Marco
Kagagaling lang namin sa ilog kasama ang pamilya niya. Masaya akong makita na masaya ito habang nakikipag-kuwentuhan sa kanila. Nang pumasok na sila sa loob ay naiwan ako sa labas at nagpahangin. May upuan kasi dito sa harap nang kanilang tindahan.
Magtatakip-silim na din kaya makikita mo ang papalubog nang araw sa kalangitan. Napangiti ako nang maalala ko ang matamis niyang ngiti habang nagtatampisaw ito sa ilog kanina. Masaya din ako dahil nakapasok ako sa mundo niya. Mahirap sa una pero habang tumatagal ay nagiging komportable na ako.
Napatingin ako sa taong umupo sa kaharap kong upuan, nakangiti ito sa akin.
"Maraming salamat po, Senyorito. Kung hindi dahil sa inyo, hindi makakapag-aral si Katherina at hindi niya ma-aabot ang matagal niya nang pinapangarap." pasasalamat nito sa akin nang nakangiti.
"Wala pong anuman iyon, Inang. Basta po para kay Katherina, gagawin ko po ang lahat." seryosong saad ko na ikinatango ni Inang.
"Alam mo bang bata palang si Katherina noon nang mabanat ang mga buto niya sa pagta-trabaho? Kahit buhay pa ang Tatang niya noon ay tumutulong na ito sa amin. At dahil na din sa kahirapan ay mas pinili niyang tumigil para magbigay daan sa mga kapatid niya." Tumanaw sa malayo si Inang at para bang nakikita nito sa kanyang harap ang mga pangyayari noon. Hindi ko lubos maisip na nagawa lahat 'yon ni Katherina sa murang edad niya lamang.
"Kahit tutol kami ng kanyang Tatang ay nagmatigas pa din siya. Kaya daw niyang magsakripisyo para sa mga kapatid niya. Mabait si Katherina at responsable. Sana po hindi kayo magsawang tulungan siya." nakangiti na ito at humarap sa akin. Ginagap nito ang kamay ko at pinisil ito nang marahan. "Alam ko at ramdam ko na hindi lang tagasilbi ang nararamdaman mo para sa anak ko, Senyorito. Alam ko na kahit ano man ang sabihin ko ay hindi ka magpapapigil sa nararamdaman mo sa kanya. Isa lang naman ang hihilingin ko sa 'yo, Senyorito." putol nito sa sasabihin niya at seryosong tumingin sa akin. Kahit ano pa man ang hilingin nito sa akin ay ealang pag-aalinlangan ko itong susundin. Basta para sa pinakamamahal kong si Katherina.
"Ingatan mo siya at huwag na huwag mong sasaktan, Senyorito. Mahal na mahal namin siya at hindi namin kakayaning makita siyang nasasaktan at umiiyak. Maipapangako mo ba 'yan sa akin, Senyorito?" humihingi nang kasiguraduhang tanong nito na ikinatango ko. Alam ko naman na walang Ina ang makitang nasasaktan ang mga anak niya kaya sa abot nang makakaya ko ay tutuparin ko ito.
"Makakaasa po kayo, Inang. Gagawin ko po ang lahat para sa kanya at hinding-hindi ko po siya hahayaang masaktan o umiyak man lang nang dahil sa akin. Mahal na mahal ko po siya at handa po akong gawin ang lahat para hindi po siya masaktan." buong pagmamahal kong pahayag dito na ikinangiti nito at niyakap ako.
"Masaya ako at naging parte ka nang buhay ng anak ko at pamilya namin. Basta mahalaga sa anak namin ay mahalaga na rin sa amin." sabi nito at kumalas na sa yakap na iginawad nito sa akin.
"Maraming salamat po sa pagtanggap sa akin, Inang. Hinding-hindi ko po kayo bibiguin. Pangako, Inang." sabi ko at itinaas pa ang kanan kong kamay at pagkatapos ay itinapat ko ito sa aking puso at ngumiti.
"Aasahan ko 'yan, Senyorito. Siya, sige at ako'y magluluto pa." paalam nito sa akin at tumayo na. "Oh, ayan na pala si Katherina." sambit nito at napatingin din ako sa tinitignan niya. Nang makalapit na si Katherina sa amin ay nagsalita ulit si Inang.
"Iwan ko na kayong dalawa dito at nang makapag-usap kayo. Papasok na ako sa loob. Ikaw na ang bahala kay Senyorito, Katherina." nakangiting bilin nito.
"Opo, Inang." sagot nito at tumango pa.
Nang makaalis si Inang ay nginitian ko siya at hinila ito palapit sa akin. Nagulat naman ito kaya hindi niya napigilang mapalo ako sa aking braso.
"Nakakagulat ka naman, Senyorito. Makahila ka naman, wagas." sabi nito na ikinangiti ko pa mas lalo dahil napakaganda nito lalo na pag umiirap.
"Pasensiya ka na, Mahal ko. Ngayon lang kita nasolo at kanina pa kita gustong mayakap." ani ko at niyakap ito habang nakatayo siya. Nakasubsob naman ang mukha ko sa kanyang tiyan. Simula kasi nang dumating kami ay hindi ko na siya nasolo. Hindi naman sa nagrereklamo ako. Kaya ko nga siya pinunta dito para makasama niya ang pamilya niya. At gusto ko na masulit niya ito bago man lang kami umuwi kinabukasan. Gusto ko kasing magkaroon pa siya nang inspirasyon para pag unuwi na kami ay may baon-baon itong masasayang alaala galing kina Inang. Hindi ko na kasi alam ulit kung kailan ko siya maipapasyal pabalik dito dahil malapit na akong umupo sa kompanya.
"Senyorito?" malambing na tawag nito sa akin.
"Hmmm?"
"Salamat." pasasalamat niya at hinaplos ang buhok ko.
"Para saan?" tanong ko dito at nagawa ko nang tumingin dito pero hindi pa din ako bumitaw sa pagkakayakap ko sa kanya.
"Sa lahat. Sa pagdala mo sa akin dito kina Inang, sa pagpapaaral ninyo sa akin, sa pagtanggap niyo sa akin, at higit sa lahat, sa pagmamahal na binibigay mo sa akin kahit hindi kayo sigurado kung masusuklian ko ba ito. Salamat nang marami, Senyorito." mahabang pahayag nito at iniyakap niya ang dalawa nitong kamay sa aking balikat habang nakaupo pa din ako.
"Basta para sa 'yo, Mahal ko, gagawin ko ang lahat. Lalo na ang maghintay hanggang sa matutunan mo din akong mahalin. Hindi ako mapapagod. Ngayon pa ba na alam kong nakakaramdam ka na nang selos. Never akong susuko, Mahal ko." seryosong saad ko at hinaplos ang mukha nito.
"Sobrang suwerte ko sa 'yo, Senyorito. Pero mas masuwerte ka pa rin sa akin." nakangiti na ito habang sinasabi 'yan kaya hundi ko mapigilang mapangiti din at hilahin ito paupo sa aking kandungan. Napatili ito at nagmamadaling tumayo pero hindi ko siya hinayaang makaalis.
"Paano mo naman nasabing mas masuwerte ako sa 'yo, ha, Mahal ko?" tanong ko dito at niyakap ito patagilid. Naramdaman ko nalang na tumigil na ito sa pag-alis at nanatili na lamang sa kinatatatuan nito.
"Siyempre naman, Senyorito. Saan pa ba kayo makakahanap nang katulad ko na napakabait, masipag, matalino, mapagkakatiwalaan, at higit sa lahat ay napakagandang nilalang na hinubog ng Diyos dito sa lupa." sabi nito na ikinamangha ko at mahinang napatawa. Agree naman ako sa sinabi niya pero gusto ko itong asarin.
"Parang hindi naman ata, Mahal ko." kunwari ay kunot noo kong sabi habang tinitignan at sinusuri ang buo niyang katawan gamit lang ang aking mata. Napatawa naman agad ako nang mapatingin ako sa mukha niya dahil nakanguso na ito.
"Nakakainis ka naman, Senyorito. Sana naman nagsinungaling ka nalang kahit konti. Hindi mo man lang naisip na masasaktan ako sa sasabihin mo." malungkot na sambit nito at napayuko.
"Sige na nga, pwede na, Mahal ko. Puwede nang pagtiyagaan." nakangiting asar ko na ikinasimangot niya.
"Para namang nagmamakaawa akong mapansin niyo ang kagandahang taglay ko. Tapos ang sakit lang sa heart na para bang napipilitan ka pang sumang-ayon at purihin ang kagandahan meron ako." parang naiiyak niyang sabi at yumuko habang sumisinghot-singhot pa. Nataranta naman ako, pinilit ko siyang iharap sa akin pero hindi ito tumitingin. Nakayuko lamang ito habang sumisinghot pa din. Hindi ko na alam ang gagawin ko dahil kapapangako ko pa lang kay Inang na hindi ko siya papaiyakin rapos heto siya ngayon. Umiiyak sa harap ko.
"Nagbibiro lang ako, Mahal ko. Tahan na," hinagod ko ang likod niya. "Alam nang Diyos kung gaano ka kaganda sa paningin ko. Kaya nga mahal na mahal kita, Mahal ko. Biniro lang kita, hindi ko naman inaasahang masasaktan at iiyak ka, Mahal ko. Tahan na." pagpapatigil ko dito pero patuloy pa din ang pagyugyog nang balikat niya.
"Sorry na, Mahal ko. Hindi na ulit kita bibiruin. Tumahan ka lang diyan. Baka magalit si Inang pag nakita niyang umiiyak ka. Mamaya sabihin pa niyang pinaiyak kita kaya tahan na, Mahal ko." pag-aalo ko dito at niyakap nalang ito para kahit papaano ay maramdaman niyang mahal ko siya at nagsasabi ako nang totoo.
Nagulat nalang ako at napamata dito nang napabunghalit ito nang tawa habang nakahawak pa siya tiyan niya. Nakatulala lang akong pinagmamasdan ang pagtawa niya dahil hindi ako makapaniwalang naisahan niya ako. Nang mapatingin ako sa kanya ay ang lawak na nang ngiti niya, tumigil na din ito sa pagtawa.
"Akala mo, Senyorito, ikaw lang ang marunong magbiro noh. Ako din kaya. Patas na tayo. Pero grabe ka Senyorito ha. Sineryoso mo agad. Talagang mahal na mahal mo ako noh, Senyorito." nakangiting sabi nito na ikinangiti ko at pinisil ito sa kanyang pisngi.
"Ang galing mo talagang mangbiro, Mahal ko. Muntik mo na akong madali doon. Akala ko talagang umiiyak ka. Alam mo namang ayaw na ayaw kitang nakikitang umiiyak." sabi ko dito ay pinalapit pa ito mas lalo sa akin.
"Kaya sa susunod, dapat alam mo na, Senyorito. Sa ganda kong ito? Nagdududa pa kayo?" taas kilay niyang sambit sa akin na ikinatawa ko.
"Oo na po, Mahal ko. Alam ko na po sa susunod." tumatawang sabi ko at pinisil ito sa pisngi. "Ang cute talaga nang Mahal ko, sobra."
Nang tumingin ito sa akin at ngumiti ay napangiti nalang ako. Gusto ko man siyang dampian nang halik ay hindi ko ito maabot dahil nakatayo siya habang yakap ko pa din.
"Pasok na tayo sa loob, Senyorito. Busog na busog na pala lahat nang mata nang mga bubuyog sa tabi-tabi. Ikaw kasi, saka andami na ding langgam. Aray!" sigaw nito kaya nagmadali akong tignan ang paa niya pero natawa lang ito sa akin. Akala ko, totoong nakagat ito ng langgam pero acting niya lang pala kaya natawa na din ako.
Hawak-kamay kaming pumasok sa loob ng bahay. Nakita ko namang nakangiti silang lahat sa akin kaya nginitian ko din sila pabalik. Gumaan ang pakiramdam ko nang makausap ko si Inang kanina. Alam ko na mahirap paniwalaang mahal ko talaga siya pero hindi sila nagdalawang isip na pagkatiwalaan ako. Kaya hangga't kaya ko ay hinding-hindi ko sila bibiguin.
Magkahawak kamay pa din kaming naupo sa tabi ni Pamela at sumali na sa kuwentuhan nila. Mahirap man sila sa paningin nang matataas na tao pero makikita mong masaya at kontento sila sa buhay na mayroon sila. Hanga ako kay Inang dahil napalaki niya nang maayos at matitino ang mga anak niya. Hindi nasusukat sa yaman ang kasiyahan ng isang tao kundi sa pagsasama at sa tibay ng pamilya na mayroon sila.