Katherina
Malungkot akong nakatingin sa daloy ng tubig sa ilog. Ilang araw na simula nang lisanin ko ang condo ng mahal ko. Alam ko na hindi ko dapat 'yon ginawa kaso nagseselos ako at nasaktan din sa nakita ko. Mahal na mahal ko siya at may tiwala ako sa kanya pero ibang usapan nga lang ang harapang makikita ko na may kasama siyang iba. Masakit sa puso at para kang sinasaksak ng ilang milyong kutsilyo sa puso.
"Anak..." napalingon ako sa likod ko at malungkot na napangiti kay Inang nang makita ko itong papalapit sa kinaroroonan ko.
"Ano po ang ginagawa niyo dito, Inang?" tanong ko dito at humarap ulit sa ilog.
"Simula nang dumating ka dito, lagi ka nalang malungkot at napag-iisa. May problema ba kayo ng Senyorito mo, Anak?" tanong nito at umupo sa aking tabi.
"Wala naman po, Inang. May mga bagay lang kasi na gumugulo sa isip ko at hindi ko alam kung tama pa po ba ang ginagawa ko." malungkot kong saad dito na ikinangiti niya sa akin at hinawakan ang aking kamay.
"Anak, sa larangan ng pag-ibig. Marami kang mararanasang bago sa iyong pakiramdam. Tulad ng saya na kadalasan nating nararamdaman pero hindi ibig sabihin niyan ay hindi ka na masasaktan." napatingin ako kay Inang sa sinabi niya. "Kaakibat nang pagmamahal ang sakit, Anak. Kaya kung nasasaktan ka man ngayon ay parte lamang iyan ng buhay pag-ibig mo. Huwag mong hayaang mangibabaw 'yan, Anak." payo nito sa akin na ikinayakap ko dito at napaiyak.
"Hindi ko alam kung tama po ang ginawa ko, Inang. Iniwan ko siya sa Manila dahil lang sa selos na naramdaman ko nang makita ko siyang masaya kasama ng ibang babae." umiiyak kong sabi habang nakayakap kay Inang. "Alam ko na madami na itong iniisip na problema nitong nakaraan. At imbes na tulungan ko siya ay iniwan ko pa siya sa ere." sambit ko at kumalas kay Inang bago nagtanong.
"Tama po ba ang ginawa ko, Inang?" umiiyak na tanong ko dito na ikinatingin niya nang nakangiti sa akin.
"Alam mo na mali ang ginawa mo, Anak. Pero nagawa mo na at hindi mo na maibabalik pa ang tapos na. Dapat kinausap mo muna siya, hindi 'yong nag-alsa balutan ka napang bigla. Lahat ng problema ay nasosolusyunan kung pinag-uusapan. Lagi mong pakatatandaan 'yan, Anak." hinaplos ni Inang ang aking mukha at iniipit ang takas na buhok ko sa aking tainga.
"Tatandaan ko po 'yan, Inang. Maraming salamat at lagi kang nandiyan para sa amin, Inang. Mahal na mahal ka po namin." nakangiti kong pasasalamat kay Inang at pinunasan na ang luhang bumasa sa aking mga pisngi.
"Mahal na mahal ko kayong apat at kahit anong mangyari ay hinding-hindi ko kayo iiwan." nakangiti ding sambit nito at tinulungan akong punasan ang aking luha. "Ayusin mo ang problema mo, Anak at hindi ito dapat tinatakasan. Siya, sige, maiwan na muna kita dito Anak. Iniwan ko 'yong niluluto ko sa bahay para kumuha ng dahon ng malunggay. Umuwi ka na din at papagabi na." paalam ni Inang sa akin na tinanguan ko.
"Opo Inang. Mamaya lang nang kaonti ay uuwi na din po ako." sabi ko at inihatid si Inang ng aking tingin. Malungkot akong napangiti at bumaling ulit sa ilog. Hindi pa ako nakontento ay humiga ako sa kawayang upuan at pumikit habang inaalala ang mukha ng taong mahal ko. Hindi ko na namamalayang nakaidlip na pala ako.
Naalimpungatan nalang ako nang maramdaman ko na may humahaplos sa aking mukha. Nang magmulat ako ay tumambad sa akin ang nakangiting mukha ng Mahal ko. Akala ko ay nananaginip lang ako kaya hinaplos ko din ang mukha niya at nagsalita.
"Patawarin mo ako, Mahal ko kung iniwan nalang kita bigla." sambit ko habang hawak-hawak ko ang kanyang mukha. "Hindi ko gustong gawin 'yon Mahal ko. Nadala lang ako nang sobrang selos ko nang makita kitang masaya kasama siya." napansin ko na kumunot ang noo nito. Nang magsalita ito ay napamulagat ako ng mata at sinampal pa ang aking pisngi para gisingin ang natutulog ko pang diwa.
Nang may marinig akong mahinang tawa at mapagtanto ko na hindi ito panaginip ay napabangon ako sa kinahihigaan ko at umayos nang upo.
"Akala ko nananaginip lang ako!" mahinang bulong ko sa sarili ko habang nakayuko. Naramdaman ko nalang ang paghawak nito sa aking baba at iangat ang aking mukha para tumingin dito habang ito naman ay nakaupo sa aking harapan.
"Andito na ako, Mahal ko. Sorry kung nawalan ako ng oras sa'yo. Hindi ko alam na nararamdaman mo na pala 'yan." humihingi nang tawad na sabi nito at hinawakan ang aking dalawang kamay. "Hindi mo alam kung paano naging mas miserable pa ang miserable ko ng buhay nang umalis ka, Mahal ko."
Hindi ako nakapagsalita sa mga naririnig ko mula dito. Alam ko na ganoon din ang naramdaman ko nang umalis ako sa poder niya. Alam ko namang kasalanan ko 'yon dahil pinangunahan ako ng selos ko.
"Magsalita ka naman, Mahal ko. May babalikan pa ba ako?" malungkot na tanong nito at pinagdikit ang aming mga noo.
"Hindi mo na kailangan pang itanong 'yan sa akin. Dahil kahit kailan ay wala na akong mamahalin pang iba bukod sa'yo." sabi ko at hinawakan ang mukha niya. "Patawarin mo ako kung iniwan kita. Hindi ko nakayanan ang sakit at selos na nararamdaman ko, Mahal ko. Lalo na nang makita ko kayong masaya na kumakain sa isang kainan sa mall." amin ko dito na ikinakunot ng noo niya at pinaghiwalay ang aming noo.
"What are you talking about? Anong masayang kumakain sa isang mall?" nagtatakang tanong nito sa akin at tila nag-iisip pa.
"Nang tumawag ako sa'yo minsan at tinatanong kita kung nasaan ka. Nasa katapat akong bilihan nun at selos na selos ako nang makita kong nginingitian mo ito at masaya kayong dalawa." huminga muna ako bago ulit nagsalita nang pabulong. "May pasubo-subo pa nga yong babae sa'yo eh." mahinang bulong ko dito na narinig pala niya.
"That was a misunderstanding, Mahal ko. Handa ka na bang makinig sa paliwanag ko?" tanong nito sa akin na ikinatango ko. "Hindi ko inaasahang mas pinaaga pa ang kasal, Mahal ko. And it happen yesterday..."
"Kahapon? Kinasal na kayo kahapon?" napamulagat ako at tinignan ito kung nagsasabi ba ito nang totoo o niloloko niya lang ako. Nang makita kong seryoso ito ay napatayo ako at bigla nalang itong tinalikuran dahil hindi ito matanggap ng puso ko.
"Saan ka pupunta, Mahal ko? Akala ko ba papakinggan mo ako? Don't judge me again that easily dahil nag-uumpisa palang akong magpaliwanag." malungkot na sabi nito na ikinatigil ko. Nakonsensiya naman ako sa sinabi niya dahil totoo naman siya. Madali ko siyang hinuhusgahan nang hindi man lang ito nakapagpapaliwanag. Nanatili akong nakatayo at hinihintay ko siyang magsalita.
"You don't know how frustrated I am nang sabihin nila sa akin na mas pinaaga ang kasal." mahinang sabi nito na tama lang sa pandinig ko. Nang maramdaman ko ang pagyakap nito mula sa likuran ay hinayaan ko lamang siya at hinintay pa ang paliwanag nito.
"Nakaisip kami nang paraan para hindi matuloy ang kasal but unfortunately, nalaman ito nang magulang niya and they locked her up." naramdaman ko ang paglalim ng paghinga nito kaya hinawakan ko ang kamay niya at humarap dito. "Mas lalo akong nawalan ng oras sa'yo sa mga panahong iyon at nang minsang umuwi ako at nadatnan kitang wala ay gumuho ang depensa ko, Mahal ko." naawa naman ako nang makita ko siyang umiiyak sa aking harapan. Wala akong pag-aalinlangang niyakap ito at inalo.
"Tama na, Mahal ko. Kahit na ikinasal ka na ay hindi kita iiwan. Wala na akong pakialam kung maging kabit pa ako basta ang importante ay makasama kita." seryosong sambit ko dito na ikinatawa niya nang mahina kaya napabitaw ako dito. Tinaasan ko siya nang kilay dahil sa pagtawa nito. Umiiyak siya tapos biglang tatawa, kinasal lang siya nabaliw na agad. "Anong nakakatawa?" taas kilay kong tanong dito na ikinaayos niya. Bigla nalang ulit itong sumeryoso at hinawakan ang kamay ko.
"You will never be a kabit, Mahal ko. Didn't I tell you that no matter what happen. Hinding hindi ako magpapakasal sa iba kung hindi ikaw ang bride ko?" tanong nito sa akin na ikinangiti ko.
"Pero sabi mo ikinasal kayo kahapon?" takang tanong ko dito na ikinailing niya.
"Hindi ko sinabing kinasal ako, Mahal ko. Sinabi ko lang na kahapon ang kasal." paglilinaw nito sa akin na ikinatango-tango ko. "The wedding went on at hindi ako ang groom niya. Sinabi ko sa'yo na gagawin ko ang lahat para hindi matuloy ang kasal. Ginawa ko ang lahat para matigil ang kasal. Kahit araw na nang kasal ay hindi pa din ako nawalan nang pag-asa dahil ikaw ang nasa isip ko. Nang tumawag ang boyfriend niya the last minute ay nabuhayan ako nang loob at nagpasalamat sa Diyos, Mahal ko." masayang sambit nito at ikinulong ang mukha ko sa dalawa nitong kamay. "Mahal pa din ako ng Diyos dahil after niyang tumawag ay tumawag din ang abogado namin para sabihing hindi legal ang kasunduan dahil lasing si Dad. You don't know how happy I am that day. Ikaw nalang ang kulang, Mahal ko." sambit nito at buong puso niya akong siniil ng halik sa aking mga labi.
"Mahal na mahal kita, Mahal ko, at hindi ko hahayaang mawala ka pa sa buhay ko." sabi nito habang hawak nito ang magkabila kong pisngi. Nagulat nalang ako at hindi nakapagsalita nang bigla itong lumuhod sa harap ko. Pilit ko siyang pinapatayo pero hindi ito natinag. Nang bigla nalang itong may inilabas na maliit na pulang kahon sa kanyang pantalon ay napakunot ang aking noo.
"Will you marry me, MAhal ko?" tanong nito sa akin at binuksan ang maliit na kahon na hawak-hawak nito. Napanganga naman ako nang makitang singsing ang laman nito. Hindi ko maipaliwanang ang nadarama ko ngayon.
At dahil sa hindi maipaliwanag na kasiyahan ng puso ko ay napaiyak nalang ako at niyakap ito nang mahigpit kahit nakaluhod pa siya sa lupa. "Oo! Oo, Mahl ko! Magpapakasal ako sa'yo!" sigaw ko dito habang umiiyak akong nakayakap sa kanya.
"Aray, Mahal ko. Nabingi ata ako sa pagsigaw mo sa tainga ko." natatawang sambit nito at kumalas ito sa pagkakayakap sa akin at pinunasan ang lubang umaagos sa aking pisngi. "Stop crying, Mahal ko. Dapat masaya ka at hindi umiiyak. Para namang lugi ako nito na pakakasalan mo ako dahil sa reaction mo, Mahal ko." natatawang sambit nito na ikinahampas ko nang mahina sa dibdib niya. Dahan-dahan niya akong itinayo at niyakap. "Mahal na mahal kita, Mahal ko." buong pusong sambit niya at mas hinigpitan pa ang pagyakap sa akin.
"Mahal na mahal din kita, Mahal ko." buong puso ko ding sagot dito at ngumiti. Nang kumalas ito nang yakap sa akin ay ako na mismo ang naglapit sa mukha ko para halikan ito sa kanyang labi. Nang lumalim ang halik na iginawad ko dito ay napangiti nalang ako at nagpasalamat sa Diyos na dininig niya ang aking dasal.