Chereads / My Innocent Maid / Chapter 41 - My Innocent Maid XLI

Chapter 41 - My Innocent Maid XLI

Katherina

Nang yakapin niya ako ay hindi ako nakagalaw sa aking kinatatayuan. Hindi ako bumitaw sa pagkakahawak ko kay Dex at humihingi nang tulong habang tuloy-tuloy na umaagos ang luha sa aking mga mata. Nagulat nalang ako nang bigla nitong hawakan ang aking kamay at pinisil ito.

Hindi ako makapaniwala sa sinasabi niya kaya mas lalo akong napaiyak. Nagtapat siya sa akin noon na mahal niya ako pero sinabi kong hanggang kaibigan lang ang maibibigay ko dito. Kahit na ganoon ay hindi niya pa rin ako tinalikuran at nandiyan pa din siya sa tabi ko. Nang makaalis na ito ay nanatili pa din akong nakatingin sa kawalan habang umiiyak.

Gusto ko mang humarap kay Senyorito pero ayaw kong makita niya ang luhaan kong mukha. Nang magtagumpay ito sa pagpihit sa akin ay hinalikan niya ang talukap ng aking mga mata. Nang sinabi niyang mahal na mahal niya ako ay mas lalo akong napaiyak. Sigurado na kasi ako sa puso ko na siya lang ang nag-iisang nagmamay-ari nito. Yumakap ako dito nang mahigpit at umiyak sa kanyang dibdib.

"Mahal na mahal din kita." sabi ko sa pagitan ng aking pag-iyak. Bigla nalang niya akong inilayo sa kanyang katawan at tinignan ako ng hindi makapaniwalang tingin.

"Mahal mo na ako, Mahak ko?" tanong nito na ikinatango ko bago nagsalita.

"Hindi naman siguro ako iiyak nang ganito at masasaktan ng sobra-sobra kung hindi pa kita mahal, Senyorito." sagot ko dito at pilit pinupunasan ang luha sa aking pisngi. Nakita ko ang ngiting bumalatay sa mukha niya at hinawakan ang magkabilang pisngi ko.

"Mahal na mahal kita, Mahal ko. Ngayong alam ko nang mahal mo din ako ay hindi ko hahayaang magkahiwalay tayo. Aayusin ko 'to, Mahal ko. Magtiwala ka lang sa akin." buong pagmamahal na sabi nito sa akin at hinalikan ako sa aking mga labi na nakapagpamulagat sa singkit ko nang mga mata.

Nang maghiwalay ang labi namin ay magsasalita pa sana ako, kaso bigla nalang niyang hinawakan ang aking mga kamay at iginiya sa kanyang sasakyan. Iniwan niya ako sandali doon dahil ipinasok niya sa kanyang sasakyan ang mga gamit ko na ibinaba ni Lhynne mula sa sasakyan ni Dex.

Nang makapsok na ito sa sasakyan niya ay hinawakan nito ang kamay ko at nakangiting hinalikan bago niya pinaandar ang sasakyan at umalis. Wala pa din akong imik habang nasa biyahe kami papunta sa kung saan. Nang huminto kami sa isang mataas na gusali ay napatingin ako sa kanya nang nagtatanong.

"Dito ka muna pansamantala habang inaayos ko ang gusot sa pamilya ko. Pagdating natin sa loob ay mag-uusap tayo, Mahal ko." paliwanag niya na ikinatango ko. Hinalikan niya muna ako sa aking noo bago siya bumaba at umikot sa aking gilid. Pinagbuksan niya ako ng pinto. Nang makalabas na ako ay agad niyang kinuha ang mga gamit ko at ibinigay sa guard na nasa bungad ng gusali saka niya ako binalikan at hinawakan ang aking kamay.

Hawak-kamay kaming naglalakad hanggang sa makarating kami sa kanyang condo. Pagbukas nito ng pinto ay namangha ako sa loob. Napakagara at napakaluwang. Nang pinaupo niya ako sa sofa ay napaikot ang aking mga mata sa loob dahil napakaganda nito. Maluwang din 'yong kay Dex pero mas maluwang pa ng triple ang kay Senyorito. Hindi ko tuloy napigil ang mapabulalas dahil sa pagkamangha.

"Napakaganda naman dito." bulalas ko habang nililibot pa rin ng aking paningin ang kabuuan ng condo. May sarili na itong sala, kusina, at may dalawang pinto sa kanang bahagi. Nang tumingin ako kay Senyorito ay nakangiti na ito sa akin.

"Dito ka muna, Mahal ko habang inaayos ko pa ang gusot na mayroon ako." sabi nito na ikinalungkot ko at napayuko.

"Ikakasal ka na. Paano naman ako, Senyorito? Ayokong maging dahilan nang pagkasira ng buhay mo."

"Hinding-hindi ikaw ang sisira ng buhay ko, Mahal ko. Dahil ikaw ang rason kung bakit ako sumasaya at nagkaroon ng patutunguhan ang buhay ko." itinaas nito ang mukha ko para magpantay ang aming mga mukha bago ulit ito nagsalita. "Huwag mong iisipin 'yan habang andito ako sa tabi mo. Walang kasal na magaganap kung hindi ikaw ang magiging bride ko, Mahal ko. Tandaan mo 'yan."

Napangiti ako, "Talaga? Paano 'yong maganda at napakasexy na babaeng sabi ni Senyorito Theo ay mapapangasawa mo? Ni wala nga ako sa kalingkingan niya." nakanguso nang sabi ko sa kanya dahil sa totoo lang ay nakakainggit ang kagandahan niya.

"Mas maganda at sexy ka sa kanya, Mahal ko. Walang tatalo sa kagandahan mo. Kaya huwag kang maiinggit sa kung sino man dahil sa paningin ko ay ikaw lamang, Mahal ko." nakangiting sabi nito at mabilisan akong hinalikan sa labi.

"Aba! Senyorito! Kanina ko pa napapansin ang paghalik mo nang paghalik sa aknn. Nakakarami ka na." bulalas ko at tinakpan ang aking mga labi.

"Huwag ka kasing ngumunguso para hindi kita mahalikan, Mahal ko." nakangiting sabi nito at ini-ipit sa aking tainga ang ilang hibla ng aking buhok na tumatakip sa aking mukha.

"Hindi naman ako ngumunguso kanina ah." kunot-noong tanong ko dito na ikinatawa niya.

"Masaya ako kanina kaya hindi ko napigilan. Bakit ayaw mo bang hinahalikan kita?" taas kilay niyang tanong sa akin na ikinailing-iling ko agad.

"Ha? Wala naman akong sinasabi na ayaw ko. Tinatanong ko lang naman ah." depensa ko na mas lalong nakapag-patawa dito. Napatingin ako dito ng bigla nalang itong sumeryoso at hinawakan ang dalawa kong kamay.

"Makinig kang mabuti sa sasabihin ko, Mahal ko." bilin nito sa akin bago huminga nang malalim at tinignan ako. "May nagawang mali si Dad noon at nakapirma siya sa isang dokumento na pinagkasunduan nila. Akala ni Dad ay biro lamang 'yon dahil nakainom silang lahat. Pero nang magkita sila ng kaibigan niya sa New York ay nagdemand ito na dapat masunod 'yon." tumigil ito sa pagsasalita at mataman pa din itong nakatingin sa akin na para bang naghihintay kung ano ang sasabihin ko.

"Nakikinig ako, Senyorito." sabi ko dito na ikinahinga niya na naman nang malalim.

"Hindi pumayag si Dad sa gusto niya kaya blinackmail niya si Dad..." may sasabihin pa sana ito ng pinutol ko ang sasabihin niya at nagsalita.

"Aba! Hindi naman pu-pwedeng pilitin niya si Senyorito Theo na gawin ang hindi niya gusto. Masama siya, Senyorito. Dapat sa mga taong 'yan ay pinapakain sa pating." tumatangong sabi ko dito na ikinatawa niya nang mahina. "Anong nakakatawa?" kunot-noong tanong ko dito na ikinailing niya.

"Wala, Mahal ko. Ang cute mo kasi. Itutuloy ko na ba ang sasabihin ko?" tanong nito sa akin at bumalik na ang seryosong mukha nito.

Tumango ako, "Sige, Senyorito."

"Kapag hindi daw tinupad ni Dad ang kasunduan ay ipapakulong siya nito na ayaw naming mangyari." hindi na naman ako nakatiis kaya napatanong na naman ako.

"Eh ano naman ba ang kasunduang 'yon, Senyorito?" tanong ko na ikinalungkot ng mukha nito kaya hinaplos ko ang kanyang pisngi.

"Kailangan kong pakasalan ang nag-iisang anak nila. At kailangang maganap ang kasal in two months. Dapat tatlong buwan kaso nagmamadali ata 'yong kaibigan ni Dad kaya pinaikli niya. Sinubukan naming makiusap pero ayaw nito." malungkot itong napatingin sa akin bago uli nagsalita. "Isang buwan, Mahal ko. Isang buwan nalang ang natitira at kailangan ko siyang pakasalan." nagulat at natulala ako sa sinabi niya. Kung isang buwan nalang? Bakit niya pa sinasabing ako ang mahal niya kung ikakasal na ito.

"Mahal na mahal kita, Mahal ko. At gagawin ko ang lahat para hindi matuloy ang kasal na 'yon. Basta magtiwala ka lang sa akin at huwag mo akong iiwan. Ikaw lang ang lakas ko para makaisip nang paraan para hindi ito matuloy. Manatili ka lang sa tabi ko, Mahal ko, kakayanin ko ang lahat." pakiusap nito sa akin na ikinatango ko. Naaawa ako sa kalagayan niya dahil naiipit ito sa sitwasyong hindi niya gusto.

"Magtitiwala ako sa 'yo, Senyorito. At pinapangako ko na hindi kita iiwan at mananatili ako sa tabi mo hanggang sa makahanap ka nang solusyon sa problema mo. Andito lang ako," hinaplos ko ang mukha niya at ngumiti dito.

"Maraming salamat sa pag-iintindi mo, Mahal ko. Mahal na mahal kita," buong pagmamahal ko siyang tinitigan at inilapit ang aking mukha sa kanya. Nang halikan ko ito sa kanyang labi ay nagulat ito at hindi makapaniwalang nakatitig lang sa akin.

Mahina akong natawa sa reaction niya. Akala niya kasi siya lang ang marunong humalik. Aba! Ako din kaya. Madali lang namang gawin ito dahil idadampi mo lang naman ang labi mo sa labi niya.

"Hinalikan mo ako, Mahal ko?" gulat na tanong nito sa akin na ikinataas ng aking kilay.

"May problema ba sa ginawa ko, Senyorito? Noong ikaw ang nanghalik hindi naman ako nagtanong ah." taas kilay kong tanong dito na ikinailing niya at ngumiti na.

"Puwedeng isa pa." nakangiting hirit nito sa akin.

"Sinusuwerte ka na ata masyado, Senyorito? Ang dami mo pang kasalanan sa akinĀ  tapos hihirit ka pa? Sa susunod nalang ulit." irap ko dito. Nagulat nalang ako ng bigla niya akong niyakap nang mahigpit at bumulong sa aking tainga.

"Mas magiging masaya ako kapag tinawag mo akong Mahal ko. Ikakasaya 'yan ng puso ko, Mahal ko." bulong nito. Matagal ko na din itong gustong tawaging Mahal ko kaso nahihiya talaga ako. Napangiti ako nang may maisip akong kalokohan.

"Ayaw ko nga." iling ko dito na ikinalungkot niya at huminga nang malalim. Ang dali naman nitong sumuko. Hindi man lang ako pilitin.

"Mahirap ba akong tawagin sa ganoon, Mahal ko? Wala naman akong magagawa kung ayaw mo. Basta maghihintay ako. Huwag mo akong iiwan kahit anong mangyari, Mahal ko. Dahil hindi ko kakayanin pag nawala ka." pakiusap nito sa akin na ikinangiti ko nang malapad at hinawakan ang kamay niya habang nakayakap ito sa akin.

"Hinding-hindi kita iiwan. Mananatili ako sa tabi mo magpakailanman. Depende nalang kung sabihin mong hindi mo na ako mahal." umiling-iling ito nang sabihin ko 'yan.

"Hindi 'yan mangyayari, Mahal ko. Hangga't nabubuhay ako ay ikaw lang ang mamahalin ko. Tandaan mo 'yan." napangiti ako nang marinig ko ang sinabi niya. Ganoon din ako kaya hindi na ako papayag na magkahiwalay pa kami. Mananatili ako sa buhay niya hangga't nabubuhay din ako.

"Mahal na mahal kita, Mahal ko." sambit ko at humarap dito. Makikita mo ang gulat at hindi makapaniwala sa kanyang mukha kaya mahina ulit akong natawa. Dahan-dahan kong inilapit ang aking mukha sa kanyang mukha at hinalikan ito sa kanyang mga labi. Matagal kong idinampi ang aking labi sa kanyang labi. Napapikit nalang ako nang bigla nalang gumalaw ang labi nito at hinalikan niya ako ng buong pagmamahal.