Chereads / My Innocent Maid / Chapter 50 - Epilogue

Chapter 50 - Epilogue

Katherina

After three years...

Dumating na ang araw nang pinakahihintay kong mangyari. Ang maiabot ko kay Inang ang lahat ng pinaghirapan ko. Ang diploma na labis kong inasam sa ilang taon.

Nakatayo ako sa stage habang hawak ko sa kamay ko ang diploma. Nakangiti akong iwinagayway ito sa parte kung saan ko nakikita si Inang at mga kapatid ko. Malungkot man ako dahil wala ang pinakamamahal ko ay ayos lang dahil naiintindihan ko naman siya. Simula kasi nang umupo siya at dineklara ng mga magulang nito na siya na ang CEO ng kompanya nila ay naging busy na ito. Pero walang araw na hindi niya ako pinaglaanan ng oras.

Simula nang maayos niya ang problemang kinaharap niya ay lumipat na rin ang mga kapatid ko at si Inang sa Manila. Ayaw ni Inang na iwan ang bahay namin sa probinsiya kaso pinilit namin siya at sinabi naming mas maganda ang oportunidad para sa aming magkakapatid doon. Hindi din nagtagal ay napapayag din namin siya at tuluyan kaming nanilbihan sa mga De La Torre.

Nakangiti akong bumababa ng stage at umupo sa kinauupuan ko. Pero bago ako umupo, tumingin muna ako kina Inang na umiiyak na sa kinauupuan nito. "Para sa iyo ito, Inang." bigkas ko, nang umiiyak itong tumango ay napangiti ako.

Natapos ang graduation na may ngiti akong baon sa aking mga labi habang yakap-yakap ko sina Inang at mga kapatid ko.

"Natupad ko na ang gusto niyo, Inang. At dahil ito sa walang sawa niyong suporta sa amin." sambit ko at kumalas sa yakapan namin at tinignan ang mga kapatid ko. "Kaya kayo, dapat mag-aral kayong mabuti."

"Oo, Ate! Congrats sa'yo!" sabay-sabay nilang sambit sa akin nang nakangiti.

"Salamat," nakangiti ko ulit silang niyakap nang mahigpit. Nagtagal pa kami sa ganoong moment nang magsalita si Inang.

"Naku! Tama na 'yan, gutom na ako." nakangiti nang sambit ni Inang sa aming apat.

"Tara na! At dahil ako ang grumaduate! Sagot ko na ang kakainin natin ngayon, kahit saan niyo gusto!" masayang sambit ko na ikinatuwa ng mga kapatid ko at ni Inang.

"Waaahh! Ate gusto ko 'yan! Sa jollibee tayo!" halos isigaw na ni Kasandra ang sinabi niya kaya natawa nalang kami. Sumang-ayon naman kaming lahat kaya magkaakbay kaming lumabas ng eskuwelahan at tumungo sa pinakamalapit na kainan. Masaya ako at mas masaya pa sana kung andito ang Mahal ko.

Patapos na kaming kumain nang bigla akong nakaramdam ng antok. Naghikab ako at sinabi ito kay Inang.

"Inaantok ako, Inang." sabi ko dito, napansin ko ang pag-ngiti nila pero hinila na talaga ako ng antok ko.

"Masaya kami para sa'yo, Ate." narinig ko pang sambit ni Pamela bago ko naipikit ang aking mga mata habang nakayakap kay Inang.

Nagising nalang ako na iba na ang aking kasuotan. Puting damit na pangkasal at may nakakabit pang belo sa aking ulo. Dahan-dahan akong bumangon sa kinahihigaan ko at pinagmasdan ang lugar kung nasaan ako. Isang puting kuwarto at napapalamutian ng mga pula at puting rosas sa paligid. Pagkaupo ko ay isinuot ko ang tanging sandalyas na meron sa baba nang aking kinahihigaan.

Pagtayo ko ay nakita ko sa sahig ang mga petals ng pulang bulaklak na nakadisenyong pana at tila itinuturo ako sa kung saan. Nang pinagmasdan ko ang kabuuan ko sa salaming nasa gilid ay napanganga ako sa nakikita ko.

"Ako ba ito?" tanong ko sa sarili ko at hinaplos pa ang aking mukha.

"Inang!" tawag ko baka nasa labas lang ito at hinihintay akong magising. Nakailang tawag na ako pero wala pa ding pumapasok kaya sumigaw ulit ako para tawagin ang tatlo. "Pamela! Isabela! Kasandra!" pero walang pumasok maski isa sa kanila. Kinabahan ako, nang mapatingin ako sa may pinto ay nakabukas ito at may nakasulat sa dingding.

"Walk by me and you'll be my Queen."

Iyan ang nakasulat sa unang papel. Nang basahin ko ang nasa baba nito ay napataas ang kilay ko.

"Follow your heart because it will lead you to me."

"Hmmmp! Paano ko naman daw susundin ang heart ko eh nasa loob naman ito ng aking dibdib. Pinagloloko ata ako nitong nagsulat na ito!" sambit ko at inirapan ang papel na nakadikit sa dingding.

Dahan-dahan kong sinundan ang mga pana sa sahig. Naiinis na ako sa kakasunod dito dahil ang layo na nang narating ko ay wala pa din akong makitang tao.

"Dami naman kasing hanash ng mga ito! Pahirapan pa akong maglakad! Ang bigat pa man din ng damit ko tapos ang haba pa ng buntot! Dinaig ko pa ang sirena!" inis na sambit ko at nagpahinga sandali.

Nang makapagpahinga ako ay binitbit ko na ang sandalyas ko at hinayaan ko nang sumunod sa akin ang laylayan na kanina ay hawak ko. Nang makita ko ang dulo ng pana ay napahinga naman ako ng malalim.

"Sa wakas!" bulalas ko at binilisan ang paglalakad.

Pagkabukas ko nang pinto ay nagulat ako sa nakita ko. Nakatingin silang lahat sa akin at nakadamit ang lahat ng babae ng puti samantalang itim naman ang tuxedo ng mga lalake. Agad kong binagsak sa sahig ang sandalyas ko at isinuot. Nang makita ko si Inang na lumalapit sa akin ay napangiti ako dahik ang ganda nito.

"Inang, anong nangyayari dito?"  takang tanong ko kahit sa utak ko ay alam ko na ang sagot.

"Isipin mong mabuti na mahal na mahal ka namin, Anak. Araw mo ito at sana maging masaya ka sa piking ng mahal mo." sambit ni Inang at hinaplos ang mukha ko. Napapikit naman ako at dinama ang paghawak ni Inang sa mukha ko. Nang pagmulat ko ay ang lawak na nang ngiti nito habang nakatingin sa harap. Nang tumingin ako doon ay ang mukha ng mahal ko ang sumalubong sa'kin. Nakangiti ito habang nakatayo sa harap ng altar.

Nang igiya ako ni Inang papunta sa gitna ay nagpatiuna ako. Hindi ko inalis ang pagkakatingin ko sa taong bumubuo ng pagkatao at pinakamamahal ko.

Masayang-masaya ako, kaya pala hindi ito nakapunta dahil naghihintay na ito sa akin sa altar. Nang magsimulang tumugtog ang kanta ay nagsimula na kaming naglakad ni Inang. Nakahawak ako sa braso niya at hindi ko na napigilang mapaiyak.

"Huwag ka nang umiyak, Anak. Masisira ang make up mo, papangit ka niyan." bulong nito na mas ikinaiyak ko.

"Hindi ko mapigilan, Inang. Ikaw ba naman ang ikasal sa napakaguwapong nilalang sa mundo. Siguradong iiyak ka din, Inang." umiiyak na bulong ko kay Inang at hinayaan ko lang na maglandas ang luha mula sa aking mata.

Napakaperpekto ang ginawa sa lugar na ito. Puti, itim at pula lamang ang makikita mo sa paligid. Nakakamangha dahil hindi ko lubos maisip na matutupad ang magaramg kasal na sa panaginip ko lamang makikita.

Nang makarating kami sa harap, lumapit agad siya sa akin at nagmano kay Inang. Ganoon din ang ginawa ko kina Senyor at Senyora. Nang iabot ni Inang ang kamay ko ay agad niyang ipinasok ang kamay nito sa loob ng belo ko at pinunasan ang luhang kanina pa naglalandas sa aking mata.

"Stop crying, Mahal ko. Andito na ako at konting panahon nalang ay magiging akin ka na nang tuluyan. Mahal na mahal kita, Mahal ko." buong pusong sabi nito habang tinutuyo niya ang basa kong mukha.

"Ma-hal na ma-hal din ki-ta, Ma-hal ko." humihikbing sabi ko at yumakap dito. Hindi ko na inalintana na nakatingin silang lahat sa akin.

"Mamaya na ang yakap, Mahal ko. As much as I wanted you in my arms right now ay hindi maaari dahil kailangan muna nating ikasal bago kita maangkin." nakangiting sabi nito at iniangat ang mukha ko para tignan ko siya. Nang tumango ako ay tinulungan niya akong iayos ang nagulo kong belo at ikinapit na nito ang kamay ko sa braso niya.

Parehas na kaming nakangiti nang makaharap na kami sa naghihintay na Pari sa may altar. Nang magsimula ang kasal ay ang lakas ng tibok ng aking dibdib dahil sa sayang hindi ko na maipaliwanag.

"Do you take Katherina as your lawful wife, to have and to hold, from this day forward, for better or for worse, for richer or for poorer, in sickness and in health, to love and cherish until death do you part?" tanong ng Pari kay Marco.

"I do," maikling sagot niya habang nakangiting nakatingin sa akin.

"Do you take  Marco as your lawful husband, to have and to hold, from this day forward, for better or for worse, for richer or for poorer, in sickness and in health, to love and cherish until death do you part." pag-uulit ng Pari and this time sa akin naman ito nakatingin.

"I do," naiiyak na sagot ko habang nakatingin na nang diretso kay Marco.

"You may give your solemn vows to each other." nakangiting sabi ng Pari sa amin at iabot ang mike kay Marco.

Narinig ko ang pagtikhim ni Marco kaya napatingin ako sa kanya. "I'll skip the first part that we've met because I know for sure you won't like it." bungad nito na ikinamulagat ko dahil nang maalala ko ang unang pagkikita namin ay namula ako. Narinig ko naman ang mahina nitong pagtawa kaya minulagatan ko siya na ikinatahimik nito at nagsalita ulit. "Hindi ko ma-admit sa sarili ko noon na nagugustuhan na kita. You don't know how mesmerized I am pag nakikita kita. At dahil sa mga selos ko na wala naman sa lugar ay hindi ko naiwasang mainsulto kita and that was a big mistake that I've did in my whole life. Nang iniwan mo ako," huminga muna ito nang malalim bago itinuloy. "...para akong namatay ng ilang beses dahil kulang ang mundo ko pag hindi kita kasama. Mahal na mahal kita, Mahal ko at hinding-hindi ito magbababgo. Ikaw lang ang babaeng mamahalin ko at aalagaan ko hanggang sa aking huling hininga." nakangiting pagtatapos nito. Nang iabot nito sa akin ang mike ay agad ko itong kinuha. Kinakabahan man ay isinantabi ko muna ito at nagsalita.

"Hindi ko alam, Mahal ko, kung paano ko unang naramdaman ang pagmamahal na mayroon ako sa'yo. Akala ko noon, mamamatay na ako dahil sa biglang pagbilis nang tibok ng puso ko nang ilapit mo ang mukha mo sa mukha ko." mahina akong natawa nang maalala ko ang nangyari noon sa probinsiya. "Simula noon, kapag lumalapit ka na ay nakakaramdam na ang puso ko nang kakaibang pagtibok. Ayaw kong tanggapin noon dahil alam ko na hindi ako nababagay sa isang katulad mo." malungkot kong sambit na ikinahaplos nito ng mukha ko. "Mayaman ka at nasa sa'yo na ang lahat, samantalang isang hamak lang akong katulong na naninilbihan sa inyo. Pero sadyang malakas ang tawag ng pag-ibig dahil siya ang nanaig sa ating dalawa. Wala na akong mahihiling pang iba dahil binigay ka na niya sa akin. Mahal na mahal kita Mahal ko." pagtatapos ko at ibinalik ang mike sa Pari.

"Now, by the power vested in me. I now pronounce you husband and wife. You may now kiss the bride." nakangiting anunsiyo ng Pari sa amin na agad sinunod ni Marco.

Nakangiti itong lumapit sa harap ko at dahan-dahang itinaas ang belong nakatakip sa aking mukha. Marahan niyang hinaplos ang mukha ko bago siya nagsalita.

"I love you, Mahal ko. Ikaw lang," buong pusong sabi nito sa akin na ikinangiti ko.

"I love you too, Mahal ko." nakangiti kong sagot at buong pagmamahal kong sinalubong ang halik na iginawad niya sa aking mga labi.

Nang matapos ang halik ay narinig namin ang masigabong palakpakan mula sa mga tao. Bago pinakawalan ni Marco ang mukha ko ay ginawaran niya muna ako ng magaan na halik sa labi bago niya ako niyakap at sabay kaming humarap sa mga tao.

"You are now mine, Mahal ko at wala nang makakapaghiwalay pa sa atin kahit na sino at ano pa man." bulong nito sa akin na ikinangiti ko at yumakap din sa kanya ng mahigpit.