Chereads / My Innocent Maid / Chapter 27 - My Innocent Maid XXVII

Chapter 27 - My Innocent Maid XXVII

Katherina

"Salamat sa paghatid, Dex." pasasalamat ko dito habang nakadungaw sa bintana ng kanyang  kotse.

"Basta ikaw, Katherina. Tandaan mo andito lang kami if you need anything." nakangiting sabi nito sa akin.

"Salamat ulit. Sige na baka andiyan na 'yong guro ko. Kita nalang tayo sa lunes. Ingat sa pagmamaneho." sabi ko dito at tumayo na sa pagkakadungaw ko. Kumaway pa ako sa kanya bago ako tuluyang pumasok sa gate.

Diretso na akong pumasok sa loob nang pagbuksan ako ni Manong ng gate. Napansin ko ang sasakyang dala ni Senyorito knina na nakapark sa garahe. Natuwa naman ako sa kaisipang hindi niya tinotoo ang sinabi nito kanina. Kahit gusto ko nang lumingon at piliin ito kanina ay nangibabaw pa rin ang isip ko. Ayokong makasira ako ng pamilyang binubuo nila ni Senyorita.

Malapit na ako sa pintuan nang bigla ito bumukas at iniluwa si Senyorito na may hawak na bag. Napatigil ako sa paghakbang at tinignan ito pero nilagpasan niya lamang ako at dumiretso na ito sa kanyang sasakyan. Sasakay na sana ito nang tawagin ko siya.

"Senyorito..." mahinang tawag ko na nakapagpatigil dito pwro hindi ito lumingon. Nanaitili lang ito sa bukana ng kanhang kotse. 

"San po ka-yo pu-punta?" nauutal na tanong ko dito kahit na alam ko na kung ano ang ibig sabihin ng dalawang bag na dala nito. Tumingin ito sa akin at nagsalita.

"I told you. Namili ka na at mas pinili mo siya. Alam kong wala akong karapatang papiliin ka pero gusto ko lang malaman kung saan ako lulugar sa buhay mo. At kahit masakit, wala naman akong magawa dahil siya ang pinili mo. Sige na, aalis na ako. Mag-iingat ka palagi." mahabang pahayag nito at tuluyan nang sumakay sa kanyang sasakyan.

Natulala ako sa sinabi nito at hindi nakagalaw sa aking kinatatayuan. Hindi ko naman pinili si Dex. Sadyang gusto ko lang siyang iwasan para wala nang gulo. Nasasaktan din naman ako.

Nanatili pa ako doon hanggang sa mawala na ang sasakyan niya sa aking paningin. Bagsak ang balikat akong pumasok sa loob at inilagay ang iba kong gamit sa aking kuwarto. Ilang sandali nalang kasi ay mag-uumpisa na ang aking klase.

Pinalitan ko lang nang maluwag na damit ang blusa ko bago ako tuluyang lumabas at pumunta sa may study room nila.

Habang nagkaklase ay walang pumapasok sa isip ko. Andito ang katawan ko pero nag isip ko ay lumilipad patungo kay Senyorito. Hindi ko naman alam na gagawin niya talaga iyon eh. Hanggang sa matapos ang klase ko na wlaang pumasok kahit isa sa mga pinag-aralan namin.

"Wala kang pasok hanggang sa Miyerkules. May lalakarin kasi kong importante. Bibigyan nalang kita ng mga pag-aaralan mo para hindi sayang ang tatlong araw na wala kang klase." pagpapaalam niya sa akin.

"Okay po Ma'am." tango ko at kinuha na ang iniaabot niyang libro at ilang mahabang mga puting papel.

"I'll go. Enjoy your weekends, Katherina." paalam nito at ngumiti sa akin. Naiwan ako sa aking kinauupuan at nag-isip kung ano na ang dapat kong gawin. Dahil sa totoo lang, lutang na ako sa hindi ko malamang dahilan.

Gusto ko si Senyorito, sigurado ako doon. Para ngang mas lumalalim pa itong nararamdaman ko habang tumatagal. Pero tulad nga nang sabi ko kanina ay ayokong makasira sa isang pamilya. Lalo na't magkakaanak na sila.

Malungkot kong inayos ang gamit ko at tumungo na sa aking kuwarto para magpalit ng uniporme pangtrabaho.

Pagpasok ko sa kusina ay nadatnan ko si Lhunne na naghihiwa kaya tumulong na ako.

"Oh, andiyan ka na pala. Kumusta ang klase mo." lumapit ako dito at tumabi sa kanya.

"Ayos lang naman kaso lumilipad ang utak ko sa kung saan. Buti na nga lang at hindi ako natangay nito." sambit ko.

Napansin ko ang pagseryoso nito at pag-upo nito sa silyang nasa likod namin. Pagkaupo nito ay hinila niya agad ako at pinaupo din. Pero hindi sa kandungan niya, kung hindi sa katabi niyang uouan lamang.

"Kumusta kayo ni Senyorito, Katherina?" tanong agad nito pagkaupong-pagkaupo ko pa lamang.

"Ayos lang naman kami." matipid kong sagot at tumingin kay Lola.

"May ayos bang iniiwasan ang amo?" nakataas kilay nitong tanong sa akin na ikinabuntong hininga ko. "Hindi sa pinanghihimasukan kita, Katherina. Pero kailangan ding malaman ni Senyorito kung bakit ka ganyan." pahayag niya na ikinailing ko.

"Hindi na niya kailangan pang malaman, Lhynne. Tama na ang ganito. Ako nalang ang iiwas kaysa mas lumala pa ang sitwasyon." napayuko ako ng sabihin ko 'yan dahil nararamdaman ko na naman ang tusok ng karayom sa aking puso.

"Sabihin na nating wala siyang karapatan. Pero, Katherina, kailangan din ni Senyorito nang paliwanag. Hindi siya manghuhula para hulahan ang biglang pagbabago mo." payo nito sa akin na ikinaisip ko. Napaisip ako sa sinabi niya. Tama siya pero ayoko nang manghimasok pa sa buhay niya. Tama na ang ganitong hiwalay ang aming landas.

"Hindi na kailangan, Lhynne. Imposible namang hindi nito alam kung bakit." nagdududang sabi ko dito. Kung wala man itong alam eh bakit sinabi nung bruhang 'yon na malapit na silang ikasal. Alangan namang gumagawa lang nang kuwento 'yon?

"Hindi magkakaganyan si Senyorito kung alam niya, Katherina. Maawa ka naman sa tao. Kailangan niya ng paliwanag. Pag nasabi mo na sa kanya ang dahilan tiyaka mo na siya iwasan nang tuluyan. Para naman hindi na nag-iisip 'yong tao kung ano ang nagawa niyang mali sa 'yo." pagkukumbinsi nito sa akin pero umiling lang ako.

"Magiging ama na siya at malapit na itong ikasal? Tapos sasabihin mong hindi niya alam 'yon? Hindi ako tanga, Lhynne." sabi ko dito. Napakunot ang noo ko nang bigla nalang may nagsalita at hindi ito boses ni Lhynne.

"Hindi ko talaga alam ang sinasabi mo. At kanino naman ako magkakaanak? Sa pagkakaalam ko din, hindi din naman ako ikakasal." seryosong saad ng boses na kilalang-kilala ko. Hindi ba umalis na siya? Paanong nandiyan siya at nagsasalita. Agad akong tumingin sa katabi kong si Lhynne pero wala na ito at si Senyorito na ang nasa malapit sa akin.

Hindi ako nagsalita at nilagpasan nalang ito. Nagmadali akong pumasok sa kuwarto para makaiwas. Pero nang isasara ko na ito ay pinigilan ni Senyorito ang pinto kaya hindi ko ito tuluyang naisara. Hinayaan ko nalang itong bukas at lumapit sa kabinet na para bang may kukunin ako kahit alam ko naman sa sarili kong wala.

"Tell me, Katherina. Sino ang sinasabi mong nabuntisan ko at pakakasalan ko? Huwag mong sabihing buntis ka na at ako ang ama?" nakangising tanong nito sa akin na ikinabato ko sa kanya ng ilang pirasong damit.

"Bastos!" sigaw ko dito at humugot pa nang ilang damit at tinapon ulit dito.

"Hindi pa nga kita nahahalikan. Paano kita mabubuntis." nag-iisip na tanong nito sa akin habang dahan-dahan itong lumalapit sa akin.

"Huwag na huwag kanh magkakamaling lapitan o hawakan ako, Senyorito. Binabalaan kita." sabi ko at umatras nang umatras hanggang sa  napaupo nalang ako sa kama.

"Paano kung hindi ko sundin ang sinasabi mo? May magagawa ka ba?" tinitikis ako nitong lalakeng 'to. Pero hindi naman ako makagalaw sa puwesto ko habang ito ay lumalapit. Para pa ngang hinihintay ko na lang siyang makalapit sa akin.

Nang nasa harap ko na siya ay lumuhod ito at pinagpantay ang mga mukha namin.

"Ngayon, sabihin mo sa akin kung ano ang nangyayari, Mahal ko. Bumalik ako dahil hindi kita matiis at hindi ko kayang malayo sa 'yo. Sana naman pagkatiwalaan mo ako kahit kaonti lang." malungkot nitong pahayag at hinawakan ang kamay ko. "Please, sabihin mo naman sa akin kung bakit mo ako nilalayuan? Nahihirapan na ako, Mahal ko. Lalo na't hindi ko alam kung bakit ka ganyan sa akin. Please, Mahal ko."

Para naman akong natauhan sa pakiusap nito. Alam ko namang dapat niyang malaman kaso natatakot lang ako na sa kanya mismo manggaling na magkakaanak na ito sa bruhang 'yon at ang masaklap pa ay pakakasalan niya pa ito.

"Ayokong maging kabit, Senyorito, at lalong ayokong maging taga sira ng pamilya. Kaya parang awa niyo na layuan niyo na lang ako, Senyorito." pakiusap ko dito na ikinakunot ng noo niya at tinignan ako sa aking mga mata.

"Kahit kailan ay hindi ka magiging kabit, Mahal ko. Sino ba nagsabi nang mga 'yan sa 'yo?" seryosong tanong nito sa akin na ikinalungkot ko. "Sabihin mo sa akin, Mahal ko. Gusto kong ayusin ang gusot sa pagitan natin at hindi ito maaayos kong maglilihim ka sa akin." sabi nito.

Napabuntong-hininga naman ako bago ako nagsalita.

"Hindi ko alam kung pinuntahan niya ako o nagkataon lang na andoon siya, Senyorito." paunang salita ko at napayuko pero hinawakan nito ang baba ko at iniangat para makita niya ang mukha ko.

"Sino siya, Mahal ko? You can tell me. Si Trish ba?" tanong niya at tumingin nang matiim sa akin habang hinihintay nito ang aking sagot.

"Opo, sinabihan niya akong layuan kita pero hindi ko siya pinansin. Nang sinabi niyang buntis siya at ikaw ang ama." naluluhang sambit ko bago ko itinuloy ang sasabihin ko. "Natulala ako. At mas lalo akong naging deisdidong layuan ka nung sinabi niyang ikakasal na kayo at bubuo na kayo ng sarili niyong pamilya. Ayokong ako ang dahilan kung bakit masisira ang pamilyang bubuuin niyo, Senyorito. Tama na ang ako nalang ang lalayo at masaktan kaysa ang makita kang masira nang dahil sa akin." hindi ko na napigilan ang luhang dumaloy sa aking mga mata.

"Tama na, Mahal ko. Hindi totoo lahat nang sinabi niya sa 'yo. Ito lang ang masasabi ko..." pagpapatahan niya sa akin sabay pahid ng luha sa aking mga mata. "...sa akin ka lang dapat  maniwala, Mahal ko. Hayaan mong ayusin ko ito. Basta ipangako mo sa akin na hindi mo na ako ipagtatabuyan at iiwasan pa. Mangako ka." nagmamakaawang sabi nito at hinaplos ang aking mukha.

"Opo, pangako." sambit ko at itinaas pa ang kanan kong kamay para mangako.

"Now, dito ka lang at aalis lang ako sandali. Aayusin ko lang ang bagay na ito. Hintayin mo ako at mag-uusap pa tayo." bilin nito sa akin at hinalikan ako sa aking noo na siyang ikinapula ng mukha ko.

"Aba, Senyorito! Kakaayos lang natin pero nananantsing ka na. Bad 'yan, Senyorito." sabi ko dito at pinitik ang noo niya na siya namang ikinatawa nito ng malakas.

Parang gumaan ang pakiramdam ko sa kaalamang hindi ito ang ama nang dinadala ng bruhang 'yon. Mali man ang pag-iwas ko dito pero natuto akong huwag nalang basta maniniwala sa kung anong sinabi sa akin nang iba. Ngayon natuto akong magtiwala, lalo na sa kanya.