Marco
Tahimik ang naging biyahe namin pauwi ng Manila. Ilang beses kong sinubukang magbukas ng topic pero puro tango lang ang sagot nito o kaya naman ay napakaikli lamang.
Simula nang makauwi kami mula sa ilog ay naging ganyan na siya sa akin. Hindi ko alam kung bakit. Iniisip ko nalang na baka pagod lang ito.
Pagkabukas sa gate ng mansiyon ay agad kong ipinark ang sasakyan sa garahe. Hindi ko muna siya ginising dahil napakasarap pa nitong pagmasdan habang natutulog. Payapa at makikita mo sa hitsura niya ang kainosentehan sa mundo.
"I want you to learn everything, Katherina. Gusto ko matutunan mo lahat para may laban ka pagdating ng araw." hinaplos ko ng mukha niya habang mataman itong pinagmamasdan. "Alam kong hindi na lang pagkakagusto ang nararamdaman ko sa 'yo. Masaya akong kasama ka. Hinding-hindi ako papayag na saktan ka nang kung sino man. Pangako ko 'yan sa 'yo." seryoso kong sabi at marahan na itong ginising.
"Andito na tayo." mahina kong sambit na ikinamulat nito at pupungay-pungay na tumingin sa paligid.
"Nakatulog pala ako. Pasensiya na po, Senyorito." hinging paumanhin nito at inayos ang nagusot niyang damit. Lalabas na sana ito nang hawakan ko bigla ang kamay niya.
"Bakit po, Senyorito?" nagtatakang tanong nito at tumingin ito sa akin patungo sa kamay kong nakahawak sa kamay niya.
"Marco, Katherina. Marco dapat ang tinatawag mo sa akin at hindi Senyorito." nakangiting paalala ko dito.
"Hindi po 'yan maaaring mangyari, Senyorito." umiiling na sambit niya. "Amo ko po kayo at taga-silbi niyo lang po ako. Kaya tama lang ang tawag ko sa inyo."
"Kagustuhan ko naman 'yon kaya ayos lang." sagot ko pero napailing ulit ito.
"Hindi po talaga maaari, Senyorito. Hindi ko naman po kayo nobyo para tawagin sa pangalan niyo lang." napangiti ako ng malapad sa narinig ko. Inilapit ko ang mukha ko sa kanya at hindi mapigilang nang makitang halos lumuwa na ang mata nito sa laki.
"Puwede mo naman akong maging nobyo kung gugustuhin mo, Katherina. Gusto kita at alam kong nararamdaman mo naman 'yon." bulong ko na ikinapula nito ng mukha at mas lalong hindi na ito mapakali sa upuan niya. Nang mailayo ko nang kaonti ang mukha ko ay sinamantala niya ito para makapagpaalam at makaalis.
"Pa-pa-sok na po a-ko sa lo-ob." nauutal na sabi nito at nagmamadaling binuksan ang pinto. Hubdi ito magkandaugaga sa pagbukas ng pinto kaya tinulungan ko na siya. Halos takbuhin niya ang pagitan ng kotse at ng bahay dahil sa oagmamadali nito. Nakalimutan pa nga nitong kunin ang bag na gamit niya.
Napailing nalang ako at napapangiti dahil sa ikinikilos niya. Ramdam ko na may epekto ako sa kanya at 'yon ang gagamitin ko para mapaibig ko ito nnag tuluyan sa akin.
"Soon, Katherina, you will be mine. I promise you that." pursigidong sabi ko at lumabas na rin ng sasakyan habang hawak ko sa kamay ko ang naiwan nitong bag.
Sakto namang paglabas ko ay ang paglabas din ni Lhynne mula sa pintuan. Agad kong inilabas ang nga gamit nmain ni Katherina at iniutos ditong dalhin sa loob. Hindi ko binitiwan ang bag niya at dala ko ito hanggang sa pag-akyat ko sa aking kuwarto.
"I know she will be here soon. So, I'll just wait." nakangiti kong sabi at pabagsak na humiga sa kama kasabay ng bag na hawak ko.
Pero hindi ko na siya nahintay dahil nakatulog na ako nang hindi ko namamalayan. I just waked up na wala na ang bag niya sa tabi ko.
Pagtingin ko sa orasan sa bedside table ko. Nagulat ako dahil umaga na pala. Ang haba pala ng itinulog ko. And I can't believe that I almost over slept.
Napapailing nalang ako habang bumabangon sa kama. Abala pa ang isip ko kung paaNo ako mag-uumpisa sa panliligaw dito. Katherina is simply beyond amazing. Hindi na niya kailangan pang mag effort para magustuhan siya ng tao.
Tumungo ako sa banyo at naligo muna bago ako bumaba para kumain.
Pagdating ko sa dining area, napangiti ako nang makita ko si Mom na nakaupo habang nagbabasa ng newspaper. Agad akong lumapit dito at yumakap sa kanya. I owe him one and I want to thank her for that.
"Thank you Mom for giving me the address. I really owe you a lot, Mom. You just don't know how much happy I am. I love you, Mom, so so much." sabi ko at hinalikan ito sa pisngi. Naramdaman ko naman ang pagtapik nito sa balikat ko at paupuin sa katabi nitong silya.
"You need to eat, Son. Hindi ka na nakakain kagabi. Katherina said you were asleep kaya hindi ka na niya ginising pa." That's explain, why her bag isn't there when I waked up.
"Hinihintay ko talaga siya kagabi, Mom, but it seems na nakatulugan ko na dahil na rin siguro sa pagod ko." sabi ko at nag-umpisa nang magsandok ng kanin at ulam. Napansin ko ang pagseryoso ni Mom at pagbaba nito ng newspaper na hawak.
"We need to talk in my office later, Son. I have to discuss a very important matters to you." seryosong sabi nito at uminom sa kapeng hawak niya.
"About what, Mom?" takang tanong ko at kumain na.
"Later, Marco. I don't want anyone to hear it. Especially her." sabi nito at tumingin sa babaeng papalapit sa amin. May hawak ito sa kamay na kape na alam kong para sa akin.
Agad akong napakunot-noo sa sinabi niya. Naguguluhan ako dahil sa sinabi niyang hindi ito dapat marinig ng iba lalo na si Katherina.
"But why? Is that even more important than her?" tanong ko at pinunasan ang bibig gamit ang table napkin.
"Believe me, Son, you don't want her to hear it. See you in my office after you eat your breakfast. Enjoy, Son." huling sabi nito bago tumayo at nagpaalam sa bagong dating na si Katherina. Kahit sobrang curious na ako sa gustong sabihin ni Mom ay hindi ko pa rin maiwasang mapangiti nang makita ko siya.
"Magandang umaga, mahal ko." kusang bumuka ang bibig ko at sinambit ang katagang 'yan. Lumingon-lingon pa ito sa paligid para tignan kung sino ang kinakausap ko.
"Ibigay mo na ang kape ko dito sa akin. Naiinom na ako, mahal ko." utos ko dito.
"Sino ba kasi nag tinatawag niyo, Senyorito? Eh ako lang naman ang may hawak na kape. May nakikita po ba kayo bukod sa akin." hindi mapakaling tanong nito habang lumilinga-linga pa sa paligid.
"Ikaw ang tinatawag ko, Katherina. Magmula ngayon mahal ko ang tawag ko sa 'yo." nakangiting sabi ko dito at kinuha sa kamay nito ang kape na kanina pa nito hawak.
Pagkakuha ko, aalis na sana ito nang tinawag ko ulit siya.
"Mahal ko." Napatigil ito sa paglalakad nang marinig niya ang pagtawag ko. Hindi ito luming9n bagkus ay nakatayo lang ito mwdyo malapit sa akin at nakatalikod. Napangiti ako nang makita kong pinaglalaruan niya ang mga daliri niya sa kamay. "Katherina," tawag ko sa pangalan niya na ikinalingon nito.
"Ako po ba ang tinatawag niyo, Senyorito?" tanong nito at itinuro pa ang sarili.
"Oo, ikaw nga Katherina. Diba sabi ko sa 'yo na magmula ngayon ay 'yan na ang pangalan mo?" nangingiting sabi at paalala ko sa kanya.
"Eh, Katherina na nga po pangalan ko. Dadagdagan niyo pa. Mas maganda na po ang pangalan ko na Katherina kaysa sa Mahal ko na 'yan. Baka magalit si Inang pag nalaman niyang pinapalitan niyo pangalan ko." mahabang pahayag nito na ikinatawa ko nang mahina. So innocent,
"Matutuwa si Inang pag nalaman niyang Mahal ko ang tawag ko sa 'yo. Sigurado ako diyan." sabi ko at kinuha ang kape sa mesa at uminom dito habang tinitignan siya.
"At paano naman kayo nakakasigurado, Senyorito?" taas kilay nitong tanong sa akin. Hindi na nawala pa ang ngiti sa mga labi ko sa mahabang pag-uusap namin.
"Basta, nararamdaman ko." masayang sabi ko na ikinailing niya.
"Pagagalitan po siya ni Tatang pag nagkataon. Mamaya niya multuhin pa siya. Kasalanan mo pa, Senyorito." naiiling na sambit nito. Hindi ko na napigilang hindi tumawa sa sinabi nito.
"Ayan na naman kayo sa pagtawa-tawa niyo ng walang dahilan, Senyorito. Nakakahawa na kayo ng iba." kunot ang noo niya nang sabihin niya 'yan.
"Ha? At sino naman ang nahawaan ko, Mahal ko?" tumatawa pa ding tanong ko dito fahil hindi ako aware na may nahahawaan na pala ako.
"Sina Lola, si Lhynne rin, tapos sina Inang at mga kapatid ko. Mas lalo silang naging katulad mo mula nang pumunta ka doon." sabi nito sa akin nang nakanguso.
"Ayusin mo 'yang nguso mo, Mahal ko. Baka mahalikan ko 'yan ng wala sa oras." babala ko dito. Natakot naman ito sa sinabi ko kaya madali niyang pinagdikit ang mga labi niya at tinakpan pa ng kamay niya.
"May kailangan pa po ba kasi kayo, Senyorito?" tanong nito habang nakatakip ang kamay nito sa bibig niya. Sobrang cute niya talaga.
"Samahan mo akong kumain." diretsang sabi ko dito.
"Hindi na po, Senyorito. Mamaya na po ako, kasabay ko nalang po sina Lola at Lhynne." tanggi nito sa paanyaya ko.
"Kung hindi ka uupo diyan at hindi mo ako sasabayang kumain. Hahalikan kita ngayon mismo. Mamili ka..." putol ko sa sinasabi ko at tumingin nang seryoso dito. Muntik na akong matawa sa reactiong ng mukha niya. Kahit natatawa ay pinilit kong maging aeryoso bago ulit nagsalita.
"...kakain ka kasabay ko o hahalikan kita. Naghihintay ako ng sagot, Mahal ko." babala ko dito. Buti naman at hindi na ito nagrereklamo sa pagtawag ko sa kanya ng mahal ko.
"Aba! Eto na nga po oh. Uupo na ako, tapos kakain na rin ako kasabay niyo. Kayo, Senyorito? Hindi pa kayo kakain? Aba! Kunain na kayo. Mahirap ang magutom." sabi nito at nagsandok agad ng kanin at ulam sa plato nito at agad na sumubo.
She always amazed me. Natural lang sa kanya ang mg ginagawa nito pero hindi niya alam na nakakahanga ito sa paningin ng iba. At isa na ako doon sa mga humahangang 'yon.
"I will make every way until you fall for me. I promise that no matter what happens, I will never let anybody hurt you. They'll cross my dead body first." seryosong sambit ko habang pinagmamasdan ang kumakaing mahal ko.
"I love you, Mahal ko." nakangiting sabi ko dito na nginitian niya lamang. Alam ko kasing hindi niya ako naintindihan kaya malakas ang loob kong sabihin sa kanya 'yan. And I hope someday na bigkasin niya din iyan pabalik sa akin.