Chereads / My Innocent Maid / Chapter 32 - My Innocent Maid XXXII

Chapter 32 - My Innocent Maid XXXII

Katherina

Unang araw ko sa eskuwelahan at kinakabahan ako. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Matagal na akong natigil sa pag-aaral kaya bago lang ulit ako sa ganitong pakiramdam. Inihatid kami ni Senyorito kanina. Gusto nga niyang samahan ako hanggang sa loob kaso hindi ako pumayag. Kasama ko naman si Lhynne kaya ipinagtabuyan ko na si Senyorito.

Ngayon, kasama ko si Lhynne at sasamahan niya daw akong tignan ang mga room na papasukan ko. Oh di ba bongga! English 'yon, tinuro sa akin ni Lhynne kagabi. Kinulit ko siya ng kinulit hanggang sa tinuruan niya ako at natulog siya sa kuwarto ko. Buti nalang at pumayag siya dahil hindi ko alam kung paano iintindihin ang mga nakasulat sa papel.

Grabe akala ko nga dudugo ng sobra ang ilong ko dahil sa mga asignaturang nakalagay sa papel. Ang daming itinuro ni Lhynne sa akin na mga madadali lang.

Katulad ng "Hi" o kaya naman ay "Hello". Pag naghi o hello daw ang isang tao sa akin dapat ngitian ko sila at mag-hi din pabalik. Madami pa siyang tinuro sa akin kaya medyo nakahinga ako. Ang problema ko nalang ngayon ay ang mga asignaturang nasa listahan ko dahil English ang pangunahing salita nila.  Hindi ko nga alam kung papaano ako makakaraos ngayong araw.

"Sana bumili nalang pala ako ng librong gagabay sa akin para hindi ako mahirapan pag pumasok ka na." sabi ko kay Lhynne at humawak ng mahigpit sa braso nito dahil nasa tapat na kami ng room ko. Parang ayaw ko pa siyang umalis.

"Bakit ba kasi iba ang kursong kinuha mo, Lhynne. Lipat ka nalang kaya dito." nakangusong pakiusap ko dito.

"Hindi naman kasi tayo magkapareho ng gusto, Katherina. Sasamahan muna kita dito habang maaga pa. Pero maya-maya lang ay kailangan ko nang umalis." Tumango ako sa sinabi niya.

Pumasok na kami sa loob at umupo sa may gitnang bahagi ng mga upuan. Pagkaupo namin ay agad na humarap  sa akin si Lhynne at may tinanong.

"Paano pag tinanong ka ng guro mo sa english?" tanong nito na ikinatingin ko sa kanya.

"Eh di sasagot ako. Magtatanong lang naman pala eh." sagot ko dito na ikinatawa niya.

"Siyanga naman. Kunwari ako ang guro mo tapos tatanungin kita ha. Sagutin mo lahat ng tinanong ko sa 'yo. Pag nagawa mo 'yan, makakaraos ka maghapon. Sigurado ako diyan." siguradong sabi nito sa akin na ikinatango ko.

"Introduce yourself." umpisa nito na tunaasan ko ng kilay.

"Hindi naman tanong 'yan, eh. Ako ba'y pinagloloko mo, Lhynne?" kunot noong tanong ko dito na ikinailing niya.

"Hay naku ka, Katherina. Ganyan ang sasabihin ng guro mo sa unang pasok ng eskuwela kaya hinahanda lang kita. Hindi ba tinuro ko na 'to sa 'yo?" pinamaywangan niya ako.

"Oo nga, tinuro mo na sa akin pero sabi mo kasi tanong eh hindi naman kasi tanong 'yon." pagtatama ko dito na ikinabuntong-hininga nito.

"Okay sige, sorry, nagkamali ako. Ulitin natin." sumusukong sabi nito. "Let's begin with, what is your name?"  

"Uhmm ano na palang sagot niyan. Sandali lang, isipin ko munang  mabuti. Mahirap ng magkamali." inilagay ko ang daliri ko sa baba ko at nag-isip ng mabuti. Tinuro na niya sa akin 'yan. Kailangan ko lang alalahanin. Nang tumingin ako kay Lhynne ay parang hindi makapaniwala ang hitsura niya. Ano naman kaya ang problema nito?

"My God! Katherina! Una palang hirap ka na. Basic palang na tanong 'yan. Maloloka ako sa 'yo." Napayuko naman ako sa sinabi niya at humingi ng pasensiya.

"Sorry, hindi na mauulit." nakayuko pa ding sabi ko at nahihiyang tumingin dito. Tama naman kasi siya eh, simple lang 'yon pero di ko pa magawa. Bakit ba kasi napakahina ng utak ko sa ganyan.

"Okay, ulitin ulit natin. What is your name? Ang ibig sabihin ay kung ano ang pangalan mo. Kuha mo na?" paliwanang nito sa akin. 'Yon lang naman pala ang ibig sabihin. Tatandaan ko na para hindi naman nakakahiya. Tumango ako para malaman nitong naintindihan ko na.

"What is your name? Dapat pag sumagot ka nakatingin ka sa mga tao." sabi nito sa akin na ikinatango ko ulit. Huminga muna ko ng malalim bago ako tumingin sa kanya at sumagot.

"My name is Katherina Macabagbag." sagot ko dito na ikinangiti na niya.

"Where you from?" sunod nitong tanong.

"From the provimce of the North." nakangiting sagot ko.

Magtatanong pa sana ito nang biglang mag-alarm ang telepono niya. Nakangiti itong tumingin sa akin at tumayo na.

"Aalis na ako. Tandaan mo lang lahat nang tinuro ko sa 'yo kagabi. Pag hindi mo alam ang sagot, humingi ka nalang ng tawad at sabihin mo na you don't know the answer. Okay," bilin nito at inayos na ang mga gamit nito.

"Okay,"

"Hindi kita masasamahan sa lunch mamaya dahil marami akong ihahabol na project. Kita nlang tayo mamayang uwian. Aalis na ako, kaya mo 'yan, Katherina. Isipin mo nalang ang panikya mo." sabi nito at ngumiti sa akin bago siya tumalikod at umalis na.

"Tama! Para kina Inang at nga kapatid ko." pagpapalakas nang loob kong sabi at huminga muna nang malalim bagi nilibot ng paningin ko ang loob ng silid aralan. Malawak ito at madaming upuan na bakante pa sa ngayon. Nasa ganoon akong pagmumuni-muni nang biglang may nagsalita sa tabi ko.

"Is this seat taken?" tanong nito sa akin.

"Ha?" sagot ko dito dahil hindi ko alam ng sinasabi niya. Hindi ko naintindihan.

"Sabi ko, is this seat taken?" pag-uulit nito sabay turo sa upuang katabi ko. Bakit ba kasi napakahina ko sa english.

"Po?" alanganing tanong ko dito.

"Okay, okay, may nakaupo ba dito?" marunong naman kasi magtagalog eh. Padi-english-english pa. Dami kasi niyang alam.

"Pasensiya na hindi ko kasi naintindihan ang tanong mo. Walang nakaupo diyan." sagot ko dito. Kita sa mukha niya ang pagtataka.

"Salamat." nakangiting pasasalamat niya sa akin at naupo na. Tumingin na ako sa harapan at hindi na umimik pa.

"My name is Elijah Mae and you are?" Nagulat ako sa sinabi niya. Hindi naman ako nagtatanong pero sinasabi na nito ang pangalan niya.

"Ha? Hindi ko naman tinanong ang pangalan mo ah. Bakit mo sinasabi sa akin?" takang tanong ko dito na ikinangiti niya.

"Hindi mo naman kailangang itanong ang pangalan ko. Sinasabi ko ito sa 'yo kasi nakikipagkaibigan ako." nakangiting sabi nito at iniabot ang kamay niya sa akin. Agad ko naman itong tinanggap at ngumiti pabalik.

"Emz nalang ang itawag mo sa akin. Ikaw ano pangalan mo?" tanong nito at inilagay ang dalawang kamay sa may baba nito. Nahihiya man ay sinabi ko na rin ang pangalan ko dito.

"Katherina ang pangalan ko." nahihiyang pagpapakilala ko.

"Napansin kong bago ka lang dito kaya nilapitan agad kita." sabi nito ng nakangiti at bumulong sa akin. "Mamaya darating na ang mga bruha nating kaklase. Huwag kang makikipag-kaibigan sa kanila ha. Simula ngayon, friends na tayo." pahayag nito at malawak ang ngiting nakatunghay sa akin.

"sige," maiksing sagot ko dito dahil sobrang nahihiya pa ako.

"Ay oo nga pala, napansin ko kanina na hindi mo naintindihan ang english ko. Bakit?" takang tanong nito..

"Hindi kasi talaga ako nakakaintindi. Galing ako sa malayong probinsiya at naninilbihan lang akong katulong sa mga amo ko. Sila ang nagpaaral sa akin kaya ako nandito." mahabang paliwanag ko na ikinatango-tango nito.

"Napakabait naman pala ng mga amo mo. Tsaka hanga ako sa'yo. Hindi mo man lang itinanggi na katulong ka." masayang sabi nito sa akin at kinuha ang kamay ko. "Simula sa araw na ito, magkaibigan na tayo."

Napangiti ako sa tinuran niya at tumango. Siya ang kauna-unahan kong naging kaibigan dito sa paaralang ito. Pansin ko namang mabait ito kaya hinayaan ko nalang at tinanggap ang pakikipagkaibigan nito.

"Waaahhh! May kaibigan na ako." masayang sabi nito at halata mong masaya talaga siya.

"Bakit wala ka bang kaibigan sa kanila?" tanong ko at tinignan ang mga kaklase naming may kanya-kanya nang ginagawa. Nakita ko ang pag-iling niya at pagsimangot.

"Wala, kasi, alam mo 'yon, 'yong  kinakaibigan ka lang nila dahil alam nilang anak ako ng may-ari ng school. Kaya mas mabuti pang wala akong kaibigan kaysa makipag-plastikan sa mga plastic na mga 'yan." nguso nito sa mga bagong dating na tatlong babae. .

"Plastic? Paano nangyari 'yon eh ang mukha ng tao ay hindi naman plastik ah? Malambot kaya ang balat natin. Ikaw ha, mali-mali ang sinasabi mo sa akin." sabi ko dito. Narinig ko ang mahina nitong pagtawa at parang hindi makapaniwala sa sinabi ko.

"Oh my God! I like you so much! Hindi ako nagkamaling lumapit sa 'yo." tumatawang sabi nito sa akin.

"Eh?" takang tanong ko dito dahil sa pagtawa niya. Uso ba ang pagiging saltik sa mundo. Hay naku! Tama ba ang ginawa kong makipagkaibigan dito? Parang kagaya din siya ni Senyorito ah.

Magsasalita na sana ulit ito nang biglang may pumasok na guro sa loob. Agad  akong napatayo dito at binati ito.

"Magandang umaga, Binibini." malakas na bati ko. Nakita ko namang nagtawanan ang mga kaklaae ko kaya tinignan ko sila at tinaasan ng kilay. Kailan pa naging katawa-tawa ang batiin ang guro. Napatingin ako kay Emz nang mahina niya akong hinila paupo at binulungan.

"Pag bumabati tayo sa guro kahit nakaupo nalang. Tsaka hintayin mo munang bumati ito." Tumatango-tango ako habang matamang pinapakinggan ang binubulong niya.

"Nakakatawa siya noh, parang galing sa pribinsiya at ganyan pa din ang asal niya." tumatawang sambit ng babaeng nasa harapan namin kaya mas lalong napataas ang kilay ko.

"Anong problema niyo kung galing akong probinsiya? Marunong akong gumalang sa mga guro ko hindi katulad niyo. Mga bubuyog." inis na sambit ko sa mahina pero madiing boses. Sinigurado kong maririnig talaga nila ito. Natahimik naman sila kaya inayos ko nalang ang upo ko.

Pagtingin ko sa katabi ko ay humahanga itong nakatingin sa akin na para bang may nagawa akong kahanga-hanga. Hindi ko nalang muna ito pinansin nang magsalita na ang guro sa harap. Nakangiti itong bumaling sa akin at binati din ako pabalik na ikinangiti ko din.