Marco
Ilang araw na din akong hindi nakakadaan sa condo. Namimiss ko na talaga siya ng sobra pero hindi kasi ako basta-basta pwedeng umuwi doon dahil pinapasubaybayan kami ni Mr Santillan. Tinanggal niya nga ang hearing device sa mga gamit ni Beatrice pero mas malala naman ang pasundan kami halos araw-araw.
My investigator is working on it for now. Mahirap ang kumilos lalo na ngayong ilang araw nalang ang natitira sa amin. Hindi ko nakalimutan ang usapan namin ng Mahal ko ngayong gabi kaso hindi ako maaaring umuwi doon dahil may nakasunod sa aming tauhan ni Mr Santillan at ayokong madamay siya. Naiinis na ako dahil alam kong naghihintay na ito sa akin sa mga oras na ito.
Sumilip ako sa bintana ng condo ni Beatrice. Nang makita kong andoon pa din sila ay nahahapo akong naglakad papuntang sofa at pabagsak na naupo doon.
"I'm sorry if your torn between this and Katherina." malungkot na hinging paumanhin nito sa akin na ikinamulat ko ng aking mata.
"It's okay, ipapaliwanag ko nalang sa kanya mamaya pag nakahanap na ako ng tiyempo." nginitian ko ito para hindi na ito mag-isip pa. "Where's your CR?" tanong ko nang maramdaman kong naiihi ako.
"Pasok ka lang diyan sa kusina. Sa pinto sa may kaliwa." sagot nito kaya napatayo na ako at dumiretso sa sinabi niya.
Nang matapos akong gumamit ng banyo ay bumalik na ako dito. Nagulat ako ng iabot nito sa akin ang telepono ko.
"Someone called and I don't know who she is. Hindi niya naman sinabi kung sino siya." pagkasabi palang niya 'yon ay nagmadali na akong abutin ito at tinignan kung sino ang tumawag.
Nang makita kong si Katherina ang tumawag ay pabagsak akong naupo sa sofa at napapikit dahil iniisip ko kung ano nalang ang sasabihin nito lalo na't sinagot ni Beatrice ang tawag nito.
"What did she say?" nag-aalalang tanong ko dito at nagmulat ng mata. Umiling muna ito bago nagsalita.
"She didn't say anything. Pagkasabi ko na nasa CR ka is, she said nothing and told me that she'll call again after that she ended the call." kibit-balikat nitong sabi sa akin at umayos ito ng upo. "Who is she anyway?" tanong nito na ikinahinga ko ng malalin bago sumagot.
"She's Katherina." maiksing sagot ko sa kanya na ikinamulagat nito ng mata.
"Oh my God! Don't tell me..." hindi ko na siya pinatapos magsalita dahil tumango na agad ako.
"Yeah, she's the girl I love and the only life I have maliban sa mga magulang ko." nangingiti nang sabi ko habang iniisip ang nakangiti nitong mukha.
"She's really lucky to have you, Marco." nakangiting sabi din nito sa akin na ikinangiti ko na din.
"It looks like that I'm the one who's lucky to have her. If you meet her? You'll really agree with me. I guarantee you that." napatayo ulit ako pagkasabi 'yan at tinignan kung andoon pa ang tauhan ni Santillan.
Napahinga nalang ulit ako ng malalim nang makita ko na hindi pa din sila umaalis. "Fucking bastards." inis na sambit ko habang nakatingin sa mga tauhan ni Santillan.
Nang maalala ko ang katanungang nasa isip ko kung bakit bigla nalang nagdemand ang kaibigan ni Dad nang kasal ay napaharap ako dito.
"Beatrice," tawag ko dito na ikinalingon niya at itinigil ang ginagawa niya sa cellphone nito.
"Yes?"
"I remember something and I want to ask you that. If you don't mind." tanong ko na tinanguan niya.
"Go ahead, Marco. I wouldn't mind," sabi nito at hinihintay akong magsalita.
"I'm just curious about your stepfather. Why the sudden wedding? Hindi naman siguro bumabagsak ang negosyo niyo?" tanong ko dito na inilingan niya agad.
"It will never happen, Marco. Our business is totally not in bankruptcy state. So, nothing to worry about. Why worry?" takang tanong nito habang matiim nang nakatingin sa akin.
"I'm not worrying, Beatrice. I'm just curious about it. Two times nang iminove forward ng stepdad mo ang kasal. Maybe, I have the right to know what exactly the real reason behind this." sabi ko na ikinalungkot niya. Napabuntong-hininga muna ito bago siya sumeryoso na tumingin sa akin.
"I'm sorry for dragging you into this mess. It's all my fault..." putol nito at bigla nalang itong tumayo at naglakad papunta sa glass pannel. "...I told Dad that I'm engage and were getting married next year. When he asked me who's the lucky guy, I told him who he is. At first, he agreed but I was shock when I found out that he had made a background check. That's when we tore apart. Ginawa ni Dad lahat ng paraan para paghiwalayin kami."
Malungkot itong nagkukwento sa akin at hindi ko mapigilang hindi maawa dito. Tatanungin ko sana kung bakit sila pinaghihiwalay kaso bigla nalang ulit itong nagsalita.
"Hindi ko alam kung bakit ayaw ni Dad na mapangasawa ko siya. Maybe because he's poor. Nagtatrabaho lang kasi ito bilang isang food server sa isang restaurant. Sinuhulan niya pa ito para layuan ako pero hindi nito tinanggap iyon dahil mahal na mahal niya ako. After a month of trying hard to tore as apart he succeeded because of you." malungkot niyang kuwento sa akin.
Naiintindihan ko naman siya at nalukungkot na rin ako para sa kanila. Nang may maisip akong paraan ay napangiti ako.
"Do you love him that much? Are you really willing to be with him for the rest of your life?" sumeryoso ako at sunod-sunod ko 'yang tinanong sa kanya. Dahil sa kanya na nakasalalay ang susunod kong plano. I hope it will work dahil ito nalang ang alam ko na paraan. Ito ang huling pag-asa namin dahil sa totoo lang ay wala na kaming panahon pa.
"Of course, Marco. I want to be with him but we can't because of our situation. We even don't have a solid plan para hindi matuloy ang kasal. Ilang araw nalang ang natitira sa atin at nawawalan na ako nang pag-asa, Marco." nanghihinang sabi nito at bumalik sa kina-uupuan niya at pabagsak na naupo sa harapan kong upuan.
"Who told you that we don't have a solid plan to stop this nonsense wedding?" nakangisi nang tanong ko dito na ikinatingin niya sa akin. Napamulagat itong nakatingin sa akin nang nagtatanong. Walang lumabas na salita sa bibig nito na tila ba hindi ito makapaniwalang may naisip na akong paraan. Nang mahimasmasan ito ay nagtanong siya sa akin.
"Is your plan surely work sa sitwasyon natin?" naniniguradong tanong nito sa akin na ikinaseryoso ko ng tingin dito.
"Hundred percent but..." putol ko at tumitig sa kanya. "...it depends on you if your willing. Nakasalalay sa'yo ang desisyon, Beatrice. If your willing, I will guarantee you that it will work hundred percent sure." pahayag ko dito na ikinaisip niya.
"Tell me about it, Marco. I'm really curious about that plan. Kung ano man 'yan ay willing akong gawin. Huwag lang ang magpahulog sa mataas na building ha." sabi nito, pansin mo din sa reaction ng mukha niya na curious ito sa plano. Natawa naman ako sa huli niyang sinabi dahil nasa seryoso na nga kaming sitwasyon ay nagawa pa din nitong magpatawa. "Just like my Katherina." sabi ng aking puso.
Umayos muna ako bago ko inumpisa hang ilahad dito ang plano na nabuo sa isip ko. Tumatango-tango ito sa sinasabi ko, minsan naman at seryoso tapos umiiling kapag hindi ito sumasang-ayon. Pero nakahinga ako ng maluwag nang pumayag ito sa huli. That was all I have to know.
Pagkatapos ng pag-uusap namin ay pinatulog ko na siya dahil hindi namin namamalayang late na pala. Nang tignan ko sa labas ay nandoon pa din sila kaya wala akong nagawa kung hindi ang maghintay uli. Ilang oras pa ang nakalipas ng makita kung umalis na sila. Kumatok muna ako sa kuwarto ni Beatrice at nagpaalam dito.
"Thank you so much, Marco. Hindi ko talaga alam ang gagawin ko kung hindi ka dumating. You're a an angel sent to me, Marco. Kahit nahihirapan ka sa sitwasyon mo nagagawa mo pa ring mag-isip ng paraan. Thank you so much." pupungas-pungas na pasasalamat nito sa akin pagkatapos kong magpaalam.
"For Katherina, kaya kong gawin ang lahat. Hinding-hindi ako susuko dahil kung ginawa ko 'yon ay para pinakawalan at sinira ko na ang buhay ko. She's my life and I'm willing to do and risk everything just for her." nakangiti kong sabi sa kanya at hinalikan na ito sa pisngi.
"Take care, Marco. Hug her for me." sabi nito at hinatid niya na ako sa pinto.
"I will, thank you din." huling sabi ko bago ko pinasara dito ang pinto. Umalis na ako sa condo nito at tuluyang umuwi sa condo.
Wala pa akong tulog at gustong-gusto ko na siyang makita. Alam kong nagtatampo na ito sa akin pero wala akong magawa. Oras na matapos na ang problemang kasal na ito ay talagang babawi ako sa kanya. Pagdating ko, nakita ko siyang nakatulog sa sofa. Lumapit ako dito at hinaplos ang kanyang mukha.
"I miss you, Mahal ko. Konti nalang Mahal ko. Sana hindi ka bumitaw. Mahal na mahal kita." sambit ko habang hinahaplos ang buhok nito. Hinalikan ko muna ito sa labi bago ko siya binuhat at inilipat sa kama. Tumabi lang ako sandali at niyakap siya ng mahigpit. Hindi ako puwedeng makatulog dito ngayon dahil baka pag nagising ako sa tabi niya ay hindi ko na nanaisin pang umalis.
Nanatili akong nakayakap sa kanya ng isang oras. Kahit pagod ako ay hindi ko hinayaang makatulog. Pinagmamasdan ko lang siya at ilang beses na hinalikan sa labi. Napangiti nalang ako dahil sa himbing ng tulog niya.
"Tulog mantika ka talaga, Mahal ko." nangingiting sabi ko at hinalikan itong muli sa labi bago ako dahan-dahang bumangon. Kumuha ako ng papel at nagsulat dito bago ko iniwan sa katabing unan niya.
Bago ako umalis ay tinignan ko muna siya at hinalikan muli sa kanyang labi. "I love you so much, Mahal ko. Hintayin mo ako at sana huwag kang bibitaw. Dahil ako? Hinding-hindi ko gagawin 'yon. May plano na kami Mahal ko, magtiwala ka lang sa akin. Para din sa atin 'to." malayang sambit ko at tuluyan ng umalis sa kuwarto nito.
Alam ko na nahihirapan na ito sa sitwasyon namin. Ginagawa ko ang lahat para matapos na ito at makasama ko na siya. Hindi man sigurado ang plano namin ay sisiguraduhin kong magtatagumpay kami.
"I'll do everything, Mahal ko. At matatapos tayo na ikaw ang naglalakad ng nakatraje de boda at ako ang naghihintay sa'yo sa harap ng altar. Can't wait," masayang sabi ko at ini-imagine ang ganoong eksena sa aking isipan. Hindi na nawala ang ngiti sa labi ko hanggang sa makaalis na ako at makauwi na ng mansiyon.