Dex
Andito na ako sa bahay at nakahiga. Nagulat ako nang biglang tumunog ang aking cellphone. Nang makita ko kung sino ang tumatawag ay napakunot ang aking noo. Ito ang unang beses na tinawagan niya ako dahil puro text lang ang ginagawa nito pag may itatanong o magpapatulong siya sa akin.
Nang sagutin ko ang tawag ay nagulat ako sa narinig kong sinabi niya.
"Pu-wede mo ba a-kong tu-lungan?" pauta-utal nitong sabi sa kabilang linya. At ang mas lalo kong ikinagulat ay nang marinig ko itong humikbi. Agad akong napabangon sa kinahihigahan ko at tinanong agad ito.
"Where are you, Katherina?" agad kong tanong, agad akong nagbihis ng damit habang nakaipit naman ang cellphone ko sa pagitan ng aking pisngi at leeg.
"Hindi ko alam."
"What? Paano kita pupuntahan?"
"Hindi ko alam, Dex. Hindi ko alam," naguguluhang sagot niya habang humihikbi.
"Saan ka ngayon? Nasa kalsada ka ba? Store? Parke? Mall? Say it, Katherina para mahanap kita." sunod-sunod kong tanong dito.
"Basta nasa isang seven eleven ako." umiiyak ito sa kabilang linya.
"Hindi mo ba talaga alam kung nasaan kang lugar?" tanong ko ulit,
"Hindi talaga, Dex. Hindi ko din alam kung saan ako pupunta."
Nag-aalala ako para dito dahil sa pagkakaalam ko ay hindi nito alam ang pasikot-sikot. Nag-isip ako nang ibang paraan para malaman ko kung nasaan ito. Nang may maisip ako ay agad ko itong sinabi sa kanya.
"Okay, ibigay mo sa cashier ang telepono mo." utos ko dito na ikinaalma niya agad.
"Ayaw ko nga," humihikbing tanggi nito.
"Basta ibigay mo nalang sa cashier ang telepono mo. Please," pakiusap ko dito dahil ito nalang ang paraan para malaman ko kung nasaan ito.
"Ayaw ko nga. Bigay ni Tiya Meling sa akin ang teleponong ito. Pag bjnigay ko doon sa cashier baka hindi na niya ibalik pa. Eh di wala na akong selpon."
Nasa alanganing sitwasyon na nga ito ay nagawa pa din nitong magpatawa. Kung hindi lang ito umiiyak ay pagkakamalan ko talaga itong nagpapatawa. Kaya kahit gusto kong matawa sa sagot nito ay pinigilan ko dahil hindi ito ang tamang panahon. Kailangan ko muna siyang mahanap sa ngayon.
"Trust me, Katherina. Ako ang bahala."
"Ibibilhan mo ako nang bago pag hindi niya binalik?" patanong niyang sabi, napansin ko din na hindi na ito umiiyak pero parang sinisipon naman ito dahil iba ang rating ng boses niya sa akin.
"Oo, papalitan ko pag di niya binalik. Kahit anong gusto mo, Katherina. Now, ibigay mo na ang telepono mo sa kanya."
"Sige," pumayag din ito, wala pang ilang segundo nang marinig ko ang sinabi nito sa cashier. Hindi ko mapigilang matawa dahil doon.
"Kausapin ka daw ng kaibigan ko. Huwag kang magkakamaling itakbo ang telepono ko. Kung hindi itatali kita diyan sa pintuan." babala nito na ikinatawa ko talaga. Nang marinig ko ang paghello nang nasa kabilang linya ay umiling muna ako bago nagsalita dahil sa kalokohan ni Katherina.
Umiiling-iling ako bago nagtanong, "Hello, can I ask you something Miss?"
"Yes Sir. How may I help you?" magalang nitong tanong sa kabilang linya.
"Gusto ko lang sanang malaman kung saang bramch ng seven eleven kayo?"
"Ah yes Sir. Nasa may Ortigas Extension po kami tapat ng Benigma Hotel." sagot nito na ikinasalamat ko nang sobra dito.
"Salamat nang sobra sa 'yo. Puwede bang malaman kung ano ang ginagawa nang kaibigan ko diyan?" tanong ko para makampante ang loob ko. Pero parang mas nag-alala pa ako nang malaman ang ginagawa nito.
"Sa katunayan po niyan ay nakaubos na po siya nang halos limang lata ng alak. Lasing na po ito at nakayuko na din sa mesa."
Napamura ako dahil sa nalaman ko.
"Can you do me a little favor, Miss?" nagbabakasakaling tanong ko dito. Medyo malayo pa kasi ang Ortigas at halos kalahating oras din ang ibibyahe ko.
"Sure po, basta po kaya ko po." pag-sang-ayon ko.
"Pwede bang pakitignan muna ang kaibigan ko hanggang sa hindi pa ako dumarating?"
"Yun lang naman po pala, Sir. Kaya ko pong gawin 'yan. Pero paano ko po malalaman kung kayo na nga po ang kaibigan niya at hindi nagpapanggap lang?" mautak ang babaeng kausap ko dahil tama nga naman ito.
"Ako na mismo ang lalapit sa 'yo. I'm Dex Montelibano. Ipapakita ko sa 'yo ang ID ko. Basta habang wala ako, huwag mong hahayaang umalis ito o kaya ay tabihan ito nang kung sino man." bilin ko
"Opo, sir."
"Thank you so much. I owe you a lot."
"Welcome po, Sir."
Pagkapatay ko nang tawag ay agad ko nang pinaandar ang aking sasakyan paalis. Nagtataka ako kung bakit nasa labas ito at umiiyak. Imposible namang hayaan siya ng Marco na 'yon na umalis nang walang kasama.
"Imposible," umiiling kong sambit at mas binilisan pa ang pagpapatakbo. Nang tignan ko ang relos ko ay alas diyes na nang gabi kaya nag-aalala pa din ako para dito.
Halos lagpas na ng trenta minutos pagdating ko sa kinaroroonan niya. Pagdating ko sa loob ay nakita ko na itong nakayuko sa mesa. Paglapit ko ay napansin ko na itong tulog kaya lumapit ako sa cashier at nagpakilala. Nagpasalamat ako dito nang ibigay niya ang telepono ni Katherina.
"Siyangapala Sir, may tumawag din sa kanya. Marco po ang pangalan at sinabing susunduin niya din daw ito." napatingin ako sa cashier bago tumingin kay Katherina na nakayukyok sa dulo. Napaisip ako, bakit ako ang tinawagan niya at hindi si Marco. There must be something wrong.
"Pag dumating siya, just tell him kung sino ang sumundo sa kanya. Nakausap niya ba ito?" tanong ko na ikinailing niya kaya napahinga ako nang malalim.
"Salamat ulit sa pagbabantay sa kanya. May atraso ba siyang babayaran?" tinanong ko para makasigurado ako. Nang umiling ito at sumagot nang wala naman ay agad na akong napasalamat ulit at lumapit na kay Katherina.
Naawa ako nang makita kong mugto ang mga mata niya. Ginigising ko siya pero hindi ito sumasagot kaya binuhat ko nalang ito in bridal way. Buti nalang may palabas ng store kaya hindi na ako nahirapan pang lumabas. Agad ko siyang inilagay sa passenger seat bago ako umikot sa kabila. Inayos ko muna ito nang mabuti bago kami tuluyang umalis.
Kakaalis palang namin nang bigla itong nagising at tinakpan ang kanyang bibig. Nagulat ako nang bigla niya sanang bubuksan ang pinto. Buti nalang ay agad ko itong nahawakan at patigilin ito sa gusto niya.
"Nasu-suka a-ko." sabi nito, kaya agad ko munang iginilid ang sasakyan ko sa may tabi. Pagkahinto palang ay nagmamadali na itong lunabas at nagsuka sa gilid. Agad ko siyang nilapitan at hinagod ang kanyang likod. Patuloy ko lang na hinahagod ang likod niya hanggang matapos ito.
Hindi na ito nagsusuka pero nagulat ako nang humikbi ito.
"Okay ka lang?" pilit ko siyang pinapaharap sa akin pero ayaw niya. Patuloy lang ito sa paghikbi habang nakaupo at nakayuko ang kanyang ulo.
"Ssshh... It's alright to cry, Katherina. Ilabas mo lahat hanggang sa gumaan ang pakiramdam mo. Andito lang ako at handang makinig." hinayaan ko muna itong umiyak.
Nang humarap siya sa akin ay naawa ako sa hitsura nito. Gulo na ang buhok nito, mugto ang mata habang naglalandas pa din ang masaganang luha sa kanyang mata. Itinayo ko siya at inalalayang pabalik sa sasakyan. Hindi pa kami nakakahakbang nang bigla siyang nagsalita at yakapin ako.
"Hindi ko na kaya, Dex. Bakit ganito kasakit ang magmahal? Para akong sinaksak at pinatay nang paulit-ulit." umiiyak na sabi nito kaya niyakap ko nalang siya nang mahigpit. Hindi ko alam kung paano ko pagagaanin ang loob niya.
Mahal ko siya at ayoko siyang nakikita na nasasaktan at umiiyak nang ganito. Gusto ko sanang malaman kung anong nangyari pero ayokong sa akin mismo manggaling. Ang gusto ko ay siya ang magkusa.
Ang kaya ko lang gawin sa ngayon ay ang yakapin ito at patahanin. Kaya lang kahit anong pagpapatahan ko ay hindi pa din ito tumitigil.
"Tahan na, Katherina. May pupuntaham tayo kaya tumigil ka na. Ayokong pagkamalan akong nagpaiyak sa 'yo. Dahil sa totoo lang ay nagagalit ako sa taong nagpaiyak sa 'yo." kumalas ito sa akin at sinubukang punasan ang kanyang mga luha. Sa una ay nahirapan itong patigilin hanggang sa sumisinghot nalang ito habang nakapikit dahil na rin sa mugto niyang mga mata.
"Pasensiya ka na at ikaw ang naabala ko. Wala lang talaga akong matawagan na iba." sumisinghot niyang sabi sa akin na ikinahaplos ko sa kanyang mukha.
"Ayos lang, Katherina. Alam mong kahit kailan ay hindi ka naging abala sa akin." sabi ko dito at ngumiti. "Ice cream tayo."
Yan lang ang alam kong paraan para pagaanin ang loob niya. Nakita ko namang nagliwanag ang mukha niya kaya mas napangiti ako.
"Talaga?" halos lumaki ang mata niyang hindi na makita.
Tumango ako at ngumiti, "Ayusin mo muna ang sarili mo para makaalis na tayo."
Ngumiti ito kahit sumisinghot pa. Ang ganda niya pa din kahit namamaga ang mata niya at pulang-pula ang kanyang ilong. Inalalayan ko siyang pumasok sa sasakyan dahil ume-ekis pa ang lakad niya. Nang tuluyan na itong makasakay ay inayos ko ang seatbelt nito bago ko isinara ang pinto. Umikot na ako papunta sa driver side at pumasok na. Umalis na kami at inihinto ko ang sasakyan ko sa isang Ice cream Parlor.
Nakita kong ngumiti ito nang lumabas siya ng sasakyan. Buti nalang at hindi na ito umiyak pa nang makaalis kami sa gilid ng kalsada. Binalaan ko kasi siya na kapag umiyak ito ay hindi kami matutuloy sa pagkain ng ice cream. Pumayag naman ito kaya tahimik lang ito hanggang sa makarating kami sa harap ng Ice cream Parlor.
Ako na ang umorder ng ice cream nito. Sinadya kong damihan ito para maibaling niya ang atensiyon nito sa pagkain at hindi muna ito umiyak. Habang kumakain ito ay pinagmamasdan ko siya. Halata sa mukha niya ang lungkot. Gusto ko mang pawiin iyon pero alam ko na hindi ako ang makakapawi dito. Hinihintay ko nalang na siya na mismo ang magkuwento sa akin. May naglalaro na sa utak ko pero hindi pa ako sigurado. Naaawa akong nakatitig dito.
"Malaman ko lang kung bakit ka nagkakaganyan, Katherina. I swear, I will make him pay. Sa paraang hindi niya magugustuhan." bulong ko habang titig na titig pa din sa kanya. Nagparaya ako dahil alam ko na siya lang ang nagpatibok nang puso nito. Alam ko din sa sarili kong talo ako at hanggang kaibigan lang talaga ang papel ko sa buhay niya.