Katherina
Pagkatapos kong magwalk-out sa kanila ay pumasok na agad ako sa aking kuwarto. Naiinis ako sa sarili ko dahil sa nararamdaman ko. Bakit kasi kailangan ko pang makaramdam nang ganito. Hindi ba pwedeng normal nalang ang buhay at walang ganito.
Pabagsak akong humiga sa kama. Para kasi akong pagod na pagod na hindi ko maintindihan.
"Gustong-gusto namang magpahaplos at magpayakap sa bruhang 'yon. May pakandong-kandong pang nalalaman. Kainis!" medyo malakas kong sabi dahil sa totoo lang ay inis na inis ako. Hindi ko alam kung kanino, kay Senyorito, sa sarili ko, o sa bruhang 'yon.
"Kainis ka! Ang landi mo!" tinakpan ko ang bibig ko gamit ang unan bago ko isinigaw 'yan. Nagtagal ako sa ganoong posisyon hanggang sa kumalma ang loob ko.
Nang mahimasmasan na ako ay napaupo na ako sa kama at nakasimangot pa din. Ayoko na munang lumabas dahil baka asarin na naman ako ni Lhynne. Nanatili lang akong nakaupo sa may kama habang nakatitig lang sa may sahig.
"Ano ba 'tong nararamdaman ko. Hindi naman ako palaaway, pero nagiging ganoon na ako nitong nagdaang mga araw." tanong ko sa sarili ko habang nakatulala pa din. Pag nalaman kasi ni Inang, malamang kagagalitan ako nito. Ayaw na ayaw kasi nito ng nakikipag-away ako o kaya naman ay ang magsalita ako nang masama sa kapwa ko.
Nang bumukas ang pinto nang kuwarto ko ay agad akong napatingin dito. Mukha ni Senyorito ang bumungad sa akin kaya ibinalik ko nalang sa sahig ang aking paningin dahil inis na inis pa ako sa kanya.
Nakikiramdam ako kung ano ang gagawin niya. Nang maramdaman ko ang pag-upo niya sa tabi ko. Hinayaan ko lang siya at hindi ito kinibo.
"Sorry, Mahal ko." paunang bungad na salita nito sa akin pag kaupo niya. Hindi ko pa rin siya tinignan at inignora lamang ito. Pagkatapos niyang makipaglandian sa bruhang 'yon tapos andito siya sa tabi ko. May mahal ko, mahal ko pa siyang nalalaman. Hmmmp!
Simula nang malaman ko na ang Mahal ko ay tawag o endearment ng isang tao sa iniibig niya. Lagi akong kinikilig pag tinatawag niya ako sa ganoon. Pero ngayon ay nangibabaw nag inis ko dito dahil sa pakikioaglandian niya sa bruha.
"Mahal ko," tawag nito sa akin pero inignora ko ulit. Bahala siya diyan, doon siya sa bruhang 'yon. Magsama silang dalawa, kainis!
"Kausapin mo naman ako, Mahal ko. Pakiusap..." dugtong pa nito pero wala akong pakialam. Bakit ba kasi ito nandito eh busy pa ito sa pakikipaglandian sa bruhang 'yon. Pagbuhulin ko pa sila, tignan niya.
Nagulat ako nang kunin nito ang mga kamay ko at iniharap ako sa kanya. Ayaw ko man ay napatingin nalang ako sa kanya. Nakita ko sa mukha niya ang lungkot pero inignora ko lamang at pinakita dito na galit talaga ako.
"Ano bang kailangan niyo, Senyorito." walang emosyong tanong ko dito.
"Gusto sana kitang makausap." alanganing sabi nito sa akin na ikinataas ng kilay ko.
"Nag-uusap na tayo, Senyorito. Hindi pa ba ito pag-uusap?" wala pa ding emosyong tanong ko at hinila ang kamay ko. Hindi niya ito binitawan at mas lalo pa nitong hinigpitan ang pagkakahawak.
Nakita kong natahimik ito at yumuko. Hinihintay ko siyang magsalita pero hindi naman ito nagsasalita, nkayuko lang siya kaya bigla akong tumayo at kinuha ang kamay ko dito. Nagulat pa siya sa biglaang pagtayo ko kaya nabitawan niya ang aking kamay.
Nagmartsa ako palabas papuntang kusina. Ngunit hindi pa ako nakakarating sa pinto nang maramdaman ko ang yakap niya sa akin habang ang baba nito ay ipinatong niya sa aking balikat.
"Bitaw," madiin kong sabi dito at hindi nakagalaw sa kinatatayuan ko.
"Sorry, Mahal ko. Hindi ko naman gusto ang paglapit ni Trish sa akin. Nilalayuan ko naman siya pero makulit talaga ito, Mahal ko. Sorry na please, kakabati lang natin tapos galit ka na ulit sa akin." hingi niya nang tawad sa akin at mas hinigpitan pa ang yakap niya habang ako naman ay kumakalas.
"Ayaw daw ha?" taas kilay kong sambit. "Kaya pala nakayakap ka din pabalik sa kanya tapos hinahayaan mo pa siyang humilig sa balikat mo. Ang saya mo nga habang nakiki-pagkuwentuhan eh. Ayon ba ang ayaw?" sarkastiko ko nang tanong dito dahil naiinis na naman ako pag naaalala ko.
"Promise, Mahal ko, hindi ko gusto 'yon. Ang gusto ko ay ikaw lang ang gagawa sa akin nun. Pakiusap, Mahal ko, bati na tayo." pangungulit nito sa akin na hinayaan ko lang.
"Bibitawan mo ba ako o bibitaw ka?" tanong ko sa kanya na mas ikinahigpit niya ng yakap sa akin. "Nakakahalata na ako sa 'yo, Senyorito. Masyado ka na atang sinusuwerte sa ginagawa mo."
Hindi ito umimik kaya ako na mismo ang kumalas at dumiretsong lumabas para tumulong sa kusina. Pagdating ko doon ay nakita ko si Lhynne na naghuhugas kaya pinalitan ko siya doon. Ayaw pa sana niya kaso nakiusap ako at sabi ko na siya nalang sa may lamesa.
Naghuhugas na ako ng plato nang may lumapit sa akin at kinuha ang ginagamit ko sa paghuhugas at ibinaba ito. Nang makita kong si Senyorito ito at matalim ko siyang tinignan.
"Ano po bang problema niyo, Senyorito? Nakita niyo naman na naghuhugas ang tao." inis na sabi ko dito at kinuha ulit ang kinuha nito.
"Mag-usap muna tayo, Mahal ko." pakiusap niya.
"Ano po ba ang pag-uusapan natin, Senyorito? Balik na po kayo sa loob dahil baka mainip na po ang bisita niyo." pagpapaalis ko dito at nagsimula ulit na sabunan ang mga plato.
Nagulat ako nang bigla niyang tinanggal ang pangsabon sa kamay ko at bigla niya akong hinila sa kung saan. Habang hila-hila niya ako ay tinanggal ko ang apron ko at pinunasan ang kamay ko gamit ang apron saka ko ito nilapag sa nadaanan naming mesa.
"San mo ako dadalhin, Senyorito. Bitawan mo na ako." sabi ko dito at pilit kong tumigil kaso mas malakas ito kaya kahit tumitigil ako eh nahihila niya pa rin ako. Nang umakyat kami sa may hagdan ay kumapit ako sa may hawakan para hindi ako makasama.
"Pag di ka bumitaw diyan, sinasabi ko sa 'yo. Bubuhatin kita hanggang sa makarating tayo sa kuwarto ko." babala nito na ikinamulagat ko. Dahil kung sinabi nito ay talagang gagawin niya.
"Eto na nga oh, tatanggalin na po, Senyorito. Masyado kayong mainit eh." agad kong sabi dito at bumitaw na. Kusa na din akong naglakad, mahirap na baka buhatin niya talaga ako at mas nakakahiya 'yon.
Pagdating namin sa kuwarto niya ay agad niya akong pinaupo sa upuan. Tahimik lang akong nakaupo at ganoon din siya. Nang hindi ako makatiis ay nagsalita na ako.
"Bakit po ba kailangan nating pumunta dito?" tanong ko,
"Ayaw mo akong kausapin. Ayaw mo din akong magpaliwanag. Ayan ka na naman sa gawi mong ganyan. Sabihin mo sa akin hindi 'yong nanghuhula ako." makikita mo ang lito sa mukha niya kaya napabuntong hininga na lamang ako. Tama naman kasi ito eh, bigla nalang akong nagagalit nang hindi naman nito alam ang dahilan.
"Ikaw kasi," sisi ko dito at napayuko.
"Bakit ako? Wala naman akong alam kung bakit ka nagkakaganyan. Kakaayos lang natin, Mahal ko at ayokong magalit ka ulit sa akin." malungkot na saad nito at lumipat sa harap ko. Umupo ito sa mesa na nasa harapan ko at hinawakan nito ang aking kamay. "Tell me, Mahal ko. Anong problema?"
"May payakap-yakap ka pang nalalaman. Tapos ang sweet sweet niyo pa, daig niyo pa ang magkasintahan sa pagkukwentuhan at paglalandian. Nakakainis kayong tignan." amin ko dito at inirapan siya. Pinisil naman nito ang kamay ko bago nagsalita.
"Nakita mo din sana kung paano ko alisin ang mga kamay niya pag dumadantay sa akin, Mahal ko. Gusto ko ay ikaw lang ang humahaplos sa akin." paliwanag nito pero inirapan ko pa din siya.
"Ikaw lang mahal ko ka diyan. Eh halos yumakap ka din pabalik sa kanya. Tapos ang sarap pa ng tawanan niyo. Hindi ako bulag at bingi para hindi makita at marinig ang mga 'yon." inis pa ding sambit ko habang inaalala ko ang hitsura nila pag nagkukwentuhan.
"Umiiyak siya noon at ayaw niyang tumahan. Saka siya ang yumakap sa akin, Mahal ko. Pangako, siya talaga. Naawa lang ako sa kanya kaya niyakap ko ito pabalik at hinagod ang likod nito. Wala na akong nararamdaman sa kanya. Ikaw na ang laman nito, Mahal ko." turo nito sa puso niya na ikinakilig ko. Pero hindi ko pinakita sa kanya baka lumaki ang ulo. Inirapan ko siya kahit naman alam ko na konti nalang ay bibigay na rin ako.
Nang hawakan niya ang baba ko at pinaharap dito ay pinigilan kong huwag ngumiti. Dahil sa totoo lang ay kinikilig na ako sa effort na ginagawa niyang magpaliwanag.
"Di ba sabi ko sayo, magtiwala ka sa akin? Mahal kita, Mahal ko at hindi na iyon magbabago. Kung dahil kay Trish ay nagkakaganyan ka. Hinding hindi ko na siya kakausapin pa o ang tignan man lang. Basta huwag ka lang magalit sa akin, Mahal ko." malambing nitong sabi at hinaplos ang aking mukha kaya dahan-dahan akong napangiti.
"Hindi ko naman sinasabing huwag mo na siyang kausapin. Ang sa akin lang ay huwag mo naman siyang hayaan haplusin o yakapin ka niya. Nagseselos ako," diretsong amin ko dito.
Nakita ko ang gulat sa mga mata niya bago sumilay ang isang matamis na ngiti sa kanyang mga labi.
"Nagseselos ka, Mahal ko?" hindi makapaniwalang tanong nito na ikinatango ko.
Hinawakan niya ang mukha ko gamit ang dalawa nitong kamay at masaya niya akong tinitigan.
"Mahal na mahal kita, Mahal ko. At hinding-hindi ko na hahayaang magalit ka pa sa akin. Ngayon pa ba na alam ko nang nagseselos ka. Susunod na niyan ay ang sabihin mo na ring mahal mo ako." masayang pahayag nito sa akin bago niya hinalikan ang aking noo.
Alam kong umuusbong na ang pagmamahal sa puso ko para sa kanya. Pero natatakot pa din akong tuluyang magmahal. Naaalala ko kasi ang bilin ni Inang sa akin noon. Dapat hanggang amo at tagasilbi lang dapat ang mamagitan sa amin. Hindi kami nababagay sa katulad nilang mayayaman. Dahil ang mga mayayaman ay para sa mga katulad nilang mayayaman din. Magkaiba kami ng mundong ginagalawan kaya natatakot akong suklian din ang pagmamahal niya.