Katherina
Masaya akong naglalakad habang yakap-yakap ang papel na binigay ni Senyora sa akin. Hindi ko man maintindihan ang mga nakasulat doon bukod sa mga numero ay ayos lang. Magpapaturo nalang ako kay Lhynne mamaya.
Pagpasok ko sa kusina ay nakita kong papatapos na ang iniwan kong gawain. Pagsasabihan ko sana si Lhynne kaso hindi ko nalang itinuloy. Baka hindi niya pa ako turuan. Kawawa ako pag nagkataon. Pasalamat nalang siya na masaya ako ngayon.
"Oh bat parang ang saya mo ata?" tanong nito sa akin at inayos na ang ginamitan niya.
"Siyempre naman, sino ba naman ang hindi sasaya kung malalaman mong matutupad mo na ang matagal mo nang pinapangarap." halos lumutang ako sa saya ko.
"Ano bang sinabi ni Senyora at ganyan ka nalang kasaya?" takang tanong nito sa akin at inaayos na ang mesa. Agad kong inabot dito ang papel na binigay ni Senyora sa akin. Pero bago ko ito ibigay ay binilina ko muna ito.
"Ingatan mo ang papel na 'yan dahil napakahalaga niyan. Ipaplastic ko pa 'yan para hindi masira. Pag 'yan nagusot mo kahit konti lang. Hindi na tayo bati." sabi ko at tuluyan ko nang binigay ang papel sa kanya.
Natawa muna ito at napailing nalang bago niya binasa ang papel. Halos lumuwa ang mata nito habang nagbabasa kaya nag-alala ako.
"Halla! Anong nagyayari sa 'yo? Ayos ka lang ba? Tatawag na ba ako ng doktor? Sabihin mo, Lhynne!" yugyog ko dito na ikinasigaw niya.
"Waaaahhhh! Mag-aaral ka na, Katherina! Iisang unibersidad lang ang papasukan natin!" masayang sigaw nito. Ang malamang magkasama pala kami sa iisang unibersidad ay nagpasaya na sa akin. Ibig sabihin kasi nito ay may makakausap na ako at hindi ako mag-iisa. Napayakap ako bigla sa kanya dahil sa sayang narramdaman ko. May malalapitan na ako kung saka-sakali. Nang maalala ko ang papel ay bigla akong napamulagat.
"Nasaan ang papel ko? Waaahhh! Baka nagusot mo na. Hindi talaga tayo bati pag nagusot mo 'yan, Lhynne. Sinasabi ko sa 'yo." Agad akong kumalas sa yakap namin para hanapin ito. Napatawa naman ito habang winagayway niya ang papel sa mukha ko kaya napahinga ako ng maluwag.
"Huwag kang mag-alala, hindi ko 'yan inipit para 'di magusot. Ayoko kayang magkaaway tayo. Gusto ko bati tayo lagi." nakangiting sabi nito at ibinalik na sa akin ang papel.
"Iisang unibersidad tayo pero magkaiba tayo nang kurso. Tourism sa akin samantalang sa 'yo ay Hotel and Restaurant Management." saad nito na ikinakunot ko dahil hindi ko alam ang sinasabi niya.
"Ano ang Tourism at Hotel and Restaurant Management?" takang tanong ko at kunot noong hinintay ang isasagot nito.
"Ito ay kurso na kinukuha ng mga estudyante para pag-aralan." paliwanag nito na ikinatango ko. Ah 'yon pala. "Ano ba ang hilig mong gawin?" tanong nito na nakapagpangiti sa akin.
"Mahilig akong magluto at magdesign sa mga kung ano-anong bagay. Puwedeng sa prutas o kaya mga sabon. Basta matitigas." sabi ko na ikinahanga niya.
"Talaga? Marunong kang magdisenyo sa prutas?" manghang tanong nito.
"Oo, lagi ko 'yang ginagawa sa probinsiya lalo na pag wala akong ginagawa. Kaso puro papaya at kamote lang nag pinagpapraktisan ko dahil 'yon lang ang mayroon sa bakuran namin. Mahal kasi ang mga prutas sa bayan eh, kaya nagtitiyaga ako sa kamote at papaya." pahayag ko dito na ikinapalakpak nito. Makikita mo talaga ang paghanga sa mukha niya.
"Bibili ako ng sabon tapos gawan mo ako ha?" masayang sabi nito at yumkaap sa kanang braso ko.
"Ayaw ko nga," biro ko dito na mas lalo nito hinigpitan ang oagyakap nito sa braso ko.
"Hindi kita bibitawan, Katherina. Pag hindi mo ako gagawan, dito lang ako." nakangusong sabi nito sa akin at inihilig pa ang ulo nito sa braso ko. Aba! Ang auwerte naman nitong babaeng 'to.
"Oo na, ikaw pa ba. Gagawan kita ng pinkamaganda kong obra. Kaya umayos ka na diyan, kasi ang bigat ng ulo mo." sabi ko dito at i ilayo ang ulo nito sa braso ko.
Nasa ganoon kaming posisyon nang marinig namin ang pagtawag ni Senyorito Marco sa hapag. Bago kami pumunta sa hapag ay sinenyasan ko muna siya umayos bago kami nagmadaling punasok sa may hapag.
Nakita naming nakaupo na si Senyorito sa gitnang silyakaya agad kaming lumapit dito.
"Ano po 'yon, Senyorito?" Nanatili akong nakatayo sa gilid ni Lhynne habang kinakausap niya si Senyorito.
Tumingin muna si Senyorito sa akin bago nagsalita.
"Sinabi naman na siguro ni Mom sa 'yo na sasamahan kitang bumili ng gamit mo, Mahal ko." nakangiting tanong nito sa akin na ikinatango ko.
Naramdaman ko ang pagsiko ni Lhynne sa tagiliran ko kaya napatingin ako dito. Nakita ko ang mapanuksong ngiti sa labi niya kaya nilakihan ko siya ng mata. At ang loka, ngibisihan niya lang ako na para nang sinasabi nito humanda ako mamaya.
Napaseryoso siya bigla nang tawagin ni Senyorito Marco ang pangalan niya. Agad ko siyang binelatan dahil sa biglaaan nitobg oagseryoso na ikinatawa nito.
"At ikaw naman, Lhynne. Magbihis ka na rin at sasama ka sa amin. Ibibili rin kita nang gamit mo." sabi din nito na ikinasaya naming dalawa.
"Talaga, Senyorito?" masayang tanong nito na ikinatango ni Senyorito nang nakangiti bago nagsalita.
"Kaya magbihis na kayong dalawa at hihintayin ko kayo sa sala." Agad kaming tumalima ni Lhynne. Lalabas na sana ako ng pintuan nang tawagin niya ako.
"Mahal ko,"
Tumingin ako dito at tinanong kung bakit pero nginitian niya lang ako at pinalapit sa kanya.
"May sasabihin ako sa 'yo. Lapit ka dito, Mahal ko." tawag nito sa akin at isinenyas ang tabi nito.
"Ikaw Senyorito ha. Pag nagalit si Inang na pinalitan mo ang pangalan ko. Ikaw ang malalagot ha. Huwag mo ako idadamay, kasi wala akong alam diyan. Ikaw lang may gusto niyan. Kaya ikaw lang dapat ang sumalo sa palo ni Inang. Masakit pa mandin 'yon." napangiwi ako nang maalala ko ang huling pagpalo ng hanger ni Inang sa akin noon.
"Opo, Mahal ko. Ako po ang bahala sa 'yo. Sagot kita," nakangiting saad niya.
"Bery good!" nakathumbs up kong sabi ko dito. "Ano palang sasabihin mo, Senyorito?" tanong ko nang maalala kong tinawag niya pala ako dahil may sasabihin daw siya.
"Gusto ko kasing Mahal ko din ang itawag mo sa akin." sabi nito na ikinakunot ng noo ko.
"Eh di magkaparehas na tayo ng pangalan, Senyorito? Wala kayong orihinality. Gusto niyo pala nang ganyang pangalan eh di sana kayo nalang ang gumamit kaysa 'yong nakikigaya pa kayo sa pangalang binigay niyo sa akin. Hmmmp!" irap ko dito. Paano ba naman kasi gusto niya Mahal ko din ang tawag ko sa kanya, eh di parehas na kami. Ayoko ngang may kapangalan ako.
"Ayos lang 'yon, Mahal ko. Ayaw mo nun magkaparehas tayo ng pangalan." nakangiting sambit nito na ikinailing ko.
"Ayaw ko nga. Eh di ikaw nalang ang gumamit nang pangalan na 'yon tapos Katherina nalang ulit ang pangalan ko. Mas okay pa, kaysa 'yong magkaparehas tayo." seryosong sabi ko dito na ikinatawa niya.
"Aba, Senyorito! Pag tumawa kayo nang walang dahilan, sinasabi ko sa inyo. Ikakandado ko na kayo sa silid niyo. Aba, dumarami na ang nahahawaan niyo. Mahiya naman kayo, Senyorito." pagpapatigil ko dito dahil nag-umpisa na naman itong tunawa nang hindi ko naman alam ang dahilan. Samantalang wala namang nakakatawa. Di ba?
Nakita kong halos matawa na ito kaya tinaasan ko siya nang kilay at minulagatan ito ng mata.
"Ano?" nakataas pa din ang kilay ko nang tarayan ko siya.
"Wala naman, sige magbihis ka na nga doon, Mahal ko. Ipapasyal kita." nakangiti na lang na sabi nito na ikinasaya ko.
"Talaga? Ipapasyal mo ako sa pinagpasyalan namin ni Tiya Meling? EK ba 'yon? Oo 'yan nga. Masaya doon, Senyorito." hindi makapaniwalang tanong ko dito.
"Sige, basta sinabi ng Mahal ko. Masusunod." sabi nito at tinaboy na niya ako paalis.
"Wala nang bawian, Senyorito, ha?" Tumango ito sa akin na mas lalong nagpasaya sa akin.
"Oo Mahal ko, sige na, magbihis ka na doon. Hihintayin ko kayo." Tumayo na ito at iniharap niya ako sa pintuang papunta sa kuwarto ko at marahang itinulak paloob.
"Huwag mo akong iiwan, Senyorito, ha? Mabilis lang ako, pangako." pahayag ko at itinaas pa ang kanang kamay para mangako. Narinig ko nalang ang marahan nitong pagtawa hanggang sa maipasok niya ako sa pintong magdudugtong sa kusina at sa aking kuwarto.
Bago ko isara ang pinto ay tinignan ko muna siya at matamis na ngumiti.
"Maraming salamat, Senyorito." Pagpapasalamat ko dito, nang makita ko ang pagngiti at pagtango nito ay tuluyan ko nang isinara ang pinto.
Agad akong pumasok nang banyo at naligo ulit. Mabilisan lang akong naligo dahil naligo na ako kanina. Nakatapis lang ako ng tuwalya nang lumabas ako ng banyo. Agad akong nagtungo sa aparador kung nasaan ang mga damit ko at inilabas ang nag-iisa kong damit panglabas. Napangiti ako nang maalala ko sina Inang dahil dito. Sinadya ko kasi talagang magkakaparehas kami para magandang tignan.
Agad akong nagbihis at sinuklay na lamang ang mahaba kong buhok. Tapos nagpulbo lang ako at isinuot ko na ang aking sandalyas. Napaisip tuloy ako, paano ako papasok sa paaralan araw-araw kung iisa lang naman ang pang-labas kong damit.
"Bahala na si Batman." sambit ko at tuluyan nang lumabas ng kuwarto at tumungo kung saan naghihintay si Senyorito.
Pagdating ko doon ay wala pa si Lhynne kaya tinanong ko ito sa kanya. Nalungkot naman ako bigla nang sabihin ni Senyorito na hindi na pala ito makakasama dahil walang makakasama si Lola sa pamamalengke nito.
"Ngumiti ka na diyan, Mahal ko. Hayaan mo sa susunod ay sisiguraduhin nating maka-kasama na siya. Kaya huwag ka nang malungkot diyan. Sobrang ganda mo pa naman." Napangiti ako nang malawak dahil sa sinabi niya.
"Talaga? Salamat po sa papuri, Senyorito. Tara na po at nang makapasyal pa po tayo." excited na sambit ko at hindi ko maiwasang mangarap na sumakay ulit sa mga sakayan doon kahit na halos kadamihan doon ay nakakatakot sakyan.
"Tara na, Mahal ko, at nang masulit natin ang unang pamamasyal natin." aya nito sa akin at iginiya na niya ako palabas ng bahay at pinagbuksan ng pinto sa sasakyan nito.
"Salamat po Diyos ko sa maraming biyaya na binigay niyo ngayong araw." sambit ko at napangiti nang malawak nang pumasok na si Senyorito sa loob ng sasakyan at paandarin na ito paalis.