng Mahal mo. Huwag kang mag-alala, Senyorito. Hindi ako hahadlang sa pagmamahalan niyo."
"Fuck! Nakainom ka ba?"
"Paki mo ba? Problemahin mo yang nasa tabi mo..." napaubo ako kaya naputol ko kung ano pa yung sasabihin ko.
"Are you okay? Please Katherina, sabihin mo kung nasaan ka. I'm fucking worried."
"Don't be, Senyorito." natatswang sabi ko kahit ang totoo ay umiiyak na ako habang kausap ko siya. Masakit kasing marinig na nag-aalala ito sa akin samantalang nasa tabi ito nang mapapangasawa niya.
"Shit! Where are you Katherina? Tell me, please."
Umiling-iling ako habang impit na umiiyak. Ang marinig ang boses nito ay mas lalong nagpapasakit sa loob ko.
"Hayaan mo nalang ako, Sen-yorito." tinakpan ko ang bibig ko nang mapahikbi ako nang hindi ko sinasadya. Naririnig ko siyang nagmumura sa kabilang linya pero isinawalang bahala ko nalang. Huminga muna ako nang malalim bago nagsalita.
"Sana maging masaya ka sa piling niya, Senyorito. Huwag ka mag-alala, kaya ko ang sarili ko. Hahayaan na kita sa kanya dahil sa totoo lang ay bagay kayo. Maganda siya, maputi, at higit sa lahat ay mayaman. Ano ba naman ang panama ko sa kanya. Sa 'yo pa nga lang, Senyorito, hindi na ako papasa." natawa ako nang mapait. "Bagay na bagay kayo, Senyorito. Best wishes nalang sa inyo, Senyorito. Paalam."
Magsasalita pa sana ito sa kabilang kinya nang patayin ko na agad ang telepono ko. Inisang lagok ko lang ang hawak kong inumin habang umiiyak pa rin. Naiinis na din ako sa sarili ko dahil hindi na matapos-tapos at maubos-ubos ang aking mga luha. Gusto kong mawala ang sakit pero hindi ko alam kung paano.