Chereads / My Innocent Maid / Chapter 33 - My Innocent Maid XXXIII

Chapter 33 - My Innocent Maid XXXIII

Katherina

Madaling lumipas ang mga araw. Ilang buwan nalang ay sasapit na ang araw nang pagsusulit na ibibigay sa akin para makapasa ako nang tuluyan sa kolehiyong pinapasukan ko. Kailangan ko itong maipasa para tuluyan na akong tanggap sa kolehiyong pinapasukan ko. Sa ngayon kasi ay probation palang ako habang hinihintay pa nila ang resulta ng aking pagsusulit.

Sa araw-araw ay tinutulungan akong magreview ni Senyorito. Siya ang nagtuturo sa akin sa mga bagay na talagang nahihirapan ako. Tinuturuan niya din ako na matutunan pa nang husto ang salitang English. Katulad ngayon, kasama ko siya dito sa garden at dito niya ako tinuturuan sa aking mga aralin. Napaka-tiyaga niyang magturo sa akin kahit alam kong nahihirapan ito dahil sa dami din nang trabaho niya sa kompanya ng kanyang mga magulang. Simula nang magalit ako ay tinotoo nito ang pangako niyang hindi na ito makikipagkita pa kay Trish kahit kailan. Minsan nakikita ko itong tumatawag kay Senyorito pero agad niya itong kinakancel at tuluyang pinapatay ang telepono niya.

"Mahal ko," nakangiting tawag niya sa akin. Ibinaba ko muna ang hawak kong libro at tumingin dito.

"Bakit, Senyorito?" nagtatakang tanong ko at tukuyang ibinaba at isinara ang pahina ng libro na binabasa ko.

"Uwi tayo kina Inang." Nabigla talaga ako sa sinabi niya kaya napamulagat talaga ako at hindi makapaniwalang tinignan ito nang matagal.

"Po?" hindi makapaniwalang tanong ko dahil baka nabingi lang ako at iba lang ang pagkakarinig ko sa sinabi niya.

"Sabi ko, uwi tayo kina Inang sa Friday tapos uwi din tayo ng Sunday ng gabi. Kung gusto mo lang naman, Mahal ko." sumaya ako sa sinabi niya kaya hindi ko napigilang tumayo at yakapin ito.

"Talaga, Senyorito? Uuwi tayo kina Inang?" excited kong tanong at kumalas dito. Nakahawak naman ito sa baywang ko at nakangiting nakatingin sa akin.

"Opo, Mahal ko. Para naman makita mo sila bago ang exam mo sa susunod na buwan. Next month kasi magiging sobrang  busy ka na sa reviews mo kaya mas mabuti nang ngayon na lang." nakangiting sabi nito sa akin kaya sobrang saya ko.

"Sinabi mo 'yan, Senyorito, ha. Wala nang bawian." masayang sambit ko ang niyakap ulit ito. Dahil nakaupo ito at nakatayo ako ay napaupo ako sa kandungan niya habang nakayakap ako.

"Opo, Mahal ko. Malakas ka sa akin eh." nakangiting sabi nito at pinisil ang aking pisngi gamit ang isang kamay nito habang ang isa ay nasa baywang ko pa din.

"Salamat talaga, Senyorito. Namimiss ko na din sila. Matagal-tagal na din na hindi ko sila nabibisita. Kaya sobrang salamat, Senyorito." nakangiting pasasalamat ko dito.

"Sige na, umupo ka na doon at ituloy mo na ang pagrereview mo. Baka kung ano pa ang magawa ko sa 'yo." pagpapatayo nito sa akin at mahina akong itinulak pabalik sa dating kong kinauupuan. Kunwari ay ayokong bumalik sa puwesto ko. Pinipigilan ko ang pagtulak niya at tumigil sa kinatatayuan ko.

"Ayaw mo na ba akong nakaupo sa kandungan mo, Senyorito?" kunwaring nagtatampo ako nang tanungin ko siya. "Bakit si Trish noon, gustong gusto mo." napakamot naman ito sa kanyang ulo bgao ito nagsalita.

"What? Matagal na 'yon, Mahal ko at alam mong hindi ko 'yon ginusto." depensa nito na ikinatawa ko.

"Hindi ka naman mabiro, Senyorito." natatawang sabi ko dito at naglakad na papunta sa kinauupuan ko.

"Ganoon pala ha," bigla nalang itong  tumayo at lumapit sa akin. Nang makalapit siya ay hindi ko inaasahang kikilitiin niya ako kaya halos mahulog ako sa kinauupuan ko. Buti nalang ay nasalo niya ako habang tawa naman ito nang tawa.

"Ta-ma na, Sen-yorito. Ayo-ko na... ma-sakit na ang ti-yan ko." utal-utal na sabi ko habang tumatawa dahil kahit nasalo niya ako ay hindi pa rin ito tumigil sa pagkiliti sa akin.

Nang maakahanap ako nang tiyempo ay kaagad akong nakatakas sa kamay nito at nagtatakbo sa buong garden. Maluwang naman ito kaya sigurado akong mahihirapan siyang habulin at hulihin ako. Reyna nang  patintero kaya ako noong nasa probinsiya pa kami. Hindi kompleto ang maghapon namin kung hindi kami nakakapaglaro ng patintero.

Hinabol niya naman ako at hindi ko hinayaang mahabol niya ako. Pero nang makaramdam na ako nang pagod ay nag time first muna ako pero tumatawa lang ito at inilingan ako.

"Waaahhh! Senyorito! Time first muna, pagod na ako." sigaw ko habang hinihingal at nakahawak pa sa dalawang tuhod ko.

"Walang time first, time first, Mahal ko. Ang hirap mo kayang habulin. Kaya humanda ka sakin! Hayan na ako." babala nito at nagkukunwaring hahabulin ako kaya napapasigaw nalang ako habang tumatawa.

"Sandali lang, Senyorito. Ten seconds lang tapos okay na." pagkukumbinsi ko dito na inilingan niya ulit. "Daya!" sigaw ko dito at napatakbo nalang sa kung saan dahil humabol na naman ito sa akin.

Nanghihina na ako sa pagod ko kaya alam ko na bumagal na ako sa pagtakbo. Hindi na ako nagulat nang may yumakap sa akin mula sa akig likod.

"Gotcha!" sigaw nito at binuhat niya ako habang ako naman ay tawa ng tawa.

"Ibaba mo na ako, Senyorito. Ang bigat ko kaya." sabi ko at pilit na nagpapababa dito.

Nang maibaba niya ako ay hindi pa din niya ako pinakawalan. Pinaharap niya lang ako sa kanya at pinagdikit ang mga noo namin. Kinilig naman ako kaya napangiti ako nang malawak. Alam ko nang pulang pula ang pisngi ko sa kilig pero ayaw ko namang sirain ang matamis na moment na ito kaya hinayaan ko nalang.

"Kailan ko din kaya maririnig mula sa 'yo ang tawagin akong Mahal ko." tanong nito sa akin kaya napangiti ako. Kahit gusto ko na siyang tawaging ganoon ay natatakot pa rin ako. Alam ko sa sarili kong may puwang na siya pero mas pinipili ko pading sundin si Inang.

Nanatili lang akong tahimik at hindi ko sinagot nag tanong niya. Nginitian ko lang siya at hinaplos ang mukha niya.

"I love you so much, Mahal ko. Sana mahalin mo rin ako gaya nang pagmamahal ko sa 'yo." seryosong saad nito na ikinalungkot ko. Sabihin na nating mahal ko na siya pero hiram lang ang oras na mayroon kami dahil magkaiba kami ng mundong ginagalawan. Siguradong makakahanap din siya ng babaeng babagay dito.

"Madami pa diyang babae na mas babagay sa 'yo, Senyorito." sabi ko na ikinakunot ng noo nito.

"Wala akong pakialam sa kanila, Mahal ko. Ang importante sa akin ay ikaw. Ikaw lang ang babagay sa akin, Mahal ko." masaya akong marinig ito mula sa kanya pero nalulungkot ako dahil alam ko sa sarili ko na hindi kami bagay. Sa estado palang ng buhay namin ay walang wala na ako. Hinahayaan ko lang na maramdaman ko ang pagmamahal niya sa akin. Dahil alam ko na dadating din ang araw na makakahanap na siya ng babaeng mas nababagay sa kanya hindi katulad ko. Kaya habang mahal niya pa ako ay susulitin ko muna siyang makasama.

Napamulagat nalang ako bigla nang maramdaman ko ang labi nito sa aking labi. Hindi ko inaasahang hahalikan niya ako kaya natulala ako.

Dampi lang ito pero naghatid ito sa akin ng bolta-boltaheng kuryente na para ba akong tinusok-tusok ng maraming karayom.

Agad ko siyang naitulak dahil sa gulat ko. Hinawakan ko ang labi kong nahalikan niya at nakamulagat na nakatingin dito.

"Sorry, Mahal ko. Huwag ka magagalit sa akin. Hindi ko sinasadya, natukso akong halikan ka dahil nag-iimbita ang labi mo na halikan ito." paliwanag niya na mas lalong ikinakunot ng noo ko.

"Hindi naman nagsasalita ang labi ko at mas lalo namang hindi ka niya inimbita. Paano mangyayari 'yon eh hindi naman siya nagsalita." takang tanong ko dito na ikinatawa niya. Tinaasan ko siya nang kilay dahil sa pagtawa nito bigla.

"At ano naman ang nakakatawa sa sinabi ko, Senyorito? May nakakatawa ba?" taas kilay kong tanong dito na ikinailing niya habang pinipigilan nito ang pagngiti.

"Wala, Mahal ko." iling pa din nito at hinaplos ang mukha ko.

"Wala naman pala eh tapos tatawa-tawa ka diyan. Hmmp!" irap ko dito at tinakpan ang aking labi. Baka bigla na naman itong manghalik.

"Bakit mo tinatakpan ang bibig mo, Mahal ko?" nangingiting tanong nito sa akin. Pinamaywangan ko siya at tinanggal ang kamay ko sa aking labi  para makapagsalita ako.

"Nanghahalik ka na lang bigla eh. Baka ulitin mo ulit kaya naninigurado lang." sabi ko dito,

Mas lumaki na naman ang mata ko nang bigla nalang niyang inilapit uli ang mukha niya at mabilis ulit akong halikan sa labi. Pagkatapos niya akong halikan ay bigla nalang itong umalis at tumakbo papasok sa loob ng mansiyon nang walang paalam. Walang salitang namutawi sa labi ko. Ang nagawa ko na lamang ay ang titigan ang tumakbong si Senyorito habang hawak-hawak ko ang aking labi.

May sumilay na ngiti sa aking labi nang mapag-isa ako sa garden. Humarap ako sa aking mga libro at napangiti nang malawak. Ganito pala ang pakiramdam nang mahalikan. Sobrang saya at para bang gusto mo pa ng isa.

"Hindi naman siguro ako mabubuntis sa halik na 'yon. Tsaka dalawang beses lang naman eh." sabi ko sa sarili ko at nakangiting kinuha ang libro ko at binuklat-buklat na ito.

Paano pa kaya ako makakapag-review kung ang nasa isip ko nalang ay ang malambot na labi ni Senyprito na nakalapat sa aking mga labi.

"Bakit ang landi ko na?" tanong ko sa sarili ko habang hawak ang isang pahina ng libro na hawak ko. Tila napapaisip pa ako kung bakit. Dahil sa totoo la g ay nagustuhan ko ang halik na iginawad sa akin ni Senyorito. Malawak ang ngiti kong binasa ang libro at nag-umpisa ulit na magreview.

Masaya din ako dahil bukas ay makikita ko sina Inang at ang mga kapatid ko. Namimiss ko na sila nang sobra kaya laking pasasalamat ko din kay Senyorito dahil sa kanya ulit ay makikita ko nanaman ang pamilya ko.