Katherina
Nagising akong napakasakit nang aking ulo at nang aking mata. Nang sinabi ni Dex na alak pala ang nilagok ko kagabi ay napangiwi talaga ako. Kaya naman pala napakapait nang lasa. Dahan-dahan akong napaupo sa kamang kinahihigaan ko. Laking pasasalamat ko kay Dex dahil dumating ito nang walang pag-aalinlangan. Nang maalala ko na naman ang nangyari kagabi ay hindi ko na naman napigilang mapaiyak.
"Bakit ganito kasakit ang magmahal? Sana hindi ko nalang ito naramdaman." nagpupunas nang luha kong sabi at napahikbi. Napatingin naman ako sa pintuan nang bumukas ito at niluwa nito si Dex. Lumapit ito sa akin at tumabi sa tabi ko.
"Stop crying, Katherina. Magang-maga na ang mata mo." pagpapatahan niya sa akin at hinagod ang aking likod.
Napailing ako, "Hindi ko nga alam kung paano ko patitigilin ito. Pagod na akong umiyak pero hindi ko alam kung paano ito hihinto."
Niyakap niya ako nang mahigpit. Sinubsob ko naman ang aking mukha sa dibdib niya at doon umiyak nang umiyak. Nang mahimasmasan ako ay kumalas na ako sa yakap niya at tumingin dito.
"Paano ako uuwi sa amin nang ganito ang hitsura ko?" malungkot kong tanong, "Ayokong makita nila ako sa ganitong kalagayan."
"You can stay here, Katherina. Pag okay ka na, saka kana umuwi." alok nito sa akin. Nakakahiya man ay wala akong pagpipilian dahil ayoko ding malaman ni Tiya Meling ang nangyayari sa akin.
"Hindi ko alam kung paano kita pasasalamatan, Dex. Sobrang laki na nang abalang ginagawa ko sa 'yo." nahihiyang sabi ko dito at yumuko.
"Hindi ka abala sa akin, Katherina. It will always be my pleasure to help you. Lalo na sa ganitong sitwasyon." nakangiti na ito habang itinataas ang mukha kong nakayuko dahil sa hiya.
"May problema pa pala ako, Dex."
"Ano 'yon?" walang pag-aalinlangan niyang tanong pabalik sa akin.
"Hindi ko alam kung papaano ko kukunin ang mga gamit ko sa mansiyon nang hindi ko siya nakikita." pag-aamin ko dito. Nakita ko namang napaisip siya at tumayo papunta sa pintuang salamin.
"Diba kasamahan mo din si Lhynne doon?" nag-iisip na tanong nito at humarap uli sa akin.
Tumango ako, "Siya lagi ang kasama ko doon."
"May number ka ng selpon niya?" tanong nito na ikinatango ko ulit. "Text her na kukunin mo ang gamit mo doon ngayon." utos niya sa akin na ikinailing ko.
"Paano pag nandoon si Senyorito?" alanganing tanong ko dito.
"Then tell him to text you pag wala doon si Marco. Simple as that, Katherina." nakangiti nang sabi nito. Napangiti naman ako sa sinabi niya. Bakit kaya hindi ko naisip 'yon? Masyado na atang napuno ang isip ko sa kakaisip kay Senyorito. Kahit kasi pagbalik-baliktarin ko ang sitwasyon ay hindi na ito magbabago. Ikakasal pa din ito.
"Tama na siguro ang pag-iyak ko simula pa kahapon. Susubukan kong kalimutan siya, Dex. Susubukan ko kung kaya ko." desididong sambit ko at napangiti nang mapait dahil hindi ko alam kung kakayanin ko ba o hindi.
"Kaya mo 'yan Katherina. Andito lang ako at tutulungan kita. Maghihilom din 'yan. Basta tulungan mo ang sarili mo." payo niya sa akin, tumango ako sa kanya at ngumiti.
"Salamat, Dex. Maraming salamat." buong puso kong pasasalamat dito. Tumigil na ako sa pag-iyak ko dahil tama ito. Walang ibang makakatulong sa akin kung hindi ang sarili ko din lamang.
"Tama na ang drama. Hindi na ako mag-uungkat sa nangyari dahil simula ngayon ay hindi na natin siya pag-uusapan hanggang sa makauwi ka sa inyo." nakatayo siya sa harap ko at nakapamulsang nakangiti sa akin.
"Susubukan ko Dex. Mahirap pero kakayanin kong huwag na siyang isipin." nang sinabi ko 'yan ay parang tumututol ang isip at puso ko. Kaya ko nga bang huwag siyang isipin? Dahil sa totoo lang ay hindi ko ata kaya. Ngayon pa nga lang ay hindi na siya maalis-alis sa isip at puso ko.
"It's already late. Tawagan mo si Lhynne kung andoon siya o wala para ngayon na tayo pumunta doon. Kakain lang muna tayo sa labas. Pagpasensiyahan mo na ako dahil walang nagluluto dito sa condo ko." kumakamot nang batok na sambit nito sa akin.
"Ako nalang ang magluluto habang andito ako at nakikitira sa 'yo. Sayang naman kasi ang pera mo saka ang mamahal nang mga tinda nila sa labas." nakangusong sambit ko nang maalala kong ang konti nang pagkain pag kumain ka sa labas. Tapos ang mamahal pa. Napatingin ako kay Dex nang marinig ko itong tumawa.
Eh? Ginawa akong clown ng taong 'to kaya tinaasan ko siya ng kilay.
"Aba! Anong nakakatawa Mr Montelibano?" nakatayo nang sambit ko at pinamaywangan pa ito.
"Wala, ang cute mo lang kasi pag nakanguso ka." nakangiti nang sambit ko, "Mas bagay sa 'yo ang nakangiti at nakatawa lagi, Katherina."
Napangiti ako, "Susubukan ko, Dex."
"Sige na, mag-aayos lang ako. Tawagan mo na siya para alam natin at makuha na natin mga gamit mo." tumango ako at kinuha ang selpon na iniaabot nito galing sa kanyang bulsa. Nagtataka man kung paano napunta 'yon sa kanya ay hinayaan ko na lamang.
Nang tuluyan na itong makalabas ng kuwarto ay dinial ko na agad ang numero ni Lhynne. Nang makausap ko siya at sinabi nitong umalis si Senyorito kasama ang mga magulang niya at 'yong mapapangasawa nito ay agad na akong tumayo. Nag-ayos muna ako ng sarili ko bago ako lumabas ng kuwarto. Nadatnan ko si Dex na nagsasapatos sa sala. Agad akong lumapit sa kanya at sinabi ang sinabi ni Lhynne. Tumayo na ito at may kinuha sa isang estante. Pagbalik nito ay dala na niya ang sandals ko at iniabot nito sa akin.
"Kain muna tayo, Katherina. Anong oras na din kasi at hindi ka pa kumakain. Masama ang sobrang malipasan nang gutom." sabi nito na ikinatango ko habang sinusuot ang sandalyas ko.
Nang matapos na akong gumayak ay agad niya na akong inaya. Tumayo na agad ako at lumapit na dito. Sabay kaming lumabas ng condo niya hanggang sa makarating kami sa may sasakyan nito.
Halos abutin pa kami nang isang oras bago kami nakakain dahil lahat nang pinupuntahan namin ay mga mamahalin. Tapos ang kokonti nang mga inihahain nila. Nakakaloka ang mga ganoon, napakamahal pero pag sinerve na parang butiki lang ang kakain. Ako na ang pumili nang kakainan namin. Nagulat pa ito nang ituro ko kung saan ko gustong kumain. Nag-alangan pa ito sa una kaso wala na siyang nagawa. Nang matapos na kaming kumain ay agad kaming nagpunta sa mansiyon at kinuha ang mga gamit ko.
Nang makita ako ni Lhynne ay agad niya akong niyakap nang mahigpit.
"Pinag-alala mo ako nang sobra, Katherina. Hindi ako nakatulog kakaisip kung saan ka na at kung maayos ka lang ba." kumalas ito at tinignan niya ako sa aking katawan. "Saan ka natulog? Sinong kasama mo?"sunod-sunod niya pa ding tanong.
"Sa kaibigan ko, Lhynne, maayos lang ako. Salamat kay Dex at tinulungan niya ako kagabi. Wala akong kakilala at siya lang ang alam kung malalapitan maliban kina Elijah." sagot ko sa kanya na ikinahinga niya nang malalim.
Tinitigan niya ako na para bang awang-awa 'to sa akin. Ngumiti ako sa kanya para takpan ang lungkot at kumalas na nang tuluyan.
"Ayos lang ako, Lhynne. Kailangan na naming umalis. Ayoko siyang makita Lhynne." tumango ito sa akin at tinulungan niya na akong dalhin ang mga gamit ko papuntang sasakyan. Nang maipasok namin lahat nang gamit ko sa sasakyan ni Dex ay nginitian ko si Lhynne at nagpaalam na dito. Niyakap niya muna ako nang mahigpit bago niya ako binitawan.
Papasok na sana ako sa sasakyan nang biglang may mabilis na sasakyang papunta sa amin. Nang makilala ko ang sasakyan ay agad na akong pumasok at nilock na ang pinto. Nakita ko sa labas na nagmamadaling lumabas si Senyorito sa sasakyan niya at lumapit sa amin. Nagtatanong na tumingin sa akin si Dex pero nakatingin lang ako sa harap ng sasakyan. Nagulat ako nang biglang may kumatok sa pinto ng sasakyan at nagsalita.
"Katherina, let's talk." sabi nito habang patuloy niyang kinakatok ang bintana ng kotse. Hindi ko siya pinansin at tinignan si Dex sa tabi ko.
"Tara na, Dex." malungkot kong sabi dito na ikinatango niya at pinaandar na ang sasakyan. Pero bago pa mapaalis ni Dex ang sasakyan ay humarang na si Senyorito sa harap habang sumisigaw.
"Let's talk Katherina! Please! Lumabas ka diyan!" sigaw nito at hinahampas ang harap ng kotse ni Dex. Hindi ako umimik at nakatingin lang ako sa sumisigaw na si Senyorito sa labas.
"Hindi ako aalis dito hangga't hindi ka lumalabas diyan! I swear to God na masasagasaan niyo muna ako bago kayo makaalis! Katherina! Let's talk!" patuloy niyang sigaw.
Hindi ko na namamalayang umiiyak na naman pala ako habang nakatingin dito. Parang gusto kong lumabas at yakapin ito pero hindi na maaari. Pag-aari na siya nang iba at hindi ako 'yon. Tuloy-tuloy na namang lumalandas ang mga luha sa mata ko. Naramdaman ko ang paghaplos ni Dex sa pisngi ko at punasan ang luha ko. Malungkot akong napatingin dito at nakikiusap.
"Tara na Dex, please. Baka hindi ako makapagpigil at lumabas ako dito. Ayokong mangyari 'yon Dex. Please, ilayo mo na ako dito." umiiyak kong pakiusap dito. Kahit anong kabig nito para makaalis kami ay hinaharangan niya kami.
"Stay here, huwag kang lalabas. Ako na ang kakausap sa kanya. Kahit anong mangyari, huwag mong ipapakita na nasasaktan ka nang sobra dahil ikaw ang magmunukhang talo. Trust me, Katherina." sambit nito sa akin at hinaplos ang aking pisngi para punasan ulit ang aking mga luha.
Nang tumango ako ay tinignan niya muna ako at akma na sanang lalabas nang pigilan ko siya.
"Huwag mo siyang sasaktan, Dex. Tama na ang ako lang ng masaktan. Paalisin mo na lang siya para makaalis na din tayo." pakiusap ko dito na tinanguan niya lamang at lumabas na ng sasakyan.