Chereads / My Innocent Maid / Chapter 21 - My Innocent Maid XXI

Chapter 21 - My Innocent Maid XXI

Marco

Nasa mall na kami at tumitingin sa mga dapat niyang bilhin. I'm just watching her roaming around without picking anything. Kukunin niya lang tapos parang may titignan ito sa gamit at saka umiiling-iling itong bibitawan at bubulong ng mahina na siya lamang ang nakakarinig.

Mag-iisang oras na kaming nag-iikot  pero wala pa ring laman ang basket namin maski isa lang. I heaved a deep sigh before turning around and face her. Wala kasing mangyayari sa amin kung ganyan lang gagawin niya.

"Baka gusto mong pumili na at kumuha kahit isa lang o kahit ano man lang. Tignan mo naman," sabi ko sabay taas ng basket na hawak ko. "Mag-iisang oras na tayo dito, Mahal ko. At wala pa tayong nabibili kahit isa lang. Akala ko ba papasyal pa tayo?" tanong ko dito na ikinasimangot niya at iniwanan ako.

Akma na sana itong lalabas ng department store nang mahawakan ko ang kamay niya at patigilin ito sa paglalakad.

"At saan ka pupunta, Mahal ko?" kunot-noong tanong ko dito at hinila ito pabalik sa estante ng mga notebooks.

"Wala na bang mas imamahal pa ang mga nandiyan, Senyorito?" nakasimangot na tanong nito sa akin bago nagsalita ulit. "Isang manipis na kuwaderno lamang ay dinaig pa ang isang kilong bigas. Ayoko dito." umiiling-iling na sabi nito nang nakasimangot at padabog na nagwalk-out at iniwan ako sa loob ng store. Bago pa ito makalabas ay nagsalita na ako na nakapagpatigil sa kanya.

"Huwag mo kasing titignan ang presyo. Basta kumuha ka lang ng gusto mo. Tapos babayaran na natin," suhestiyon ko dito na ikinasimangot niya pa din.

"Ayoko, ang mamahal talaga at hindi ko maatim na pumulot kahit isa. Wala ba 'yong tigsa-sampu lang?" Humarap siya sa akin at tinanong ako. "Tapos ang mga bolpen nila, ang pinakamababa ay otso pesos. Sa probinsiya namin, limang piso lang 'yan. Masyado namang mataas ang patong nila. Kainis!" kumakamot ng ulo na himutok niya.

"Basta kumuha ka na nang kahit anong gusto mo. Kung magtatagal pa tayo dito ibig sabihin hindi na tayo makakapunta EK." babala ko dito.

"Paano ko naman maaatim na pumulot kung alam ko kung magkano ang presyo ng isa sa mga 'yan. Wala na ngang pera ang tao, tapos ang presyo, dinaig pa ang ginto. Sa iba nalang tayo."  Tuluyan na itong lumabas ng store at naglakad na palayo. Napapailing nalang ako habang binabalik ang basket at sinundan ito sa kung saan man siya pumunta.

Napansin ko na napatigil ito sa isang botique at matamang pinagmamasdan ang isang pulang bestida na nakasuot sa isang maniquin. Agad ko siyang nilapitan at hinila papasok sa loob bago pa ito mkaaangal.

"Good morning, Sir, Ma'am." bati ng saleslady sa amin pagpasok namin.

"Give me that dress." turo ko sa nakadisplay na damit na suot-suot ng maniquin. "Then, all your best seller dresses that as simple as that." sabi ko at napaisip. Nang mapatingin ako sa mga sapatos sa kabikang estante ay nagsalita ulit ako.

"Then give us that five pair of flat shoes." turo ko ulit sa pula ding flat doll shoes na nakita ko. Tumango naman ang saleslady at nagtanong.

"May idadagdag pa po ba kayo, Sir?" nakangiting tanong nito sa akin.

"Wala na." maiksing sagot ko.

"Take your seat here, Sir, Ma'am." sab8 nito at iginiya kami sa fitting area. "I'll just get your orders and be right back quickly as I can. Isusukat pa po ba ng girlfriend niyo, Sir?" nakangiting tanong nito sa akin na agad kong ikinatingin kay Katherina. Gusto k9 lasing makita kung aangal ba siya sa sonabi ng saleslady about sa girlfriend. Pero nang makita kong tahimik lang siya habang pinagmamasdan ang damit ay napangiti ako at binalingan ulot ang saleslady.

"Oo, isusukat niya lahat. Unahin mo nang ibigay sa amin ang pulang beatida na 'yon." sabi ko sabay turo sa suot ng maniquin.

"Okay lang po ba na 'yon na ang ibigay namin sa inyo, Sir. Huling stock na po kasi namin 'yan." pag-iimporma nito sa akin.

"We don't mind at all." nakangiti ko ding sagot dito.

Naglakad na ito palapit sa maniquin at akmang huhubarin na sana ang damit nang biglang napasigaw si Katherina sa tabi ko.

"Ops! Huwag kang gagalaw diyan. Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" taas kilay na tanong ni Katherina sa saleslady.

"Tinatanggal po ang damit niya, Ma'am para po maisukat niyo." nakangiting sabi nito at itinaas na ang damit pero nagulat ako nang lumapit si Katherina dito at hilahin pabalik ang damit. Nakita ko ang nagtatakang tingin ng saleslady kaya lumapit na din ako.

"Anong problema, Mahal ko?" nagtatakang tanong ko din dito.

"Eh napakabastos niya. Huhubaran niya ng damit 'yan eh di makita na ng tao. Hindi ba siya nag-iisip." inis na sambit nito at inirapan ang saleslady. Nakita ko ang manghang tingin ng saleslady kaya sinenyasan ko munang unahin nalang 'yong iba at huli na 'yon.

Iginiya ko sa siya pabalik sa upuan pero gindi siya naglakad at matalim niyang tinititigan ang saleslady.

"Pag siya hinubaran mo. Huhubaran din kita at ikaw ang ipapalit ko diyan. Hindi ako nagbibiro. Tandaan mo yan." inis na banta niya sa saleslady at sumama na sa akin sa pag-upo.

"Sorry," Tumingin ako sa saleslady at humingi ng paumanhin. "Just take our other orders. Make that last. I'll buy that one and we'll be back to get all of that. I'm really sorry."

"It's okay, Sir, wala na po ba kayong idagdagdag? Size po ng paa ni Ma'am?" tanong nito,

"I think, size?" tinignan ko ang paa ni Katherina. "Five and a half. Give me that color brown sandal, and that flat red doll shoes. Then those three." turo ko sa magkakatabing sandals at sapatos na nakita kong bagay dito.

"Okay, Sir. Hindi na po ba niya isusukat?"

"Just let me see all of them then the shoes. Isusukat niya." nakangiting sabi ko na tinanguan ng salealady at nagpaalam nang umalis para kunin ang mga inorder namin.

Tumayo ako at lumapit ako sa eatante ng mga sapatos. Kinuha ko ang mga sapatos na sinabi ko kanina. Nang makuha ko na ay agad akong lumapit  dito at inilagay 'yong kinuha ko sa harap niya.

"Wow! Ang gaganda naman, Senyorito!" manghang bullas nito oagkakita sa mga sapatos na nilagay ko sa harap niya. "Sa akin po ba ang lahat ng mga ito?" nakangiti nang tanong nito at kinuha ang oulang doll ahoea nang ngumiti at tumango ako.

"Sa 'yong lahat ng 'yan. Isukat mo na para makita natin kung tama lang sa paa mo." nakangiting utos ko dito at pinagmasdan ito habang isa-isa nitong sinusukat ang limang sapatos. Kumasya lahat sa kanya 'yong lima kaya napangiti ako.

Nagulat nalang ako ng bigla nalang siyang napasigaw at isa-isang ibinalik ito sa estanteng pinagkuhanan ko. I'm really shock!

"Ayoko na niyan, Aenyorito." bigla niyang sabi pagkatapos nitong ibalik lahat sa estante. I hve this idea na nakit ana naman nito ang oresyong nakalagay kaya she reacted that way.

I sigh, "Hindi niya presyo 'yon, Mahal ko. Parang numero lang niya ang nakasulat doon dahil madami pa ang kaparehas nito. Para hindi malito ang taga-benta."  pagsisinungaling ko dito dahil alam ko na kapag nalaman niyang 'yon talaga ang presyo nito ay malamang hindi niya ito kukunin at ibabalik lang nito lahat.

Tinignan niya naman ako na para bang sinusuri nito kung nagsasabi ba ako ng totoo o hindi. Alanganin naman akong napangiti nang hawakan niya ang mukha ko at titigan ito.

"Sigurado kayo, Senyorito? Hindi niyo ako niloloko?" Napipilitan akong tumango sa kanya. Magsasalita pa sana ito nang makita kong papalapit na ang saleslady. Agad akong napatayo at nagpaalam sandali kay Katherina. Nilapitan ko ang saleslady at pinatanggal lahat ng presyo nito para hindi na nito makita pa. Baka bigla na naman nitong ibalik lahat at magwalk out palabas. Naninigurado lang.

Nang makita kobg nagustuhan niya lahat ay ipinabalot ko na including the dress that the maniquin is wearing at iniabot ang card ko. Nang mabayaran namin ay iniwan muna namin ito at sinabing babalikan nalang.

Paglabas namin ay hinila ko ito pabalik sa department store. Aangal pa sana ito kaso hindi ko na hinayaang magsalita. Kumuha agad ako ng lalagyanan at naglakad sa mga school supplies.

"Anong gusto mo dito?" Tinignan ko siya at hinintay kung ano ang ituturo niya. Nang ituro niya ang mga kukay na gusto niya ay agad kong dinampot at nilagay sa basket at pumunta sa susunod bgao pa ito umangal.

Halos inabot din kami ng isang oras bago namin natapos ang pamimili ng kailangan niya sa eskuwelahan. Isinama na rin kasi namin ang kay Lhynne kaya sobrang dami ang bitbit namin. Dinaanan na namin ang mga binili namin at nilagay muna ito sa kotse.

Pagkatapos ay niyaya ko muna siyang kumain bago kami tumuloy sa EK.

It takes almost an hour bago namin ito narating dahil sa traffic. Hindi na niya ako nahintay na pagbuksan ito. Masaya siyang bumaba sa sasakyan habang iniikot ng paningin ang buong paligid.

Buong paghanga nitong tinitignan ang nakikita niya. Nang mapadako ang tingin nito sa ferris wheel ay napangiti ito at tumingin sa akin.

"Senyorito," tawag nito sa akin na ikinangiti ko. Kahit napagod ako sa pamimili ay nawawala agad ito sa isang ngiti niya lamang. "Sakay tayo doon, ha?" masayang sabi nito at nakikiusap ang matang nakatingin sa akin.

"Oo naman, Mahal ko. Basta gusto ng Mahal ko, laging masusunod." Nakita ko ang pagbalatay ng tuwa sa mukha nito. Nabigla nalang ako nang tumakbo siya sa akin at niyakap niya ako habang nagpapasalamat.

I was really shock kaya hindi ako nakagalaw. Akmang kakalas na sana ito nang yumakap ako pabalik dito. Nakangiti itong tumingala sa akin at pinisil ang pisngi ko.

"Ang guwapo mo talaga, Senyorito." sambit nito habang nakatitig sa akin. Hindi ko napansing namula pala ako kung hindi pa nito sinabi. " May lagnat ka po ba, Senyorito? Kasi namumula yang pisngi mo." tanong nito na ikinakunot ng noo ko.

Agad akong kumalas sa yakap niya at tumingin sa salamin. Tama nga ito, namumula nga.

"Wala, Mahal ko. Mainit lang kaya namumula." pagsisinungaling ko at ngumiti na dito at niyaya nang  pumasok sa loob.

Nang makabili kami ng ride all you can tickets ay tukuyan na kaming nakapasok. I intertwined her hands to mine at hindi ko ito hinayaang alisin niya.

Lahat ng itinuro nito ay sinakyan namin maliban sa roller coaster. Baka mamatay daw siya doon kaya ayaw niya. Ang huli naming sinakyan ay ang ferris wheel. Makikita mo sa taas ang magandang tanawin sa ibaba. Pagtingin ko sa katabi ko ay masaya itong pinagmamasdan ang tanawin. Napangiti ako dahil hindi niya kailanman binalak na alisin ang kamay naming magkahawak. At masayang-masaya ako nang dahil doon.

"It will be the start." mahinang sambit ko at pinagsalikop ang dalawa kong kamay habang nasa gitna ang kamay nito.