Chereads / My Innocent Maid / Chapter 34 - My Innocent Maid XXXIV

Chapter 34 - My Innocent Maid XXXIV

Katherina

Madaling araw na at malapit na kami sa bahay. Nakatulog naman ako sa biyahe kaso nagising din ako dahil sa sobrang excited na akong makita sila. Ilang buwan din ang hinintay ko bago ko sila makita kaya sobrang saya ko.

"Andito na tayo, Senyorito!" masiglang bulalas ko dahil nasa tabi na kami ng bahay at ginagarahe na lang niya ito. Gusto ko na ngang lumabas ng sasakyan at magtatakbo papuntamg bahay. Pero hindi pwede dahil madaling araw na at baka makabulahaw pa ako ng kapitbahay. Mamaya maheadline pa ako kinabukasan ng mga bubuyog sa tabi-tabi. Kakatigil palang ng sasakyan nang binuksan ko na ito at lumabas kaya muntik na tuloy akong masubsob.

"Careful, Mahal ko." sambit nito at mabilis itong lumapit sa akin at inalalayan ako. "Huwag ka kasing magmadali. Andito na nga tayo." sabi nito sa akin at tinignan ako kung ayos lang ba ako o hindi. Nang makta nitong maayos ako ay inalalayan niya na akong maglakad papunta sa harap ng bahay.

Kumatok ako nang ilang beses pero walang nagbubukas. Nakailang katok pa ako pero wala talaga. Sinubukan ko pang tawagin si Inang pero wala pa din. Nilakasan ko na ang pagkatok ko hanggang sa makarinig na ako nang boses mula kina Inang at mga kapatid ko. Napangiti ako at dahil sa kagustuhan kong sorpresahin sila ay hindi ako umimik at kumatok lamang nang kumatok.

Nangingiti ako habang iniisip ko kung ano ang magiging reaction nila pag nakita nila ako. Napakamot ako sa ulo ko nang wala pa ding nagbubukas kahit narinig ko na sila. Nang kumatok ulit ako ay narinig ko na si Inang na nagsalita.

"Sino 'yan?" tanong nito mula sa loob pero hindi pa rin ako umimik. Kumatok ulit ako ng apat na beses habang nangingiti.

"Pag ikaw hindi mo sinabi kung sino ka. Bahala ka diyan kahit na manigas ka sa kakakatok mo diyan!" sigaw ni Pamela sa loob kaya napahagikgik ako. Hindi pa din ako nagsalita at kumatok ulit.

"Hindi na kayo nakakatuwa! Sino ka! Inang ang itak!" sigaw naman ni Kasandra kaya mas lalo akong natawa.

"Maybe, you should tell them na ikaw 'yan, Mahal ko. Baka mamaya kung ano na ang ihagis nila sa atin." bulong ni Senyorito sa aking tenga kaya napatingin ako sa kanya nang nakangiti at tumango. Magsasalita na sana ako nang magbilang si Kasandra sa loob.

"Isa!" umpisa nito na ikinatawa ko na nang malakas bago ako nagsalita.

"Inang ako po ito." sabi ko at sinabayan pa nang katok sa pinto.

Napangiti nalang ako nang marinig ko ang pagmamadali nila sa loob para mabuksan agad ang pinto. Nang mabuksan na nila ay natawa ako sa mga hitsura at hawak nila. Kanya-kanya silang hawak habang nasa likod naman nila si Inang na may hawak ding palayok. Samantalang si Kasandra ay walis, si Pamela naman ay dustpan at si Isabela ay sandok.

"Ateeee!" sabay-sabay nilang tawag  pagkakita nila sa akin at niyakap nang napakahigpit.

"Namiss ka namin, Ate!" bulalas ni Pamela at kumalas na sa pagkakayakap sa akin. Sunod namang kumalas ay ang dalawa kaya nilapitan ko na si Inang sa likod nila at niyakap nang mahigpit.

"Namiss ko kayong lahat, sobra." naiiyak kong sambit habang nakayakap kay Inang.

"Namiss ka din namin, Anak. Buti nakauwi ka. Bakit hindi ka nagpasabi para naman sana nakapaghanda kami. Nakakahiya tuloy kay Senyorito." sambit ni Inang habang nakatingin ito sa may pintuan kung nasaan si Senyorito. Kaya napatingin din ako dito at ngumiti. Nakalimutan kong kasama ko pala siya. Agad akong lumapit dito pero bago pa ako makalapit ay natatawa na akong humarap ulit kina Inang at sa mga kapatid ko at tinignan ko sila isa-isa at ang mga hawak nila.

"Kailan pa naging armas ang mga hawak niyo? Ano naman ang magagawa ng sandok mo, Isabela?" tawa ako nang tawa nang tanungin ko siya sabay turo ko aasandok na hawak niya at yakap-yakap na.

"Eh... Ate, wala kaming makitang pang-armas, kaya kung ano ang nakita namin ay 'yon na ang dinampot namin. Ikaw naman kasi Ate, hindi ka nagsasalita. Akala tuloy namin ay magnanakaw na." kumakamot nang ulo na pahayag nito at kinuha ang mga hawak nila Inang at mga kapatid ko saka isinuli lahat ito sa kusina.

"Maupo muna kayo, Senyorito." lumapit ako sa kanya at hinawakan ang kamay nito saka hinila papuntang sala at pinaupo siya doon.

Nakita ko ang nanunuksong tingin nina Kasandra sa akin kaya tinaasan ko sila ng kilay.

"Huwag niyo akong tignan nang ganyan. Ayusin niyo ang kuwarto ko ang doon muna pansamantala si Senyorito. Magpapainit lang ako ng tubig para makapag-kape tayo." utos ko sa kanila at minulagatan sila nang mata na ikinangiti nilang tatlo at nagtutulakan pa habang naglalakad. Si Inang naman ay nagpaalam sa amin na mauuna muna sa kusina para magluto para may makain kami. Napansin ko naman ang ngiti sa labi nito habang nagpapaalam sa amin.

Nang makaalis na ang tatlo ay tumingin muna ako kay Senyorito. Halata mo sa mukha niya na inaantok na ito dahil sa haba nang biyahe namin. Nakapikit na kasi ito habang nakasandal ang katawan sa upuan.

"Baka gusto mong matulog muna, Senyorito?" tanong ko,

"Ayos lang ako, Mahal ko. Mamaya nalang ako matutulog." sagot nito at nagmulat nang mga mata niya. Ngumiti ito at pinapaupo niya ako sa tabi niya kaya agad naman akong timalima at tumabi dito. Wala pang ilang m8 uto nang maalala kong magpapainit at tutulungan ko pala si Inang kaya nagpaalam na ako dito.

"Dito ka muna sandali, Senyorito. Naalala ko na tutulungan ko pa pala si Inang na magluto doon. Magpapakulo pa ako ng tubig para makapagkape ka muna at maalis ang antok mo, Senyorito." sabi ko dito na ikinatango niya.

"Balik ka din, Mahal ko." bulong nito at umayos nang pagkakaupo bago sumandal uñit at pumikit. Hinaplos ko nalang ang buhok niya at napangiti.

Naglakad na ako papasok ng kusina. Pagpasok ko doon ay naabutan ko si Inang na naghahanda nang kanyang lulutuin kaya lumapit na ako dito at kinuha ang takore para makapagpainit.

"Ako na ang magpapainit, Inang. Matulog na po kayo at ako na po ang bahalang magluto." suhestiyon ko na agad inilingan ni  Inang.

"Minsan ka lang andito kaya gusto kitang ipagluto at alagaan, Anak. Ikaw dapat ang magpahinga muna dahil pagod ka pa sa biyahe." sabi nito sa akin at kumuha na ng bigas sa bigasan.

"Ayos lang ako, Inang. Saka nakatulog naman ako sa biyahe kanina." isinalang ko na ang takore at lumapit kay Inang. Niyakap ko ito mula sa likod at napangiti. "Sobrang namiss po kita, Inang." sambit ko at niyakap pa ito mas lalo.

"Namiss din naman kita, Anak. Walang araw na hindi ka sumagi sa isip ko. Kumusta na ang pag-aaral mo?" tanong nito at hinaplos ang kamay ko na nakayakap sa tiyan niya.

"Ayos naman po, Inang. Ginagawa ko po ang lahat para makapasa sa exam na 'yon. Isang buwan na lang Inang. Isang buwan nalang... Sisiguruhin ko sa inyo na ipapasa ko 'yon at para sa inyo ito." malambing kong sambit at mas hinigpitan pa ulit ang yakap kay Inang.

"Huwag mong pilitin ang sarili mo, Anak. Kung para sa 'yo, sa 'yo talaga. Baka naman pinapabayaan mo na ang sarili mo doon? Nangangayayat ka na ata?" nakangiting  tanong nito sa akin at tinapik ang kamay ko.

"Inang, sa ganda kong ito at sa sexy ko? Nangangayayat? Aba! Inang baka tulog ka pa po? Matulog ka muna Inang at gigisingin uli kita." kumalas ako at pinamaywangan si Inang na ikinatawa niya.

"Gising na gising ako, Katherina. Sexy? Kailan ka pa naging sexy, Anak? At saang banda?" nang-aasar na tanong nito s4 akin na ikinanguso ko.

"Inang naman eh! Support niyo nalang ako. Makadown naman kayo sa akin, wagas. Anak niyo ako Inang." kunwaring nagtatampo na sambit ko.

"Oo na nga lang. Baka umiyak ka pa diyan. Mahirap ka pa man ding patahanin." nangingiting sabi ni Inang at tinapik pa ako sa balikat.

"Inang naman eh!" padyak ko na ikinatawa niya pa mas lalo. "Hindi niyo alam ang totoong sexy eh. Ang sexy ko kaya. Kahit tignan niyo pa." sabi ko at nagpose pose pa ako sa harap niya. Hindi pa ako nakontento, nagmodel pa ako sa harap ni Inang at itinataas ang buhok ko gamit ang dalawa kong kamay. Nakita ko namang napapailing nalang si Inang kaya napanguso ulit ako.

"Para kang tanga sa ginagawa mo, Katherina. Ganyan ba ang tinuturo sa eskuwelahan niyo? Aba! Sabihan ko nga sina Kasandra na huwag matuto nang ganyang asignatura. Nakakasuka, Anak." tumatawa nitong sabi sa akin.

"Si Inang talaga, pero Inang sobrang namiss kita. Pasalamat nga ako kay Senyorito at naisipan niya akong dalhin sa inyo. Napakabait niya po." tumabi ako kay Inang at ikinawit ang kamay ko sa braso niya at humilig dito.

"Sa susunod na buwan Inang, mag-eexam na ako at gagawin ko lahat para maipasa ko ito. Laking tulong ang pagpunta ko dito Inang dahil kayo po ang inspirasyon ko. Mahal na mahal po kita Inang." lambing ko dito at mas hinigpitan pa ang pagyapos ko sa braso niya. Naramdaman ko namang hinawakan niya ang kamay ko at pinisil ito bago siya nagsalita.

"Basta isipin mo nalang na palagi kaming andiyan para sa 'yo, Anak. Kahit anong mangyari, makapasa ka man o hindi ay andito lang kami." tinignan ako ni Inang at ngumiti.

"Salamat Inang, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kung wala kayo." naikyak ko nang sambit dahil naaalala ko kung ano ang hirap na pinagdaanan namin noong mga nagdaang taon.

"Walang anuman, Anak. Alam ko naman na kaya mo 'yan. Ikaw pa ba? Matalino ka Anak at alam ko na may patutunguhan ang buhay mo. Kaya hangga't kaya mo pa ay pilitin mong makatapos sa pag-aaral dahil para sa iyo din 'yan, Katherina. Mahal na mahal ka namin." humarap si Inang sa akin at niyakap niya ako. Mas hinigpitan ko naman ang yakap ko dito at inihilig ang ulo ko sa balikat niya.

Ang saya ko dahil kahit sandali lamang ay makakasama ko sila. Laking pasasalamat ko din kay Senyorito dahil sa effort na ginagawa niya para pasayahin ako. Sana nga dumating din ang araw na magkaroon ako nang lakas ng loob para maipagtapat din dito ang nararamdaman ko.