Marco
Mom and I knows that Katherina didn't graduated nor steps in highschool. Kaya hindi ito nakakaintindi nang English dahil na rin sa degree nang pinag-aralan nito. Nakausap ko kasi si Inang at pinaalam ko dito ang pag-aaral ni Katherina. Hanggang elementarya lang pala ang inabot nito dahil na rin sa pinansiyal nilang problema. Ilang taon palang ito nang una itong magtrabaho. Kaya mas ipinasya niyang magtrabaho na lang at ang mga kapatid nalang nito ang pag-aralin.
Pero sinabi ni Inang na matalino ito kaya ginawan namin ng paraan para makapasok ito sa University kung saan pumapasok si Lhynne.
Kailangan niyang magtutorial for six months para ihanda ang sarili niya sa isang acceleration test para makakuha siya ng diploma at maipagpatuloy niya ang kurso niya.
They give her six months to prepare herself for the acceleration test. And now, kailangan niyang maipasa ito dahil ito lang ang makakatulong sa kanya para makapagpatuloy ito sa pagko-kolehiyo. Natigil ang pag-iisip ko nang magsalita si Mom kaya agad akong napatingin dito.
"Did you tell Katherina about her home-schooling?" Mom asked me while sitting in her swivel chair at busy sa pagpipirma ng mga sandamakmak nitong papeles.
"Nope, Mom. Sasabihin ko palang mamaya dahil mamaya din ang start ng klase niya sa bahay. Three hours daw ang home-schooling niya." sabi ko dito habang abala din ako sa ginagawa kong pagbabasa.
"I see, her class ends at twelve. Am I right, Son?" she ask,
"Yup, Mom. Susunduin ko siya." pag-iimporma ko.
"Okay then, pagkatapos mo sa mga binabasa mo diyan ay umalis ka na. It's already eleven at baka matraffic ka at hindi mo pa siya masundo." napangiti ako sa sinabi ni Mom. Hindi man niya sabihin ay alam ko na gusto niya si Katherina para sa akin.
Dahil malapit na ang pagtake over ko sa company ay nag-uumpisa ko na itong pag-aralan. Lalo na ang pasikot-sikot nito para mafamiliarize na ako at hindi na mahirapan pa pag umupo na ako. Siguro nagtataka kayo kung bakit wala ang Dad ko. He's in Thailand right now at inaasikaso ang problema doon. Some of our exports from other countries got some problems so Dad took over at naiwan si Mom dito.
Inayos ko na ang mga papeles at isinilid ito sa lalagyanan bago nagpaalam kay Mom na aalis na.
"Got to go, Mom. You're right, baka matraffic ako at hindi ko siya masundo." lumapit na ako dito at hinalikan ito sa pisngi.
"Take care, Son. Drive safely," paalala nito na tinanguan ko at naglakad na paalis. Pero bago pa ako makalabas ay sumilip ako kay Mom at nagsalita.
"Mom, huwag ka papagutom ha. I'll call Chevy to deliver your foods. Eat Mom." nakangiting sabi ko dito na tinanguan niya.
"I will, Son. Thank you."
Tuluyan na akong umalis at naglakad papunta sa sasakyan ko. Pagpasok ko sa sasakyan ay agad ko na itong pinaandar at tinahak ang daan papuntang eskuwelahan ni Katherina.
Mom was right, traffic nga. And I arrived at their school five minutes before twelve. Muntik pa akong hindi umabot dahil sa tagal ng traffic. Nasa labas lang ako ng gate at hinihintay itong lumabas.
Nakatayo lang ako sa sasakyan ko nang makita ko siyang papalabas ng school. May kasabay itong babae at dalawang lalake. My brow arch because of what I just saw. Masaya silang nagkukwentuhan at nagtatawanan.
Nang makita niya ako ay napangiti siya sa akin. Hinintay ko siyang makalapit sa akin kasama ang mga bago niyang kasama. Pagkalapit nito ay agad niyang pinakilala sa akin ang mga kasama nito.
"Senyorito, mga bago ko palang kaibigan." pagpapakilala nito at tinignan ang mga kasama niyang nakangiti maliban sa isang lalake na nakatingin nang diretso sa akin.
"So, sino naman sila?" tanong ko at tumingin din nang diretso sa lalaking matamang nakatitig sa akin kanina na ngayon ay nakatingin na kay Katherina. Why is that I feel like I wanted to punch someone face right now.
"Mga kaibigan ko nga sila, Senyorito. Di ba sinabi ko na sa 'yo kani-kanina lang. Hindi ka ba nakikinig, Senyorito? Siya si Emz," turo niya sa babaeng nakangiti sa amin. "tapos si Dex at si Roel." nakangiting turo niya sa dalawang lalake na magkatabi. So Dex ang pangalan ng lalakeng 'yon.
"Nice meeting you all. I'm sorry but Katherina and I have to go. She will be attending her home-schooling in a few minutes and she wouldn't be late. So if you'll excuse us." diretsong sabi ko sa kanila. Nakita kong nakatingin lang sa akin si Katherina na nagtatanong kung anong sinasabi ko but I only smile at her.
"Nice meeting you too," sabi nung Emz at nakipagkamay sa akin. I extended my hand to the two young mens. Tinanggap naman nang isa ang kamay ko samantalang 'yong isa ay tinitigan lamang ito na ikinainis ko.
Ibababa ko na sana ang kamay ko nang biglang nagsalita si Katherina at pinagalitan 'yong lalake.
"Nakikipagkamay ang Senyorito ko sa 'yo, Dex. Bakit mo tinititigan lang?" tanong nito sa lalake at tinaasan ito ng kilay. Napakamot naman ito ng batok at napipilitang tinanggap ang kamay ko. Agad ko itong binitawan at tumingin kay Katherina.
"Kailangan na nating umuwi, Mahal ko." sabi ko dito na ikinangiti nito at tumango. Nakita ko naman ang gulat sa mga mata nila kaya napangisi ako sa Dex na 'yon dahil sa reaction niya na para bang natuklaw ng ahas sa gulat. Serves him right, Katherina is destined to be mine. Wala siyang puwang sa amin.
"Sandali lang po, Senyorito. Magpapaalam lang po ako sa kanila." sabi nito sa akin. Habang nagpapaalam na ito ay binuksan ko na ang pinto para sa kanya.
"Bukas ulit ha, turuan niyo ako. Aalis na kami, bye." nakangiting sabi nito sa mga kasama at pumunta na sa tabi ko at kumaway muna sa mg kasama niya bago pumasok. Umikot na agad ako at pumasok na sa driver seat at pinaandar na ang sasakyan.
"Kumusta ang unang araw mo?" tanong ko dito habang nakatingin sa kalsada.
"Nosebleeding!" bulalas nito na ikinatingin ko dito at napatawa sa hitsura niya. It's my first time hearing her saying english word kaya namamangha ako. She's cute while pouting and hopelessly inhaling and exhalling air.
"Ang cute mo pala pag nagsasalita ka ng English. Dapat talagang matuto ka na." nakangiti ko nang sabi dito at nagfocus na ulit sa pagmamaneho.
"Hindi ko alam na frustrating pala ang matuto ng lengguwaheng 'yon. Pero nakakatuwa din. Ang dami nilang tinuro sa akin na agad ko namang natutunan. Akala ko nga kailangan kong lagyan ng bulak ang ilong ko para hindi tumulo ang dugo eh." nakanguso ulit na sabi nito. Natawa ako sa huling sinabi niya.
"Nakikita kong masaya ka sa unang araw mo. But kailangan na muna nating kumain dahil pagdating natin sa bahay ay mayroon ka pang klase." sabi ko dito.
"Po? Akala ko ba umaga lang po ang klase ko?" nagtatakang tanong nito. Hindi ko na kailangan pang tignan ang reaction niya dahil alam kong nakakunot na naman ang noo nito.
"Yes, pero kailangan mo ito para makakuha ka ng high school diploma mo at maipagpatuloy mo ang kurso mo." pagpapaliwanag ko.
"Ganoon po ba? Paano po ang trabaho ko sa mansiyon? Para naman na akong walang gagawin pag nagkataon. Halos maghapon na akong mag-aaral niyan." Tumingin ako dito sandali at nakita ko ang lungkot at hiya sa mukha niya.
"Makakapaggtrabaho ka pa naman pagkatapos ng tatlong oras na klase mo sa bahay. At anim na buwan lang ang itatagal nun para maihanda ka sa exam na kailangan mo. Kailangan mong maipasa ito, Mahal ko. para maipagpatuloy mo ang pag-aaral mo sa unibersidad na 'yon." mahabang pahayag ko na ikinabuntong hininga niya.
"Susubukan kong gawin ang lahat para maipasa ko ang sinasabi mong exam, Senyorito. Pero paano pag bumagsak ako?" malungkot na tanong nito sa akin at napabuntong-hininga ulit. "Ibig bang sabihin niyan ay hindi na ako makakapagpatuloy sa pag-aaral ko?" naawa naman ako sa hitsura niya kaya nang may makita akong restaurant ay doon ko na naisiñang kumain. Pinarada ko agad ang sasakyan bago humarap dito at hinaplos ang mukha niya.
"I know you can. Alam kong kaya mong gawin 'yan, Mahal ko. May tiwala ako sa 'yo at alam kong kakayanin mo 'yan para kina Inang at mga kapatid mo." sabi ko dito habang haplos-haplos ko pa din ang pagmumukha niya. Nang hawakan nito ang kamay ko at pinanatili nito sa mukha niya ay nagpakilig na naman sa akin. This girl doesn't failed everyday to amaze me, that's why I love her that much.
"Sana, Senyorito. Sana..." mahinang bulong nito at nagmulat ng tingin at ngumiti sa akin. "Pinatibok mo na naman nang malakas ang puso ko, Senyorito. Sa araw-araw na nakikita kita? Lagi nalang nagwawala ito." Nakatitig lang ako sa kanya habang nagsasalita at nakahawak sa dibdib nito ang isang kamay niya. Alam kong may epekto ako sa kanya, pero ang malaman na araw-araw kong napaparamdam ang ganoon sa kanya ay nagbibigay sa akin ng pakiramdam na hindi ko maipaliwanag.
"Masaya akong malaman 'yan mula sa iyo, Mahal ko. At ganoon din naman ako sa 'yo. Pero sa ngayon, kailangan na nating kumain para maihatid na kita sa bahay at baka malate ka pa sa klase mo." nakangiti nang sambit ko at hinaplos muli ang mukha niya at iniipit ang ilang hibla ng buhok niya sa tenga nito bago ako lumabas ng kotse at umikot para pagbuksan ito.
Halos ilang minuto lang ang itinagal namin sa pagkain dahil baka mahuli ito sa klase niya. Nang makita kasi nito ang mga uri ng pagkain at ang presyo nito ay hindi nito nagustuhan at nagpalipat sa ibang kainan na mas simple. Nang matapos kaming kumain ay agad ko siyang inihatid sa bahay at nang masiguro kong nag-umpisa na ang klase niya ay agad akong nagpaalam dito at umalis na pabalik sa opisina ni Mom.
Nakangiti akong nagmamaneho pabalik habang iniisip ang mga sinabi niya kanina. Sana umpisa na ito ng magandang pagsasama naming dalawa. At hindi na ako makapaghintay na maging girfriend ko siya nang tuluyan.