Katherina
Nalulungkot ako dahil ito na ang huling araw ko dito sa probinsiya. Babalik na kasi kami ni Senyorito sa Maynila bukas ng tanghali. At hindi ko na naman masasabi kung kailan ulit ako makakabalik.
Andito kami ngayon sa ilog at dito namin naisipang kumain ng tanghalian. Gusto kong maging masaya kasama ang pamilya ko ngayon araw. Mataman akong nakatingin sa ilog habang inaayos ang mga pagkain sa mesa. Nakikita ko ang kasiyahan sa mga mukha ng mga kapatid ko habang nakikipaglaro ng habulan kay Senyorito.
Mula nang mangyari ang paglakas ng tibok ng puso ko ay hindi ko na hinayaang mapalapit nang husto kay Senyorito. Baka matuluyan na ako ng wala sa oras. Kawawa naman sina Inang pag nagkataon.
"Sumali ka na rin sa kanila, Anak." Napalingon ako kay Inang nang sabihin niya 'yon sa akin.
"Mamaya na siguro, Inang. Tutulungan muna kita dito." nakangiting sagot ko at hiniwa ang pakwan.
"Kaya ko na dito, Anak, matagal ka na namang makakabalik kaya sulitin mo nang makasama ang mga kapatid mo." pahayag ni Inang at kinuha sa akin ang kutsilyo at siya na ang nagtuloy ng ginagawa ko.
Pinagtabuyan na ako ni Inang sa kubo kaya wala na akong nagawa kung hindi ang lumapit sa kanila. Naupo ako sa batuhan at inilaylay ang paa sa tubig. Nakakawala ng pagod ang lamig ng tubig sa ilog. Nagulat nalang ako ng biglang may nagsaboy sa akin ng tubig. Napasigaw ako dahil sa lamig.
"Waaah! Ang lamig!" sigaw ko, tatayo na sana ako para tumakbo nang bigla nalang akong nadulas.
"Ateee!" sabay-sabay nilang sigaw sa akin kasabay ng pagbagsak ko sa batuhan.
"Aray ko. Ang sa-kit na-man." daing ko habang hinihimas ang puwetan kong bumagsak sa bato.
"Ayos ka lang ba, Ate?" nag-aalalang tanong ni Pamela.
"Hindi na 'yan dapat tinatanong. Sa palagay niyo, hindi ako nasaktan? Ang sakit kaya." naiiyak kong sabi sa kanila.
"Pasensiya ka na, Ate, hindi ko naman alam na magugulat ka. Ayan tuloy, nadulas ka." nakayukong sambit ni Isabela sa akin na ikinangiti ko. Halata mo na talagang nagsisi siya sa ginawa niya kaya ginulo ko ang buhok niya at ngumiti.
"Ayos lang 'yon, Isabela. Kasalanan ko din naman dahil hindi ako nag-iingat." nakita kong lumiwanag ang mukha nito dahil sa sinabi ko. Magsasalita pa sana ako nang biglang sumulpot si Senyorito at nag-aalalang tinanong ako.
"Ayos ka lang? Asan ang masakit sa 'yo?" seryosong tanong nito sa akin habang tinitignan ang katawan ko kung may galos ba ako o wala. Napangiti ako nang dahil doon.
"Relax, Senyorito. Malayo po sa bituka. Masakit lang po ang puwetan ko, wala nang iba. Malakas kaya ako." nakangiting sabi ko dito para manahimik na siya. Kahit ramdam ko pa ang kirot ay hindi ko nalang pinahalata para hindi maputol ang kasiyahan namin. Nakita ko namang napahinga ito ng malalim at mataman ako tinitignan. Naninihurado ata siya kung totoo ang sinasabi ko kaya nguniti nalang ako para takpan ang kirot.
"Sigurado ka?" naninigurado pa ring tanong nito sa akin na tinanguan ko. Nakatayo ito sa harap ko habang nakalubog ang kalahating katawan nito sa tubig at nakahawak naman ang dalawa nitong kamay sa bato kung saan ako nakaupo.
"Langoy na tayo." aya ko sa kanya at nginitian ito. Mamaya ko nalang iindahin ang sakit sa may puwetan at balakang ko. Basta ang mahalaga ay ang mag-enjoy kami at sulitin ang araw na ito.
Nang iabot niya ang kamay niya sa harap ko para alalayan. Agad ko itong tinanggap at hindi na nagpabebe pa. At dahil hindi ko natantiya ang pagtalon sa tubig. Lumanding ako sa katawan mismo ni Senyorito. In fairness ang tigas. Mas matigas pa sa batong sumalo sa akin kanina. Napamulagat ako ng sobra nang mapagtanto kong nakahawak ako sa kanyang dibdib. Agad akong namula kaya napayuko ako bigla at inalis ang kamay kong nakahawak dito.
"Nakakahiya ka, Katherina. Ang landi mo!" sigaw ng utak ko. "Ah-eh Sen-yo-rito, i-baba niyo na po a-ko." nauutal kong pakiusap dito na tinawanan lang niya bago niya ako ibinaba. Nahihiya na nga ang tao may gana pa akong pagtawanan. Lakas talaga ng saltik ni Senyorito. Akala ko gumaling na siya, hindi pa pala. Tumatawa pa din ito mag-isa. Dapat sa kanya ipakonsulta na baka lumala pa.
"Ang ganda mo talaga pag namumula ka, Katherina." nakangiting sabi nito at pinisil pa ang pisngi ko. Mas lalo naman akong namula sa ginawa niya. Nagawi bigla ang tingin ko sa naghahagikgikan kong mga kapatid sa hindi kalayuan. Nanunukso ang tingin nila sa amin habang sinisenyas ni Pamela at Isabela ang mga daliri nila at pinagtatabi ito. Habang si Kasandra naman ay pinagkorteng puso ang dalawa nitong kamay. Makikita mo sa mukha nila ang kilig kaya minukagatan ko muna sila bago ako sumagot kay Senyorito.
"Matagal ko nang alam 'yan, Senyorito. Maliit na bagay kung tutuusin." birong sambit ko para pagtakpan ang hiyang nararamdaman ko. Narinig ko nalang ang pagtawa nito at pagsaboy nito ng konting tubig sa aking mukha.
At para mawala na nang tuluyan ang pagkailang ko. Sinabuyan ko din ito ng tubig at mabilis na tumakbo kahit alam kong mahirap 'yong gawin dahil nasa tubig kami. Habang tumatakbo ako ay dumadami ang tubig na sumasaboy sa akin. Pagtingin ko, sumali na rin pala ang tatlo kaya mas binilisan ko pa dahil mag-isa lang ako laban sa apat.
"Inaanngg! Inaangg! Tulungan mo ako." natatawa kong sigaw habang tumatakbo pa din. Narinig ko nalang na sumigaw si Inang at napatawa.
"Kaya mo na 'yan, Anak! Huwag ka nang mandamay pa!" sigaw nito at tumanaw sa amin. Makikita mong masaya ito sa panonood sa amin kaya mas sumaya ang puso ko. Makita ko lang na masaya si Inang, triple ang kasiyahang nadarama ko.
Nagulat nalang ako nang may humapit sa baywang ko at itinaas niya ako sa tubig na para bang ang gaan ko lamang.
"Waaahhhh, Senyorito. Ibaba mo ako." tumatawang sigaw ko dito pero hindi niya ako binitawan bagkus ay tumawa din ito.
"Dali sabuyan mo na din sila para makabawi ka." sabi nito sa akin na agad ko namang sinunod habang tumatawa.
"Daya ni Ate, ang lakas ng kakampi niya." tumatawa ding sigaw ni Pamela sa amin kaya binelatan ko sila.
"Oo nga! Pero kaya natin ito!" sigaw din ni Isabela at naghahanda na rin sa pag-atake.
"Attack!" Nagsisuguran silang tatlo nang isigaw 'yan ni Kasandra at mas lumapit pa sa amin habang sabay-sabay na silang nagsasaboy ng tubig sa amin ni Senyorito.
"Takbo! Senyorito! Andiyan na sila." sabi ko at dire-diretso pa ding nagsasaboy ng tubig sa tatlo habang ito naman ay iniiiwas ako sa mga tubig na sumasaboy sa amin.
"Andiyan na kami Ate!" natatawang sigaw ni Pamela kaya mas napatili ako at nagpumiglas.
Nabitawan ako ni Senyorito dahil sa ginawa ko. Sabay-sabay pa din sila sa pagsaboy kaya para takpan ang mukha ko sa tubig. Agad akong humarap dito at itinago ang mukha ko sa hubad niyang dibdib habang tumatawa. Naramdaman ko naman ang pagyakap nito sa akin. Pagtingala ko, nakita ko ang masayang mukha niya habang tumatawa at nakikipagsabuyan ng tubig sa mga kapatid ko.
Natulala na naman ako dahil bigla nalang ulit tumibok ng mabilis ang puso ko. Kung talagang may gusto ako sa kanya. Ano ba dapat ang gawin ko?
Nakahalata ata si Senyorito na wala na akong imik kaya napalingon ito sa akin at napangiti nang makitang titig na titig ako sa kanya.
"Baka naman matunaw na ako niyan, Katherina." nakangiting sabi nito sa akin kaya napakunot ang noo ko.
"Ice cream ka ba, Senyorito? Bakit ka naman matutunaw?" takang tanong ko dito na ikinatawa niya lang. Kahit may tubig na dumadapo sa katawan namin ay nakuha niya pang ngumiti at gumanti sa mga kapatid ko.
"Ang cute mo talaga." nakatawa niyang sambit at pinisil ang pisngi ko. Nasa ganoon kaming posisyon nang sumigaw si Inang mula sa kubo.
"Tama na 'yan. Kakain na tayo!" malakas na sigaw ni Inang mula sa kubo. Dahil malapit lang ang mga kapatid ko. Mas nauna silang nakaahon at nakarating sa kubo habang kami ay walang imik na naglalakad sa tubig at umahon.
Pinapakalma ko pa kasi ang nagwawala kong puso dahil sa pagkakalapit na naman ng katawan namin.
Pagdating namin sa kubo ay inabutan agad kami ni Inang ng plato at kutsara. Agad ko naman itong kinuha at iniabot ang isa kay Senyorito. Pagkaupo namin, nagulat ako nang sinandukan ako ni Senyorito ng kanin at ulam sa plato ko. Mas lalo namang nagwala ang puso ko dahil sa ginawa niya. Ang hirap ko na ngang pinapakalma tapos mas lalo pa nitong pagwawalain. Hay! Baka mabatukan ko na si Senyorito nito eh.
Nang mapadako ang tingin ko kina Inang at mga kapatid ko. Nakatingin sila sa amin at may mapanuksong ngiti sa mga labi. Agad ko silang minulagatan pero tinawanan lang nila ako.
"Aba! Pasenyorita din si Ate! May taga-silbi. Bongga!" tukso ni Pamela sa akin. Kaya hindi ko maiwasang tignan ito ng masama.
"Tama na 'yang bangayan na 'yan. Baka magtampo ang pagkain sa harapan natin. Kumain na kayo para makaligo pa kayo sa ilog bago tayo umuwi maya-maya." masayang sabi ni Inang.
Kaya tumahimik na kami at kanya-kanya na ng kain. Nang matapos na kami, nagtulong-tulong na kaming ayusin ang pinagkainan bago kami nagpahinga sa gilid ng ilog.
Nagku-kwentuhan lang silang apat samantalang ako ay tahimik at nag-iisip. Hindi ko kasi alam kung paano ko mapapakalma ang puso kong patuloy pa rin sa pagwawala. Katabi ko siya ngayon at hindi ko maiwasang pakatitigan ito.
"Ano ba dapat ang gawin ko pag may gusto ako sa 'yo?" tanong ng isip. Bago lang ako sa ganitong pakiramdam kaya hindi ko alam kung ano ang dapat gawin. Pero isa lang ang masasabi ko. Masaya ako pag kasama at nakikita ko siya. Hindi ko man mapangalanan ang nararamdaman kong ito para kay Senyorito. Masaya pa rin ako dahil kahit sa ilang araw lang ay napasaya niya ako at pamilya ko. Hindi na rin ako umaasang magugustuhan niya ako pabalik. Sa estado palang ng buhay namin ay napakaimposible na. Basta ang alam ko lang ay bumabawi ito sa kasalanang nagawa niya.